ROSELLE:
PANAY ang buga ko ng hangin habang patapos na ang klase ko. Kabado akong ipagtatapat kay Chloe na buntis ako.
Hindi pa ako ganun kasigurado kung matutuwa ba itong magkakaanak na kami o hindi. Kahit malapit na ang graduation namin ay nasa bente anyos pa lang kami pareho. Natatakot din ako. Nagdududa sa sarili ko, kung kakayanin ko na bang maging batang ina? Sa edad ko ay napakabata ko pa para sa bagay na pag-aasawa.
Pero nandito na si baby. Hindi ko siya kayang talikuran, hindi ko siya. . . kayang ipa-abort para lang makapagpatuloy sa nakasanayan. Ayoko. Hindi ko kaya. Mas kakayanin ko pang tanggapin ang responsibilidad na maging batang ina.
Parang lulukso sa palabas ng ribcage ko ang puso ko nang matapos na ang huling klase namin. Mabilis kong inayos ang mga gamit ko at lumabas na ng room namin. Bahala na. Pero sasabihin ko na kay Chloe ang sitwasyon ko. Ayokong mag-aksaya ng oras lalo na't hindi pa alam nila Mommy at Daddy ang tungkol sa pagdadalangtao ko.
Napangiti akong makita si Chloe na papalabas na ng kanilang klase. Malalaki ang hakbang na sinalubong ko itong bahagyang nangunot ang noo na mapatingin sa aking nakamata at ngiti dito.
"Chloe."
"Yes?"
Walang emosyong sagot nito na nagtuloy-tuloy sa paglalakad na tila nagmamadali sa laki ng kanyang mga hakbang.
"Chloe, may sasabihin ako," aniko na halos patakbo na ang paglakad para lang masabayan ito.
"What?" iritadong tanong nito na hindi manlang ako nililingon.
Napalunok akong napalinga sa mga kasabayan naming kapwa naming estudyante ng university.
"H-hwag naman dito," napatigil itong nilingon ako at napapangisi ng nakakalokong ikinatigil ko.
"Bakit saan mo ba gusto? Motel? Car? Restroom?--"
Natigilan ito ng mapatingin sa aking pinangingilidan ng luhang nakatingala dito. Marahas itong napabuntong-hininga na napahawi ng buhok.
"Fine. In my car."
NAPAPALABI akong nakasunod dito na lumabas ng university at tumuloy sa parking lot kung saan nakaparada ang sportcar nito. Hindi ako sinulyapan o kahit pinagbuksan ng pinto. Pabalang itong pumasok ng kotse na malakas isinara ang pinto. Mariin akong napapikit at pilit kinakalma ang sarili. Lalo tuloy akong kinakabahan na magtapat sa nakikita ngayon dito.
Panay ang buga ko ng hangin. Kinakalma ang puso kong sobrang bilis ng t***k! Para akong kakapusin ng hangin sa baga sa ipagtatapat ko dito pero, kung hindi ko ito gagawin? Baka mas lalala pa ang sitwasyon.
"Bahala na," piping usal kong napahingang malalim bago sumakay ng kotse nito.
Nakasandal itong mariing nakapikit at salubong ang mga kilay. Napapalunok akong damang sobrang bilis ng t***k ng puso!
"Chloe?"
"Make it fast," walang emosyong saad nito.
Napalunok akong mahigpit na napakapit sa laylayan ng blouse ko.
"B-buntis ako," mahinang sambit kong narinig pa rin naman nito.
Nagpadilat ito ng kanyang mga mata at napaayos ng upo. Napapalunok akong matamang nakatitig lang dito.
"What!?" gimbal na bulalas nito!
Napalabi akong makita ang galit at pagka-dis-gusto sa mga mata nitong lalong nagsalubong ang mga kilay!
"S-sabi ko, buntis ako," sagot kong mas nilakasan ang boses na ikinahampas nito sa manibelang ikinapitlag ko!
"Damn! This can't be!" bulalas nitong nagtatagis ang panga.
Napayuko akong panay na ang pagtulo ng luha. Para akong kinukurot sa puso na iba ang inaasahan kong reaksyon mula dito.
"Abort it," anito sa mahaba-haba naming katahimikan.
Namilog ang mga mata kong napaangat ng mukha dito. Naninigas sa kinauupuan na hindi makapaniwalang nilingon itong seryosong-seryoso pa rin ang mukha.
