Kinabukasan ay tanghali na naman nagising ang dalaga. Ganoon kasi ito kapag nasobrahan niya ang alak. Tinungo nito ang sariling bathroom niya at agad naligo. Paglabas niya ay kaagad na bumungad sa kanya ang kanyang Papa na nakaupo sa may sala. Katabi nito ang kanyang step- brother na si Dylan.
"Good morning Ate!" bati ni Dylan sa dalaga.
"Morning!"
Tumingin naman sa kanya ang kanyang Papa. Nag- iwas ito ng tingin at dumiretso sa kusina. Naroon din ang kanyang step- mom na nagluluto na ng pananghalian.
"Gising ka na pala! Dumaan si Hale kanina mga alas sais ka na raw niya susunduin." Wika ni Marga.
"Thank you!" mahinang sagot ni Akhee saka umupo.
"Gutom ka na ba? Tinirhan ka kanina nina Dylan ng ham at bacon. Kukunin ko lang sa loob ng refrigerator."
"No need! Iinom lang ako ng juice, hihintayin ko na lang 'yang niluluto niyo."
"Okay! 'Yung piniga ko na lang na oranges ang kukunin ko sa ref."
Tumango ang dalaga at sinundan nito nang tingin ang kanyang madrasta. May katulong sila pero mas gusto ng kanyang madrasta na siya ang nagluluto para sa kanila. Ewan ng dalaga kung bakit malayo pa rin ang loob niya sa kanyang madrasta. Nakangiti nitong inilapag sa kanyang harapan ang kanyang juice.
"Thank you!" matipid na sabi ni Akhee.
Nginitian lang ito ni Marga at hinarap na nito ang kanyang niluluto. Siya namang pagpasok ng kanyang Papa sa kusina at uminom ng malamig na tubig.
"I want you to go with Hale this time pero, this is also your last warning Akhee." Biglang sabi ni Samuel nang matapos na itong uminom ng tubig.
"I got it," malamig na sagot ng dalaga.
Bumuntonghininga si Samuel habang nakatingin kay Akhee.
"Hindi ko alam kung bakit ka nagkaganyan. You're a kind and sweet girl back then. What happened Akhee?"
"Hon," sabad naman ni Marga.
Napasulyap naman si Samuel sa kanyang asawa at pinandilatan siya nito. Nagkibit- balikat lang si Samuel at hindi nagsalita.
"Magpasalamat ka at lagi kang ipinagtatanggol ng iyong madrasta." Patuloy ni Samuel.
Tumingin si Akhee kay Marga ngunit hindi ito umimik. Ngumiti naman si Marga kahit hindi nagsalita si Akhee.
"Anak, hindi kita pinagbabawalang makipagbarkada. Pero ang maging lasinggera ay hindi magandang tingnan sa isang dalaga. Katamtamang tikim lang anak sapat na huwag 'yung sobra." Pangaral ni Samuel.
"Okay! Hindi na mauulit,"
"Dapat lang! Dahil kung hindi lagi mong kasa- kasama si Hale sa bawat lakad mo."
"Okay lang!" sabi ng dalaga sabay tayo.
"Tawagin niyo na lang ako kung luto na ang ulam." Patuloy nito at lumabas na siya ng bahay.
Nagkatinginan ang mag- asawa.
"Honey, kapag naman bagong gising huwag mong sermunan kaagad. Aba'y sasama talaga ang loob no'n!" sabi ni Marga.
Niyapos naman ni Samuel ang kanyang asawa.
"Hindi ko alam kung bakit lagi mong kinakampihan ang batang 'yan. Pero, salamat honey!"
"Dahil pagkalinga ang kanyang higit na kailangan hindi 'yang sermon mo. Kaya lumalayo siya sa atin eh! Kasi ang alam niya, wala na siyang puwang sa bago mong pamilya. Intindihin natin siya, Samuel."
"Oo na! Panalo na naman kayong dalawa. Pero sana matanggap ka na rin ni Akhee."
"Tanggap niya ako ramdam ko. Ayaw niya lang ipahalata sa atin. Dahil kung hindi, hindi niya sana ako kinakausap o pinapasalamatan sa lahat ng ginagawa ko para sa kanya."
"Salamat honey!"
"O, siya! Tatawagin ko na lang kayo kapag naihanda ko na ang ating pananghalian."
"Sige honey!"
At tuluyan nang lumabas si Samuel mula sa kusina. Natatawa na lamang na naiiling si Marga at hinarap na muli nito ang kanyang niluluto. Ilang minuto lang at naluto na ang kanilang pananghalian. Nakisabay naman si Akhee na kumain dahil paborito niya ang niluto ng kanyang madrasta. Espesyal na kaldereta ang niluto ni Marga laging bongga ang niluluto nito especially sa weekends dahil kumpleto silang lahat.
Eksaktong alas sais ay nakagayak na si Akheela. Atat na atat na kasi itong umalis ng kanilang bahay. May bitbit din itong regalo para sa engagement party na dadaluhan nila. Nakasuot siya ng tube long dress na may slit sa right leg niya. Hapit na hapit ito sa kanya at kitang- kita ang makinis niyang likod dahil nakatali ang mahaba niyang buhok. Mas lumutang ang kanyang angking kagandahan. May maliit na travelling bag na lagayan ng iba pang damit ng dalaga.
Buong paghanga namang pinagmasdan ni Hale ang kagandahan ni Akheela. Napangiti ito at napapasipol. Nang makapagpaalam na sila ay nagtungo na sila sa darausan ng party. Sa isang beach resort iyon ngunit dadaluhan ng ibat- ibang panauhin. Ang may gustong magbabad sa beach hanggang bukas ay pupuwedeng mag- over night. At 'yun ang napagpasyahan ng dalawang grupo. Ang grupo nina Hale at ang grupo nina Akheela.
Marami ng tao nang makarating sila sa resort. Napakaliwanag ng buong resort, maraming palamuti at maganda ang tugtugin.
"Party ba ito o celebration?" biglang tanong ni Akhee kay Hale.
Ngumisi si Hale habang hawak ang dalaga sa kamay.
"Both!"
"Infairness, bongga!"
"You'll gonna enjoy tonight Akhee!"
"Absolutely!"
"Tara na sa mesang kinaroroonan ng ating mga kasama!" yakag ni Hale sa dalaga.
Magkapanabay silang nagtungo sa mesang nakalaan para sa kanilang magbabarkada. Nakita nila ang kanilang mga kaibigan na tila enjoy na enjoy na sa party. Maingay na ang mga ito at malakas ang kanilang mga tawanan. Nang malingunan sila ay agad na tumigil ang mga ito na para silang nakakita ng kababalaghan.
"Sorry for late!" wika ni Hale.
"It's okay, Master!" sagot naman ni Bruno.
Ngumisi naman ang mga barkada ni Akheela. At makahalugan ang kanilang mga tingin. Kung kaya't pinadilatan ng dalaga ang mga ito.
"Ops! Bagay kayo!" puri ni Darlene.
"Stop it! We're just friends!" pandidilat na sagot ni Akhee sa dalaga.
Muling nagkatawanan ang lahat. Binalingan naman ni Hale ang binatang tahimik lang at pangiti- ngiti. Artistahin ang mukha nito at kahit na sinong babae ay tiyak na mabibighani sa kaguwapuhang taglay niya.
"Oh! Our King is here! Vladimmir, meet Akheela!" sabi ni Hale.
Tumigil naman si Akheela sa pagtawa at kinamayan si Vladimmir. Tila may boltahe ng kuryente ang gumapang sa katawan ni Akhee kung kaya't agad niyang niyang binitawan ang kamay ni Vladimmir. Napaupo tuloy ang dalaga at namula ang kanyang pisngi.
"Nice to meet you!" nasabi na lamang ni Akheela.
Tinanguan lang naman siya ni Vladimmir. Agad na nag- iwas nang tingin si Akheela dahil tinatamaan siya sa mga titig ni Vladimmir. Ang mga sumunod na mga pangyayari ay hindi na maalala ni Akheela. Basta ang alam niya ay nagsayawan sila, nag- inuman at grabeng kasiyahan. Hindi niya alam kung anong oras sila tumigil at natulog.
Basta pagkagising ni Akheela ay magkatabi na sila sa iisang kama ni Vladimmir. At nasa harapan nila ang kanilang mga kaibigan. Kung kaya't agad nagtalukbong ng kumot ang dalaga at hindi makatingin sa mga ito. Ganoon din si Vladimmir nakatungo na lamang ito at napuna ang dugo sa sapin ng kama. So, he's so sure na virgin pa pala si Akheela.
"I don't know what to say," malungkot na sabi ni Hale na tila binagsakan ng langit.
Tumingin si Akheela sa mukha ni Hale na parang umiiyak ang binata. Nakaramdam tuloy si Akheela ng awa para sa binata.
"Hale, I'm sorry!" naiiyak na ring sabi ni Akheela.
"Don't be!" maagap na tugon ni Hale.
"Get dress Akhee! Tito is in the parking lot right now!" sabi naman ni Barbara.
"What?!" sabay na bulalas nina Akheela at Vladimmir.
"At anong gusto mong gawin ko, Vlad? Nararapat lamang na panagutan mo si Akhee." Si Hale ang sumagot.
Hindi nakaimik si Vladimmir napabuntonghininga ito at napailing- iling. Lumabas naman na ang iba kaya marahang naglakad si Akheela papunta sa bathroom habang nakatapis ito ng kumot. Naiwan si Vladimmir na napapakamot sa kanyang ulo at hindi alam ang kanyang iisipin.
Hanggang sa dumating na rin ang mga magulang ni Vladimmir sa resort. Nag- usap ang magkabilang partido habang sina Akheela at Vladimmir ay lutang pa rin sa mga nangyayari.
"Kung hindi mo mamasamain balae, maaaring tumira si Akhee sa aming bahay pagkatapos nito." wika ni Mrs. Montero.
"What?! No way!" sabad ni Akheela.
"Shut up! You've caused this and accept your punishment!" sagot naman ni Samuel na ama ni Akheela.
Muling tumingin si Samuel sa mga magulang ni Vladimmir.
"Pumapayag po ako at nang maisip niya ang kanyang pagkakamali. Ang hindi ko lang sigurado ngayon ay ang desisyon ng inyong anak."
"Vlad, what can you say?" tanong naman ng ama ng binata.
"Ahm, kung iyon po ang kagustuhan ninyo papayag na rin po ako." sagot ni Vladimmir.
"Alam kong lutang pa rin ang mga bata balae. But I can assure you na pananagutan ni Vladimmir ang iyong anak." Sabi ni Mrs. Montero.
Tumango- tango naman si Samuel at tiningnan si Akheela nang masama. Hindi na lang din nagsalita pa si Akheela kahit gusto niyang tumutol. Nakiayon na lang siya sa mga ito kahit hindi bukal sa kanyang kalooban. Ano ang magiging kahinatnan ng relasyon nila ni Vladimmir kung wala 'yong tinatawag na "closure". Mas lalong sumakit ang ulo ni Akheela sa kanyang mga iniisip at lihim niyang sinulyapan si Vladimmir. Tahimik lang ito at manaka- nakang umiiling. Bigla itong tumingin kay Akheela kung kaya't mabilis na umiwas ng tingin ang dalaga.