Gone

2505 Words
ROSELLE: NAALIMPUNGATAN ako na magmamadaling-araw na! Napasarap ang tulog ko at hindi na namalayan ang oras. Napagala ako ng paningin sa kabuoan nitong silid at napabusangot na makitang walang bakas na bumalik na si Chloe. Mabigat ang katawan kong bumangon ng kama at nagtungo sa balcony. Sumalubong naman sa akin ang malamig na ihip ng hanging ikinahalukipkip kong nayakap ang sarili na napamasid sa paligid. Madilim pa pero nagkalat naman ang ilaw maging sa gawi ng dalampasigan kaya tanaw mula dito sa kinaroroonan ko ang iilang mga taong nandoon pa rin na tila nagkakatuwaan. Ang iba ay mga couple na naglalampungan sa dalampasigan. Ngunit nahagip ng paningin ko ang pamilyar na bulto ng lalakeng nagpabilis ng kabog ng dibdib kong pinakatitigan ito sa 'di kalayuan. Nanikip ang dibdib kong sunod-sunod na tumulo ang luhang makumpirmang. . .si Chloe iyon. May kasamang babae na naka-bikini lang. Masayang naghaharutan sa pampang habang naka-short na lang si Chloe. Napatingala akong nagpahid ng luha. Pilit inililihis sa kanila ang paningin ko pero patuloy pa rin namang nama-magnet sa kanila at hindi maiwasang makadama ng kirot sa pusong makitang may iba itong kinakalantari! "Hindi. Baka kahawig lang. Nagiging praning ka na ba ngayon, Roselle?" pangungumbinsi ko sa sarili na nagpahid ng luha. Wala sa sariling lumabas ako ng silid. Parang may sariling isip ang mga paa kong naglakad palapit sa gawi ng dalawang pares na masayang nagyayakapan at sabuyan ng tubig sa gilid ng dagat. Nagkakatawanan at tilian pa. Habang palapit ako nang palapit ay siya namang pagbigat nang pagbigat ng dibdib ko. Ang boses niya. Ang mga halakhak niya. Kaparehong-kapareho ni Chloe. Panay ang tulo ng luha ko pero nagpatuloy pa rin akong lumapit sa gawi ng mga ito. Napatakip ako ng palad sa bibig na napakubli sa isang puno ng niyog malapit sa gawi nila. Nanghihina akong napasandal na parang nawalan nang lakas ang mga tuhod kong nangangatog! Hindi nga ako nagkamali. Si Chloe. May bagong babae! At dito pa talaga kung saan niya ako dinala, saka pa siya magloloko at 'di manlang iisipin na baka makita ko sila. "Hey, babe. Where are you going? Come back here!" dinig kong pagtawag ng babae na napakalambing ng tono. "I'll just talk to my friends, babe. Just stay here. I won't take too long," sagot ni Chloe na naglalakad. Napakubli ako lalo ng katawan ko na makitang dadaan ito sa likuran ko na nagtungo sa gawi ng apat na pares sa 'di kalayuan na nagkakatuwaan ding nag-iinuman dito sa buhanginan. Nakasalampak sa buhangin na may mga kapares. Napasunod ako ng tingin kay Chloe na nagtungo sa kinaroroonan nila Delta at Daven. Nakipag-apir-an pa ito sa dalawa na may ibinulong. Tumayo naman si Daven na may hinugot sa bulsa at iniabot kay Chloe. Hindi ako sigurado kung ano 'yon pero sa nakikitang reaks'yon ng mga ito na nagkakatawanan at kantyawan ay mahihinulaan mo na lamang kung ano 'yon. . . protection. Para akong sinasaksak sa puso sa kaisipang maaatim nga nito na gumamit ng ibang babae. Gayong kasama naman niya ako na handang ibigay ang pangangailangan niya bilang lalake. At hindi na kailangang hanapin niya iyon sa iba. Hindi ko na kinaya pa nang masulyapan si Chloe na pabalik na sa gawi ng pares nitong nakahalukipkip na nakatitig sa asawa ko. Malalaki ang hakbang na nilisan ko ang pampang na ikinatisod kong nadapa! "Urgghh!" impit akong napadaing na napalakas ang bagsak ko sa buhangin. Kasabay ng pagkirot sa bandang puson kong ikinaalarma ko! Nanghihina akong napaupo sapo ang puson kong dama kong unti-unti nang kumikirot! Tumulo ang luha ko na pilit tumayo kahit sunod-sunod na ang pagkirot nitong tila pinipiga ako sa loob! Napahagulhol akong dahan-dahang naglakad na sapo ang puson ko. Maya pa'y dinig ko ang dalawang pamilyar na boses na nag-uusap palapit dito sa gawi kong lalong ikinahagulhol kong napatakip ng palad sa bibig! "Stop teasing me, babe. I'm getting horny right now," ani Chloe. Mariin akong napapikit na marinig iyon mula sa asawa kong ikinahagikhik ng babaeng nakayakap dito. Hindi ko na kinaya pa ang kirot na nadarama ko sa puson at puso na ikinaayos ko ng tayo at sinalubong ang mga ito kahit nangangatog ang mga tuhod ko! "Chloe!" Buong-buo ang boses na pagtawag ko ditong natigilan at dahan-dahang napalingon sa akin. Gulat ang lumarawan sa mukha nito na makita akong naglakad palapit dito. Napatingin ako sa babaeng nakayakap dito at nanggagalaiting hinablot ito sa buhok na impit nitong ikinadaig! "Hayop kang malandi ka!! Layuan mo ang asawa ko! Mang-aagaw ka!" bulyaw kong gigil na gigil sinabunutan ito na nakakalmot ang mukha at katawan! "Damn you! Get off me! Chloe, help!" impit nitong pagpapasaklolo kay Chloe na pilit binabaklas ang mahigpit kong pagkakasabunot sa babae nito! "Roselle, stop it will you!? What do you think you're doing, huh!?" Galit na bulyaw ni Chloe sa aking mariing napisil ang palapulsuan kong ikinadaing ko na nabitawan ang buhok ng babaeng kaagad nagtago sa likuran nito! "Ano sa tingin ko ang ginagawa ko?" sarkastikong tanong kong ikinatigil nito. Napailing ako ditong pilit kinukubli ang pagdaan ng kirot sa mga mata ko. "Ikaw ba, huh? Ano sa tingin mo ang ginagawa mo. Chloe Montereal?" sarkastikong tanong ko. Napalunok itong nakamata lang sa akin. Ni hindi makabasan ng ka-guilty-an. Pagak akong natawa na napailing dito. Hindi ko manlang makitaan ng kaba o takot na nahuli ko itong may kasamang ibang babae. Napatango-tango akong napalapat ng labi. Ni hindi ko na nararamdaman na may lumalabas na palang mainit na likido mula sa pwerta ko sa sobrang galit at gigil ko sa babae nito! "Ito ba ang gusto mo? Ang mga katulad niyang nahihila kung saan-saan ng kung sino-sinong lalake, huh?" Sarkastikong tanong ko na naituro ang babae nitong kapirasong tela lang ang suot na halos nakikita na rin ng dibdib at kepchay sa revealing ng suot na bikini. Pagak akong natawang muli dito napailing na nang-uuyam ang tinging ginagawad ditong hindi ko mabakasan ng emosyon sa mga mata. Maging ang kasama nitong babae na nagkukubli sa bulto nito ay napipilan. "I pity you. Go ahead, Chloe. Pleasure your night with her. Hindi ka na talaga magbabago. Wala kang kwentang. . . ama at asawa," madiing saad kong daiduro ito sa dibdib at pumihit na patalikod sa mga ito. Kahit sobrang kirot na ng puson ko ay pilit akong naglakad ng tuwid na bumalik ng silid namin. Napapakapit ako sa dingding habang naglalakad ng hallway. Umiikot ang paningin ko na parang nanghihina na ang mga tuhod ko! "Mis? Fvck! Roselle, is that you!?" Dinig kong pagtawag sa akin ng kung sino kasabay ng pagdilim ng paningin ko at tuluyang ikinahina ng mga tuhod kong bumagsak sa kung sino mang sumalo sa akin! "Damn it, Chloe! Masasakal kita sa oras na may mangyaring masama sa mag-ina mo! Hold on, Ate, fvck! Lagot na ako kay Daddy nito!" dinig kong nanggigigil nitong asik na kinarga na ako. Tumulo ang luha kong makilala ang boses nito. Si Delta. Ang anak ni Tito Dwight Madrigal. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa mga sandaling ito na karga niya ako. Pakiramdam ko'y may kakampi akong handang magtanggol sa akin. Na hindi makaramdam ng pagkailang dito kundi komportable akong nagpatangay sa pagkakahilo ko na nakakarga sa bisig nito. DELTA: PALAKAD-LAKAD akong naghihintay dito sa labas ng OR habang inaasikaso sa loob si Ate Roselle! Kabado ako sa maaaring kalabasan ng nangyari ditong bleeding! Alam kong buntis siya at hindi maganda 'yon sa kanya. Kung 'di ako masasabon ni Daddy Dwight nito. Kabilin-bilinan pa naman niyang bantayan at protektahan ko lagi si Ate Roselle na hindi ko alam na half sister ko pala. Napakagat ako ng ibabang labi na pilit kinakalma ang puso kong makita na tumatawag na si Daddy! Paniguradong itatanong lang naman nito kung kumusta kami dito sa Boracay. "Dad." "Kumusta ang Ate mo dyan, Delta?" kaagad nitong tanong. Napapikit akong nasapo ang noo. Sabi na eh. Magmula ng ipagtapat nito na kapatid ko ang mapapangasawa ni Chloe ay ako na ang laging kinukulit na lumapit kay Ate para pasimpleng protektahan ito. Lalong-lalo na kay Chloe dahil hindi naman lingid sa kaalaman naming napilitan lang at naipit si Chloe na pakasalan ito. "Dad. May problema po eh," napapakamot sa batok kong pagtatapat dito. "What!? Anong nangyari sa Ate mo!" singhal nito. Napalayo ako ng aparato mula sa pagkakalapat sa tainga ko na malakas itong napasigaw sa kabilang linya. "Dad, don't shout, will you? Hindi po ako bingi. Ang sakit sa tainga," reklamo kong ikinahinga nito ng malalim. "What happened?" mas kalmadong tanong nito. Napabuga ako ng hangin. Siya namang labas ng doctor na ikinalapit ko. "Hold on, Dad. I'll just talk to her doctor," aniko na hindi binababa ang linya para marinig nito ang sasabihin ng doctor. "Doc, how is she?" umiling ito na may tipid na ngiti sa labi. "I'm sorry, Sir. We did our best but unfortunately, the fetus is gone. But your wife is safe now," anito. Natulala akong nanigas sa narinig at tumulo ang luha. "H-hindi. . . nakunan siya? Nalaglag ang pamangkin ko?" nauutal kong saad na nanghihinang napasandal dito sa hallway. "We're so sorry, Sir." Anito na napayuko at iniwanan na akong nakatulalang dahan-dahang napasalampak ng sahig! Dinig ko pa ang pagsisigaw ni Daddy sa kabilang linya na hindi ko na nagawang sagutin dala ng kabiglaan ko na tila naglalakbay ang diwa sa kawalan! ILANG sandali lang ay inilabas na si Ate ng mga nurses na wala pa ring malay at bahagyang namumutla. May suot na oxygen at naka-suero ang kamay. Mapait akong napangiti na naaawang nakatitig dito habang dinadala namin sa private room na kinuha ko para dito. Matapos nilang mailipat si Ate sa kama nito dito sa silid ay nagpaalam na rin ang mga itong ikinatango ko lang. Nanghihina akong naupo sa gilid nito na nahaplos sa kanyang pisngi kasabay ng pagtulo ng luha ko. Naawa ako sa kanya. At nagu-guilty din dahil nakipagpustahan pa ako kay Chloe noon para lang makuha ito ng kaibigan ko. Hindi ko naman kasi alam na kapatid ko pala ang babaeng pinagkakapustahan na naming magkakaibigan. Kung mas maaga ko lang sanang nalaman? Hindi ako makakapayag na paglalaruan lang siya ni Chloe. "A-ate," namamaos kong sambit na panay ang tulo ng luha ko. "I'm sorry. Sana mapatawad mo ako. Hindi manlang kita na-protektahan laban sa kaibigan ko." Napayuko akong hinayaang tumulo ang luha. Maya pa'y bumukas ang pinto na may mga yabag na lumapit sa gawi ko. Napakuyom ako ng kamao na makilala ang perfume nito. Napatayo akong pumihit at hindi na nagkamaling siya ang dumating. Bakas ang gulat, awa, takot at guilt sa mga mata nitong matiim na nakatitig sa kapatid kong nakaratay sa kama. Nagpantig ang panga kong marahas itong na-kwelyohan at isinandal sa pader! "Umalis ka na habang kaya ko pang mag-control. Alam kong ikaw ang may kagagawan nito. You must be celebrating right now, Chloe. Dahil nawala na ang baby niyo ni Roselle," madiing asik kong nagngingitngit ang mga ngipin at nanlilisik ang mga mata dito. "A-ano?" nanlambot ang facial expressions nitong tumulo ang luha. Pabalang ko itong binitawan na napapatulala sa sinaad ko. Tumalikod na akong nilapitan si Ate at ginagap sa kamay nitong naupo sa gilid nito. "H-hindi. . . nagbibiro ka lang, 'di ba?" natutulalang pagsusumamo nito. Napakuyom ako ng kamao na hindi na lamang umimik. Lumapit itong ginagap din ang isang kamay ni Roselle sa kabilang gilid. Nakatulala itong namumula ang mga matang napahaplos sa ulo ni Ate na ikinapantig ng panga ko. Kanina sa resort, binalaan ko siyang hwag ng makigulo sa tatlong babaeng lumapit sa gawi namin dahil alam kong kasama nito ang asawang nasa silid lang nila. Nagpapahinga. Pero hindi nakinig at hinila pa palayo ang babaeng lumapit dito at nag-solo malayo sa amin. Mabuti na lang at bumalik na ako ng silid ko nang hindi na nga ito napigilan na ikama ang pares nito at nagawa pa talagang humingi ng condom kay Daven. "Sweetheart," pagtawag nito na pumiyok sa bandang dulo. Napatitig ako dito na ikinalunok kong makita itong. . . umiiyak. "I'm sorry. . . I'm sorry, patawarin mo ako," paulit-ulit nitong paghingi ng tawad na pagak kong ikinatawa sa isipan ko. "It's too late, Chloe. Wala na. . . ang baby niyo," pang-uuyam kong ikinailing-iling nito. "No. . . h-hindi pwede," nanginginig ang boses nitong sambit. Mapait akong napangiti na nagpahid ng luha. Pagod ang mga matang nakatitig dito na napahagulhol at niyakap ang Ate ko. Kuyom ang kamao na napailing akong marahas itong hinablot sa braso na maalala ang kagaguhan nito! "Umalis ka na! Balikan mo na ang babae mo!" nanggagalaiting bulyaw ko. Hilam ang mga mata nito na namumula na rin ang pisngi at ilong. Kita ang guilt at pait sa kanyang mga matang luhaan. Napailing ako. "Umalis ka na, alis." "No. Dito lang ako, ka-kailangan ako ng asawa ko." "Kailangan? Hindi, Chloe. Hindi ka niya kailangan. Nandidito na ako. Dahil ako din naman ang sumagip sa kanya imbes na ikaw!" singhal ko na 'di na napigilang suntukin ito sa panga. Napagewang ito na nasapo ang panga. Galit na galit akong nilapitan ito at hinablot sa kwelyo. Muli ko itong nasuntok na ikinaputok ng labi nito at dumugo. Nahihilo naman ito na hindi makalaban. "Binalaan na kita, Chloe! Hindi ka na binata! Kung nag-iinit ka, may asawa kang handa kang painitin! Hindi mo na nirespeto si Roselle. Umalis ka dito, baka hindi kita matansya at hindi lang ang mukha mo ang babasagin ko," may kadiinang sikmat ko na naitulak ito. Gulat ang rumihistro sa mga mata nito. Marahil kung bakit ako nagmamalasakit sa asawa nito. Pero wala na akong pakialam pa sa kung ano mang iniisip nito ngayon. "Isang inosenteng buhay ng walang kamuwang-muwang na bata ang nawala dahil sa kagaguhan at kapabayaan mo, Chloe. Maging masaya ka, wala ka namang kunsensya, 'di ba? Balang araw uusigin ka rin ng kunsensya mong. . . pinatay mo ang sarili mong anak." Pang-uuyam ko dito na tinalikurang nakatulala at tumulo ang luha. Binalikan ko si Ate Roselle na nahihimbing pa rin dala ng gamot. Awang-awa ako sa kanya pero wala na akong magagawa pa. Hindi ko na maibabalik ang buhay ng anak niya. Pasalamat na lang ako na bumalik ako kanina ng silid ko kaya nadatnan ko ito sa hallway ng hotel na naghihingalo at duguan ang suot mula sa pwerta niya. Kung nagkataon at hindi ko ito nakita ay maaring maging siya ay namatay dahil ang magaling niyang asawa? Hayun at abala sa kalampungan niyang babae na hinila lang kung saan. Napakuyom ako ng kamao na muling nabuhay ang galit sa puso ko para kay Chloe. Kung maibabalik ko lang ang oras ay ako mismo ang maglalayo kay Roselle dito. Kung sana nalaman ko kaagad na kapatid ko pala ang dalagang pinagpupustahan namin ay hindi na sana ito nagulo ni Chloe. Maayos at tahimik pa sana ang buhay nito ngayon. Hindi katulad ngayon na puno ng hinagpis sa kamay ni Chloe. "Magpalakas ka, Ate. Nandidito lang ako para alalayan ka. Magpakatatag ka, ha? Hindi ka nag-iisa. Nandidito ako lagi para sa'yo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD