Chapter 9: At the Bar

1344 Words

"Sur?!" hindi mapigilang ibulalas ni Sundee nang magtama ang mata nila ng lalaki na nasa loft ng bar na kinaroroonan. Napatigil pa siya sa kaniyang pagsasayaw. "Oh, please don't call me, Sir. Call me Craig," tinig ng lalaking nasa harap na panay din ang indayog sa tugtog. "Ah—hmmmm!" aniya saka unti-unting humakbang patalikod. Ngunit agad siyang naawat ng lalaking kasayawan. "Miss, hey! Are you scared of me?" anito ngunit hindi siya maka-concentrate rito dahil kay Samuel ang atensyon niya lalo na at nakakunot na ito habang nakatingin sa brasong hawak ng lalaking kausap. "Sorry, Craig. I just need to go. Anyways, I'm Sundee," aniya saka kumaripas ng balik sa mesa nina Vien. "Oh, Sundee. Bakit tila takot na takot ka girl. Kanina lang ay game na game ka!" natatawang wika pa ng kaibigan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD