ELLA'S POV....
******
HINDI KO ALAM kung nananaginip na naman ba ako o hindi, dahil sa napakaguwapong nilalang na nakayakap sa katawan ko. Oh my G! Kung panaginip man ito ngayon ay huwag mo muna akong gisingin, para makasama ko pa ang napakaguwapong lalaki na ito na sumalo sa akin. Siya na kaya yung Prince Charming ko? Ang guwapo niya, sobra. Ano kaya ang pangalan niya?
"Miss, okay ka lang?" tanong sa akin ng lalaking nakasalo sa akin.
Bigla akong napakurap dahil nahuli niya akong nakatitig sa kanyang guwapong mukha. Bigla din nag-init ang mukha ko, dahil sa pagkapahiya. Alam kong kasing pula na naman ng kamatis ang magkabilang pisngi ko ngayon. Nakakahiya talaga! Huling huli niya ako. Grabe, pati boses niya ay napakaganda. Sobrang nakakaakit ito na parang dama mo talaga ang pag-aalala niya.
"O-Ok na ako s-sir, salamat nga po pala, dahil nakita niyo ako at nasalo, bago ako bumagsak sa sahig. Akala ko kanina ay katapusan ko na." nahihiyang pasalamat ko sa lalaking nakayakap pa rin sa akin.
"Ella, tumayo kana dyan, nakakahiya kay Mr. Chavez." pabulong na wika sa akin ni Roxy. Hinila na rin niya ang kamay ko at tinulungan niya akong makatayo.
"Ano raw? Mr. Chavez? As in si Mr. Chavez na anak ng may-ari ng Mall?" tanong ko sa isipan ko.
BiglaNG nanlaki ang mga mata ko, dahil sa pagkabigla. Tumayo na din ako ng tuwid, dahil sa pagkapahiya ko, upang mag apologized kay Mr Chaves. Hindi ko akalain na ang hinihintay pala namin na anak ng may-ari ng Mall ang lalaking nakasalo sa akin. Nakakahiya! Lalong nag-init ang mukha ko at sigurado akong mas mapula na ito sa kamatis ngayon ang mukha ko, dahil sa hiya ko kay Mr. Chavez.
"Sir, pasensya na po kayo sa akin. Hindi ko po sinasadya na mahulog ako sa hagdan. May inaabot lang po ako kanina sa may gilid. Kaya lang ay tumagilid ang ladder na inaapakan ko, kaya po ako nahulog." paghingi ko ng paumanhin kay Mr. Chavez. Nagbaba na rin ako ng paningin, dahil hindi ko kayang salubungin ang malagkit na titig sa akin ni Mr. Chavez. Para kasing nakakapaso ang bawat pagtitig niya sa akin. Kulang na lang ay maging scanner ang mata niya sa paraan niya ng pagtitig sa akin.
"Anong pangalan mo, miss?" muli akong napatingin sa mukha ni Mr. Chavez, dahil sa pagtanong niya sa pangalan ko.
Kahit nahihiya ako ay sinagot ko pa rin ang tanong niya sa akin. "E-Ella po sir. Ella Mones po." magalang na sagot ko. Nahihiya din akong ngumiti kay Mr. Chavez. Nakita ko rin ang tila pag kislap ng kanyang mga mata, habang nakatingin pa rin siya sa mukha ko. Napakalakas din nang pagt*bok ng puso ko. Para itong tinatambol sa lakas. Nakakabingi.
"Nice name!" nakangiting sagot ni Mr. Chavez sa akin. Nakita ko ang paglabas ng ngipin niyang mapuputi at pantay-pantay nang ngumiti siya sa akin.
"Oh my god! Ang guwapo niya. Nakakalaglag p@nty." sigaw ng isipan ko. Agad ko rin kinagat ang labi ko, dahil sa kahalayan na pumasok sa isipan ko.
IGINALA ko ang paningin ko sa paligid at nakita kong nakatingin pala sa amin lahat ng mga kasamahan ko dito sa Mall. Ang iba ay kinikilig, dahil sa nakikita nilang ayos namin kanina ni Mr Chavez. At ang iba naman ay bakas ang pagka-inis sa mukha nila, siguro dahil ako ang kinakausap ni Mr. Chavez ngayon at hindi sila na ang tagal na nag handa sa pagdating niya.
"Cristalin, isama mo si Miss Ella sa opisina ko, para mapatingnan natin siya sa Doctor. Baka nabalian siya at hindi makapag trabaho kapag napabayaan." wika ni Mr. Chavez sa kasama niyang babae. Secretary siguro ito ni Mr Chavez, dahil sunod-sunuran sa mga sasabihin ng lalaki.
Biglang nanlaki ang mata ko, dahil sa narinig kong sinabi ni Mr. Chavez. Bakit niya ako papatingnan sa doctor, eh, wala naman akong sakit? Hindi naman ako nasaktan, dahil nasalo naman niya ako kanina. Baka siya pa itong nasaktan o nabalian, dahil sa pagsalo niya sa akin at bumagsak din ang pang-upo niya sa sahig kanina, habang yakap ako.
"Dios ko, bakit ba kinakabahan ako sa lalaking ito? Ano bang meron sa kanya at parang umurong na rin pati ang dila ko at naging sunod-sunuran na lang kay Mr. Chavez." tanong ng isip ko.
"Sumama ka sa akin ma'am, Ella at patitingnan kita sa doctor. Baka nga nasaktan ka sa pagbagsak mo kanina at hindi makapagtrabaho dito." wika sa akin ng babae. Kinuha din niya ang kamay ko at hinila niya ako palabas ng shop.
NAPATINGIN pa ako sa mga kasamahan ko, dahil sa biglang paghila sa akin ni Ms. Cristalin. Nakita ko ang pagka dismaya ng karamihan sa akin, dahil siguro ako ang unang napansin ni Mr. Chavez at hindi sila. Tanging si Roxy lang ang nakangiti sa akin at tumango pa siya, bilang pagsuporta sa akin. Halata din sa mukha ni Roxy na kinikilig siya, para sa akin.
Nakatungo ang ulo ko, habang naglalakad kasunod ni Mr. Chavez, patungo sa Private elevator. Sa top floor kami pupunta, kung saan naroon ang kanyang opisina. Kahit hindi ako tumingin sa mga kasamahan ko dito sa Mall ay alam kong pinapat@y na nila ako sa mga isipan nila. Baka gusto na rin nila ako ngayong sunugin, sa pamamagitan ng matatalim na pagtitig nila sa akin. Ang kinatatakot ko nito ay baka pag-initan na nila ako, dahil nabalewala ang mga effort nilang magpapansin kay Mr Chavez.
Pagbukas ng elevator ay biglang humakbang papunta sa gilid si Mr. Chavez. Hinawakan din niya ang gilid nang pintuan ng elevator, upang hindi ito magsara agad.
"After you." malamig na wika niya sa akin, sabay lahad niya sa kanyang palad sa harapan ko, upang igiya ako na maunang pumasok sa loob.
"Thank you sir." nahihiyang pasalamat ko. Nakayuko pa rin ako, dahil hindi ko talaga kayang salubungin ang mga mata ni Mr. Chavez.
Humakbang ako papasok sa loob ng elevator at tumayo sa pinaka gilid sa loob. Sumunod din sa akin si Mr. Chavez at tumayo din siya sa tabi ko. Tiningnan pa niya ako at matamis na ngumiti sa akin.
Amoy na amoy ko rin ang gamit niyang pabango. Ang lamig nito sa ilong at parang makaka adik ito sa aking pang amoy. Nare-relax ako sa amoy.
"Miss Ella, doon tayo sa opisina ko. Doon ka muna magpahinga hanggang uwian, para maka siguro akong hindi ka magkakasakit. May maliit din na kama sa loob, pwede kang humiga doon."
Nagulat ako sa pag bulong sa akin ni Mr. Chavez. Sa tapat mismo ng tainga ko siya nagsalita, kaya nakaramdam ako nang init sa aking katawan. Tumama din ang kanyang mainit na hininga sa balat ko. Dahil sa pagkagulat ko ay bigla na lang nagtayuan ang mga balahibo ko sa aking katawan. Lalong nag unahan ang mga nagtatakbuhan na kabayo sa dibdib ko at pinag pawisan na din ako ng aking katawan. Kahit may Aircon pa ang buong paligid ay hindi pa rin nito kayang ibsan ang init na aking nararamdaman sa mga sandaling ito.
Lalong nag unahan ang mga nagtatakbuhang kabayo sa dibdib ko dahil sa paghawak sa kamay ko ni Mr. Chavez. Ang higpit din ng pagkakahawak niya sa akin at kahit anong hila ko sa kamay ko ay hindi ko ito magawang makawala sa pagkakahawak niya sa pulsuhan ko. Hila-hila niya ang kamay ko at dinala niya ako sa loob ng kanyang opisina. Hawak pa rin ni Mr Chaves ang kamay ko, kahit nakaupo na ako sa malambot na sofa na nandito sa loob ng opisina niya.
"Dito ka muna miss Ella. Si Cristalin muna ang bahala sayo dito, dahil may kakausapin lang akong tao sa labas. Babalik din ako kaagad, para masamahan kang mag lunch." wika sa akin ni Mr. Chavez.
"O-Okay po sir. P-Pwede na po ba niyong bitawan ang kamay ko?" nag-aalangan na sagot ko. Nagpapaalam na nga siyang aalis, pero hawak pa rin niya ng mahigpit ang kamay ko. Ano kaya yun?
"Miss Cristalin, ikaw na ang bahala sa bisita ko. Mag order ka ng pagkain natin dito. Babalik din ako kaagad, pagkatapos kong makausap si Mr Velasquez. Pakainin mo agad si Miss Ella, para hindi siya gutumin sa paghihintay sa akin." bilin pa ni Mr. Chavez sa secretary niya, bago niya bitawan ang kamay ko at malalaki ang hakbang niyang nagtungo sa pintuan at lumabas.
Agad kong hinilot ang pulsuhan ko, dahil sa pangangalay nito. Napaka higpit naman kasing humawak ang lalaking iyon. Kulang na lang ay mapisa ang kamay ko.
"Ma'am Ella, sandali lang po at magpapabili ako ng pagkain natin sa tauhan ni sir Caleb. May gusto ka bang kainin ma'am, at iyon na lang ang ipapabili ko?" narinig kong tanong sa akin ni Miss Cristalin.
Napatingin din ako sa kanya at nakita kong nakangiti pala siya sa akin. "Kahit ano na lang Miss, ikaw na ang bahalang magpabili." nahihiyang sagot ko sa kanya. Nginitian ko rin siya, dahil alam kong mabait siyang tao.
"Sige po ma'am, sandali lang po at magpapabili ako sa isang tauhan ni sir na nagbabantay dyan sa labas." paalam sa akin ng secretary ni Mr. Chavez.
NAIWAN akong mag-isa dito sa loob ng opisina ni Mr. Chavez. Bigla din akong nagsisi kung bakit sumama pa ako sa kanila, eh, hindi naman talaga ako injured. Feeling injured lang din, dahil bigla akong nakakita ng guwapo at nawala ako pansamantala sa tamang katinuan.
Hindi naman nagtagal at muling bumalik si Miss Cristalin. May dala na siyang plastic na may laman na pagkain at drinks. Agad niyang inilapag ito sa ibabaw ng table sa harapan ko at ibinigay din niya sa akin ang isang malaking plastic cup na drink. Tinanggap ko rin ito, dahil nauuhaw na talaga ako. Kanina pa ako nauuhaw at gustong uminom, pero hinihintay ko ang pagbabalik ng mga kasama ko bago ako umalis at uminom ng tubig.
Halos mangalahati ang laman na iced tea ng hawak kong malaking plastic cup, dahil sa matinding pagkauhaw ko. Biglang guminhawa ang pakiramdam ko, dahil sa malamig na iced tea na ininom ko. Pati ang mainit na pakiramdam ko ay nawala na rin, dahil sa lamig ng inumin.
"Kumain ka muna ma'am, baka biglang dumating si sir Caleb at makita niyang hindi kapa kumakain. Papagalitan ako nun, kapag hindi kita pinakain agad." wika sa akin ni Miss Cristalin.
"Salamat miss." pasalamat ko bago ko tanggapin ang iniaabot niya sa akin na plastic tab na may laman na pancit. May kasama din itong siomai at shanghai, kaya napangiti ako dahil isa ito sa gusto kong kainin. May Burger din sa isang plastic, pero mas gusto ko ang pancit ngayon. "Sabayan mo akong kumain miss Cristalin, para ganahan akong kumain at maubos itong laman ng tab." wika ko, dahil tumayo na siya at balak na ayusin ang mga papeles na nasa ibabaw ng table.
Napatingin sa akin si Miss Cristalin at ngumiti, bago nagsabi. "Hindi ka lang pala maganda, ma'am Ella. Dahil mabait ka rin." nakangiting sabi niya sa akin. Umupo na rin siya sa tabi ko at kumuha ng pagkain.
Kasalukuyan kaming kumakain nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Mr. Chavez. Bigla kong naibaba ang hawak kong plastic tab na may laman na pancit, dahil bigla akong nahiya sa kanya. Nakatingin kasi siya sa akin at nakangiti pa ng matamis, habang papalapit sa akin kina u-upuan. Bigla din akong napaurong sa gawi ni Miss Cristalin, dahil bigla na lang umupo si Mr. Chavez sa tabi ko. Nasagi pa niya ang hita kong nakalabas na ang kalahati, dahil sa ikli ng paldang suot ko.
Kinuha din niya ang isang Burger sa loob ng plastic at isang french fries at nagsimulang kumain.
"Sir, ito po ang drink niyo." wika ni Miss Cristalin at ipinasa sa akin ang Coke na kasama ng Burger Meal.
Kinuha ko naman ito at ipinasa kay Mr Chavez. "S-Sir, drink niyo po." alanganin na wika ko.
Inilapit ko rin ang Coke sa harapan niya at balak na sanang ibaba nang bigla niyang hawakan ang kamay ko na may hawak na cup. Napatingin ako sa mukha ni Mr Chavez, dahil sa pagkapahiya sa ginawa niyang paghawak sa kamay ko. Nakaramdam din ako ng tila kuryente na dumaloy sa aking katawan, mula sa kamay ni Mr Chavez. Para itong malakas na boltahe ng kuryente na biglang dumaloy sa aking katawan at nanuot sa aking kalamnan.