MAINGAY ang mga grupong nasa isang apartment sa may timog Avenue. Nag- iinuman ang mga ito at nagsasayawan. Malalakas ang kanilang mga tawanan maging ang kanilang tugtog.
"Oh, yeah!" bulalas ng isang matangkad na babaeng may pagka- tsinita.
Mas lalo pang ginanahang magsayaw ang mga ito. Puro sila mga babae kaya todo giling ang mga ito. Tawang- tawa naman ang dalawang nakaupo sa may sofa na may kanya- kanyang hawak na baso.
"Mabuti nakapunta ngayon," wika ng babaeng kulot namumungay na ang mga mata nito.
Ngumiti ang kanyang kinakausap.
"Walang hindi puwedeng puntahan ni Akheela, Barbie." Sagot nito.
Napataas ang kilay ni Barbie o mas kilalang Barbara Riquerto.
"Oh, I forgot nagrerebelde ka pala!"
"Shut up, Barbara!"
Napatawa nang malakas si Barbara at tinampal si Akheela o Akhee. They were friends since highschool. Shy type noon si Akheela ngunit noong nagkaroon ng problema ang kanilang pamilya, mas ginusto niyang makasama ang mga ito. She turned into wild and adventurous woman. She doesn't care kung ano ang mga sinasabi sa kanya ng iba. As long as she can't feel pain and sadness, life is perfect.
"Akhee, why don't you sleep here tonight?" tanong ni Darlene pagkalapit nito sa sofa at naupo.
Umiling si Akheela na tumingin kay Darlene.
"Darling, magagalit ang hari sa bahay. Baka nga maya- maya lang mag- deploy na 'yun ng mga army dito at lulusubin na tayo."
"It's Darlene not darling, Akhee."
"Don't worry, magkatunog sila kaya pareho lang. Same as asul and blue," nakangising tugon ni Akhee.
Tawanan silang lahat at muling tumungga ng alak. Anim silang magkakabarkada. Hindi man sila 'yung mga rich kids na matatawag, sila naman 'yung mga nasa second level. At masaya si Akheela when she's with them. Nakakalimutan niya ang lahat na kanyang nararamdaman, hinanakit at problema. Nakakalimutan niyang harapin ang katotohanan na ayaw niyang tanggapin. Mas pinipili niyang laging nagbubulag- bulagan.
Maya- maya pa'y lasing na si Akheela. Humahagikhik nang humahagikhik na.
"You're drunk, Akhee." Wika ni Mona sa dalaga.
Humagikhik si Akheela.
"Ops! Magagalit na si hari ngayon. Let me call my knight in shining armor, hik!" tugon ng dalaga at inilabas na nito ang kanyang phone.
Nag- dial ito upang tawagan ang kanyang sinasabing knight in shining armor. Ilang ring lang at may sumagot na sa kabilang linya.
"Hello, Akhee?" sabi ng nasa kabilang linya.
"Hello, Heaven este Hell!"
"Where are you?" may pag- aalalang tanong ng nasa kabilang linya.
Humagikhik muli si Akheela.
"Hell, sunduin mo ako sa apartment ni Barbie."
"Are you drunk?"
"I'm drunk, and I will shrunk let it drop, take me up and swallow my ass!" Kanta ng dalaga.
Nagtawanan na naman ang kanyang mga kasamahan.
"Hell, yeah!" cheering naman ni Thalia.
Nag- thumbs up naman si Akheela sa kanila sabay kindat. Bumuntonghininga naman ang nasa kabilang linya.
"Okay, wait me there!" sabi nito at nawala na sa kabilang linya.
Pinatay na ni Akheela ang kanyang phone at muling tumawa.
"You're a bad girl," wika ni Barbara.
"You're wrong, Barbara! She's seducing that guy!" si Mona.
"No! She's pabebe girl!" si Darlene naman.
"Hep! Shut your dirty mouth! Hell este Hale is my friend no more, no less!" awat ni Akheela sa kanyang mga kaibigan.
Mas lumakas pa ang kanilang tawanan.
"Baka naman friends with benefits!" bulalas ni Thalia.
"Friend is the beginning of love!" si Quennie naman.
Napapailing na lang si Akheela habang tumatawa.
