NAGISING SI ELLA, dahil sa paghalik sa kanya ni Caleb. Napangiti din siya, dahil sa kiliting hatid ng pagkakahalik sa kanya ng asawa. Nasasanay na rin siyang may humahalik sa kanya, kapag umaga. "Hon, diba sabi mo kagabi, gusto mong magpunta ng Salon ngayon? Bangon na at maghanda, isasabay na kita sa pagpasok ko sa office." Wika ni Caleb sa asawa. Nakita naman niyang ngumiti ito, kaya lalo siyang natuwa, dahil sa ganda ng pagkakangiti sa kanya ng asawa, kahit nakapikit pa rin ito. "Anong oras na ba?" Tanong ni Ella. Bahagya rin siyang nagmulat ng mata, upang tingnan ang paligid kung maliwanag na ang paligid. "7 am" Matipid na sagot ni Caleb. Abala kasi siya sa pagpupunas ng kanyang buhok. Maaga siyang nagising kanina at natungo sa kanyang Gym, para mag exercise. Araw-araw na ito ang