"Are you annoying me?" turan ni Samuel nang tila maging ang titig ni Sundee ay hindi kayang salubungin. "No, Sir, kape gusto mo?Mukhang mainit na naman ang ulo mo?" pag-iiba ng usapan kaya agad itong inalok. Sa totoo ay gusto niya muna ng break. Nakakapanginig ng tuhod ang mga titig ng lalaki. Baka kasi sa mga titig nito ay matunaw ang pusong pinatigas ng panahon. "No need, I will be leaving later. I have a one on one meeting with Mr. Sandoval," anito saka na tinuon ang pansin sa papeles na hawak. Minabuti na rin niyang manahimik at saktong ilang piraso na lang naman ay matatapos na siya. "Thanks God!" nausal pa nang sa wakas ay natapos niya rin. Nakitang sinipat nito ang relo saka tumayo matapos ayusin ang papeles na dadalhin nito. Tumayo ito saka sinukbit ang kaniyang coat. Saka tinu