"A-ano?" halos pabulong tanong ko dahil parang may bato ng nakabukil sa lalamunan ko.
"Are you deaf?" iritadong tanong nito na nagpapantig ang panga.
"Ipalaglag mo."
Natulala ako. Paulit-ulit nagri-replay sa utak ko ang sinaad nitong hindi mag-sink in sa utak ko! Nang matauhan na ako ay para akong binuhusan ng malamig na tubig na ma-realize ang gusto nitong gawin ko!
"No! Ayoko! Chloe, naman, anak natin 'to!" gimbal na bulalas ko kasabay ng muling pagragasa ng luha ko.
Parang pinipiga ang puso ko sa mga sandaling ito. Nagsusumamong tinitigan ito sa mga mata na napapailing.
"C-Chloe, ayoko. Nagkakamamakaawa ako. Maawa ka naman. Hwag ka namang ganyan sa anak natin. Kahit sa kanya na lang," aniko.
Napahagulhol akong nakamata ditong walang kaemo-emosyon ang mga mata.
"At anong gusto mo? Magpakasal tayo? Magsasama? Bubuo ng pamilya?" magkakasunod na tanong nitong nang-uuyam ang tonong napapailing.
Pagak itong natawa na napahampas muli sa manibela ng sunod-sunod. Napapalingon na tuloy ang mga dumaraan dito sa gawi namin dahil nasasagi nito ang businang naglilikha ng ingay.
"Damn, Roselle. Hindi ikaw ang pangarap kong mapangasawa. Those night are just for fun for me. Parausan lang kita," natatawang saad nito.
'Yong uri ng tawa na hindi natutuwa kundi nang-uuyam. Mapait akong napangiting napayuko at nagpahid ng luha kong panay ang tulo.
"Ipalaglag mo 'yan. Dahil hindi kita paninindigan," anito na mas kalmado na ang tono.
Nanatili akong nakayuko. Hindi makakilos. Hindi makapagsalita. Parang umiikot ang lahat sa paligid ko at pasikip nang pasikip ang dibdib kong ikinahihirap kong makahinga ng maayos! Unti-unti akong napapikit at nanghihinang naibagsak ang katawang sinalo agad ng katabi ko.
"Roselle!? Damn it! Wake-up! Roselle!" dinig kong bulalas nitong tinatapik-tapik ako sa pisngi.
"Damn, sweetheart. You're a death of me. Fvck this can't be! What should I do?!"
LUMIPAS ang mga araw at natuloy din ang pagpapakasal namin ni Chloe. Pagkagising ko matapos kong mahimatay ay nakagisnan ko ang isang nurse na nakaupo sa gilid ng kama at gagap ang kamay kong may suero. Hindi ko alam na ina pala 'yon ni Chloe at nalaman ding nabuntis ako ng kanyang anak. Kita ang gulat dito pero hindi ko naman makitaan ng galit o pagka-dis-gusto sa akin at sa baby ko. Dumating din ang asawa nitong si Sir Collins na siyang may-ari ng hospital na pinagdalhan sa akin ni Chloe.
Harapan akong itinanggi ni Chloe. Pero laking gulat ko na napasunod ito sa isang salita lang ng kanyang inang si Ma'am Rain. At 'yon ang magpakasal kami. Wala itong nagawa habang tahimik lang naman ang kanyang ama. Mukhang takot din sa asawa. Hindi ko rin naman siya mabakasan na ayaw niya sa amin ni baby. Nagawa pa nga niyang haplusin at kausapin ang baby ko kahit hindi pa halata ang umbok nito.
Pagkalabas ko ng hospital ay sila na mismo ang naghatid sa akin sa bahay. Nakakatuwa at nakakapanibago na unang beses naging malambing sa akin sina Mommy at Daddy. Na hindi nagalit nang mapag-alamang nagdadalangtao na ako. Pakiramdam ko'y umayon sa akin ang tadhana at sa amin ng baby ko kumampi ang kapalaran. Kitang napipilitan pa rin naman si Chloe na magpakasal kami. At ayaw din niyang isa-publiko muna ang kasal namin kaya napagdesisyunan ng mga magulang naming cevil wedding ang magaganap na kasalan. Hindi naman nagreklamo sina Mommy. Bakas ang galak sa kanilang mga mata na mapag-alamang isang Montereal ang mapapangasawa ko.
NAPANGITI ako sa sarili nang matapos na akong ayusan ng make-up artist na umayos sa akin. Ayaw kasi ni Ma'am Rain na hindi ako mag-aayos ngayong araw. Kahit nga ang white dress na sleeveless at hanggang taas ng tuhod ko ang haba ay ito rin ang bumili.
Simple lang ang disenyo pero kitang mamahalin sa ganda at lambot ng telang parang bulak sa lambot na kay sarap sa balat!
Napabuga ako ng hangin. Pilit kinakalma ang puso kong nagsisisipa na sa loob ribcage nito. Napalingon ako sa may pinto ng bumukas iyon at bumungad ang nakababatang kapatid ko na nakapambahay pa rin. Napakunotnoo akong napatitig ditong nakabusangot.
Magmula nang makilala niya si Chloe at pamilya nitong nagtungo dito sa bahay para hingin ang kamay ko ay ramdam kong nag-iba bigla ang pakikitungo nito sa akin. Hindi ako kinakausap o kahit sulyapan manlang.
"Hindi ka ba sasama sa hotel?" nagtatampong tanong ko.
Napataas kilay itong humalukipkip na pinasadaan ang kabuoan kong napapangisi.
"Hindi mo bagay ang suot mo," ismid nitong napa-flip ng buhok na nakalugay.
Napalunok akong aminadong nasaktan sa komento nito. Si Raquel lang ang tanging kaibigan ko kaya wala akong maimbita para sa kasal ko. Kahit naman civil lang 'yon ay kasal pa rin naman na matatawag iyon.
Napatitig ako sa repleksyon ko sa salamin. Bagay naman sa akin. Mas lumitaw nga ang kinis at kaputian ng balat ko sa damit ko ngayon. Halos hindi ko nga makilala ang sarili na maayusan pero heto at hindi manlang nagustuhan ng kapatid ko ang ayos ko ngayong araw. Nakakababa tuloy ng self confidence ang bungad nito.
"Ganon ba," aniko na napahaplos sa buhok kong kinulot at nakalugay.
Napangiti akong pinakatitigan ang sarili sa salamin.
"Lalong-lalo ng hindi nababagay si Chloe sayo," saad pa nito.
Natigilan akong dahan-dahang napatingala ditong nakatayo sa gilid ko.
"Alam ko. Hindi mo kailangan ipamukha, Raquel. May mga mata ako at nakikita ko 'yon," sagot ko na nginitian pa rin itong naka-pokerface lang at halukipkip.
Tumayo akong sinalubong ang mga mata nito.
"Pero may baby na kami ni Chloe. At ngayon ikakasal na kami. Ilang sandali lang, magiging asawa ko na siya. Magsasama. At titira sa iisang bubong." Saad ko na nakangiti dito.
Namutla itong nagpantig ang panga. Kitang-kita ko ang pagdaan ng kirot at galit sa kanyang mga mata na hindi ko alam kung saan nagmumula at kung para kanino.
"Sa tingin mo ba kapag nagkaanak at kinasal na kayo ni Chloe, mapapasayo na talaga siya?" makahulugang tanong nito.
Napalunok akong natigilan at aminadong tinamaan ang pride kong kinabahan. Ngumisi ito ng nakakaloko na tinapik ako sa balikat.
"Ang taas ng pangarap mo eh, hindi ka naman kagandahan. Mas maganda pa nga ako ng 'di hamak sayo," pang-uuyam nito.
Muli akong ginawaran nito ng nakakainsultong tingin mula sa suot kong white stilleto, sa white dress na suot ko, sa pagkakaayos ng buhok ko hanggang sa hawak kong bouquet ng white roses at tulips. Napailing itong mahinang natawang lumabas na ng silid ko.
Napahinga ako ng malalim. Hindi ko maiwasang masaktan sa mga sinabi nito at sa biglaang pagbabago nitong animo'y ang laki-laki ng nagawa kong kasalanan dito. Maya pa'y muling bumukas ang pinto at niluwal non si manang Karen na hindi rin nakabihis kahit na binigyan ko naman siya ng maisusuot ngayong araw. Napakunotnoo akong napatitig dito na may tipod na ngiti sa labi. Bakas ang tuwa sa mga mata nitong nagniningning na napatitig sa kabuoan ko.
"Ang ganda-ganda talaga ng anak ko," naluluhang saad nitong ikinangiti kong napatayo at niyakap ito.
Parang hinahaplos nito ang puso ko sa mga sandaling ito na yakap niya ako at marahang hinahagod sa likod.
"Salamat po, Yaya. Bagay po ba?" nakangiting tanong ko na ikinangiti at tango nito.
"Oo naman. Bagay na bagay sa'yo, anak. Hindi nga kita halos makilala," anito na nangingilid ang luha.
"Ya, bakit hindi pa kayo nakapagbihis, hmm? Magtatampo ako niyan," simangot kong pinalungkot ang tono.
Mahina itong natawang napailing at ginagap ang kamay ko.
"Hindi naman ako kailangan do'n, Roselle. Nando'n ang mga magulang mong sasama sa'yo. Hindi mo kailangan ang Yaya mo doon," natatawang saad nito pero iba ang nakikita ko sa kanyang mga mata.
Parang may mga nagkukubli na namang misteryo sa mga iyon na pilit tinatakpan ng kanyang mga ngiti.
"Pero, Ya."
Umiling itong muli akong niyakap.
"Congratulations on your wedding day, anak. Masaya si Yaya na kahit paano ay magiging maayos na ang kinabukasan mo sa piling ng mga Montereal," anito.
Napalabi akong tumango na lamang. Ayoko namang pilitin si Yaya dahil kita at ramdam kong hindi siya komportable sa harapan ng mga Montereal.
Katulad na lamang noong nagtungo sila Ma'am Rain at Sir Collins dito sa bahay. Hindi manlang humarap si Yaya na halatang umiiwas sa mga bisita. Marahil ay naiilang siya dahil kilalang pamilya ang mga ito. Bagay na ipinagsawalang-bahala ko na lamang.
"Ngumiti ka, anak. Mas maganda ang Roselle ko kapag nakangiti," anito na inakay na ako palabas ng silid.
Nadatnan naman namin sina Mommy at Daddy na naghihintay sa sala. Nakabihis na at nagmukhang kagalang-galang sa suot nilang formal dress at tuxedo na parehong kulay maroon.
Napapanganga akong mabungaran ang isang puting limousine car na nag-aabang sa amin sa labas ng bahay. Hindi tuloy maiwasang nagkukumpulan ang mga kapitbahay na nagbubulungan sa mga nagaganap.
"Tara na," ani Mommy na ikinangiti at tango ko.
Bakas din ang tuwa at kamanghaan sa mata ng mga ito kung gaano kagara ang sundo namin. Natutuwa akong makitang gusto at tanggap ako ng mga magulang ni Chloe. Pero kung maalala kong napipilitan lang si Chloe sa amin ni baby ay parang pinipira-piraso ang puso ko. Ang labas kasi ng kasalan namin ngayon ay napikot ko siya kahit hindi ko naman sadya at hindi ako ang nagpumilit na nakipaglapit sa aming dalawa.
Tahimik ako habang nasa kalagitnaan ng byahe patungo sa hotel ng mga Montereal. Dinig na dinig ko ang lakas ng kabog ng dibdib ko, maging ang pangangatog ng mga tuhod ko habang palapit kami nang palapit sa hotel!
Hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon! Na sa ilang minuto na lang ay matatawag na akong. . . Mrs Montereal.
"Mommy, kinakabahan po ako," aniko na napahawak sa kamay ni Mommy.
"Normal lang 'yan, Roselle. Ganyan talaga kapag ikakasal ka. Kabado ka at hindi mapakali." Sagot nito na binawi ang kamay at napahalukipkip.
Napayuko ako na nangilid ang luha. Kahit masaya ang mga magulang ko kapag kaharap ang pamilya ni Chloe ay napakalamig naman nila kapag kami-kami na lamang ang tao. Katulad na lamang ngayon na nasa loob kami ng kotse. Wala manlang pagpapalakas ng loob ang mga ito sa akin o moral support para sa kasal ko.
Minsan ay napapaisip din ako. Kung anak ba nila ako? O ampon lang. Kita din naman kasing wala manlang akong nakuha sa kanila. Pero ayokong mag-isip ng mga negatibong bagay-bagay. Kahit ibang-iba ang trato nila sa akin ay ayokong mag-isip na hindi nila ako anak. Mga magulang ko sila. Kung hindi dahil sa kanila? Wala ako sa mundong ito. Kaya kahit anong lamig ng pakitungo nila sa akin ay nirerespeto at minamahal ko pa rin sila.