Charlene

1723 Words
ROSELLE: SIMPLE at tahimik ang naging kasal namin ni Chloe sa kanilang hotel kung saan pribado. Tanging mga magulang lang namin ang witness namin sa aming kasal. Katulad ng inaasahan ko ay wala manlang itong kangiti-ngiti at kitang napipilitan lang na sinusunod ang sinasabi ng judge sa palitan namin ng I Do. Kahit sa paghalik nito nang ideklara ng judge na mag-asawa na kami ay smack lang ang ginawad nitong hindi manlang ako sinulyapan. O napansin ang itsura ko ngayon. "Congratulations!" Masiglang bati sa amin ng mga magulang namin pero tanging ako lang ang nakangiting bumabati sa kanila pabalik. "Let's go," walang emosyong saad nito na nagpatiuna nang lumabas ng silid kung saan kami ikinasal. "M-mauuna na po kami," napapayukong paalam kong ikinangiti at tango lang nila sa akin dahil panay ang sulyap ko kay Chloe na nakalabas na ng silid. "Chloe, hintay naman," reklamo kong napahabol at hawak sa braso nito. Salubong ang mga kilay na tinapunan ng sulyap ang kamay kong nakakapit sa braso nitong ikinangiwi kong dahan-dahang napabitaw dito. "S-sorry." "Tsk," napaismid at irap itong nagpatiunang pumasok ng elevator. Mula noong malaman nito na buntis ako ay nagbago ito ng tuluyan. Ni hindi na nga ako nito kinakausap. 'Di tulad noon na napakalambing niya sa tuwing nasa pribado kaming lugar. Ngayon nga ay ni tapunan ako ng tingin ay 'di nito magawa. Ni hindi nga niya ako nire-reply-an sa mga text ko. Napalapat ako ng labing tahimik na nakasunod na lamang ditong bumaba ng ground floor. Nakapamulsa itong salubong ang mga kilay at nakabusangot na parang pasan ang buong mundo sa laki ng problema. Hindi ko maiwasang makadama ng kurot sa puso ko sa nakikita dito kahit na alam ko namang ayaw niya sa kasalang ito. Natigilan ako pagdating namin ng parking at basta na lamang itong sumakay sa nakaparada niyang kotse. Hindi naman kasi ako sigurado kung isasama niya ako gayong kita namang ayaw niya akong nakikita. Napaatras akong napalinga sa paligid ng nag-start ang kotse nito. Pumihit ako patalikod at tinungo ang exit kasabay ng pagtulo ng luha kong agad kong pinapahid. "Ang tanga mo talaga, Roselle! Bakit ka ba kasi sumunod!?" kastigo ko sa sariling malalaki ang hakbang na lumabas ng parking lot. Napayuko ako nang dumaan ang kotse nito sa gilid ko na nagtuloy-tuloy lumabas. Pagak akong natawang napailing at nagpahid ng luha. "Ang sama mo talaga. Sana hindi na lang ako nagtiwala sayo," inis kong singhal. Nanginginig ang katawan ko dala ng galit na hindi ko mailabas-labas. Hindi ko lang sukat akalain na gan'to kami hahantong ni Chloe. Masyado akong nagtiwala sa mga salita niya. Napahais ako sa impis ko pang tyan na tumulo ang luha. "Kaya natin 'to, anak. Kaya natin." Pagpapatatag ko sa sarili. Palabas na ako ng parking nang may humintong magarang kotse sa tabi ko at binaba ng driver ang bintana nito. "Mis?" Napalunok akong napagala ng tingin sa paligid pero ako lang naman ang naglalakad dito. "A-ako po?" paninigurong tanong ko na napaturo sa sariling ikinangiti at tango nito. Pilit akong ngumiti na bahagyang yumuko dito. Sa nakikita ko kasi sa itsura at pananamit nito ay hindi siya basta-bastang tao. Napapilig ako ng ulong pinakatitigan itong nangingiti lang namang matamang nakatitig sa akin. "Sir Dwight Madrigal?!" gimbal na bulalas kong natutop ang bibig at namimilog ang mga matang ikinatawa nito. Impit akong napairit at padyak ng paa na makaharap ang isa sa mga sikat na model at actor ng bansa na ultimate crush ko!! "Hop in. I'll drive you home." "Talaga po?! Sigurado po kayo?" paniniguro kong tanong na ikinangiti nitong napatango. Napalapat ako ng labing mabilis umikot sa kabilang pinto at maingat sumakay sa kotse nito! "Let me, sweetie." Impit akong napairit nang ito na ang nagkabit ng seatbelt ko. Tumatama pa sa ilong ko ang pabango nitong ang manly ng dating pero hindi masansang sa ilong. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko habang nakamata dito. May kung anong nag-uudyok sa isipan kong yakapin ito na mahigpit kong tinututulan dahil may hiya pa rin naman ako. "So, what is your name, sweetie?" anito sa mahaba-haba naming katahimikan habang nasa kalagitnaan ng mahabang traffic. "Ahm, Roselle po, Sir." "Uhmm." Tumango-tango itong nilingon akong nangingiti at naglahad ng kamay na ikinalunok kong napatitig sa kamay nito. "I'm Dwight Axelle Madrigal, sweetie. Nice to meet you," malambing pagpapakilala nito. Napalabi akong kaagad nakipagkamayan dito. Natigilan akong napatitig sa kamay naming magkahawak. Sobrang bilis ng kabog ng aking dibdib sa mga sandaling ito. Na parang maging mga dugo ko ay nabuhay bigla sa pagkakalapat ng balat nito sa akin! Kakaibang bugso ng damdamin ang nangingibabaw sa puso ko na hindi ko alam kung saan nanggagaling. "Ahm. . . nice to meet you din po, Sir Dwight," nahihiyang sagot ko. Umiling itong bahagyang ginulo ako sa buhok. "No, don't call me that way, sweetie. Why not. . . Daddy Dwight, hmm?" kindat nitong ikinamilog ng mga mata ko. "Po?!" bulalas kong ikinahalakhak nitong napapailing. "May kakilala akong kahawig mo, sweetie. Magkamukhang-magkamukha talaga kayo. Magkaiba lang ng ugali dahil spoiled brat 'yon, unlike you na mahinhin na, mahiyain pa," anito na muling sa daan ibinaling ang paningin dahil nagsimula ng umusad ang mga kotse sa harapan. Napangiti akong nakatitig lang dito. Ang sarap niyang pagmasdan na kahit ngayon ko lang siya nakaharap ng personal ay kakatuwang para kaming may malalim nang pinagsamahan. "Talaga po? Anong pangalan niya?" usyoso ko dahil gustong-gusto ko siyang nakakausap. Lalo't ang gaan niyang makipag-usap kahit bagong kakilala. Marahil dahil na rin sa career niyang celebrity kaya nasanay na lamang siya. "Uhm. . . nasa France. She's Charlene. My oldest daughter. Mag-isang lumaki sa ibang bansa kasama ang nanny niya kaya naman sobrang sutil ng batang 'yon," saad nito. Napangiti akong napapatango sa p**o-open up nito habang nakamata ako sa kanya. Hindi ko alam pero. . . ang gaan-gaan ng loob ko dito. Na gustong-gusto ko na kausap ito kahit ngayon pa lang naman kami nagkaharap. "Charlene," ulit ko na kusang napangiti. "Gusto mong makita ang larawan niya, sweetie?" tanong nito. Namilog ang mga mata kong wala sa sariling napakapit sa braso nitong nayugyog ito dala ng excitement na ikinatawa at iling nitong hinugot ang cellphone sa bulsa at binuksan na iniabot sa akin. "Here," anito. Napalunok akong napatitig sa larawan ng dalagang nasa screen. Bumilis muli ang kabog ng dibdib kong hindi ko maipaliwanag at parang hinahaplos ang puso kong nakamata sa screen. Ang mga mata niya, kilay, ilong, mga labi. Katulad na katulad ng sa akin. Tanging pinagkaiba lang namin ay supistikadang babae ito mula sa make-up at pananamit habang ako ay hindi mahilig mag-make-up lalong-lalo ng simpleng pantalon at t-shirt lang ang laging suot. "Magkamukha kayo hindi ba, Roselle?" tanong nito na bakas ang tuwa sa tono. Napailing akong ibinalik na dito ang kanyang cellphone. "Mas maganda po ng 'di hamak ang anak niyo, Sir Dwight." Aniko. Umiling naman itong napanguso. "I told you, don't call me Sir. Pakiramdam ko'y tumatanda ako sa malutong mong Sir eh," natatawang saad nitong mahinang ikinatawa ko na ring napapakamot sa ulo. "Uhm. . . T-tito po kaya?" alanganing tanong ko. "Ayaw mo ng Daddy? Mas masarap kasi sa tainga pakinggan ang Daddy, sweetie," nangingiting tanong nitong kumindat na ikinahagikhik kong napalapat ng labi. "Nakakahiya naman po." "Uhm. . . sige na nga. Tito na lang muna sa ngayon kung dyan ka mas palagay." PAGKAHATID sa akin ni Tito Dwight sa bahay ay kaagad na rin itong umalis. Nangingiti na lamang akong napakaway dito habang tanaw ang kotse nitong papalayo. Napapilig ako ng ulo na maalala ang anak nitong tinukoy at tinawag na Charlene. Kilala naman sa publiko ang pamilya nito maging ang mga anak. Kaibigan pa nga ni Chloe ang isang binata nito. Si Delta Madrigal. Pero si Charlene? Ngayon ko lang nalamang ito ang panganay niya at nakatira sa ibang bansa. Kaya marahil hindi siya pamilyar sa publiko dahil doon na siya lumaki. Malayo sa pamilya niya. "Charlene," sambit ko sa pangalan nitong napapangiti. Kahit pangalan niya ay ang ganda. Napatitig ako sa sarili ko. Ngayong nakaayos ako at nakasuot ng magarang damit ay nakikita ko ang mukha ni Charlene at ang malaking pagkakahawig namin. Pero imposible namang konektado kami sa isa't-isa dahil Madrigal siya, anak ng isang bilyonarnong kilala. Habang ako? Ordinaryong dalaga lang na may simpleng pangarap at pamilya. Napaka-imposibleng. . . kamag-anak ko siya. Naalala ko naman ang itsura nito. Kung gaano siya kaganda. Napangiti akong napahaplos sa pisngi ko. "Gano'n din kaya ako kaganda kapag nag-aayos?" piping usal ko na napasapo sa magkabilaang pisngi ko. Kumabog ang dibdib ko sa kaisipang napakaganda ko pala kapag naaayusan ako at nakasuot ng magagarang damit. Mapait akong napangiti na napahaplos sa pisngi ko. Ngayon lang kasi ako naayusan at nabihisan ng magara kaya hindi ko maiwasang mamangha sa naging resulta ng itsura ko. Ibang-iba ang itsura ko ngayon sa nakasanayan ko. Pero kahit nabihisan at naayusan na ako ay hindi pa rin ako magawang titigan ni Chloe na nagagandahan ito o humanga manlang sana na makitang napakaganda ko ngayong araw. "Charlene," sambit ko na iniisip ang anak ni Tito Dwight na kamukha ko. Napangiti akong naipilig ang ulo. Kung wala kasi siyang suot na kolorete sa katawan at simple lang ang kasuotan? Masasabi kong kamukhang kamukha ko nga siya. Na parang identical twins ko ito kahit napaka-imposible ng bagay na iyon. Kasi anak mayaman siya at mahirap lang ako. Isa pa ay anak siya ng isang sikat na bilyonaryo dito sa bansa. Habang ako ay anak ng simpleng mag-asawa na may-ari ng bakeshop. Hindi ko naman masasabing mahirap kami. Pero hindi rin naman kami mayaman. Sakto lang kumbaga. Naiiling akong napakamot sa ulo. Dahil sa ipinakita ni Tito na larawan ng dalaga niya ay kung ano-ano na tuloy ang naglalaro sa isipan ko. "Imposible. Imposible talaga," anas ko na matabang na napangiti. Iiling-iling akong napapakamot sa batok. Nangangati na rin kasi ang mukha ko sa make-up ko. Pagod na pagod ang pakiramdam ko at gusto ko na lamang maligo at itulog ang nadarama. Muli namang sumagi sa isipan ko si Charlene. Para akong hinahaplos sa puso ko habang inaalala ang magandang mukha nito. Na parang may koneksyon ako dito kahit hindi ko naman siya kakilala. Ewan ko ba pero. . . may parte sa puso ko ang nasasabik na makita at makilala din ito. . . balang araw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD