Chapter 8

1345 Words
Ilang club at bar na ang napuntahan namin sa ilang gabi naming labas at sabi ni Sandra ay iisa na lamang ang natitira na pwede naming mapuntahan. Ilang gabi na ang lumipas pero halos iisa lang ang sinasabi ng mga napagtanungan namin ni Hiro. "You guys are really alcoholic." Pailing iling na wika ni Sandra. Papunta na kami ngayon sa bar na sinasabi niyang may mga bandang tumutugtog. "Let's go." Aniya pagkarating namin doon. Pagpasok namin ay binati kami ng mga taong tahimik na nag uusap at nag iinuman kumpara sa ibang bar at club na napuntahan namin. Hindi ganon kaingay ang tugtugin at walang magugulong nagsasayawan sa gitna. Wala ring iba't ibang ilaw na masakit sa mata. Nakuha ng babae ang atensyon ko na nasa gilid ng maliit na tanghalan na kung saan nando'n ang bandang kumakanta. She's smiling while looking at the vocalist of the band. "You know what's bizarre on this place?" Sambit ni Sandra habang nakatingin din sa banda. "It's like a mix of fine dining restaurant and bar." Aniya atsaka tumawa. Napairap na lang ako sa mga sinasabi niya. Wala naman kaming ideya sa sinasabi niya kaya't pati si Hiro ay hindi rin siya pinapansin. "Wait here." Mahinang wika ko kay Hiro. Dumaan ako sa gilid at nagtungo sa pwesto ng babae. "Goodevening. Can I talk to you for awhile, ummm..." "Yes of course." Sagot niya agad. "I'm Talisha." Paguumpisa ko at inabot ang kamay katulad ng natutunan ko kay Danny. "Michelle." "Kung hindi mo sana mamasamain. Maaari ko bang tanungin saiyo kung may ideya ka ba sa toreng malapit dito sa lugar na ito?" Tanong ko ngunit hindi agad siya nakasagot. "Ang toreng 'yon lang ang..... ang lugar na 'yon ay malayo sa lugar natin. Dati'y bali-balita na may mga bampirang nakatira doon, na sabi, may bagay daw silang pinagka iingatan na walang sino man saating tao na nangahas na mag punta doon." "Bampira? P-papaano nila nalaman na bampira ang nandoon?" "May grupo ng mag kakaibigan ang nagpunta doon dahil sa kyuryosidad nila. Anim silang nagpunta doon pero bumalik sila dito ng dadalawa na lamang. Ang isa sakanila ay may kagat sa leeg kaya't di nagtagal ay pinatay niya ang kaniyang sarili dahil sa takot na baka maging katulad nila siya." "Ang isa naman ay nagtamo lamang ng maraming sugat kaya't nasa ospital siya ng ilang linggo. Kinuwento niya ang nangyari sakanila kaya't may mga pulis at sundalong nagpunta doon, pero....." tumigil siya atsaka tumingin saakin. "Hindi rin sila nakabalik. Kaya simula noon ay nilagyan na nila ng harang ang daan papunta doon. Para na din sa kaligtasan ng lahat." Pagtatapos niya. Sa dami ng pinag tanungan namin ay siya lang ang nakapag sabi ng ganito. Ang kadalasang nakakalap naming impormasyon ay, napaka-misteryoso ng tore at lugar na kinatatayuan ng toreng iyon. "Paano mo nalaman...." "Michelle." Sabay kaming napalingon sa lalaking tumawag sakaniya sa gilid. May mga peklat ito sa iba't ibang parte ng katawan niya. "He's your...." "My brother." Aniya. "And the one who killed himself is his bestfriend." Dagdag niya. "Ok. Thank you for your time, Michelle. Mauuna na ako." Pagpapaalam ko. "Hey, Hiro. Alam ko na kung....." Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng makita ko ang kumakanta sa harapan. Pati si Hiro ay diretso ang tingin sa lalaki. "He's alive." Aniya na hindi parin maalis ang tingin dito. Hindi ako makasagot dahil ang mata ng lalaking kumakanta ay diretsong nakatitig saakin. "I think I want you more than want And no I need you more than need I want to hold you more than hold When you stood in front of me I think you know me more than know And you see me more than see I could die now more than die Every time you look at me" "James" bulong ko sa hangin. "Everybody. Go get your partners and let's dance!" Wika ng gitarista nila. Tumayo na ang ibang tao na nagkukwentuhan kanina at humila na ng kaniya-kaniya nilang kapareha. Sa lawak ng lugar ay malaki ang espasyo sa gitna na pwedeng pagsayawan ng mga tao na nandito. "Hanap na kayo ng makakasayaw niyo. This song is so romantic." Sandra said and then giggled. "H-how did it happened?" Tanong ni Hiro. "I... I... I don...." "Come on." Pagtawag saamin ni Sandra kaya't napatingin kami agad sakaniya. "Well I've seen you in jeans with no make-up on And I've stood there in awe as your date for the prom I'm blessed as a man to have seen you in white But I've never seen anything quite like you tonight No, I've never seen anything quite like you" Kanta niya. "Why does.... I can't see any recognition on his eyes." Sabi ni Hiro habang kami ay sumasayaw sa gitna. Ang mga kamay niya ay maingat na nakahawak sa beywang ko, samantalang ang braso ko ay nakapatong sa balikat niya. The way he sing is..... I can feel it deep in my heart. Every word coming from him is like a medicine and a dagger at the same time, that I'm longing and willing to take. "Hey." Kuha ng atensyon saakin ni Hiro. "H-hindi ko din alam." Sagot ko sakaniya. Nagbago na ang kanta pagkatapos ng ilang minuto. "That I love you, I have loved you all along and I miss you Been far away for far too long I keep dreaming you'll be with me and you'll never go Stop breathing if I don't see you anymore" "I didn't know that he has a good voice." "He really has, Tala. He just doesn't sing much. Sabi niya saakin ay masyadong sagrado ang kaniyang boses at pili lamang ang makakarinig nito. But look what he's doing right now, performing." Natatawa niyang sabi. "So far away, so far away Been far away for far too long So far away, so far away Been far away for far too long But you know, you know, you know I wanted, I wanted you to stay 'Cause I needed, I need to hear you say That I love you (I love you), I have loved you all along And I forgive you (and I forgive you), for being away for far too long" "Ibig sabihin ay magaling ka rin kumanta?" "No. He sings more than me. I've never sing before." "Why?" "Wala lang." Sagot niya atsaka ako nginitian. "So keep breathing, 'cause I'm not leaving you anymore Believe it, hold on to me and never let me go Keep breathing, 'cause I'm not leaving you anymore Believe it, hold on to me and never let me go Keep breathing Hold on to me and never let me go Keep breathing Hold on to me and never let me go." If everything is alright and none of it happened, I am proudly smiling while watching him right now. My bestfriend is really awesome. Pagkatapos niyang kumanta ay sinabi ng drummer nila na sa tingin ko ay leader ng banda na mag papahinga muna sila at mag iiwan muna ng marahang tugtog. "I think we should go. May kailangan akong sabihin sa'yo. Alam ko na kung ano ang nag babantay sa tore." Mahinag sabi ko kay Hiro. Bago pa kami makaharap sa pinto ay bigla kaming nakarinig ng sunod-sunod na putok sa labas. Biglang may mga armadong tao na may takip ang mukha na pumasok sa lugar. Nag sisigawan ang mga tao at ang iba ay umiiyak samantalang ang iba rin ay nakayuko. "Get down!" Sigaw ng isa. "Kunin niyo na!" Utos niya sa mga kasamahan niya. "Ibigay mo saamin lahat ng pera!" Utos ng mga ito sa lalaki. Nanginginig at naluluhang tumango ang lalaki atsaka kinuha ang bag na binigay ng armadong lalaki sakaniya. "I think I nearly forgot how to play." Aniko kay Hiro. "W-w-what do you mean?" Kinuha ko ang hawak niyang baso atsaka iyon nilagok. "Just watch." Sagot ko atsaka siya nginitian. ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ Song: Counting Stars by OneRepublic, Never Seen Anything "Quite Like You" by The Script, Far Away by Nickelback and Out of Goodbyes by Maroon 5.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD