DUMIRETSO silang lahat sa Mansiyon para naman sa mga dekorasyon. May mga wedding designer na naghihiganti sa kanila roon. Nakaramdam ng hapo si Akheela. Ganoon pala ang kahirap ang maghanda para sa kasal na kailanman ay hindi pinangarap. Failed relationship kasi ang kanyang namulatan kaya tila wala siyang kaamor- amor sa kasal. Ang kasal na ipinangako niyang hindi mangyayari sa kanya subalit heto ngayon, sa isang araw ay ikakasal na siya.
"Balae, simbahan pa rin ang kasalan pero dito ang reception." Sabi ni Amara kina Samuel.
"Okay lang balae, mas malawak naman dito kumpara sa village. Mas makakagalaw ang ating mga bisita." Sagot ni Samuel.
Nakikinig lang sina Akhee at Vlad na manaka-nakang nagtitinginan.
"Pagod ka na?" biglang tanong ni Hale kay Akhee.
"Medyo," kiming sagot ni Akhee.
Bigla namang inakbayan ni Vlad si Akhee sabay haplos sa likod nito. Nagulat ang dalaga sa totoo lang, nagsitayuan pa ang kanyang mga balahibo. Napapaisip tuloy si Akhee kung bakit kakaiba ang ikinikilos ni Vlad ngayon. Samantalang hindi naman sila nagkakalapit at nagkakausap. Siguro ay pakita niya lang iyon kasi naroon ang kanyang Papa. Para makita ng kanyang Papa na okay silang dalawa. Nakaramdam naman ng konting kasiyahan si Akhee kahit paaano. Marunong naman palang makisama si Vlad kahit tahimik ito at sin lamig ng yelo. Sinamahan naman nina Amara ang mga wedding designer na tingnan ang malawak na hardin. Para alam nila ang kanilang gagawin bukas ng umaga. Kasi pagkatapos ng seminar nila ni Vlad bukas ng umaga ay kailangan na nilang magpahinga. The next day na ang big day nila, big day nila na parang kapwa sila hindi pa nakabawi sa kanilang kabiglaan.
"Paano balae, kita na lang ulit tayo bukas darating pa rin kami." Sabi ni Marga kay Amara.
"Sure mga balae, pasensiya na kayo at wala ang aking asawa busy pa kasi 'yon. Para maka-attend siya jg kasal ng unico iho namin." Masayang sagot ni Amara.
Bumaling naman si Samuel kay Akhee na tahimik lang na nasa kanilang tabi.
"Anak, sa isang araw ay magbabago na ang status mo. Umaasa akong you are matured enough by that time. Huwag ka nang pasaway nakakahiya kina balae lalong-lalo na sa magiging asawa mo." Wika nito saka tumindi din kay Vlad na nakatunghay sa kanila.
"I will." Mahinang sagot ng dalaga.
Bumuntonhininga si Samuel at niyakap ang kanyang anak sabay tapik sa likod nito. Napatingala ito dahil nagbabanta ang kanyang mga luha.
"Dadalawin ka namin ng madalas!" patuloy nito.
"Salamat po!" sagot namang muli ni Akheela.
Tumingin naman si Akhee kay Hale. Nginitian niya ito at nilapitan.
"Dadalaw ka rin ha? Ikaw ang best man ko kaya darating ka sa kasal ko. Magagalit talaga ako kapag hindi ka darating." Sabi niya.
Ngumiti naman si Hale at tinapik ang balikat ng dalaga.
"Oo naman! Basta narito pa rin ako kapag kailangan mo!" sagot ni Hale.
Biglang yumakap si Akheela kay Hale.
"Sorry talaga!" bulong nito.
"It's okay!" anas din ni Hale saka sila magkahiwalay.
"Anak, kung makalingkis ka kay Hale ay siya ang pakakasalan mo. Kapag ikinasal ka na bawal na 'yan ha? Baka mamis- interpret ng mga tao at iba ang maging dating sa kanila. But I know naman na siya ang comfort zone pero medyo bawasan mo na lang kapag nakasal ka na kay Vlad. Baka mamaya magselos si Vlad!" wika ni Samuel.
Tumawa ang lahat pero nag- blush pa rin si Akhee. Habang si Vlad ay nag-iwas ng tingin at napatikhim. Hanggang sa tuluyan nang nagpaalam sina Samuel. Inihatid nila ang mga ito hanggang sa may malaking gate. Kumaway na kanang si Akhee habang papalayo ang sasakyan ng kanyang Papa.
"Sa hitsura mo parang gusto mong umuwi!" untag ni Vlad nang nanatiling nagkatingin si Akhee sa daan.
"Ha? Hindi naman!" gulat talaga siya.
"Pumasok na tayo, I'm tired!" turan ni Vlad.
Tumango lang si Akheela. Parang hindi na pipi ang binata sa tuwing magkasama sila. Or, sadya lang na hindi ito palaimik at parang walang emosyon na nararamdaman. Dumiretso naman si Vladimmir sa bathroom. Habang si Akhee ay inayos ang kanyang closet. Gusto niyang buksan ang closet ni Vladimmir subalit nahihiya siya.
"Shower ka na!" mula sa kanyang likuran ay nagsalita si Vlad.
Kaya medyo napapiksi ang dalaga dahil nagulat na naman siya sa biglaang pagsulpot ni Vlad.
"Nakakatakot ba ang boses ko?" tanong ng binata.
"Ahm...hindi nagulat lang talaga ako!" sagot ni Akhee sabay abot sa bathroom niya at tumalilis papuntang bathroom.
Hindi niya tiningnan si Vladimmir dahil nakatapis lang ito ng tuwalya. Halos mabingi si Akhee sa kabog ng kanyang dibdib. Napapikit pa ito habang hinihingal. Bakit ba iba ang kanyang nararamdamang sa tuwing sila ni Vlad ang magkasama? Samantalang kay Hale, kumpleto naman siya at hindi aligaga o magugulatin. Sinadya niyang magtagal sa loob ng bathroom. Umaasa siyang paglabas niya ay wala na si Vlad sa loob ng kanilang kwarto.
Pagkatapos ni Akhee na mag-shower ay marahan niyang binuksan ang pinto ng bathroom saka ito bahagyang sumilip sa labas. Nakahinga nang maluwag si Akhee nang makitang wala na nga si Vlad doon. Kaya kampante na siyang lumabas patungo sa kanyang walk in closet. Medyo sinarado pa niya ang pintuan ng kanilang dressing room ni Vlad para makasiguradong hindi siya masisilipan nito kahit maghubad siya. Lumabas na rin siya kinalunan, nagsuot siya ng ternong pantulog na kulay puti.
"Dinner time na!" kaswal na sabi Vlad nang magkasalubong sila sa may pasilyo.
Sasagot na sana si Akhee subalit agad itong tinalikuran ni Vlad. Napairap naman si Akhee sa likuran ng binata dahil nagsusungit na naman ito. Nagiging yelo na naman ang binata na kanina lamang ay ang sweet nito sa kanya. Tahimik na lamang na sumunod ito kay Vlad hanggang sa may dining room. Gentleman naman si Vlad kahit paano dahil hinilahan siya nito ng upuan. Dadalawa na lamang sila sa hapag kainan dahil nagpapahinga pa raw ang Donya. Napagod nga naman ito sa maghapong pag- asikaso sa kanilang kasal ng anak nito.
"Eat!" utos ni Vlad sa kanya.
Napakurap-kurap naman si Akhee dahil hindi naman niya namalayang nakatulala na naman siya. Magkaharap silang dalawa kaya malaya siyang nakikita ni Vladimmir. Nilagyan ni Vladimmir nang kanin at beef steak ang kanyang plato. Nilagyan din nito ng veggie salad at binigyan si Akhee nang isang basong tubig. Nakagat ni Akhee ang sarili nitong bibig. Kinilig siya sa konting gesture ni Vlad kahit pa wala man lang siyang makikitang emosyon sa mukha nito. Natapos silang kumain na hindi nag-uusap kundi panaka- nakang tinginan lamang.
"Mauna ka na sa silid, magpapahangin lang ako!" wika ni Vlad nang nasa sala na silang dalawa.
"Sige!" mahinang sagot ni Akhee.
Naninibago talaga siya ngayon kay Vlad sa totoo lang. At kabado bente ang kanyang dibdib dahil sa kilig at hindi niya maipaliwanag na pakiramdam. Na noon lang niyang naramdaman sa buong buhay niya. Na kahit kay Hale ay hindi niya kailanman naramdaman. Kaya pabaling-baling si Akhee sa kanyang kama. Na kahit nakapikit siya ay gising naman ang kanyang diwa. Narinig niya ang pagbukas ng pinto kaya nagtulog- tulugan siya. Panay ang kabog ng kanyang dibdib lalo na nang lumundo ang kama na tila umupo si Vlad sa kanyang tabi. Napapaisip ang dalaga kung tatabi na ba ito sa kanya.
Oh no! Hindi pa ako handa jusko Lord! Hinaing ni Akhee sa kanyang isipan. She hold her breath para hindu siya makalikha ng anumang kakaibang kilos. Mariin din siyang napapikit hanggang sa maramdaman nitong dumantay ang kanyang kumot sa katawan niya. Kasabay ng pag-angat ng kama at ang paglayo ni Vlad sa kanya. Nakahinga nang maluwag si Akhee at the same time nakadama ng hiya. Napaka- wild ng kanyang imagination samantalang kukumutan lang pala siya. Kaya dahan-dahang siyang nagmulat at sinulyapan si Vlad sa sahig kung saan ito natutulog. Nakadilat pa rin ito na nakatulog sa kisame habang ang isang braso nito ay nakadantay sa sarili nitong noo. Parang kay lalim ng iniisip nito nang akmang lilingon kay Akhee ay agad namang pimikit ang dalaga. Nagkunwari itong kumilos na nakapikit at humarap siya ng higa sa may dingding. Hindi na niya alam kung ano ang hitsura ni Vlad dahil nakatalikod na siya rito. Ginawa iyon ni Akhee para kumalma ang kanyang dibdib sa sobrang pagkabog nito. At para totoong makatulog na rin siya nang tuluyan.