Chapter 3: The Snob Boss

1442 Words
"Anong nakakangiti?!" sita ni Sundee sa lalaking kanina ay mainit ang ulo. Akalain ba niyang ito ang kasama kagabi. Mukhang nag-iiba ang katauhan nito sa gabi. Kanina kasi ay tila tigre na gustong lumapa ang hitsura. "Are you going to apply?" tanong niya sa babae. Napataas ang kilay ni Sundee sa tanong ng lalaki. Ibibigay pa lamang niya ang kaniyang resumè sa guwardiya ng aksidente este sinadya niyang banggain ang lalaki. "I said, are you going to apply?" ulit nito na tila nagmamadali na. "Ah! T—yes, Sir!" sabad niya. "Okay. You're hire," ani ni Samuel saka pumasok na sa building. Halos mapanganga si Sundee sa ginawang iyon ng lalaki. Sa haba ng pila sa labas ng building ng mga ito tapos wala pang nai‐interview tapos hired na siya. Sa totoo ay pabor iyon sa kaniya pero parang unfair sa iba na 'di naman lang na-interview. Maraming nakarinig sa sinabing iyon ng lalaki kaya marami ang tila nais magwala. Mabilis niyang hinabol ang lalaki saka dumipa sa daraanan nito. Napakunot-noo si Samuel nang makita ang ginawa ng babae sa harap. Hindi siya nagsasalita at hinihintay itong magsalita. 'Suplado ng lalaking ito ah!' aniya saka kumuha ng buwelo. "Hoy! Este Sir, 'di ba unfair naman iyon? Hindi ka pa nga nagsisimulang interview-hin ang iba?" sita rito. Napailing na lamang si Samuel. "Ayaw mo noon, hindi ka na mahihirapang hintayin ang tawag namin. Your hire," tahasang saad saka lumihis ng daan. 'Aba, tatakas ka pa,' aniya saka mabilis na hinarang ulit ang lalaki. "Ayoko ko nang ganyan, Sir. Very unfair sa iba, baka 'di ako makatulog kapag tinanggap ko ang trabaho," saad. Sa narinig buhat sa babae, ang iling ay biglang naging ngisi. Sa panahon ngayon, konsensiya pa rin ang pinapagana ng babaeng nasa harap niya. Ngayon nga kahit magkamag-anak nagpapatayan magkamal lang ng pera. Naisip tuloy ang tiyuhin niya. Hindi tuloy niya napigilang bumangis ang mukha ng maalala ang pagmumukha ng tiyuhin. Napalunok si Sundee sa nakitang pagbangis ng mukha ng lalaking nasa harapan. 'Sige, ipakita mo kung ano ang nagagawa ng isang Samuel Del Monte kung nagagalit,' aniya sa isipan habang sinasalubong ang bawat titig nito. Nang makabawi si Samuel ay nilapitan niya ang babae. Titig na titig ito. Hindi niya tuloy mapigilang hindi tignan ang malalambot nitong labi. Ngayon ay kitang-kita niya ito hindi kagaya kagabi. Sa pagkakatitig na iyon ay malayang naaral ang mukha ng babae at hindi niya maitatanggi na maganda ito. Grabe ang kaba ni Sundee habang titig na titig sa kaniya si Samuel. Halos makalas ang mga rib cage sa loob ng dibdib sa lakas ng bayo ng dibdib niya. Galit at pagkasuklam man ang pilit isinisiksik sa isipan pero iba ang bayo ng dibdib niya. Napakaguwapo kasi ng lalaki idagdag pa ang tila napkasuplado nitong ugali. Mas malakas pa yata ang appeal kaysa kay Piolo Pascual. Lalo pa at tila papalapit nang papalapit ang mukha nito sa mukha niya. Sunod-sunod na lunok ang ginawa niya. Gusto niya sanang humakbang paatras nang marinig ang sinabi ng lalaki. Na halos gusto niya itong patikimin ng kaniyang malakas na suntok. Napapangiti si Samuel nang makitang hindi mapakali ang babae nang unti-unti siyang humahakbang papalapit rito. Tila nais nitong tumakbo pero hindi nagawa. Unti-unti rin binaba ang mukha palapit rito. Kita pa sa leeg nito ang paglunok nito. Alam niyang apektado ang babae sa paglapit niya rito. Ramdam niya ang kaba nito at akmang aatras nang bumulong siya rito. "Ikaw na binigyan ng trabaho. Ayaw mo pa! Okay lang, hindi ka kawalan!" aniya saka tuluyang umalis. Hindi na rin siya hinabol ng babae. Nakitang natigilan ito at nang makapasok sa elevator ay nakitang nakatayo pa rin ito sa pinang-iwanan niya. Bigla ay nagsisi sa sinabi rito. Saka nag-alala. Hindi siya pwedeng maging mabait, marami ang mapang-abuso. Tiyuhin nga niya ay nilinlang siya, iba pa kaya. Napakuyom ang palad ni Sundee sa narinig buhat sa lalaki. Kung hindi niya lang napigilan ang sarili ay kanina pa niya ito nabigwasan. 'Ganyan ka nga pala kawalang puso. Sabagay, pinapatay mo nga ang buong pamilya ko. Pati walang kamuwang-muwang na bata dinamay mo!' Kinaumagahan ay nagbalik siya sa opisina ni Samuel Del Monte upang mag-report. Tutal ay sinabi naman nitong tanggap na siya. Suot ang miniskirt at sleeveless na blouse na pinatungan niya ng blazer. Tinudyo pa nga siya ni kaibigab nang dumaan siya sa kanilang opisina. Nasa bandang Evangelista lang kasi ang opisina ni Samuel kaya medyo malapit lang. 