FIRST DATE‼️

2054 Words
"S-Sir, a-ang k-kamay ko po." kinakabahan na wika ko. Pilit ko rin hinila ang kamay ko na hawak ni Mr Chavez. Nakakahiya! Ang gaspang ng kamay ko, dahil hindi pa ako nakakapag lotion. Natanggal na rin ang lotion na pinahid ko kaninang umaga, dahil naghugas ako ng kamay kaninang nag cr ako sa cr ni Mr Chavez. "Ang lambot pala ng kamay mo, Ella. Nakakatayo ng---b-balahibo..." wika ni Mr Chavez. Naka titig siya sa mga mata ko, kaya napalunok ako ng ilang beses, dahil tila nanuyo ang lalamunan ko sa sobrang pagka-yummy ng lalaking kaharap ko. "S-Sir..." sambit ko na may pag aalangan. Napaka lakas din ng kaba ng dibdib ko dahil sa pagkakahawak ni Mr Chavez sa kamay ko. Pinadaan pa niya ang isa niyang daliri sa likod ng kamay ko, kaya lalo akong nakaramdam ng tila may kuryenteng dumaloy mula sa kamay ko at mabilis na umakyat sa buong katawan ko at pumunta ito sa puson ko. Bigla din pumintig ang jewel ko, dahil sa kakaibang pakiramdam na biglang sumakop sa katawan ko. Napaawang din ang bibig ko, dahil sinipsip na ni sir ang straw ng hawak kong drink. Hindi pa rin niya binitawan ang kamay ko, kaya ang labas ay ako ang nagpapainom sa kanya ngayon, dahil hawak ko ang drink niya. Pinagpawisan na rin ako ng malamig, dahil sa mga ginagawa sa akin ni Mr Chavez. Para bang sinasadya niyang gawin ang lahat ng iyo, dahil nakikita ko sa mukha niya ang saya. Gustuhin ko man tumutol sa ginagawa ni Mr Chavez, pero hindi ko naman kayang labanan si Mr Chavez. Biglang umurong ang dila ko at nagmistula akong sunod-sunuran sa kanya ngayon na labis kong ipinagtaka. "Thank you, Ella." pasalamat niya sa akin, bago niya bitawan ang kamay ko na may hawak pa rin drink. Mabilis ko na lang na inilapag ang hawak kong drink sa harapan ni Mr Chavez, baka mamaya muli na naman niyang hawakan ang kamay ko at uminom ng coke niya na ako ang may hawak. Tiningnan ko rin si Miss Cristalin, dahil nahihiya ako sa kanya. Baka kasi isipin nito na nilalandi ko ang Boss niya. Pero abala naman ito sa pagkain at hindi man lang nagabalang tingnan ako. Parang wala siyang nakikita at naririnig, kahit magkakatabi lang kami. "Kumain kana, Ella. Ubusin mo ang pagkain mo, para hindi ka gutomin. Masarap yang pancit at siomai." muli akong napa tingin kay Mr Chavez, dahil sa sinabi niya. Nakita ko pa ang pag labas ng dila niya at ipinaikot sa bibig niyang may bahid ng ketchup. "Ang cute niyang tingnan." sabi ng isip ko. "Hoy, Ella, ang landi mo!" pag kastigo ko naman sa sarili ko, dahil kung anu-ano na ang pumapasok sa isipan ko. Muli kong kinuha ang pagkain ko at muling kumain. Hindi na rin ako tumingin kay Mr Chavez. dahil naiilang talaga ako sa kanya. Lagi din akong kinakabahan, kapag nakatingin ako sa kanya. Natapos kaming kumain na hindi na gumawa ng anumang kalokohan si Mr Chavez. Matapos niyang maubos ang Burger na kinakain niya ay tumayo na siya at nagtungo sa loob ng banyo. Ako naman ay niligpit lahat ang mga kalat sa ibabaw ng lamesa. Nakakahiya naman kasi kung hindi ko ililigpit. Baka magalit sa akin si Mr Chavez at tanggalin ako dito sa Mall. Baka sabihin pa niya na tamad ako. "Ma'am Ella, ako na po dyan. Umupo na lang kayo, ma'am, huwag na kayong magpakapagod sa pag-aayos ng mga ito. Trabaho ko po ito." Bigla akong natigilan, dahil sa biglang pagsulpot ni Miss Cristalin. Galing siya sa may pintuan sa likuran ko, kaya hindi ko namalayan ang paglabas niya. "Nakakahiya naman sayo, miss Cristalin. Secretary ang trabaho mo, samantalang ako ay isa lamang saleslady dito sa Mall. Tapos ikaw ang gumagawa ng lahat ng ito." nahihiyang pahayag ko. Nakayuko na rin ang ulo ko, dahil sa hiya sa kanya. "Ma'am, bisita ka po ng Boss ko. Kaya dapat lang na pagsilbihan kita, kagaya ng ginagawa ko kay sir Caleb. Pumasok kana muna po sa kuwarto ma'am. Naihanda ko na ang hihigaan mo. Mag pahinga ka lang dyan at ihahatid ka namin mamayang gabi sa bahay mo." wika sa akin ng babae. Hinawakan din niya ang ang kamay ko at hinila niya ako sa loob ng kuwarto. "Maiwan muna kita dito ma'am. Pwede mong isuot muna itong bathrobe, para hindi makusot ang damit mo." sabi pa niya sa akin, saka niya inilagay sa kamay ko ang nakatuping kulay puting bathrobe. "Maiwan ka muna dito ma'am. Kung nauuhaw ka at nagugutom, may drinks at snacks dyan sa maliit na ref." bilin pa niya sa akin, bago niya isinara ang pinto. Naiwan nga akong mag-isa dito sa loob ng kuwarto. Meron din TV dito, kaya nanuod muna ako ng palabas. Ang buong akala ko ay papatingnan talaga ako sa doctor ni Mr Chavez, pero wala naman doctor na dumating. Maraming pagkain naman ang dumating kanina at yun ang kinain namin sa tanghalian. Hanggang sa hindi ko na namalayan ang oras, dahil nawili na ako sa panunuod ng palabas sa TV. Nagulat na lang ako nang biglang may kumatok ng tatlong beses sa pinto, kasabay din ng pag bukas nito. "Ma'am Ella, ipinapatawag na po kayo ni sir Caleb sa labas. Mag dinner muna kayo, ma'am, bago ka niya ihatid sa bahay niyo." wika sa akin ni Miss Cristalin. Agad naman akong tumayo, upang maghanda ng aking sarili sa paglabas. "Sandali lang Miss Cris, mag CR muna ako." sagot ko. Agad din akong pumasok sa banyo, upang gawin ang mga routine ko. Pagkatapos ay saka pa lang ako limabas ng kuwarto. Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang napaka gandang table setting na puno ng bulaklak sa gitna. Mayroon din itong candlelight sa gitna na siyang nagbibigay liwanag sa buong paligid. Nakapatay kasi ang mga ilaw ng opisina, kaya naka sentro ang paningin ko sa table. "Did you like it, Ella?" Napaunat ang likod ko, dahil sa pagka bigla. Nasa tabi ko pala si Mr Chavez, pero hindi ko siya nakita. Nakatayo siya sa bandang kanan ko. Kahit liwanag lamang ng kandila ang nagbibigay liwanag sa loob ng oposina nito ay maliwanag kong nakikita ang malaking katawan ni Mr Chavez. Ang tangkad niya at ang laki din ng kanyang pangangatawan. Ang malaki at malapad niyang dibdib ay bumabakat sa suot niyang light blue long sleeve polo na naka bukas ang tatlong botones mula sa may leeg, pababa. Bumabakat din ang malalaki niyang braso sa sleeve ng suot niyang polo shirt, kaya naisip ko na masarap sigurong makulong sa mga bisig ni sir? Nakita ko rin ang mga mata niyang tila nangungusap at ang labi niya na naka awang. "Napaka guwapo talaga niya, para siyang si Chris Evans." sabi ng isipan ko. Hinawakan din niya ang kamay ko at iginiya ako palapit sa lamesa. Nakatitig din siya sa mga mata ko, kaya habos hindi na naman ako kumurap, habang ang dibdib ko naman ay nakakabingi ang lakas ng kabog nito. Napaka lakas ang pintig ng puso ko na tila may nagkarerehan na mga kabayo sa dibdib ko. Nakakailang din dahil baka marinig ito ni Mr Chavez. Muli ko rin naramdaman ang tila kuryenteng dumadaloy sa aking katawan, dahil lamang sa paghawak ni Mr Chavez sa kamay ko. Bakit ba ganito ang nararamdaman ko, kapag nahahawakan ako ni Mr Chavez. Para akong lalagnatin sa init ng katawan ko, pero ang mga kamay ko naman ay nanlalamig na tila meron itong yelo. "S-Sir, b-bakit walang ilaw?" kinakabahan na tanong ko kay Mr Chavez. Parang natatakot kasi ako sa dilim, kaya kumapit na lang ako sa kamay niya. "Umupo kana, Ella, para hindi ka mahilo sa dilim." malumanay na wika sa akin ni Mr Chavez. Muli din tumayo ang mga balahibo ko, dahil sa pagtama ng mainit niyang hininga sa leeg ko. "Thank you sir, pasensya na po kayo sa akin, sir. Medyo takot lang kasi ako sa dilim. Para akong tinatangay, kapag madilim ang paligid ko." pag hingi ko ng paumanhin kay Mr Chavez. Totoo din na ganon ang pakiramdam ko. Para akong tinatangay ng malakas na hangin na kahit anong kapit ko ay hindi ko kayang pigilan ang katawal ko na huwag mabuwal. Parang may nakikita din akong mga spark na nanggagaling sa kung saan at napakaliwanag nito. Nakakasilaw ang liwanag niya. "Caleb! Caleb lang ang itatawag mo sa akin kapag tayo lang dalawa ang magkasama." sabi niya sa akin, kaya natigilan na naman ako. Parang nakakahiya naman ng gustong ipagawa sa akin ni Mr Chavez. Boss ko siya, dahil pag-aari ng kanilang pamilya ang Mall na pinagtatrabahuan ko. "Nakakahiya naman yun, sir." "Hahalikan kita, Ella, kapag hindi mo sinunod ang gusto ko. Kung sabagay, pabor sa akin yun, dahil may dahilan akong hagkan ka, Ella." sabi niya sa akin, kaya napa iwas ako at medyo inilayo ang mukha ko sa kanya. Inilapit na kasi niya ang mukha niya sa mukha ko. Hindi rin naman ako makaalis sa kinakaupuan ko, dahil natatakot ako sa dilim. "Ca-Caleb..." sambit ko, dahil hahalikan na nga niya ako. OMG! Malapit na maglapat ang mga labi namin, Naaamoy ko rin ang napaka bangong hininga ni Mr Chavez. "Good! Ganyan nga, Ella. Matuto kang sumunod sa gusto ko. Dahil ako si Caleb Chavez. Gusto ko, lahat ng naiibigan ko ay nakukuha ko." pabulong pa niya sa may punong tainga ko. Dios ko! Ano ba itong napasok ko. Mukhang ako ang unang makakain dito, kaysa sa pagkain na nasa harapan namin. "Ca-Caleb, ka-kain na tayo." sambit ko, para lumayo na siya sa akin. Siguradong pulang pula na rin ako ngayon, dahil sa nararamdaman kong pag-iinit ng katawan at hiya sa kasama kong lalaki. Ano ba ang gusto sa akin ni Mr Chavez? Napakalayo ko naman sa mga babaeng nararapat para sa kanya. Mahirap lang ako at walang pinag-aralan. Tumigil naman sa paglapit sa akin si Mr Chavez at humakbang na patungo sa upuan niya sa may harapan ko. Magkaharap kaming dalawa na nakaupo sa round table na puno ng mga pagkain at meron din alak. Hinawakan ko ang dinner knife at forks at hiniwa ko ang gilid ng Steak na nasa plato ko. Bigla din akong natigilan, dahil hindi ko naman natatandan na kumain na ako sa mamahaling Restaurant. Pero parang familiar sa akin ang pagkain at kung paano ito hiwain at kainin. Binalewala ko na lang ang iniisip ko ay nag focus na lang ako sa pagkain ko. Gusto ko rin ang lasa ng mixed vegetable salad na ngayon ko lang natikman. Para bang sanay ako sa mga ganitong pagkain at ang sarap sa pakiramdam ko na bigla akong nakakain ng ganito. Tahimik kaming kumain ni Mr Chavez, habang paminsan minsan ay nagkakatitigan kaming dalawa at nagngingitian. Nagsalin din ng red wine si Mr Chavez at ibinigay niya sa akin ang isang baso. Agad ko naman itong tinanggap at nag pasalamat sa kanya. Hindi ko rin namalayan na naparami na rin ako ng pag inom ng wine. Naubos na rin ang laman ng bote na hindi ko namamalayan, dahil napaka sarap naman ng lasa nito. Parang natikman ko na rin ito dati pa, pero hindi ko lang matandaan kung saan ko ito natikman at kung kailan. "Ella, kaya mo pa bang maglakad? Bubuhatin na lang kita, kung hindi mo na kaya, para makauwi na tayo." narinig kong wika ni Mr Chavez. "Hin-gi a-ko las-shing!" sagot ko. Muli ko rin tinungga ang huling laman ng baso ko at bigla akong tumayo. Parang umikot ang mundo ng makatayo ako kaya bigla na lang akong bumagsak. Naramdaman ko rin ang biglang pagsalo sa akin ni Mr Chavez. Hinayaan ko na lang siya at tuluyan na akong pumikit. NAGISING ako dahil naramdaman kong parang may humahalik sa akin. Nakikiliti din ako sa paraan niya ng paghalik sa akin. Parang may kasamang sakit ang bawat dampi ng halik sa akinv leeg, kaya napamulat ako. Ganon na lang ang pagkagulat ko, dahil nakita ko si Mr Chavez na nasa ibabaw ko. Pareho din kaming walang damit, habang sarap na sarap siya sa pagpapak sa katawan ko. "Mr Chav---mmmmm" hindi ko natuloy ang sasabihin ko, dahil bigla na lang niya akong siniil ng halik sa labi. Nagpumiglas ako ngunit hindi naman ako makagalaw, dahil sa lakas ni Mr Chavez. Hawak din niya ang dalawang kamay ko at nakadagan sa katawan ko ang malaki niyang katawan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD