Nagtama ang mga mata nila ng boss at ang galit na mukha nito ay mas lalomg bumangis. Napalunok siya nang makitang deretso sa direksyon nila ang tinahak nito. Hindi niya napansin na maging si Miel pala ay nakatingin na sa papasugod na lalaki. Nagtatanong ang mga titig nito kung sino ang lalaki. "Ssshhhiiirrr?!" bulalas nang naroroon na si Samuel. "What do I told you, Miss Montemayor?" inis na turan nito. "Yes, Sir, you told me na umuwi na pagkatapos kong tapusin ang pinagagawa niyo?" clueless na saad. "Exactly, so why are you here at nakikipagharutan?" sita nito. 'Aba! Sino ka para sabihing nakikipagharutan ako,' inis na saad sa sarili. "Sir, hindi naman po ako nakikipagharutan. Ikaw naman, Sir masyado kang judgemental," pagbibiro niya saka humingi ng pasensiya kay Miel. "Pasensiya ka