ELLA'S POV ........ PAGOD NA PAGOD ang pakiramdam ko nang makaakyat ako at makapasok dito sa loob ng kuwarto namin ni Caleb. Gusto ko sanang mahiga sa kama, pero naisip ko na baka parating na si Caleb. Ayaw kong makita niya ako ng asawa ko, sa ganitong ayos. Pawisan ako, basa din ang harapan ng damit ko, dahil sa natapon na tubig kanina nang hilain ni mommy ang buhok ko. Magulo na rin ngayon ang buhok ko. Magulo siya tingnan, dahil sa pagtikwas ng mga hibla nitong kulot na kulot. Magpaalam pala ako kay Caleb bukas, para magpa-salon. Para hindi ako nasasabihan na dugyot, hindi naliligo at may kuto. Gustuhin ko man patulan ang mommy ni Caleb, ngunit nag-aalala din ako na baka iyon ang pagsimulan ng gulo nilang mag-ina. Ayaw ko na rin iparating kay Caleb ang nangyari, para hindi siya mag-a