HALOS naging sunud- sunuran si Akhee sa mga tinanong at gustong gawin ni Donya Amara. Ganoon din si Vlad na tango at iling lang naiambag sa kanilang wedding preparations.
"Ayusin niyo nga mga mukha niyo sa photoshoot!" sabi ng Donya na kay Vlad nakatingin.
Napatuwid naman ng tindig ang binata saka napatikhim.
"Once in al life time lang ito, lalo na first wedding niyo. Kapag nagkahiwalay kayo at ikakasal kayo ulit wala na 'yong excitement kasi nabuhos niyo na lahat dito. Which is ayaw naman naming mangyari sa inyo ang magkahiwalay!" sermon ng Donya.
Inayos naman ni Akhee ang kanyang mukha dahil nakakahiya naman sa Mommy ni Vlad. Nag- i- effort ito for their wedding. Ayaw naman niyang sumuway dahil nakakahiya talaga. Sakto namang dumating ang Papa ni Akhee. Nginitian niya lang ito sabay mano.
"Kanina pa ba kayo balae?" tanong ni Samuel.
Si Marga naman ay agad na nilapitan si Akhee at inayos ang buhok nito.
"Are you okay? Do you feel uncomfortable?" tanong nito kay Akhee.
"No. I'm okay Tita!" sagot ng dalaga pero sa loob nito, she's not okay talaga.
Tumango-tango naman si Marga.
"Hale is here!" pahayag ng Ginang.
"Talaga po?!" agad na lumiwanag ang mukha ni Akhee kasabay ng paglitaw ni Hale.
Agad na ngumiti si Akheela at sinugod niya ng yakap si Hale.
"Akala ko galit ka pa rin?" nakangusong sabi ng dalaga.
"Matitiis ba naman kita? Best friend tayo eh!" masayang sagot ni Hale.
Napalundag naman sa tuwa si Akhee. Wala nang mas sasaya pa kapag si Hale ang kanyang kasama. Parang lahat ng nasa kanyang kalooban ay nailalabas niya. With Hale, malaya siya.
"Who's that young man?" tanong naman ni Donya Amara.
"Ahm... Akheela's childhood friend and bestfriend when they are grown up!" sagot ni Samuel.
Tumango-tango si Donya Amara saka napasulyap kay Vladimmir na blangko ang expresyon ng mukha nito.
"Ahm...Akhee pumuwesto na kayo ni Vlad para sa photo shoot ninyo!" tawag ng Donya.
Tumango si Akhee at nagpaalam saglit kay Hale. Walang imik namang pumunta sa harapan sina Akhee at Vlad. Naupo si Akhee sa binti ni Vlad habang nakahapit sa kanyang baywang ang isang kamay ng binata. Kapwa sila napalunok dahil ramdam nila ang tila kuryenteng napadaloy sa kanilang mga katawan. Iyon ang naramdaman ni Akheela noong una silang magkamayan ng binata. A strange feeling na kay Vlad lang niya nararamdaman.
"Smile! And eye to eye contact!" sabi ng photographer.
Sinunod naman nilang pareho ang instructions ng photographer. Nakadantay kasi ang dalawang kamay ni Akhee sa mga balikat ni Vladimmir.
"Perfect! Next, hawakan mo ang baba ni Akhee Vlad while looking each others!" muling sabi ng photographer.
Ginawa naman nilang dalawa while one of Vladimmir's arms wrapped on Akheela's waist. Si Akheela naman ay nakakawit din ang isang braso nito sa katawan ng binata. Nakadantay naman ang isa sa dibdib ni Vlad. A very romantic scene and pictures na kahit ang mga naroon ay kinilig. Damang- dama ni Akhee ang kabog ng kanyang dibdib at sa dibdib ni Vlad. Magkatulad ang bilis at kabog ng kani- kanilang mga dibdib. Habang magkahinang ang kanilang mga mata na tila hinihigop ang isa't-isa.
"Oh my God! Kinikilig ako balae! Look at them, they are both in love and bagay talaga sila. I didn't know na natupad ang ating usapan with your late wife!" bulalas ni Donya Amara.
Napangiti tin si Samuel maging si Marga.
"Tama ka! Marahil masaya na ngayon ang iyong bestie sa heaven. Nagkatotoo ang inyong gustong mangyari. Nagpapasalamat nga ako at nagtagpo silang dalawa hindi sa ibang lalaki napunta si Akhee." Sagot nito.
Napatikhim naman si Hale. Naririndi siya sa mga sinasabi ng kanyang mga nasa tabi. Habang nakaguhit ang plastik na ngiti sa labi nito ay ang pagkalamlam naman ng kanyang mga mata. Nang matapos sina Akhee at Vlad sa photo shoot ay agad niyang muling nilapitan si Hale.
"Anong ginawa sa past days?" tanong ni Akhee.
"Wala, jogging and hiking!" kaswal na sagot ni Hale.