'Kaya mo ito Sundee. Naririto ka na. Wala nang atrasan,' hamig sa sarili bago tinawid ang daan papunta sa building ng mga Del Monte. Ngunit hindi pa man siya nakakarating sa kabilang panig ay biglang sumulpot ang napakabilis na sasakyan na halos lumagitsit ang brake nito sa pagpreno. 'T*ng 'nang ito, papatayin pa ako!' buwisit na buwisit siyang tumabi at pinuntahan ang bintana ng driver ng sasakyan. Napangiti siya dahil naka BMW ito. Kaya pala kung umasta ay pag-aari ang daan. "Hoy! Lumabas ka riyan?!" malakas na katok sa bintana ng sasakyang nakatigil. Dahil sa nangyari ay maraming tao ang naagaw ng pansin. Nainis na si Sundee nang makitang hindi siya pinapansin ng nasa loob. Tinted ang sasakyan kaya hindi niya makita kung lalaki o babae ang nasa loob. "Hoy! Sabi lumabas ka riyan?" aniya saka muling kinatok. Nagmamadali si Samuel dahil naipit siya sa trapiko. Nasa conference na raw ang lahat ng mga top client niya. Mula sa iba't ibang automotive manufacturing ang mga ito. Nang biglang napapadyak siya ng preno dahil sa biglaang pagsulpot ng babae sa harap. Nakitang napatili pa ang babae sa kabiglaan at maging ang taong nasa paligid dahil sa biglaang pagpreno. Maya-maya ay bumaling ang mukha ng babae sa kaniya. Nakayuko kasi ito dahil tila ba hinintay nitong mabangga ito at nang wala itong maramdaman ay nagtaas na ito ng mukha. Ganoon na lang din ang gulat niya ng mapagsino ang babae sa harapan ng sasakyan. Si Sundee. Ang babaeng nakilala noong isang gabi. Ang babaeng nag-apply kahapon. Ngayon at heto nasa harap ulit. Nakitang galit na pumunta sa tabi ng bintana niya. Napangiti siya dahil kahit galit ang babae ay napakaganda pa rin nito. Bakas sa mukha ang galit. Kinatok ang bintana niya, alam niyang galit na galit ito. Ngunit imbes na buksan ang bintana ay tinitigan lamang ito. Muli itong kumatok. "Buksan mo ito gag—" putol na mura ni Sundee nang bumukas ang bintanang kinakatok at sumungaw ang guwapong mukha ni Samuel. 'Gago ka!' sa utak na lamang itinuloy ang sasabihin sana. "What a small world. Grabe talaga noh, parang pinaglalapit tayo ng tadhana," ani ni Samuel. Hindi malaman ni Sundee kung biro ba iyon o nagpaprinig ang lalaki. 'Oo nga eh, tadhana na ang gumagawa ng paraan para makapaghigante ako,' aniya sa isipan. "Anong sinabi mo?" ani ni Samuel. Bigla ay nabalik siya. Galit nga pala siya sa lalaki. "Sabi ko. Tanga ka ba? Papatayin mo ba ako?" gilalas na wika rito upang mapagtakpan ang pagkapahiya. Natawa si Samuel. "Bakit ka tumatawa? May nakakatawa ba?" inis na tugon sa lalaki. "Oo! Ikaw? Miss, pwede ka namang tumawid doon sa pedestrian. Ngayon sino ang mas tanga sa atin?" anito saka pinausad ang sasakyan nito. Muli ay nanggigil siya sa lalaki. Halos maubo pa siya ng usok na lamang ng sasakyan nito ang nalanghap. "Tarantado! Bumalik ka rito?" bulyaw pa kahit hindi na siya maririnig nito. Inis na inis siya. Lumakad na lamang siya upang marating na ang building ng nga ito. Nasa lobby na siya at hinihintay ang elevator papunta sa opisina ng magiging boss. Pagbukas ng elevator ay nakita ang mukha ni Samuel na batid niyang galing sa parking lot. Nakita ang pagkagulat sa mukha nito. Wala siyang nagawa kundi ang pumasok. Dalawa lang sila sa elevator kaya hindi siya mapakali. "So, did you take the job?" tinig sa kaniyang likuran. Napalunok siya. "Ah—eh! Yes, Sir!" aniya na tila maamong tupa nang marinig ang malutong na halakhak ng lalaki. "I never thought na ganyan ka kaamo kapag hindi ka galit," ani ng lalaki. "Ikaw naman, Sir, 'di ka na mabiro," aniya rito. Tuluyang narating ang opisina nito. Paglabas ng elevator ay sumalubong ang isang sexy at magandang babae sa magiging boss niya. Sa mukha ng babae ay tila nilalandi ito. Lumapit ito kay Samuel at tila inayos kuno ang necktie ng lalaki saka sweet na kinausap ito. Medyo naalibadbaran si Sundee sa inasta ng babae. "Good morning baby," dinig pang lambing ng babae. "Gossh! Good morning baby. Ewwww!" aniya sabay tirik ng mata niya. Hindi niya alam na nakita pala ni Samuel ang ginawang iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD