Je T'aime aussi

2514 Words
ROSELLE: NANIGAS ako na bigla na lamang may humaharurot na kotseng huminto sa tabi kong ikinapitlag ko dala ng gulat at takot! "C-Chloe." Napahawak ako sa tapat ng dibdib na mamukhaan ang sportscar ni Chloe na ikinahinga ko nang maluwag. Sunod-sunod itong napabusina na ikinataranta kong napasakay kaagad dito. Hindi pa man ako nakakapagsuot ng seatbelt ay muli na nitong pinaharurot ang kotseng muntik kong ikasubsob! "Dahan-dahan naman, Chloe. Baka mamaya mabangga tayo," naiiyak kong saad na halos hindi na humihinga sa takot. Sobrang bilis niyang magmanehong halos hindi na namin maaninag pa ang mga nadadaanan. Panay din ang singit nito na impit kong ikinatitili dala ng kaba! "Chloe, ano ba! Bagalan mo naman buntis ako," aniko. Tumulo ang luha kong mahigpit na nakakapit sa seatbelt ko. Napahikbi akong napayuko na ikinabagal ng patakbo nito. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko sa paraan ng pagpapatakbo nitong dinaig pa ang mga nakasalang sa karera kung magpatakbo! Hinayaan lang naman ako nitong umiyak at pinatulin na ang patakbo. Napapalabi akong umayos ng upo na sa labas ng bintana ibinaling ang paningin. Hindi na lamang ako umiimik sa haba ng byahe naming hindi ko alam kung saan. Nag-aalangan din naman akong kausapin ito lalo na't kitang wala na naman siya sa mood na nakasalubong ang mga kilay at nakabusangot. Mariin akong napapikit nang sunod-sunod na ang paghikab ko. Madalas na kasi akong makaramdam ng antok lalo na sa tanghali at hapon na parang pagod na pagod lagi ang katawan kong namimigat. Mapait akong napangiting haplos ang puson ko kasabay ng pagtulo ng luha ko habang nagpapatangay na sa matinding antok. NAPAKUNOTNOO ako na napakapa sa kinahihigaan ko. Nakahiga na ako? At sa malambot na kama? Naniningkit ang mga matang napadilat ako. Unang bumungad sa nanlalabo kong mga mata ang kulay puting kisame. "Uhmm." Natigilan akong dahan-dahang nilingon ang katabi kong napaungol sa pagkakalihis ng kumot. Saka ko lang napansin na wala na pala ako ni anumang suot sa katawan katulad ni. . . Chloe!? Nag-init ang pisngi kong napapalunok na maingat na nahiga patagilid ditong nakayapos pa ang braso sa tyan ko. Kusang sumilay ang matamis na ngiti sa aking mga labi habang pinagmamasdan itong nahihimbing sa tabi ko. Napakaamo talaga ng kanyang mukha sa tuwing nakapikit ito. Ibang-iba kapag gising na napakatiim kung makatitig at wala kang mababakas na emosyon. Maingat kong nahaplos ang pisngi nito at pinangilidan ng luha. "Asawa na kita, magkakaanak na tayo, kasa-kasama, nakakausap at nahahawakan kita. Pero kahit abot kamay na kita, dama ko ang layo ng pagitan nating dalawa, Chloe. I'm sorry, hindi ko sadyang magpabuntis sayo. Kaya hindi kita masisisi na kahit harap-harapan mong sabihin, ipakita at iparamdam sa akin na hindi mo ako kailanman magugustuhan. Hwag mo lang tanggihan. . . ang anak natin, Chloe. Kahit si baby na lang. Okay na ako. Kuntento na ako dun," pagkausap ko dito habang marahang hinahaplos sa pisngi. Tumulo ang luha kong ikinasinghot kong nagpahid ng luha at dahan-dahang pumihit patalikod dito. Napatakip ako ng palad sa bibig sa paghikbi kong hindi ko na mapigilan. Sabi ni Manang Karen ay normal lang daw na magbago ang mga nakasanayan ko. Maging sensitibo sa lahat ng bagay katulad sa pang-amoy, panlasa at pagiging ma-drama na kahit konting bagay pag hindi ako napagbigyan ay ikakasama na ng loob ko. Pansin ko ngang nagsisimula na akong maging sensitive. Marami ding naiisip na gustong kainin na mahigpit kong tinututulan dahil wala pa naman akong sariling kita para maging maluho sa paglilihi ko. Ayoko ring magsabi ng pera kay Chloe o magpabili sa kanya. Dahil kahit mag-asawa na kami? Alam ko namang hindi niya ako tinuturing na may bahay niya. Natigil ako sa pag-iyak nang maramdaman itong gumalaw at kinabig akong padiin sa katawan nito. Pigil-pigil ang sarili kong mapasinghap na maramdaman ang init ng katawan nito lalo na ang p*********i nitong nakasundot sa pagitan ng mga pang-upo ko! Parang humihinga pa itong napapapintig na ikinakakagat ko ng labi para pigilin ang sariling mapaungol. Bigla tuloy akong tinuyuan ng lalamunan at nagsimulang makadama ng kakaibang init na unti-unting lumulukob sa sistema ko! "Uhmm. . . back to sleep, my wife," namamaos ang boses nitong bulong sa punong-tainga kong ikinatayo ng mga balahibo ko sa katawan! Mariin kong nakagat ang ibabang labi. Dahil sa pagkakadikit ng aming mga katawan ay hindi ko mapigilang mag-init at maghangad ng higit pa sa yakap nito. Dahan-dahan akong pumihit paharap ditong napaungol lang na niyakap ako. "C-Chloe," bulong kong napahaplos sa pisngi nito. Para akong maiiyak na sobrang bigat ng dibdib! Gusto kong maglambing sa kanya. Makipagkulitan. Pero nag-aalangan din ako dahil alam kong wala siyang plano. Napalabi akong matamang nakatitig ditong nahihimbing. Hindi ko mapigilan ang pangilidan ng luha. "Do you want something?" paos ang boses na tanong nito. Nakagat ko ang ibabang labi sa mahinahong anas nitong dahan-dahang nagmulat ng mga mata at may pilyong ngiting naglalaro sa kanyang mga labi! "Chloe." Tanging pangalan lang nito ang nasambit kong ikinangisi nitong dahan-dahang humahaplos na ang kamay nitong nasa balakang ko pababa sa pisngi ng pang-upo kong lalong ikinagapang ng init sa katawan ko! "Say it, Roselle. What is it, hmm?" paanas nito na nang-aakit ang tono at mga mata. Napalapat ako ng labi. Napaka-sexy sa pandinig ko ang husky baritone voice nitong pinalalim nito lalo na parang nang-aakit ang dating! "Kiss me, please?" nahihiyang pakiusap kong ikinangiti nitong napa-smack-kiss sa mga labi ko ng paulit-ulit. "What else, sweetheart?" nanunudyong tanong nitong nagniningning na ang mga mata. "C-Chloe, naman," pagmamaktol kong ikinabungisngis nito. Lalo akong napangusong hinahaplos ito sa batok. "What? Tinatanong nga kita kung anong gusto mo," painosenteng tanong nito kahit alam ko namang nahihinulaan na nito ang gusto ko. Lalo tuloy akong nahihiya na pilit kong nilalabanan dahil hinahanap siya ng katawan at sistema ko! Nag-iinit ako at alam kong si Chloe lang ang makakapagpahupa sa nararamdaman kong init ng katawan! Tama nga si Manang Karen. May mga paglilihi na naaadik sa s*x, na kulang na lang ay 'yon na lang ang gusto mong gawin sa maghapon at magdamag! "Alam mo na 'yon." Napapakagat ito ng ibabang labi na pinipigilan ang ngiting ikinaiinit naman ng mukha ko! Nahihiya na nga ako pero pinapatagal pa ng lalakeng ito. Nakakainis. Dati-dati naman siya itong halos ayaw na akong tinatantanan pagdating sa kama. Ngayon naman kailangan pa niya akong subukin bago pagbigyan! "Sweetheart, hindi ko nga alam." Para akong hinahaplos sa puso na tinatawag na naman niya ako sa endearment nito sa akin na napakalambing ng pagbigkas at may munting ngiti sa kanyang mga labi. "L-let's. . . let's make love," halos pabulong kong sagot na napaiwas ng tingin sa mga mata nitong nagniningning! Parang nangangapal na sa sobrang init ang mukha ko pero heto at nangingiti lang itong enjoy na enjoy pinagti-trip-an ako! "Make love? You mean, let's s*x?" "Chloe naman, ang bibig mo!" mahinang asik kong ikinahalakhak nitong niyapos akong padiin dito! Napasinghap akong sumubsob sa leeg nito dala ng hiya ditong napahalakhak lang. Kahit nang-aasar ito ay may puwang sa puso kong tuwang-tuwa sa nakikita dito lalo na ang mapahalakhak ko itong bakas ang tuwa sa kanyang mukha at pagtawa! "Damn, R-Roselle. . . I still can't believe that you're my wife now," bulalas na paanas nito. Napalunok ako sa paanas nitong mas niyakap pa ako. Nangingiti akong niyakap din ito na panay ang halik sa ulo ko. Para akong nananaginip. Na ngayo'y nakakausap ko na siya ng maalumanay. At nakikipagkulitan na rin siya. Dahan-dahan akong napabitaw dito na tinitigan siya sa kanyang mga matang namumungay na. Para akong malulusaw sa taimtim niyang pagtitig na pilit kong nilalabanan! "C-Chloe." "Won't you regret marrying someone like me?" Kaagad akong umiling na hinaplos ito sa pisngi. "Aren't you afraid of me?" muling tanong nitong walang kakurap-kurap na nakamata sa aking muling ikinailing ko. "Isa lang ang kinakatakot ko, Chloe." Napalunok itong marahang napisil ang baywang ko kung saan nakayapos ang kamay nito. "What is it?" halos pabulong na tanong nitong ikinangiti ko. "Kung magloloko ka at iiwanan kami ng anak mo," sagot ko na matiim na nakatitig sa mga mata nito. Natigilan itong namutla. Pilit akong ngumiti kahit nagbabadya ng tumulo ang luha ko. "Chloe, handa akong magtiis. Handa akong alagaan ka, pagsilbihan ka. Hindi ako maghahangad ng labis. Sapat na sa akin na umuwi ka sa akin sa gabi, tabihan mo kaming matulog ni baby sa kama, kainin mo ang mga iluluto ko sa'yo, isuot mo ang mga damit na ihahanda ko." Tumulo ang luha ko pagkasabi ang mga bagay na 'yon dito na matiim lang nakatutok sa akin ang mga mata. "Do you really love me?" seryosong tanong nito. Napalabi akong tumango-tango na sinalubong ang mga mata nitong matiim na nakatitig sa mga mata ko. Tila binabasa nito ang mga tumatakbo sa isipan ko. "Baka naman dahil nabuntis lang kita kaya sinasabi mong mahal mo ako?" nagdududang tanong nito na ikinailing kong ngumiti dito. "Hindi ko naman ipagkakaloob ng paulit-ulit ang katawan ko sa'yo kung hindi kita gusto, Chloe." Sumilay ang munting ngiti nitong nangislap ang mga mata. "Then say it, sweetheart." "Huh?! Ang alin?" gulong tanong ko. Napalunok ako nang dahan-dahan itong pumaibabaw na ikinasinghap kong napakapit sa balikat nitong maramdaman ang pamilyar niyang umbok na kumikiskis mismo sa kepyas ko! "That you love me," paanas nitong ikinaawang ng mga labi at lamlam ng mga mata ko sa marahan nitong paggalaw! "Chloe." "I wanna hear it, sweetheart," paanas nitong ikinasinghap kong napayakap sa batok nito. "I- I love you," mahinang sambit ko. "Louder, please?" Napalabi akong kinabig ito palapit hanggang sa halos nagkakapalitan na lamang kami ng hanging nilalanghap. "I love you, Chlo-uhmpt!" Natawa akong napatugon na rin sa pagsunggab nito sa mga labi ko. Napakabanayad ng bawat hagod ng mga labi nitong salitang sinisipsip at marahang napapakagat sa mga labi kong ikinaalpas ng munting ungol ko. "C-Chloe," naghahabol hininga akong napabitaw dito na hinihingal ding matamang napatitig sa mga mata ko. "Ikaw ba, anong nararamdaman mo sa akin. Mahal mo na ba talaga ako?" mahinang tanong ko. Napangiti lang naman itong ikinanguso kong nag-iinit ang mukha. "Chloe naman. Umamin na ako eh." Napahagikhik itong lalong ikinanguso ko sa ilalim nito. Napahaplos ito sa ulo kong ikinatitig ko sa mga mata nitong kakaiba ang kinang at kitang napakaaliwalas ng mga 'yon ngayon kasing aliwalas ng ngiti nito. "Say it again, sweetheart." "Ehhh?" nagrereklamong ungol kong napapadyak ng paa. "I love hearing it. Say it again." Tumitig ako ng diretso sa mga mata nitong ngayo'y nagseryoso na. Sumilay ang munting ngiti sa mga labi kong unti-unting ikinangiti din nito habang matiim kaming nagkakatitigan mata sa mata. "I love you, Chloe." "Je T'aime aussi, Roselle." Napangiwi akong hindi naintindihan ang sinaad nitong pinamumulaan pa ng mga tainga. "Ano? Sinusumpa mo ba ako?" Napahagikhik itong sumubsob sa leeg kong ikinahaba ng nguso ko. Maya pa'y sinilip ako nito na nagtatanong ang mga mata dahil nangingilid ang luha kong nakabusangot. "Hey, what's the manner? Did I offend you, sweetheart?" nag-aalalang tanong nitong pinahid ang luha kong tumulo. "Wag mo'kong kausapin. Hindi na kita mahal. Binabawi ko na." Pagmamaktol kong ikinahalakhak nitong umayos ng higa pero kinabig pa rin naman akong pinaunan sa dibdib nito at niyakap na lihim kong ikinangiti. "Sinagot naman kita ah." "Hindi mo ako mahal," ismid ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero, parang napaka-dramatic ko naman lalo na pagdating sa kanya. Na kahit konting bagay ay napaka-big deal na sa akin. "Naintindihan mo ba 'yong sinabi ko?" "Hindi," agarang sagot kong ikinahagikhik nito. "Then research it, sweetheart. Hindi 'yong nagtatampo ka agad," anito sa kalmado at malambing na tono. Maya pa'y sabay kaming napalingon sa cellphone nito sa bedside table ng mag-ring 'yon na inabot naman nitong napakunotnoo na nilapat ang aparato sa tainga. "Dude. What's up?" bungad nito. Tahimik lang naman ako sa tabi nito at lihim na napangiting ma-boses-ang si Delta ang kausap nito. Ang anak ni Tito Dwight na matalik niyang kaibigan. "Really? Nandito din ako sa Boracay. Saan kayo?" Napabangon na itong nagsuot ng mga summer short at puting polo na hindi na sinara ang mga butones kaya naman nakabalandra ang mapipintog niyang walong pandesal sa tyan! Kakamot-kamot pa sa ulo na nakikinig sa kausap nito sa cellphone. Pagkababa nito ng linya saka lang bumaling sa aking nanatiling nakahiga sa kama. Ngumiti itong yumuko at mariing napahalik sa noo ko. "I'll be quick. Take some rest, sweetheart. Do you want something to eat?" baling nito na napakalambing ng boses. Napalapat ako ng labi na naglalaway na tumango ditong ikinangiti nito. "Mangga, please? Gusto ko 'yong hilaw na may sukang sawsawan, Chloe." Paglalambing kong ikinatango-tango nitong muling humalik sa noo ko bago sa mga labi ko. "A'right. I'll buy for you. . . and for our baby. Get some rest for our schedule later," makahulugang kindat nitong nangingising tumalikod na. "Don't took too long, huh?" pagpapaalala kong ikinangiti nito. "Yeah. I won't, sweetheart," paanas nitong siniil ako sa mga labi bago nakangiting lumabas ng silid. Napangiti akong inihatid ito ng tingin hanggang makalabas ng pinto. Impit akong napairit na niyakap ang unan sa sinaad nito! Pakiramdam ko'y tanggap na niya kami ng anak niya! Inabot ko ang cellphone ko at napangusong ni-research online ang sinagot nito sa akin na ikinamilog ng mga mata kong mabasa ang ibig sabihin nito! "Je T'aime aussi, Roselle. . . (I love you too, Roselle)" Napatutop ako ng labi na nangilid ang luha! "Mahal niya ako? Mahal din niya ako." Tumulo ang luha ko na may matamis na ngiting muling nahiga habang yakap-yakap ang unan ni Chloe. Ilang araw din itong naging malamig sa akin, magmula noong inamin ko sa kanyang buntis ako. Ngayon ko lang ulit ito nakausap ng matagal-tagal. Na naglalambing din siya sa akin at dama kong mahal niya rin ako. "Sana magtuloy-tuloy na ang pagbabago ng Daddy mo, anak. Lalo na't nandidito ka na na bunga ng aming pagmamahalan. Sana matanggap na niya tayo na parte ng buhay niya." Pagkausap ko sa tyan ko habang hinahaplos ito. Napangiti ako na tumulo ang luha. Gustuhin ko mang matulog pero hindi naman makaidlip ang diwa ko. Nasasabik na ako na bumalik si Chloe dito sa silid namin. Muli akong bumangon. Palakad-lakad dito sa loob ng silid na panay ang lingon sa pinto. Umaasa na pabalik na si Chloe dito sa silid naming dalawa. Iisipin ko pa lang na maaaring may mamagitan ulit sa amin ngayong gabi ay nag-iinit na ako at nasasabik. Napaamoy ako sa sarili at parang nababahuan na naman ako. Dinampot ko ang roba at muling pumasok ng banyo para maglinis ng sarili. Ayoko namang may maipuna si Chloe mamaya. Nangingiti ako na tumapat ng shower head at nagsabon ng sarili. Sobrang saya ko lang na muling nakausap ng maalumanay si Chloe. Pakiramdam ko kasi ay magiging maayos na ang lahat-lahat sa amin. Sana nga. Sana ay tanggapin na niyang parte na kami ni baby ng buhay niya. Na may anak na ito sa akin at. . . asawa na niya ako. "Je T'aime aussi, Roselle." Napangiti ako na paulit-ulit nire-replay sa utak ko ang isinagot nito. Mahal niya ako. Mahal niya nga ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD