"Bakit ito lang ang pagkain? Ano ang tingin n'yo sa akin, hayop!? Kakain ng tira-tirahan?" Malakas na sigaw ni Celesty, matapos i-hagis ang plato na may laman na pagkain. Akala kasi ng mga kasambahay ay hindi na ito kakain, dahil ang dami naman yung Pizza, Fried Chicken at Pasta na hinatid nila kanina sa loob ng Mahjong Room. Sobra-sobra na rin iyon para sa apat na tao, kaya ang alam nila ay busog na ito at hindi na maghahapunan. "Ma'am, nagdala na po kami kanina ng hapunan niyo sa loob ng Mahjong Room. Ang dami po yun, at kahit sampong tao pa ang kakain nun ay hindi pa rin kayang ubusin." Lakas loob na wika ni Maricel. Nagtitimpi rin ito sa bruhang amo, dahil sa ginawa nitong paghahagis sa niluto niyang Grilled Pork steak with veggies. Isang set lang ang inilabas nila, dahil sa terrac