ACCIDENT‼️

1851 Words
"I don't love him, Dad. You can't force me to marry a man that I don't know. This is my life, and I have the right to choose who I marry." "He's a good man, my daughter, and he loves you. I believes he can take care of you when I'm gone. I understand your concerns, my daughter. But I have known him and his family background for years. You need his support to manage our businesses. He is an intelligent man, and I believe he can continue to expand our companies." Dad, I appreciate your concern about our businesses, but my happiness matters too. I can't sacrifice my own feelings and dreams for the sake of the company. I need to follow my heart and build a future with someone I truly love......" ***** "Ella, Ella! Hoy, Ella! Tanghali na, pero umu****l kapa rin d'yan. Ano yan ha, nasas*r***n ka o nahih*r*p*n? Bumangon kana at maligo. Kabilin-bilinan pa naman ng Supervisor natin kahapon na agahan natin pumasok ngayon. Hindi mo ba maalala na ngayon ang pagdalaw ni Mr. Caleb Chavez na anak ng may-ari sa Mall." wika ni Ellen sa malakas nitong boses, habang inaalog ang katawan ni Ella. Biglang nagising si Ella, dahil sa bunganga ng kanyang ate Ellen at malakas din siyang inaalog nito para magising siya. Gustuhin man niyang matulog ulit, ngunit hindi na maari dahil may pasok pa sila sa Mall. Bumangon si Ella at humikab pa siya, habang nag-iinat. Tumayo siya at lumundag pa siya ng ilang beses, para tuloyan na magising ang kanyang dugo. Mabilis din niyang iniligpit ang mga kumot at unan na ginamit nilang dalawa. Pinampag din niyang mabuti ang bed sheet, upang hindi ito maalikabok. Inayos din niya ang kanyang bag, upang wala siya makalimutan mamaya. Matapos niyang makompleto ang lahat ay kinuha niya ang kanyang tuwalya at pumasok sa loob ng maliit nilang banyo para makapag linis muna ng kanyang katawan at makapag bihis na rin. Maaga kasi silang pinapapasok ngayon ng kanilang Supervisor, para maaaga din silang makapag ayos ng kanilang mga paninda sa Mall. Ngayon araw ang schedule ng pagbisita ng anak na lalaki ng may-ari ng Mall. Kaya ang lahat ay kinakabahan, dahil nag-aalala sila na baka mapuna sila ni Mr. Chaves. Matapos makaligo at makapagbihis ni Ella ay dumulog muna siya sa hapagkainan, para kumain ng agahan. Maliit lang ang kanilang lamesa, at tama lang ito para sa kanila ng kanyang ate Ellen. Sinangag at itlog ang kanilang agahan na dalawa. Sanay naman sila sa ganitong pagkain, Dahil ganito rin sa kanilang probinsya, ang kaibahan nga lang doon ay ulam na ng isang pamilya ang dalawang pirasong itlog at sasamahan lang nila ito ng nilagang talbos ng kamote at isawsaw sa bagoong na may calamansi. Kahit may kalakihan na rin ang kanilang sinasahod na dalawa ay nagtitipid pa rin sila para may maipadala sila sa kanilang probinsya at makatulong sila sa kanilang pamilya. "Ella, mukhang napapadalas na yata ang pagkakaroon mo ng masamang panaginip? Ano ba talaga ang napapanaginipan mo at mukhang hirap na hirap ka, ha?" magkasunod na tanong ni Ellen. Tinitigan din niya si Ella, dahil nagtataka siya sa nangyayari rito. Pansamantala namang tumigil sa pagkain si Ella, dahil sa narinig niyang tanong ni Ellen. Bigla din siyang napaisip kung ano ang sinasabi ng kanyang ate Ellen, dahil wala siyang maalala. "Wala naman akong matandaan ate. Pag gising ko kanina ay nawala na rin sa isipan ko ang napanaginipan ko." sagot ni Ella. "Sige na, tapusin mo na ang pagkain mo at paki hugas mo na rin ang mga plato. Magbibihis lang ako sandali, para makaalis na tayo." sabi sa kanya ng babae at agad na tumayo at pumasok sa maliit nilang kuwarto. "Ok, ate, ako na ang bahala sa mga kinainan natin." mabilis na sagot niya. Agad din niyang inubos ang kape niya at mabilis na tumayo mula sa kanyang upuan at dinala sa lababo ang mga plato. Nagsuot din siya ng apron, bago siya nag hugas ng mga plato. Naka bihis na kasi siya, kaya kailangan niyang protektahan na huwag mabasa ang uniform niya sa trabaho. SABAY na lumabas ng bahay sina Ella at Ellen, para magtungo sa labàsan at makasakay ng tricycle, patungo sa Mall. Malapit lang ang kanilang inuupahan sa Mall na kanilang pinapasukan, kaya isang sakay na lamang ito mula sa inuupahan nilang maliit na bahay. MAAGANG pumasok ang mga empleyado sa Crown Mall, dahil ngayong araw ang pagdalaw ni Mr. Caleb Chavez. Siya ang bagong CEO ng Chavez Realty & Development, Inc. Pag-aari din ng kanilang pamilya ang Crown Mall. Isa ito sa mga kilalang Mall sa Manila at iba't-ibang lugar sa Pilipinas. Minsan lang dumalaw sa Mall si Caleb, kaya ganon na lang ang tuwa ng mga Saleslady sa kanyang pagdating. Lahat sila ay mabilis na nag handa para sa pagdating ng kanilang binatang Boss at nagmamay-ari ng Crown Mall. Lahat din ay excited na makita at makilala ang batang-bata na CEO. Nangangarap din ang mga ito na mapansin ni Caleb, kapag nikita sila nito. "Bilisan natin mag-ayos ng mga paninda, para masalubong natin si Mr. Chaves. Naku, paara akong dinuduyan sa ulap, dahil sa kilig. Alam niyo, kung ako ang unang magustuhan ni Caleb my love, at yayahing magpakasal ay invited kayong lahat sa wedding namin." kinikilig na wika ng isang saleslady. "Anong ikaw ang magugustuhan? Hoy, mahiya ka naman, tingnan mo nga yang nguso mo na parang puwet ng manok. Paano ka magugustuhan ng isang mayamang lalaki na kagaya ni sir Caleb, aber?" pauyam na sagot ng kasama nitong babae. Naka kunot din ang noo nito, dahil sa pagka disguso sa kanyang narinig. "Ikaw, napaka kill joy mo talaga. Ngayon nga lang ako nagpantasya, hinarang mo pa. Nasira tuloy yung pangarap ko!" sabi naman ng babae, habang nanghahaba ang nguso nito na likas na mahaba. Matapos makapaghanda ang mga ito sa kanilang mga display ay nag retouch pa ng make-up ang karamihan, dahil umaasa silang mapapansin sila ng isang Caleb Chavez na malamig pa sa yelo kung makipag-usap. Gayon pa man ay umaasa pa rin ang bawat saleslady ng Crown Mall na mapapansin sila ni Caleb Chaves. "Hoy, Ella, kanina kapa nagbibilang ng mga stock natin diyan. Mag-ayos kana ng mukha mo, para maging ready kana rin sa pagdating ni Mr. Chavez. Malay mo, ikaw na pala yung babaeng makakabihag ng pihikang puso ni Mr. Caleb Chavez. Alam mo sa totoo lang, napakaganda mo. Kahit nga hindi ka mag make-up ay litaw na litaw pa rin ang kagandahan mo." wika ni Roxy, isa sa kasamahan ni Ella sa Department Store. "Hindi ako interesado na makita at makilala ang sinasabi niyong Caleb Chavez na yan, Roxy. Bakit ba kilig na kilig kayo doon sa tao? Sabi mo nga mayaman at isang CEO yun. Paano naman niya magugustuhan ang mga katulad natin na mahirap lang. Nakakatiyak din akong babaero ang lalaking iyon at baka nga maraming anak yun sa iba't-ibang babae. Baka maging biktima ka lang ng Caleb Chavez na iyon, dahil matapos niyang makuha ang gusto niya sayo ay itatapon kana niya na parang basahan. Gumising ka girl! Hindi totoo ang fairy tail. Walang prince charming na bigla na lang susulpot sa harapan natin at iyaahon tayo sa kahirapan. Mag trabaho ka, para mabuhay ka at makakain tatlong beses sa isang araw." pasupladang sagot ni Ella. Binuhat din niya ang mga nakatuping bagong damit at maingat na inilagay sa shelves. Napailing na lang si Roxy, dahil sa pananaw ng kanyang kaibigan. Hindi rin tumigil si Ella sapag- aayos ng kanilang mga paninda. Ilang beses na rin siyang bumalik sa loob ng stock room, para kumuha ng bagong stock na damit at inilagay niya ito sa mga drawer, para madaling kunin kapag may bumili. Nawala na rin ang mga kasama niya sa loob, dahil nakabantay na ang mga ito sa may entrance ng kanilang store at hinihintay ang pagdating ng sinasabi nilang Mr Caleb Chavez. Sinulyapan niya ang labas at nakita niya ang mga kasamahan na nanghahaba na kanilang mga leeg sa pagtanaw sa malayo. Napapailing na lang si Ella, dahil sa mga kasamahang mahihilig sa guwapo. Pati ang mga kasamahan nilang lalaki ay nakigulo na rin sa labas. Kaya siya na lang ang nag-ayos ng kanilang display sa ibabaw cabinet. Hinila niya ang ladder at umakyat siya rito, upang linisan ang ibabaw ng cabinet at palitan ang damit ang dalawang maniquin sa ibabaw nito. Half body lang ang maniquin, kaya nakapatong lang ito sa ibabaw ng cabinet. KUNOT ang noo na pumasok sa loob ng Mall si Caleb, dahil sa dami ng mga taong nakaharang sa kanyang dadaanan. Naka abang sa kanya ang mga ito sa daan papasok ng Mall. Halos lahat din ng mga babae ay sumisigaw upang mapansin lamang niya ang mga ito at isinisigaw din nila ang kanyang pangalan. Lalong napakunot ang noo ni Caleb, dahil wala siyang makita ni isang nagtatrabaho sa oras na iyon, dahil nasa labas lahat ang mga empleyado niya at nakikigulo sa pagdating niya. Isa pa naman sa inaayawan ni Caleb ay ang mga babaeng halos ipagdildilan ang sarili nila sa kanya. Hindi rin siya basta nagkakagusto sa isang maganda at sexy, dahil kung ang babae rin mismo ang unang magpapakita ng motibo sa kanya. Iginala ni Caleb ang kanyang paningin, dahil gusto niyang malaman kung may naiwan pa ba sa mga shop at umaasikaso sa mga shoppers. Hanggang sa biglang nahagip ng kanyang patingin ang isang saleslady na pilit inaabot ang isang kahon sa itaas ng cabinet sa Garment section. Pinagmasdan ni Caleb ang katawan ng babae at bigla na lang siyang humakbang palapit sa babae, dahil bigla siyang nag-alala na baka mahulog ito sa kinatatayuan niyang ladder. Hinawi din niya ang mga tao sa paligid niya at mabilis siyang pumasok sa loob ng shop, para puntahan ang babaeng may napakagandang katawan. Matangkad ito at may balingkinitan na katawan at kapansin-pansin din ang bilogan nitong pang-upo na lalong bumakat dahil sa suot nitong pencil cut skirt. Ngunit bigla na lang gumalaw ang tinutungtongan nitong ladder at nadulas ang isang paa ng babae. "Miss, watch out!" pasigaw na wika ni Caleb, habang mabilis na tumatakbo. Ang lakas din ng kaba sa d*bd*b niya, dahil kitang-kita niya ang pagkahulog ng isang babae mula sa inaapakan nitong ladder. Halos hindi rin huminga si Caleb, nang saluhin niya ang katawan ng babae at mahigpit niya itong niy*kap, bago siya napaupo sa sahig. ***** Patapos na si Ella sa kanyang ginagawa nang biglang gumalaw ang ladder na gamit niya. Pilit kasi niyang inaabot ang isang kahon sa dulo kaya na-out balance siya at tuluyang tumagilid ang ladder. May narinig din siyang malakas na sigaw ng isang lalaki, bago siya mahulog. Ipinikit na lang ni Ella ang kanyang mata, dahil alam niyang ito na talaga ang katapusan niya. Alam niyang kapag nabuhay pa siya matapos niyang mahulog ay sigurado siyang bali naman ang isa niyang kamay o paa. Ngunit nang bumagsak siya ay hindi naman matigas na semento ang kanyang kinabagsakan. Hindi rin siya nakaramdam ng sakit, kaya unti-unti niyang iminulat ang kanyang mata. "Huh! S-Sino ka at p-paano mo ako nasalo?" ******
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD