"What?!" gulat na saad ni Samuel sa assistant. "Paano mo naman nasabi iyan?" Dmdagdag pang saad at iiling-iling na lamang.
"Oh, come on, kilala kita Samuel. Hindi ka magagalit ng ganyan kung wala kang gusto doon sa bago mong sekretarya. Well, wala naman akong masabi. Maganda siya," anang pa ni Carlos.
"Carlos, don't overthink about it. Pwede ba kamamatay lang asawa ko?!" paalala rito.
Natawa si Carlos sa ginawi ni Samuel. Alam na niyang napipikon na ang kaibigan. Gayun pa man ay hindi pa rin ito tumigil sa pang-aasar kahit lisanin na nila ang controller room at pagkabas ay bumungad ang babaeng topiko nila.
Tila ba may hinahanap ito at nang mapansin sila nito ay agad itong napangiti sa kanila. "Ah! Ha—hi, hello Sir," anito na nagulat sa pagdating nila.
Kagagaling lang ni Sundee sa restroom nang makita ang isang silid doon. Walang nakalagay sa pintuhan kaya tila naiiba iyon. Pinipilit niyang buksan ngunit naka-lock ito. Gamit na niya ang hawak na hairpin upang kalikutin ang lock nang biglang lumabas sa controller room ang dalawang lalaki.
Nabigla pa siya ng tila nang-uusisa pa ang titig ni Samuel. 's**t. Nakahalata pa yata?'
"Ah! Ha—hi...hello..." utal-utal na wika saka pasimpleng itunago ang hairpin sa kamay.
"Follow me!" pormal na saad ni Samuel at tuloy ang lakad nito papasok sa opisina nito.
"Follow me," inis na ulit ni Sundee sabay nguso hindi niya alam na nakatingin pala sa kaniya ang lalaking kasama ng boss. Nang maalala ito ay agad siyang nagtaas ng kamay at nag-peace sign.
Natawa ang lalaki. "Hi! Your his new secretry, yah. I'm Carlos his assistant," ngiting pakilala nito sa kaniya.
"I'm Sundee his new secretary and your new friend," aniya sabay kindat sa lalaki.
"I said. Follow me!" nakaangil na wika ng boss. Gulat na gulat pa si Sundee sa pagsigaw ng amo.
"Yes boss. I will follow you. I'm coming," aniya saka kumaway kay Carlos.
Nang makapasok sa opisina ng lalaki ay agad nitong itinuro kung saan ang mesa niya. Nasa loob din ito ng opisina nito para hindi na raw siya tatawag-tawag pa sa intercom. Kasi mostly daw ay ipapaayos ipapa-xerox naman daw ang gagawin niya.
Ngumiti siya rito saka umupo sa kaniyang mesa. Pagkaupo ay siyang baba naman nito nang may kakapalang pulumpon ng papel sa harap.
"Ayusin ko iyan. Aphabetically," anito.
Nanlaki ang mata ni Sundee saka sinaulo sa isip ang alphabet. 'A, B, C, D—t*ng 'na!' buwisit turan sa isipan saka tinignan ang nilapag nito.
Mga pangalan iyon ng mga empleyado ng buong kompanya. 'Alphabetically,' dagdag pa sa isipan. Matutorta yata utak niya kung ano ang uunahin niya.
Angara ba o Agbayani o Adriatico?
Sa 'A' pa lang ay nahihirapan na siya. Agad siyang napasulyap sa amo niya. Hindi niya alam na nakatingin din pala ito sa kaniya. Tila gusto niyang magsisi dahil matalim ang titig na binigay rito.
"Any problem, Miss Montemayor?" masungit na saad nito.
Napakunot-noo si Sundee kung bakit nito nalamang ang last name niya. Bago pa siya magtanong ay nasagot na rin agad iyon ng sinabi ng lalaki.
"I'm reading your resumè. Are you familiar with Montemayor Manufacturing Incorported?" tanong nito.
'Tanda mo pa pala? 'Di ba bumagsak na nang pinapatay mo ang mag-asawang may-ari?' aniya sa isipan.
"Naku, hindi po. Bakit niyo naman po naitanong, Sir?" kaila rito.
"Ah, wala!" mabilis nitong sabad saka binalik ang mata sa papeles sa mesa nito.
Siya naman ngayon ang palihim na tumitig sa amo. 'Sige lang, hindi habang buhay ay maitatago mo ang iyong ginawa,' galit na turan.
Hindi mapakali si Samuel. Kahit hindi man siya nakatingin kay Sundee ay batid niyang nakatingin ito sa kaniya. Hindi rin niya maintindihan kung bakit kakaiba ang nararamdaman. 'Kamamtay lang ng asawa mo,' paalala ng isipan.
Naduduling na si Sundee sa pinapaayos ng amo. Nangangalay na rin ang leeg niya dahil kanina pa inaayos. Nasa letrang P na siya. 'Buwisit, ilang libo ba ang empleyado rito. Sakit na ng leeg ko. Ang puwet koooo!' hinaing niya sa sarili.
Muli ay palihim na sinulyapan ang amo. Busy pa rin ito sa kapal ng pinag-aaralang kontrata. Napatingin din siya sa orasan sa kaniyang bisig. Nanlaki pa ang mata ng pasado alas dose na at kinse minutos na lamang at ala una na. 'Di ba dapat break time na?' buwisit na bulong sa sarili.
Lalo pa siyang nainis sa amo dahil narinig na niya ang tiyan niya. 'Naku, pati mga alaga ko ay nagrarambulan na!' Buti na lamang at may nakapang candy sa kaniyang shoulder bag. Pinagtiyagan na muna niya.
Napatuwid ng upo si Samuel nang marinig ang pagtunog ng tiyan ni Sundee. Doon ay agad na napatingin sa relo, kaya pala natunog na ang tiyan nito. Kukuha pa sana siya ng buwelo upang yayain itong kumain sa kantina nang biglang bumukas ang pintuhan at iluwa noon si Jessica.
"Hi, baby. Mukhang hindi ka pa kumakain. Dali, kain na tayo," anito saka dere-deretsong lumapit ito sa kaniya at umupo sa kandungan niya.
Nabigla si Sundee nang biglang pumasok ang babae at mas lalo siyang nagulat nang tila hindi siya nakita nito at umupo pa sa kandungan ni Samuel. Saka pinulupot ang dalawang kamay sa leeg ng boss.
At nang akmang hahalikan na ito ng babae sa lips ay nalunok niya ang candy na kasusubo lamang. Napahawak tuloy siya sa dibdib.
Biglang napatayo si Samuel nang makita ang ginagawa ni Sundee. Tila ba aatakihin ito at hawak pa nito ang dibdib, papunta sa leeg. Halos mapaupo sa sahig si Jessica sa kabiglaan sa kaniyang pagtayo.
"Whaaaat?!" gilalas na wika nito nang makita si Sundee.
"Are you okay?" alalang tanong ni Samuel sa sekretarya.
Nailabas pa ni Sundee ang dila sa paghahabol ng candy sa lalamunan upang hindi tuluyang malunok. 'T*ng 'na, mamamatay pa yata ako ng wala sa oras,' maktol nang maka-recover.
"Yes, I'm okay,Sir. Sorry, muntik ko nang malunok ang candy. Nandito na eh," aniya sabay turo sa kalahati ng lalamunan.
"What is she doing here?" nakapamaywang na tanong ni Jessica.
"She's my secretary, yah?" sabad naman ni Samuel.
"Oh yes, I know. What I mean is here inside of your office. As far as I know, sa labas ang sekretarya mo dati?" tila tigreng lalapa ang pagmumukha nito.
"Jessica, if you have nothing to do here. You can go, this is my office and I will do what I want!" malakas na turan ni Samuel na tila napikon na sa babae.
Agad naman lumapit ito sa lalaki at tipong nilalandi. "Samuel sorry, nabigla lang ako. Sige na, labas na tayo," yakag ulit nito.
Tumingin si Samuel sa kaniya. "You can have your break too," baling kay Sundee. "Wait me here. I will talk to Carlos then we'll go," saad ni Samuel saka lumabas.
Naiwan silang dalawa ni Jessica nang makitang lumapit ito sa mesa niya at dumukwang roon.
Gutom na siya kaya agad na niligpit ni Sundee ang ilang gamit at isinukbit na ang shoulder bag nang dumukwang si Jessica sa harap ng mesa. Mataray ang mukha nito.
"Akin lang si Samuel!" anito na seryoso ang titig.
"Oh-kay!" aniya na napapantastikuhan sa ginawi ng babae pero alam na niya ang nais nitong mangyari.
"Binabalaan kita. Kung may plano kang agawin siya, magkakamatayan tayo!" banta pa nito.
Tumawa ng malakas si Sundee saka tumayo at lumapit kay Jessica. Nagkatapat ang kanilang mukha. "Wala akong balak makipagpatayan sa'yo. Binabalaan din kita, landihin mo na nang landihin ang bayaw mo wala akong pakialam!" aniya saka tinalikuran ito.
"Aba't bastos ka!" sikmat nito sabay hablot ng braso niya. "Bastos ka!" anang pa ulit nito saka siya akmang sasampalin nito.
Agad na hinawakan ang kamay nito. "Ikaw ang unang nambastos. At sasabihin ko sa'yo, wala pang tao ang nasampal sa akin. At hindi ikaw ang una!" aniya saka binitawan iyon.
Paghakbang sana ay nagitla siya nang kanina pa pala nakatayo roon ang kaniyang boss. Pormal ang mukha at walang kangiti-ngiti.