"Who is she?" Maya-maya ay baling nito sa kaniya nang mapansin siya nito. Tila naman naalala siya ng lalaki at nang akma siyang ipapakilala nito ay mabilis na nilahad ang palad sa babae.
"I'm Sundee, new secretary ni Sir," masayang pakilala sa babae. "Sino ka naman?" balik na tanong dito.
Ngunit imbes na abutin ang kamay ay mas kumapit pa ito kay Samuel kaya wala siyang nagawa kundi ang bawiin ang kamay niya.
'Wow ha! Malandi na bastos pa!' ngitngit ng kalooban.
"May sinasabi ka? Ako lang naman ang kapatid ng asawa ni Samuel," maarteng tugon nito.
'Asawa ng kapatid mo pala bakit nilalandi mo! Grrrrr!' hiyaw ng isipan.
Napangiti siya ng ubod tamis. "Ahhhhh! Hipag ka pala niya," malakas na wika sabay diin sa salitang hipag.
Napakunot-noo si Samuel sa pupuntahan ng usapan ng dalawang babae. Gusto niyang mainis pero natatawa siya dahil mukhang may katapat na si Jessica. Siguro naman sa pagdating ni Sundee ay mababawasan na ang pang-aakit nito sa kaniya. Kahit wala na ang asawa ay may respeto pa rin naman siya.
Bago pa tuluyang magkainitan ang dalawang babae ay binasag na niya iyon. "Make a cup of coffee. Jessica, nasa conference room na ba silang lahat?" utos kay Sundee saka tinanong si Jessica na agad naman nitonh kinatango. Na agad na nagpaalam upang magtungo sa conference room.
Nakailang hakbang na siya at nakasunod naman si Jessica nang tawagin siya ni Sundee. "Sir, black or with cream?" tanong nito.
Hindi niya nilingon. "Black!"
"Sir," tawag ulit nito.
"Yes!" aniya na bahagyang tumaas.
"Dadalhin ko po ba sa conference room?" alanganing tanong ni Sundee. Malay ba niya kasi eh, first day pa naman niya.
"Yes of course. You're my secretary you must be there!" medyo naiiritang sabad. Mukhang makulit ang babae sabagay alam niya naman iyon mula nang gabing makasama ito sa rooftop ng hotel. Nang mapansing wala na itong sasabihin ay pumasok na sa conference room.
Mabilis na hinanap ang pantry at agad naman iyong nakita. Nagtimpla siya ng black coffee saka mabilis na pumunta sa pinasukan ng amo.
Pagpasok pa lamang ni Samuel ay nakitang ipini-present na nang assistant na si Carlos ang kanilang susunod na proyekto. Magbubukas sila ng isang open museum para sa iba't ibang uri ng sasakyan. Good investment iyon lalo na ngayon ang mga kabataan ay nahuhimaling sa selfie at luxury item such cars. Tiyak marami ang kakagat na pasukin sila lalo kung lahat ng mga sasakyan na pangmayaman lamang ay may larawan sila.
People just aftering what they gonna show off into public than what is reality. They're willing to spend money magmukha lang silang mayaman. And they will take advantage on that. Tiyak papatok ito.
Sa loob ay naroroon lahat ng mga investors nila at ilang malalaking kliyente. Naroroon din ang kinaiinisang pinsan. At mas lalo pa siyang nainis nang makitang ngising-ngisi ito.
"Good morning, everyone. I am sorry if I'm late," aniya saka pumunta sa harap. Nasa harap na siya at sumenyas sa kaniya si Carlos. Ibinagay na nito sa kaniya ang monitor. Magsasalita na sana siya nang pumasok doon si Sundee. Halos lahat ay napatingin sa kaniyang bagong sekretarya.
Bahagyang naantala ang gagawing pagtutuloy ng discussion sa bago nilang proyekto. Nilapag nito ang kape niya saka tumayo sa tabi.
"Kindly distribute the folders," aniya.
Nakamaang lang sa kaniya ito. At nang tignan niya ang babae ay tinuro nito ang sarili at kinukompirma kung siya ba ang kausap nito. Nang tumalim ang titig niya ay agad itong ngumiti.
"Sabi ko nga Sir, ako ang kausap mo," anito saka tumalima.
Mabilis nitong ipinamahagi ang folders sa lahat ng naroroon at nang matapat ito kay Mr. Sandoval ay bigla itong napatili. Napatingin si Samuel sa bagong sekretarya. "Are you alright?" matalas na tanong.
Nakita niya ang pagtingin ni Sundee sa matandang ngingisi-ngisi sa tabi. "Ahmmmm! W—ala po, Sir," anito saka nagpatuloy. Hindi na lamang umimik pa si Samuel pero alam niyang may ginawa na naman ang matanda.
Grabe ang gulat ni Sundee nang maramdaman ang pagpisil sa puwetan niya. Kung hindi lang talaga napigilan ang sarili ay nabugbog na niya ang matandang hukluban. Mas lalo siyang natahimik nang marinig ang galit na boses ni Samuel.
'Ngingisi-ngisi ka pang matanda. Humanda ka sa akin. Mata mo lang ang walang latay. Bastos!' inis saka pinagpatuloy ang ginagawang pagbibigay ng folder nang matapat siya sa isang bata at guwapong lalaki. Ngumiti ito sa kaniya kaya ngumiti rin siya. Pagbalik ng tingin sa harap ay nakitang nakatingin pala si Samuel sa kanila ng lalaki.
Tila umakyat yata lahat ng dugo ni Samuel sa utak nang makitang nagmgingitian ang pinsan at ang kaniyang sekretarya.
"You have all the folders, siguro naman ngayon ay pwede na nating ipagpatuloy ang meeting na ito!" matatas na turan upang makuha lahat ng atensyon ng naroroon.
"Naririyan sa hawak niyong folder ang project proposal, ang costs at ang dates. Alam kong malaki ito para maging museum lamang, half of it ay gagawin nating subastahan ng mga taong nais magbenta ng kanilang sasakyan. Of course, they gonna pay us depend on how long they gonna rent. No worries, dito walang collateral. Once they sell their cars doon natin sila sisingilin at that time ay may pera sila at hindi nila maitatanggi iyon. In this business, we don't sell, we don't need any products, we don't need to hires lot of stuff but we can earn as much as you invest. Let see tripple your investment in just a year. You can also see in your folder a computation, it's shows there clearly how your money works if you invest in this project. Any objections?" aniya.
Lahat ng naroroon ay tumango-tango na tila sang-ayon lahat. Mukhang lahat ay interesado sa nilahad na proyekto.
Napamaang si Sundee habang nagsasalita si Samuel. Dama niya ang awtoridad sa bawat salita nito. Pinag-aaralan niya ang bawat galaw at buka ng bibig nito. Mukhang normal na tao naman ito pero nagtatago ang demonyo sa katawan nito. Mayaman nga naman at ayaw nitong bumagsak kaya gagawin ang lahat maging pumatay ng tao.
"Any objections?" huling tanong nito.
Walang nagsalita sa lahat nang naroroon sa loob. "Any objections?" ulit ng bagong amo.
"Sir?" aniya sabay taas pa ng kamay. Lahat ay napalingon sa kaniya.
Hindi maiwasan ni Samuel na mapakunot ang noo niya sa bagong sekretarya. Hindi niya alam na sa lahat ng naroroon ay ito pa ang kay katanungan. Napamulsa na lamang si Samuel.
"Okay, Sundee. What is it?" aniya saka naalalang hindi pa pala alam ang buong pangalan nito.
"Sir, sir pwede po bang gumamit ng banyo. Naiihi na po kasi," ani ng sekretarya. Hindi tuloy alam ni Samuel kung matatawa ba o maiinis sa sinabing iyon ni Sundee.
"Okay!" ani ni Samuel saka tinapos na ang conference meeting nila. "If no more questions? Take your folder and we will be voting next meeting," aniya saka lumabas ng conference room.
Agad namang sumunod sa kaniya ang assistant na si Carlos. "Sir, may meeting po kayo sa Honda company," paalala nito.
"Yes, 2PM pa naman, hindi ba?" kompirma rito.
"Yes, Sir," anito.
"I'm going to the CCTV monitoring," wika. Napamata pa ang assistant at alam nitong nagtataka kung bakit. "Just wanna see if may ginawa na namang kabulastugan si Mr. Sandoval," saad para matanong ang pagtataka nito.
Agad namang sumunod nito. Pagpasok sa control room ay agad na kinalikot ni Carlos ang kuha sa conference room. At ganoon na lamang ang inis niya nang makita ang pagkapa at pagpisil ng matanda sa puwetan ni Sundee. Halos umusok ang ilong sa inis.
Hindi namalayang nakatingin na pala sa kaniya ang assistant. "Sinasabi ko na nga ba?" hindi mapigilang gilalas.
"Anong gagawin mo?" alalang tanong sa kaniya ni Carlos. Aside sa pagiging assistant nito ay kaibigan din.
"Ano pa nga ba?! Tatanggalin ko ang m******s na iyan!" giit niya saka nakapamaywang.
"Pero Samuel, alam mong siya ang top investor ng company," pagpapaalalang giit pa rin nito.
Ngumisi siya. "Ipapalamon ko pa sa kaniya ang pera niya. I don't need his money!" mataas na wika.
"Pero malaking kawalan siya?" giit pa rin nito. Mas lalo pang nainis si Samuel. "Come on Samuel, hayaan mo na. Alam mo namang may pagkamayakis talaga ni Mr. Sandoval. It happens sa ilang tauhan natin 'di ba?" ani pa ng assistant pero nainis talaga siya lalo at kay Sundee pa nito ginawa iyon.
Tumiim ang titig ng kaibigan sa kaniya at napanganga siya sa muling sinabi nito.
"May gusto ka ba sa bago mong sekretarya?" dinig na tanong nito.