Tukso

2042 Words
CHLOE: TAHIMIK akong pinapakiramdaman si Roselle. Hindi ko na rin alam kung paano ko ba siya itrato ng maayos. Akala ko magiging maayos na kami na tanggapin ko na lang sila ni baby na parte na ng buhay at mundo ko. Pero kung kailan natanggap ko na ang anak namin, saka naman ito nawala. Alam kong may kasalanan din naman ako kaya ito nakunan. Kaya hindi ko na alam kung paano siya pakikitunguhan lalo na't hindi ko naman nababasa ang mga tumatakbo sa isip niya. Matapos ang ilang araw naming bakasyon ay bumalik na rin kami ng syudad. 'Yon nga lang ay sa condo na kami tumuloy. Mabuti na lang at pumayag sina Mommy at Daddy na humiwalay kami ng titirhan ni Roselle. Mas makakakilos ako ng maayos kung wala ako sa mansion. Dahil kahit napakalaki ng lugar na 'yon ay napakasikip ang dating sa akin dahil sa mga katulong na nakamasid sa bawat galaw ko lalo na si mommy na lahat ng bagay ay napupuna nito. Hindi ko na lamang iniimikan si Roselle at saka lang sasagot kapag nagtatanong ito. Dahil sa pagkawala ni baby ay para tuloy may invisible line sa pagitan naming mag-asawa na nagsisilbing bakod para magkalayo kaming dalawa. Pagdating namin ng unit ay hindi naman ito nagreklamong dito kami tumuloy at hindi sa mansion o sa bahay nila. Mukhang inaasahan na niyang bubukod kami ng tirahan pagbalik ng syudad dahil hindi ko manlang mabakasan ito ng gulat. "Chloe?" Napalingon ako dito sa pagtawag sa akin. Pilit itong ngumiti na lumapit. Napalunok ako at kinabahan pero pinanatili kong walang kabuhay-buhay ang mga matang nakatitig dito. Kita ang pag-alangan sa magandang mukha nito na napapaiwas ng tingin sa mga mata ko. "Uhm. . . sa iisang silid ba tayo?" nag-aalangang tanong nitong ikinakunotnoo kong napatitig dito. "Why?" "Okay lang naman kasi sa akin na dito sa kabilang silid tumuloy kung hindi ka komportable na makatabi ako sa iisang kama," alanganing saad nito na pilit ngumiti. Napahinga ako ng malalim na napasulyap sa guest room katabi ng master's bedroom. "Fine," walang emosyong saad ko na sa guest room itinuloy ang mga language nito. Kahit ayoko sanang maghiwalay kami ng silid ay ayoko namang pilitin ito. Kung naiilang siyang makatabi ako, ipagkakaloob ko ang gusto. Hindi naman big deal sa akin kung dito siya sa guest room habang ako sa master's bedroom sana naming mag-asawa. Napasunod din naman itong napapalinga sa kabuoan ng silid. "Ako na dyan," agap nito sa akmang paglipat ko ng mga gamit nito sa cabinet. Napahinga ako ng malalim. Pagod ang mga matang napatitig dito na pilit ang ngiting kitang hindi komportable makipagtitigan sa akin. Hindi ako umimik na ibinaba ang mga gamit nitong lumabas ng kanyang silid. Ayoko namang pilitin ito. Kung ayaw niyang makitabi sa akin? 'Di hwag. Pagkalabas ko ay dinala ko na lamang ang mga gamit ko sa silid ko. Kaysa naman makipagtalo na naman ako dito. Nakakapagod ding makipagtalo sa kanya. Lalo lang kaming nagkakasakitan lalo na ngayon na mainit pa ang nangyari na pagkakakunan nito. Baka mamaya hindi ko na naman ma-control ang sarili at makapagbitaw ng salitang ikakasama lalo ng loob nito. Bagsak ang katawan kong dumapa ng kama. Ramdam ko ang pagod sa byahe namin idagdag pang ilang gabi na rin akong walang maayos na tulog dahil sa mga nangyayari sa pagitan naming mag-asawa. NAALIMPUNGATAN ako sa sunod-sunod na pagyugyog ng kung sino sa balikat ko. Naniningkit ang mga matang napalingon ako dito at bumungad sa inaantok kong mga mata ang maamong mukha ng asawa ko. Si Roselle. "K-kumain ka muna. Anong oras na," nag-aalangang saad nito. Napalingon ako sa wall clock at pasado alasdyes na pala ng gabi! Tinatamad akong bumangon na lumabas ng silid. Sumunod din naman ito na inalalayan pa akong inaantok na naglalakad. Lihim akong napapangiti nang ipaghila ako nito ng silya at ipinaghain din. Hindi na lamang ako umimik at hinayaan itong umasikaso sa akin. "Hindi ka ba kakain?" Lingon kong tanong dito na nakatayo lang malapit sa aking parang katulong na naghihintay ng maipag-uutos. Ngumiti itong umiling. "Mauna ka na. Hindi pa ako gutom," nakangiting sagot nito. Hindi