"Akhee anak, tabihan mo naman si Vlad, makapaghihintay naman si Hale." wika ng Papa ni Akhee.
"Po?" aniya sabay lingon kay Vlad na madilim ang anyo sa may couch.
Hinihintay nila ang resulta ng kanilang mga pictures. Habang si Donya Amara ay busy sa pakikipag-usap sa mga staff ng studio.
"Sandali lang!" baling niya kay Hale.
"Sige! I can wait!" sagot ni Hale.
Nagtama ang mga mata nina Hale at Vladimmir, magka-grupo sila and they are friends. Subalit tila nawalan ng amor si Hale kay Vladimmir magmula nang may mangyari sa kanila ni Akhee. Si Hale ang unang nag- iwas ng tingin. Hangga't maaari, ayaw na muna niyang kausapin ang binata. Tahimik namang naupo si Akhee sa tabi ni Vlad. Natitigan ito ni Vlad at walang sabi- sabing hinatak niya ang dalaga papalapit sa kanya nang mas dikit. Inakbayan niya si Akhee sabay lingon kay Hale na masama na rin ang timpalada ng mukha nito. Mabilis na tumalikod si Hale at humakbang paalis. Bigla namang napatayo si Akhee upang habulin si Hale subalit maagap na nahawakan ni Vlad ang kamay niya. Kaya nagtatanong na mukha ang ibinigay niya rito.
"It's our wedding presentation, kumalma ka naman. Nakatunghay ako bilang mapapangasasa mo so was my mother." Sabi ni Vlad.
Napaawang ang labi ni Akhee so far iyon na ang pikamahabang convo nilang dalawa. Kaya medyo nagulat si Akhee dahil nagsalita rin sa wakas ng medyo mahaba si Vladimmir.
"Ahm... tatanungin ko sana kung saan siya pupunta!" sagot ni Akhee.
Muli itong hinila papaupo ni Vlad.
"Malaki na siya!" wika nito .
Hindi na sumagot si Akhee natitigan na lamang ni si Vlad. Kapagkuwan ay lumapit sa kanila si Donya Amara.
"Bukas na nila ma- deliver ang mga invitation cards. And ang inyong pictures! So, hihintayin naton bukas pagkatapos ng inyong seminar!" sabi ng Donya.
Sabay silang napatango. Unti-unti ring pinakawalan ni Vladimmir ang kamay ni Akhee na hawak niya. Kaya nakahinga nang maluwag si Akhee basta kasi nagkakadikit sila ni Vladimmir kakaiba ang kanyang nararamdaman. Hindi katulad kay Hale, walang naikakailang na damdamin ang lumulukob sa kanya kapag kasama niya ito. Nang makapagpa- alam sila sa staff ng studio ay lumabas na sila mula roon. Napangiti si Akhee nang makita niyang nasa labas lang pala si Hale naninigarilyo.
"Kailan ka pa natutong manigarilyo?" agad na tanong ni Akhee sa binata nang malapitan niya ito.
"Isang stick lang! Noong huli tayong um- attend sa isang party." Sagot ng binata.
"Itigil mo 'yan habang hindi ka pa nalulong. Nakakasama kaya ng kalusugan iyan!" Tugon ng dalaga.
Sasagot pa sana si Hale subalit naputol iyon sa malakas na tikhin ni Vladimmir. Kaya napabuntonghininga na lamang si Hale at muling humithit sa hawak nitong sigarilyo.
"Come on Akhee, we need to eat lunch!" wika naman ng Donya.
"Sige mamaya ulit!" sabi naman ni Akhee kay Hale.
Tango lang ang isinagot ng binata sabay basura sa upos ng sigarilyo.
"Tara na at sumunod na tayo sa kanila!" sabi naman ni Samuel kay Hale.
"Sige po!" sagot ng binata at muling tinanaw si Akhee na pumasok na sa loob ng kotse.
Sumunod na rin si Hale sa loob ng sasakyan nina Samuel.
"Naninibago ka siguro sa sitwasyon niyo ngayon ni Akheela ano?" tanong ni Marga kay Hale.
Bahagyang natawa ang binata.
"Oo nga po eh! Nakakailang na nakakatawa!" sagot nito.
"Naku! Sanayin mo na ang sarili mo sa konting pagbabago ng inyong relasyon. Mag-aasawa na siya kaya hindi na kagaya ng dati ang inyong samahan." Turan ni Marga.
"Naiintindihan ko po!" tugon ng binata saka nito ibinaling ang kanyang paningin sa labas ng binatana ng sasakyan.
"But you can still be as a bestfriend!" sabi ulit ni Marga.
"Thank you Tita! I will naman talaga at lagi akong nandito para sa kanya!" matapat na sagot ni Hale.
"Ay ang sweet mo talaga Hale! Suwerte ang mapapangasawa mo, bukod sa guwapo ka na mabait ka pa. Hindi ba honey?" baling ni Marga kay Samuel na nagmamaneho.
"Oo naman tiyak 'yun! And Akheela was very lucky to have you as her best friend!" sagot ni Samuel.
"Salamat po sa papuri!" nakangiting wika ni Hale.
Maya-maya pa'y nasa harapan na sila ng isang mamahaling restaurant. Lumabas na rin sina Akheela mula sa kanilang sasakyan. Ganoon din sina Hale at Samuel. Hindi nila naisama sina Dylan at Wayne dahil may mga exams ang mga ito. Pinakumusta na lang nila ang kanilang step sister sa mag- asawa na malugod namang sinagot ni Akheela nang pangungumusta rin.
Magkakasama sila sa isang round table na pang- maramihan. Marami ring inorder na pagkain si Amara. Magkahanay naman paharap sina Akhee at Hale habang magkatabi sina Akhee at Vladimmir. Nagkasya na lamang sina Hale at Akheela sa kanilang pagkakangitian at pagtitinginan habang panay ang buntonghininga ni Vlad at tikhim. Nagsimula na silang kumain lahat. Palibhasa sila ay gutom na rin kaya wala munang nagsalita ni isa sa kanila. Nagulat naman si Akhee nang nilagyan ni Vlad ang kanyang plato ng kanin at ulam. Nagkangitian naman sina Samuel at Amara. Mukhang nagkakamabutihan ang dalawa na siyang ikinasasaya nila.
"Thank you!" kiming sabi ni Akhee kay Vlad.
"It's my duty!" maikling sagot nito sabay subo at tumingin ng diretso kay Hale.
Na matapang namang sinalubong ng binata saka ito ay sumubo rin.
"Ang reception nga pala balae ay sa Mansiyon para mas malawak. Kasi noong malaman ng mga kamag-anak ni Alliyah lahat ay gustong pumunta. Kahit pa raw gumastos sila ng malaki!" pahayag ng Donya.
"Okay lang! Karapatan nila iyon dahil pamangkin naman nila si Akhee." Sagot ni Samuel.
"Sabik na raw silang makita itong si Akhee. Ten years old daw siya noong last mong ipasyal sa bacolod." Wika pa rin ng Donya.
"Oo kasi naging sakitin na siya noon bawala bumiyahe. Sino bang nakausap mo si Alora?" tugon ni Samuel.
"Oo! Sabi niya bakit daw hindi mo sinabi agad!" ani ng Donya.
"Nawala na sa isip ko! Alam mo naman hindi maganda ang nangyari bago natin sila ipakasal." sagot ni Samuel.
"Sabagay! Hindi ko na sinabi na hindi maganda ang simula ng dalawa." wika ni Amara.
"Mabuti naman kung ganoon manenermon lang si Alora." sambit ni Samuel na ikinatawa ng Donya.
"Kumain lang kayo huwag mahihiya!" baling naman ng Donya kina Marga at Hale.
"Sige lang!" nakangising sagot ni Marga.
Muling kumain si Donya Amara .
"Water?" kapagkuwan ay alok ni Vladimmir kay Akhee.
"Sige, salamat!" sagot ni Akhee sabay kuha sa hawak ni Vladimmir na bottled water.
Uminom naman si Akhee kahit papaano.
"Akhee, why don't you eat shrimp?" puna ng Donya.
"Allergy po siya sa shrimp!" mabilis na sagot ni Hale.
Kaya napatingin ang lahat ng mga mata kay Hale sa bilis nitong sumagot.
"Wow! Best friend nga talaga kayo! You know what is right or wrong for Akheela!" puri ng Donya.
"Kahit po likaw ng kanyang bituka alam ko po" pabirong sagot ni Hale.
Natawa ang Donya.
"Ilan na lamang ang may ganyang friend!" wika nito.
"Oo naman po! And I wilp be here for her at all times!" tugon ng binata.
"Wow! How sweet! I like that! Hindi ba friends din kayo ni Vlad if I'm not mistaken!" sabi ni Amara.
"Opo sa boy group namin lalo na sa hang out at party." Matapat na sagot ni Hale.
"Well, that's great! Both friends mo ang husband and wife to be! I'm sure isa ka sa gagabay dito sa dalawa." Si Amara ulit.
"Makakaasa po kayo!" wika ni Hale.
Nabagsak naman ni Vlad ang hawak nitong tinidor sa kanyang plato. Gulat na napatingin din sa kanya ang lahat.
"Sorry, my hand just slipped!" wika nito.
"Konting ingat iho!" sabi naman ni Amara sa kanyang anak.
Tumango lang si Vlad saka muling tumingin kay Hale na nagyuko na saka ito ay sumubo ng pagkain. Binalingan niya si Akhee na tila busy na rin sa pagkain nito. Muling napabuga nang hangin si Vladimmir at hindi na nito tinapos ang kanyang pagkain.