CHLOE: NAPAPAHILOT ako ng sentido na hinihintay si Raquel dito sa loob ng opisina. Lately ay napapansin ko na ang pagiging clingy at possessive nito na kung makaasta ay may relasyon kami. Mariin akong napapikit. Mabuti na rin na siya na mismo ang tumawag na magpunta dito para harapan kong putulin ang ugnayan ko dito. Gusto ko na lamang ibuhos ang buong oras at attention ko sa dalawang bagay. Sa trabaho, at sa asawa ko. Maya pa'y nagbukas-sara ang pinto at pumasok ang pamilyar niyang pabango at prehensya. Nanatili akong nakapikit na nakasandal ng swivel chair ko. Dinig ko pa ang tunog ng stilleto nito sa sahig papalapit dito sa gawi ko. "Hi, babe," malambing bati nitong akmang hahalik sa aking ikinaiwas ng mukha ko. "Sit down. I have something important to say," maawtoridad kong saad.