"Stop it! Alam niyo, abogado ko siya kaya erase niyo na mga nakasulat sa mga marurumi niyong isipan!" sermon ni Akhee.
Nagkibit- balikat na lamang ang mga ito habang sila ay tumatawa. Maya- maya pa'y may nag- doorbell na kaya mas lalong kinantiyawan si Akhee ng mga kaibigan niya. Pinandilatan niya ang mga ito at pinapatigil. Binuksan naman ni Barbara ang pinto ng kanyang Apartment.
"Hello, handsome pasok ka!" malanding wika ng dalaga.
Alanganin namang ngumiti si Hale saka pumasok. Nakita nito si Akhee na mapupungay na ang mga mata nitong tila nakangiti pa rin. Napasinghap si Hale at napalunok na lamang ito. Marahan niyang nilapitan ang dalaga.
"Shall we go?" agad na tanong ng binata kay Akhee.
"Sure!" agad na sagot ni Akhee at kumapit na siya sa baywang ni Hale.
"Bye, guys!" wika naman ni Akhee sa kanyang mga kaibigan.
"Bye! Hale, ingatan mo si Akhee ha?" malanding sabi ni Thalia.
Pilit ang ngiti ni Hale saka tinanguan niya ang mga ito at tuluyan nang nagpaalam. Naiwan na ang sasakyan ni Akhee sa Apartment ni Barbara. Ang kotse ni Hale ang kanilang ginamit pauwi.
"Lasing ka na naman," mahinang sabi ni Hale.
"No worry, I can manage."
"I can manage ako naman lagi mo tinatawagan." Himutok ni Hale.
Tiningnan ito ni Akhee bagamat para nang papasara ang mga mata nito.
"Sawa ka na ba sa akin, Heaven?" tanong ni Akhee.
"Ba't naman ako magsasawa, ni hindi nga kita matiis."
"Ay, touch ako sa sinabi mo! Kaya nga lab na lab kita!"
"Totoo?" paniniyak ni Hale.
"Totoo! Cross my heart until you cry!" sabay hagikhik ni Akhee.
Hale rolled his eyes. Sinasabi na nga ba niyang inuukray na naman siya ni Akheela. Pero kahit ganito ito, mahalaga sa kanya si Akheela. At hinding- hindi niya ito pababayaan kahit anuman ang mangyari. Paglingon niya ay tulog na ang dalaga. Inihinto niya saglit ang kanyang kotse at inayos ang posisyon ni Akheela para hindi mangalay. Napapailing na lamang si Hale at masuyong hinaplos ang pisngi ng dalaga. Hinalikan niya ito sa ulo at nagpatuloy na siya sa pagmamaneho.
Magkakaibigan kasi ang kanilang mga magulang. Idagdag pang magkapit- bahay silang dalawa mula pa noong mga bata pa. Hanggang sa nag- aral at nagtapos ay magkasama sila. Naroon si Hale at nasaksihan ang mga malulungkot at masasayang pangyayari sa buhay ni Akheela.
Naroon siya noong mga panahong ito ay mahinhin at nang lumaki ay naging pasaway. Ngunit naiintindihan ni Hale kung bakit nagkaganoon si Akheela. Hindi niya masisisi ito dahil na rin sa mga naranasan ng dalaga. Nagkahiwalay ang mga magulang nito, at naiwan ito sa poder ng kanyang ama. Ang kanyang ina ay bigla na lamang nawala kinalaunan. Hindi naman kasundo ni Akheela ang step- mom nito. O mas tamang sabihing hindi niya ito tanggap. Kasi mabait ang pangalawang asawa ng ama ni Akheela subalit laging aloof ang dalaga sa Ginang. Laging umiiwas si Akheela na lagi nilang pinag- aawayan ng kanyang ama.
Hanggang isang araw ay kinausap si Hale ng ama ni Akheela. Na kung pwede ay bantayan niya lagi ang dalaga. Dahil pansin nitong magkadikit silang dalawa. May mga kaibigan mang babae ito ay mas madalas pa rin silang magkasama. At kagaya ngayon, lagi siyang to the rescue kapag hindi na kaya ni Akheela ang sarili sa kung saan man ito naroon. He can't help it but he is willing to take care Akheela. Because Akheela is one of the most important person in his life.