Coldness

1700 Words
ROSELLE: NAALIMPUNGATAN ako na makarinig ng mga pamilyar na boses sa paligid kong bahagyang ikinakunot ng noo ko. "Kaya ka nga nandidito, hindi ba? You must be the one who's watching and protecting her, against your bestfriend. Damn that kid. Kung hindi ko lang inaanak, ipinatumba ko na ang batang 'yon." Dinig kong nanggigigil na panenermon ni. . . Tito Dwight?? Nanatili akong nakapikit na pinapakiramdaman ang paligid ko. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko at hindi alam ang mga nangyayari sa paligid ko! "I am, Dad. Akala ko po kasi nasa silid na siya, nahihimbing gaya ng sinabi ni Chloe. Hindi ko naman alam na nagising siya at lumabas ng silid nila." Ani Delta na medyo iritado ang tono. Mas nangunotnoo akong nakikinig sa usapan nilang mag-ama na tila nagtatalo sa nangyari sa akin. "Damn. Kung hindi lang anak ni Collins ang batang 'yan, ako na ang magbabaon sa kanya sa himlayan niya." Madiing asik nitong ikinamulat ng mga mata ko! Para akong nabuhusan ng nagyeyelong tubig na makuha kung sino ang pinag-uusapan nila! "Roselle?" Napalingon ang mga ito sa akin na kaagad lumapit at naupo sa magkabilaang gilid ko. Puno ng pag-aalala ang mga matang nakatutok sa akin. "Tito? Delta?" mahinang sambit ko. Mas lumapit naman si Tito Dwight na hinaplos ako sa ulo. Kita ang kakaibang lungkot sa mga mata nitong nakatutok sa aking pilit kong ikinangiti dito. "How are you, sweetie?" malambing tanong nitong puno ng pag-aalala ang boses at mukha. Napangiti akong marahang tumango. Hindi naman ako makadama ng pagkailang sa paglalambing nito. Kundi kakaibang bugso ng damdamin ang nangingibabaw sa puso ko na hindi ko mapangalanan. "Mas maayos na po." Pilit itong ngumiti na hinawakan ako sa kamay. "Gusto mo bang ipawalang bisa ang kasal mo kay Chloe?" Natigilan akong napalunok dala ng kabiglaan sa sinaad nito. Ngumiti ito pero hindi abot sa kanyang mga mata. Umusog din si Delta na hinawakan ang isang kamay ko. May munting ngiti pero kita ang lungkot sa mga mata nito. "Tutulungan ka namin makawala sa kasal niyo ni Chloe kung gusto mo, Roselle. Lalo na ngayon na wala na ang baby sana ninyo," mahinahong saad nitong ikinangilid ng luha ko. Dahil sa kapabayaan ko ay nawala ang anak ko. Kung sana hindi na ako lumabas ng silid namin. . . hindi sana ako nakunan. "Salamat po. Pero maayos pa naman siguro namin ni Chloe ito. Kakakasal pa lang namin," matabang kong sagot. Parang may bumukil na bato sa lalamunan ko sa mga sandaling ito. Tumulo ang luha ko na mapait na napangiti sa mga ito. "Okay," tumatango-tangong saad ni Tito Dwight na ikinangiti ko. "Pero kung sakali at kailangan mo ng tulong? Magsabi ka lang, huh?" dugtong pa nitong pilit kong ikinangiti. "Salamat po, Tito. Tatandaan ko po 'yan." PAGKALABAS ko ng hospital ay si Delta na rin ang naghatid sa akin sa resort. Tahimik ako na kabado sa muli naming paghaharap ni Chloe lalo na't hindi naging maganda ang huling pag-uusap namin kung saan nag-walk-out itong iniwan ako sa hospital kahit mag-isa ako. "Kaya mo na ba?" nag-aalalang tanong nito nang makatapat na kami sa akupado naming silid ni Chloe. "Yeah. Thank you, Delta," nakangiting sagot ko. Ginulo naman nito ang buhok ko na may tipid na ngiti sa kanyang mga labi. "Pumasok ka na. Magpalakas ka," anito bago pumihit patalikod at nagtungo ng elevator. Napakaway pa ito pagkapasok sa loob na ikinangiti at tango kong napakaway din dito. Napahinga ako ng malalim na pilit kinalma ang puso kong sobrang bilis ng t***k, bago pinihit ang doorknob at pumasok ng silid. Napalapat ako ng labi na makitang walang tao dito sa silid. Magulo ang kama at nagkalat ang ilang gamit sa sahig. Napailing na lamang akong naupo ng sofa. Nanghihina pa ako at masakit ang puson at balakang ko. Napahaplos ako sa puson ko at muling tumulo ang luha. Sising-sisi sa pagkakawala ni baby. Inilaban ko pa siya kay Chloe pero heto at mawawala din pala siya sa akin dahil sa kapabayaan ko. Kaya hindi ko rin masisisi si Chloe na magalit sa akin dahil nakulong nga naman siya sa kasal namin dahil sa pagdadalangtao ko. Pero iglap lang kung kailan kasal na kami, saka naman ako makukunan. Hindi ko mapigilang mapahagulhol na niyakap ang sarili. Siya namang pagbukas ng pinto at niluwal si Chloe na napakunotnoong mabungaran ako. Nag-iwas ako ng tingin na pilit pinatahan ang sarili. Hindi naman ito umimik at tumuloy ng banyo. Para akong pinipiga sa puso. Ramdam kong galit pa rin ito sa akin na lalo kong ikinagu-guilty sa nangyari. Ilang sandali lang ay lumabas na rin itong nakatapis na lang ng towel at basang-basa pa ang katawan. Matapos nitong makapagbihis ay walang imik na lumabas ng silid. Ni hindi ako sinulyapan na parang hindi ako nakikita. "Nagtatampo lang siya. Kahit sino namang asawa ay magagalit pag nawalan ng anak, Roselle." Pag-aalo ko sa sariling hindi maubos-ubos ang luha. Pakiramdam ko'y mas lalo akong naging walang kwenta para dito. At hindi na magtataka kung sa mga susunod na araw ay ipawalang bisa na nito ang kasal namin. At kung mangyari man 'yon? Malugod ko siyang pakakawalan. Nanghihina akong tumayo at nilinisan ang silid namin. Maging ang kama na sabog-sabog pa. Ramdam ko ang panginginig ng katawan ko pero tinapos ko na muna ang paglilinis. Hapong-hapo ang pakiramdam kong nanghihinang napaupo sa gilid ng kama. Tagaktak ng pawis at umiikot na ang paningin. Napapakurap akong pilit nilalabanan ang pandidilim ng paningin ko pero sadyang hindi ko malabanan. Para akong hinihigop na maging ang natitirang lakas sa katawan ko ay unti-unting nahigop na tuluyan kong ikinabigay at nawalan ng malay. NAGISING akong nasa gitna na ng kama at iba na rin ang suot na damit. Nanghihina akong napagala ng paningin at napalabing malingunan si Chloe na nasa tabi ko. Nahihimbing na nakayapos ang isang braso sa tyan ko. Nangilid ang luha kong pinakatitigan ito. Kahit nahihimbing ay kita ang lungkot sa kanyang mukha. Bahagya ding salubong ang mga kilay. "I'm sorry. Hwag ka ng magalit. Hindi ko naman sinasadya at lalong-lalo ng hindi ko kagustuhan na mawala ang baby natin," mahinang pagkausap ko dito na marahang hinahaplos ito sa ulo. Tahimik akong umiyak habang nakamata dito. Kahit abot kamay ko na siya ay dama ko ang milya-milya naming pagitan. Na para siyang bituin sa langit na kay hirap abutin at hanggang tingin ka na lamang. Napaayos ako ng higa nang marahang gumalaw itong tila naramdaman ang paghaplos ko sa ulo nito. Napapahid ako ng luha at nagtulog-tulugan nang tuluyan na itong nagising. Kahit nakapikit ako ay ramdam ko ang mga mata nitong matiim ang pagkakatitig sa aking ikinabilis ng kabog ng dibdib ko. Panay ang pagbuntong-hininga nito. Maya pa'y napahaplos ito sa pisngi ko at masuyong hinalikan ako sa noo. Lihim akong napangiti nang bumangon na ito at dinig ang mga yabag nitong papalayo. Unti-unti akong nagdilat ng mga mata na sinilip itong nagtungo ng kusina. Kahit napakalamig na niya ay may puwang sa puso ko ang umaasa na mapapaamo ko ulit siya. Kung kinakailangan kong magpabuntis muli sa kanya bumalik lang kami sa dati ay gagawin ko. "I'm sorry, Chloe. Pagbubutihan ko. Mabubuntis ulit ako sayo, at sisiguraduhin kong maisisilang ko ng ligtas ang magiging baby natin," piping usal ko na ikinatulo ng luha ko habang nakamata dito. Ilang minuto din itong nasa kusina. Napapasilip ako ditong abala na naglutong ikinangingiti ko. Pero siya namang pag-alpasan ng butil-butil kong luha habang nakamata sa likuran nito. Ang anak lang namin ang dahilan kaya niya ako pinakasalan. Dahil kung hindi naman niya ako nabuntis ay wala itong planong asawahin ako. Naalala ko naman ang sinaad nito noong araw na nagtapat akong buntis ako. Kung saan sinabi niyang ipalaglag ko ang baby namin. Na hindi pa siya handang lumagay sa tahimik. Higit sa lahat. . . ? Hindi ang isang katulad ko ang pangarap niyang mapangasawa. Para akong sinasaksak sa puso na maalala ang araw na iyon. Kung paano ako nadurog sa mga katagang binitawan nito. Ngayon ay wala na ang anak namin. Kusa siyang binawi ng Maykapal dahil labag sa loob ng sarili nitong ama na mabuo ito. Mapait akong napangiti na masaganang rumaragasa sa aking mga mata ang luha. Hanggang sa ang tahimik kong pag-iyak ay napunta sa paghagulhol habang yakap-yakap ang unan ko. Tumalikod na ako sa gawi ni Chloe. Ramdam ko naman ang mga mata nitong nakatutok na ngayon sa akin. Ilang minuto akong umiiyak nang maramdaman ang mga yabag nitong papalapit. Nanatili akong nakatalikod dito. Sinisinok sa pagod na umiyak. Nanghihina pa ako at damang ang init ng katawan ko. Naupo ito sa gilid ng kama at nilapag sa katabing mesa ang dalang lugaw. Umuusok-usok pa iyon at nakakagutom ang amoy. Pero kahit ang sarap niya sa pang-amoy at paningin ko ay wala akong ganang kainin iyon. "Stop crying. Wala ng magagawa ang mga luha mo. Hindi na no'n maibabalik ang anak mo," walang emosyong saad nito. Hindi ako umimik na hindi rin sinusulyapan ito. Napahinga ito ng malalim na inabot ang bowl at hinalo-halo iyon bago nag-umang sa bibig ko. "Kumain ka na." "Wala akong gana." "Punyeta! Nagpagod pa ako!" inis na sikmat nitong pabalang ibinagsak sa mesa ang bowl. Natapon ang halos kalahati no'n. Napalapat ako ng labi na hindi ito sinusulyapan dahil nangingilid na ang luha ko. Pabalang itong tumayo na napahawi ng buhok. "Bahala ka nga sa buhay mo. Napakaarte mo. Ikaw na 'tong inaalagaan," asik nitong kakamot-kamot sa ulo na lumabas ng silid. Mapait akong napangiti na mariing napapikit sa pabalang pagsarado nito sa pinto. Tumulong tuluyan ang butil-butil kong luha na napayakap na lamang sa unan. "Hindi ako nag-iinarte. Wala ba akong karapatang. . . magdalamhati?" Mapait akong napangiti na hinayaang umagos ang luha ko habang yakap ang sarili. Uunawain ko na lang siya. Dahil katulad ko ay anak niya rin ang nawala. Hindi man niya pinapakita sa akin pero alam ko namang. . . nasaktan din siya na nawala na ang sanay magiging anak namin. At hindi ko siya masisisi kung mas lalo pang lalamig ang pakitungo niya sa akin. Ang anak na nga lang namin ang dahilan kaya niya ako pinakasalan pero. . . heto at nawala na sa isang iglap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD