CHLOE: NAALIMPUNGATAN ako sa sunod-sunod na doorbell sa pinto na nakakabingi na sa panay ang tunog! Naniningkit ang mga matang napaangat ako ng mukha mula sa pagkakasubsob ko sa unan. Inaantok akong bumangon at tinungo ang pinto para pagbuksan ang bisita na kay aga-agang nanggugulo! "What--" "Fvck you!!" singhal nito. Napagewang akong napasalampak sa sahig ng pagbukas ko sa pinto at ang kamao ni Daddy ang sumalubong sa akin! Hindi pa man ako nakakabawi ay napaupo ito sa tyan ko at sunod-sunod akong pinagsusuntok sa mukha na ikinaputok ng labi at kilay ko! "Collins!! Ano ba!? Papatayin mo ba ang anak ko!!" bulyaw ni Mommy na malakas itulak si Daddy! Hilong-hilo akong inalalayan ni Mommy makatayo. Habang nanlilisik ang mga mata ni Daddy sa akin na galit na galit. Nagpapantig ang pang