ko na lamang pinansin at nagpatuloy kumain. Mukhang kahit sa hapagkainan ay hindi niya ako kayang kasama. Naiilang ba siya? O nawawalan siya ng ganang kumain kapag kaharap ako? Tsk. Matapos kong kumain ay nagtungo na ako ng sala at nanood ng movie. Pasimple ko itong sinusulyapan sa gawi ng kusina. Tahimik lang naman itong nagligpit ng mga pinagkainan ko bago kumain. Napailing na lamang akong itinuon ang paningin sa tv kaysa panakaw-nakaw ng tingin dito. Pagkatapos nitong kumain at naglinis ng kusina ay nagtungo na ito ng silid. Kita ko naman sa gilid ng mga mata kong hindi manlang ako nito sinulyapan dito sa sala. Napahinga ako ng malalim. Unang gabi namin dito sa unit na magiging tahanan namin pero heto at para kaming hindi magkakilala. Kahit gusto ko siyang makausap tungkol sa mga nangyari sa resort ay nanahimik na lamang ako. Masakit sa akin ang pagkakawala ng baby namin. Kaya nakakatiyak akong nasasaktan din ito. Ayoko namang kulitin ito lalo na't kitang wala ito sa mood na nakikipag-usap sa akin. Ni hindi nga ako maatim makatabi sa kama o kahit sabayang kumain eh. Nababagot akong palipat-lipat ng chanel sa mga palabas. Mag-uumaga na pero hindi na ako dinalaw pa ng antok. Panay ang sulyap ko sa silid ni Roselle. Napapaisip kung nakatulog na ba ito? O katulad kong hindi dalawin ng antok. Pagak akong natawa sa isip na nawala sa sariling pumasok sa silid nito para lang makitang nasa kasarapan na siya ng tulog. Napailing akong isinaradong muli ang pinto ng silid nito at nagtungo na lamang sa silid ko. Hindi ko mapigilang makaramdam ng kurot sa puso kong umiiwas na rin ito. Pakiramdam ko'y kahit nasa piling ko siya ay katulad pa rin siya noong una. Napakalayo na hanggang tanaw lang ako sa kanya. NAPAKUNOTNOO ako habang abala sa pagtitipa sa laptop ko ng may sunod-sunod na nag-doorbell sa may pinto. Napalingon ako kay Roselle na abala sa pagluluto sa kusina ng tanghalian. "Roselle, may tao!" iritadong sigaw ko ditong nagmamadaling lumabas ng kusina at pinagbuksan ang bisita. Napanganga ako na malingunan kung sino ang sinalubong nitong dalaga na katulad noong u na ay napaka-revealing ng suot. Mula sa high waist white short nito at croptop na labas ang pusod, likod at kalahati ng dibdib. Pasimple naman itong napakindat nang magtama ang mga mata namin. Kaagad akong nagbawi ng tingin dito. Hindi mapigilang kabahan na nandidito ito. Paano niya ba nalaman ang unit namin ni Roselle? Hindi ko tuloy maiwasang maalala ang namagitan sa amin sa Boracay. Kung saan kusa nitong ibinigay sa akin ang katawan ng paulit-ulit. Napakaagresibo at halos walang kapaguran pagdating sa kama. Dinaig pa si Roselle na Ate niya sa galing nitong magpaligaya ng lalake. Kahit nakainom ako noon ay alam ko namang hindi ako ang nakauna sa kanya. At hindi na 'yon nakapagtataka sa katulad niyang halatang eksperyensado na pagdating sa s*x. "Chloe, may bisita tayo." Tumango lang akong hindi sinusulyapan ang mga itong magkayakap na nasa gilid ko. "Chloe naman, nandito ang kapatid ko, mamaya na 'yan." Muling pangungulit nito. Mariin akong napapikit at hilamos ng palad sa mukha sa pangungulit ni Roselle. Tumayo akong bahagyang salubong ang kilay at walang kangiti-ngiti na humarap sa mga ito. Napalapat ito ng labing nagsusumamo ang mga matang tila nakikiusap sa akin. Napahinga ako ng malalim na naglahad ng kamay kay Raquel. "Chloe," simpleng pagpapakilala ko. Napangiti itong tinanggap ang kamay ko at bahagyang pinisil iyon na ikinalunok kong parang napapasong napabitaw dito. "Raquel. . . Kuya," mahinhing pagpapakilala nito. Pagak akong natawa sa isip-isip. Napakalambing niyang magsalita na parang Maria Clara ang datingan. Pero nasa loob ang kulo. "Ahm, sa kusina na muna kami, Chloe." Ani Roselle na mapansing wala ako sa mood na tinanguhan ko lang at marahas na napaupong bumaling sa laptop ko. Nagkakahagikhikan pa ang mga itong magkayakap na nagtungo ng kusinang ikinailing ko. Mukha namang maayos ang relasyon nilang magkapatid. Pero paano niya naatim na tablahin ang Ate niya? Kahit sa maiksing panahon ay madali ko namang nagamay ang pag-uugali ni Roselle at nakakatiyak akong puro siya. Hindi pakitang tao lang ang kabutihang asal nitong pinapakita sa kapwa. Hindi katulad ng kapatid niyang una pa lang ay dama mo na ang katauhan na isang peke. Napapilig ako ng ulo na pinagkukumpara sila sa isipan ko. Walang-wala naman talaga si Raquel sa Ate nito. Sa ugali man o sa pagandahan ay nangunguna at lamang na lamang naman ang asawa ko. Pero kapansin-pansin din na hindi sila magkamukha. Magkapatid nga kaya sila? PANAY ang mura ko sa isipan habang magkakaharap kaming tatlo na kumakain. Hindi ako makakain ng maayos sa pasimpleng paglilingkis ng binti ni Raquel sa binti ko sa ilalim ng mesa. Magkatabi sila ni Roselle na kaharap kong kumakain. Kahit pasimple ko itong pinaniningkitan ay napapangisi lang itong patuloy sa pagkiskis ng paa sa binti ko hanggang sa hita kong ikinaiktad kong nahulog ang kutsara sa sahig! "Chloe, okay ka lang?" ani Roselle. "Yes, sweetheart. Sorry," aniko na yumuko sa ilalim ng mesa para abutin ang kutsara. Pero nananadya namang nagbuka ng mga hita si Raquel na ikinalingon ko ditong sunod-sunod na napalunok. Sa iksi kasi ng suot nitong short ay nakasilip na ang singit nito sa kanyang pagbukaka. Napaawang ako ng labi nang bumaba ang kamay nitong hinaplos ang sariling pekpek na mukhang alam niyang nakatitig ako dito. "Fvck!" Malutong akong napamurang natarantang umayos ng upo at nauntog pa sa gilid ng lamesa. "Chloe!" "I'm okay. Hindi naman masakit. Kumain ka na, sweetheart" pagpigil ko kay Roselle na napatayong akmang dadaluhan ako. Napapahagikhik naman ang kapatid nitong naiiling na ikinananiningkit ng mga mata ko dito. Napakuyom ako ng kamao at pilit umakto ng normal. Ayoko namang makahalata ang asawa ko sa pinaggagawa ng kapatid nito. Paniguradong ikakadurog niya kapag nalamang may namagitan na sa amin ni Raquel. At baka maging sanhi pa 'yon para hiwalayan na niya ako. Bagay na hindi ko. . . mapapayagang mangyari. Akin siya. At siya lang, ang nais kong maging asawa ngayong mas nakikilala ko na siya. Pagkatapos naming mananghalian ay nakahinga ako ng maluwag na umalis din si Raquel. Pero para naman akong kinukurot sa puso na makitang ang lungkot na naman ni Roselle, pagkaalis ng kapatid. Muli kong inabala ang sarili sa trabaho. Matapos kasing maglinis ni Roselle ay nagkulong na naman ito sa silid na hindi manlang ako iniimikan. Napabuga ako ng hangin na napahilot ng sentido. Hindi ako maka-focus sa ginagawa ko dahil na kay Roselle ang isipan ko. Panay ang lingon ko sa pinto ng silid nito. Namimis ko na ring kakulitan ito katulad dati. Namimis ko na ang makulit at masayahing Roselle. Pero paano ko ba iyon maibabalik kung maging ito ay tila wala ng kagana-gana sa pagsasama namin. Naibagsak ko ang sarili sa sofa na idinantay ang braso sa noo. Kinukubli ang pagtulo ng luha ko. Hindi ko na alam kung paano aayusin ang gusot sa pagitan namin ni Roselle. Gusto ko siyang aluin at bumalik sa dati ang pagsasama namin. Hindi naman siya mahirap mahalin eh. Kahit itanggi ng isipan ko at alam ng puso kong. . . mahal ko na ito. Totoong mahal ko na siya at hindi lang pagkahumaling sa katawan niya ang nadarama ko para sa kanya. Siya ang unang babaeng nakaagaw ng attention ko. Unang babaeng nagagawang patibukin ng mabilis ang puso ko. Babaeng kinahumalingan ko. Na ngayo'y. . . minamahal ko. Pero tila may mataas na pader na nakatayo sa pagitan naming mag-asawa. Na ang hirap-hirap tibagin no'n para malaya naming makasama ang isa't-isa. Alam ko namang mahal din ako ni Roselle. Dama ko iyon. Pero sa mga nangyari ay hindi na ako sigurado kung mahal niya pa rin ako. Kung masaya pa siya sa akin. Kung gusto niya pa rin akong makasama bilang. . . asawa niya. Napapikit ako na hinayaan ang luha kong umagos. Naramdaman ko namang bumukas ang pinto. Nanatili akong nakahiga at dantay ang braso sa noo. Narinig ko ang mga yabag nitong papalapit kaya nagtulog-tulugan ako. Lumapit ito na naupo sa gilid nitong sofa. Napahinga ng malalim na hinaplos ako sa ulo at kinumutan ako bago. . . muling umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD