KAY bilis ng mga nangyari sa buhay nina Akheela at Vladimmir. Kahapon lang isa silang good timer ng mga hang outs at party. Ngayon, magiging mag- asawa na sila. Hindi pa nagsi- sink in sa isipan ni Akheela kung ano ba talaga ang nangyari bakit nagkasiping sila ni Vladimmir. Wala talaga siyang maalala kahit na konting eksena sa kanilang pinagsaluhan. It's strange dahil kahit anong lasing niya naaalala pa rin niya kung ano ang mga nagdaan buong gabi. And hindi siya naglalasing ng sobra kapag party ang kanyang dinadaluhan. Dahil alam niya ang kanyang limits, ayaw niyang maging katulad siya ng iba na kapag lasing kusang bunubukaka. Party goers siya pero kahit papaano, mahinhin ang kanyang kaselanan hindi iyon basta- basta bumubuka nang kahit na sino. Nauntag si Akhee ng isang tikhim sa kanyang likuran. Hindi siya lumingon dahil alam niyang si Vlad iyon.
"It's time to eat!" kaswal na sabi ng lalaki.
Tumango lamang si Akhee. Dalawang araw na siya sa bahay nina Vlad magmula nang matapos ang usapan ng kanilang mga magulang. Ni hindi nga sila magkatabi sa pagtulog, sa sahig natutulog si Vlad. May manipis na kutson ito na siyang kinahihigaan niya. Sa kama naman si Akhee, halos hindi sila nag- uusap man lang o nagkakatinginan. Nakakatawang maging mag- asawa sila na parang strangers naman sa isa't-isa. Namimiss na niya si Hale infairness. Namimiss na niya ang buong tropa niya at ang kanyang sariling kwarto. Bantulot na tumayo si Akhee at lumabas ng nila ni Vlad. Mas malaki ang bahay nina Vlad kaysa sa kanila mas mayaman naman kasi ang lalaki. Nakatira siya ngayon sa isang Mansiyon. Marahan siyang bumaba sa mahabang hagdan patungo sa dining room. Natanaw niyang naroon na ang mag-asawang Montero. Kiming ngumiti si Akhee nang malingunan siya ng mga ito. Nagkatinginan sila ni Vlad parang tinatamad pa ang binata na tumayo para hilahin ang uupuan ni Akhee.
"Kumusta ang buong araw mo iha? Puwede kang maglibot- libot dito sa Mansiyon kung gusto mo!" wika ni Mrs. Tuazon o Donya Amara.
Kiming ngumiti ulit si Akhee.
"Okay naman po! Gagawin ko po 'yan!" mahina nitong sagot.
"Mainam naman iha kung ganoon! Vlad, papasukat kayo ngayon ng inyong damit pangkasal. Sasamahan kayo ng Mommy mo!" tugon ni Don Ismael na kay Vlad na tumingin.
Tumango lang si Vlad ni hindi nito tinapunan ng tingin si Akhee. Mabuti pa noong party halos matunaw siya sa mga titig nito sa kanya. Kumakabog pa nga ang kanyang dibdib sa tuwing magtatama ang kanilang mga mata noon. Kinilig din siya that night at hindi mapakali. Pagkatapos, hayun na nga ang nangyari. Hindi na rin nagparamdam si Hale magmula noong may nangyari sa kanila ni Vlad.
"Anu- ano ba ang mga gusto mong motiff Akhee?" tanong ng Donya.
Kaya napainom ang dalaga ng tubig.
"Kahit ano po basta maganda!" sagot na lamang niya.
"No. Kung ano ang dreame wedding mo, this is it! You can do what you want as your dream wedding!" Masiglang wika ng Donya.
Natigilan bigla si Akhee. Ano ba kasi ang kanyang dreame wedding parang wala naman. Wala pa kasi, hindi naman jowa ang kanyang inatupag noon kundi liwaliw in life.
"Doon na lang siya mamili honey! Mukhang nahihiya pa ang ating manugang!" sabi naman ni Don Ismael.
Ngumiti si Donya Amara at tinapik ang mga kamay ni Akhee.
"Don't be shy! Ilang days na lang officially Mrs. Tuazon ka na rin." Ani nito.
Alanganing gumanti nang ngiti ang dalaga. Gusto niyang tumutol pero nahihiya siya. At the same time, inaalala niya ang kanyang Papa. Noon lamang niya nakitang nagalit ito sa kanya sa kabila ng kanyang parerebelde noon. Ayaw naman niyang umuwi at baka magkasagutan lang silang mag- ama.
"Kumain kayong mabuti dahil maghapon itong gagawin natin. Kaya lahat ng gusto niyo sa inyong wedding ilalagay niyo na para maayos na nila ang lahat. Nasimulan na ang invitation cards, pick up na lang ang kulang so dadaanan natin mamaya." Saad ng Donya.
"But Mom, saan kayo kumuha ng picture namin?" maang na tanong ni Vlad.
Napatitig si Akhee kay Vlad, akala niya kasi nalunok na nito ang kanyang dila kaya hindj makapagsalita.
"Hindi ko naman sinabing kukunin na natin, the truth is picture taking niyo nga mamaya. So, wear someone casual and presentable okay?" turan nito.
"Okay!" maikling sagot ni Vlad.
Tumango lang din si Akhee hindi na ito nagsalita pa. Kung siya ang tatanungin, kahit anong motiff okay na sa kanya no problems. Basta para sa kanya kahit anumang ilalagay nila ay maganda na. Basta maganap ang kanilang kasal okay na para kay Akhee. After all, ano nga ba ang marriage status sa buhay ng isang tao. Hindi niya muna maintindihan sa ngayon kasi hindi naman maganda ang relasyon ng kanyang mga magulang na kinamulatan niya. Pero ang pangalawang pamilya ng kanyang Papa ay okay naman sila niarga na step mother niya.
"Ninenerbiyos ka ba iha? Well, ganyan talaga ang mga malapit nang ikasal aligaga at hindi mapakali." Puna naman ni Donya ni Donya Amara.
Ngumiti pa rin si Akhee pero ramdam niyang namula ang kanyang pisngi.
"Hindi naman ho!" Tipid niyang sagot na siya namang tunay.
Tumango-tango ang Donya at sinabi nitong kumain ng marami si Akhee. Tango na lang din ang naisagot ng dalaga para matapos na ang usapan. Konti lang din ang kinain ni Vlad, tumayo na ito at nagpaalam pagkatpos. Sinundan na lamang ni Akhee nang tingin ang binata. Mas lalong hindi niya masisinuo kung anong klaseng pamilya ang kanilang bubuuuin without love. Sabagay meron namang successful couple na nagpakasal without love. Meron ding arrangements wedding na naging love kinalaunan. But da mga pelikula lang iyon matatagpuan at sa mga pocket books, wala pa siyang balitaan in real life. Saka wala naman siyang pakialam kung meron man , may sarili siyang buhay na mas dapat niyang pagtuunan . Nagpaalam na rin si Akhee sa mag-asawa nang matapos na itong kumain. Bumalik siya sa loob ng kanilang kwarto ni Vlad. Napansin niyang tila wala roon ang binata kaya nagpasya na iitong maligo na lamang. Nakakahiya naman kay Donya Amara kung paghihintayin niya ito. Mabalisan din lang ang kanyang pagligo, wala sa kondisyon ang kanyang katawan para maligo nang matagal. Nagulat pa siya ng paglabas niya ay nasa labas ng pintuan si Vlad nakasandal.
"A-Anong ginagawa mo riyan?" nautal na tanong ni Akhee.
"Siyempre maliligo, ang tagal mo!" banas na sagot ng binata.
Tataratan niya sana si Vlad dahil hindi siya sanay na binabara siya ang madalas na mambara sa mga taong ayaw niya. Pero naisip niya, hindi niya bahay iyon at sampid lang siya. Minabuti na lamang niyang hindi na lamang magsalita kaya nilagpasan na niya di Vlad at tinungo ang walk in closet niya. Narinig naman niyang pumasok na si Vlad sa loob ng banyo. Napabuga nang hanhon si Akhee, halos hindi siya makahinga sa Mansiyon. Hindi niya alam kung makakatagal siya roon. Ngayon pa lang parang hindi nga magwo- work out ang kanilang relasyon sigurado na iyon. Napangiw iyo nang mapasadahan niya ng tingin ang kanyang mga damit sa loob ng walk in closet. Wala siyang dinalang damit pagtuntong sa Mansiyon. Iyon ang kagustuhan ng Mommy ni Vlad. Aniya, binilhan na raw siya kaya pumayag siya ulit. Hindi niya sukat akalaing, walang pantalon doon. Kundi karamihan ag bestida, casual wear, skirt, skiny jeans, high heeled, flat shoes,at kung anu-ano pang damit ng isang mayaman. Napaikot na lamang ni Akhee ang kanyang mga mata dahil tiyaj na mahihirapan siyang pumili sa mga damit na hindi naman siya sanay isuot. No choice siya kaya keri na lang flat shoes na ang kanyang pinili at isang maroon na bestida hanggang lagpas tuhod. May belt sa gitna na saktong sumukat sa kanya. Infairness magaling ang Donya sa pagbili ng mag iyon, kasyang- kasya sa kanya. Talagang alam ng Donya ang kanyang sukat kahit hindi pa niya sinasabi. Kaya inayos na lamang ni Akhee ang kanyang mukha pagakatapos ay lumabas na siya nang makuntento na siya sa kanyang ayos.