ROSELLE:
NAGMAMADALI akong pumasok ng university na halos patakbo na akong panay ang sulyap ko sa wrists watch ko dahil late na ako ng ilang minuto sa unang subject ko! Pinalaba pa kasi ako ni Mommy ng damit nitong isusuot daw niya mamayang gabi sa dadaluhang birthday party ng kumare nito. Pinakusot pa sa akin dahil ayaw nitong malukot at masira ang agad ang tela ng dress na pinalaba sa akin.
"Ayt!! palaka!" napatili ako nang bumunggo ako sa matigas na. . . pader!?
Pero biglang may kumabig sa baywang ko na siyang ikinanigas ko at natulala nang masilayan ko ang isang tila anghel sa amo at gwapong nilalang na siyang nabangga ko!
Parang nag-slow-mo ang paligid ko na dahan-dahang nagsilaglagan ang mga libro ko sa amin habang nakamata kami sa isa't-isa na nakayapos ito sa baywang ko!
"Ooppsss, be careful, pretty."
Pilit akong ngumiti na bumitaw mula dito na napapangisi pang hinagod ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
Napairap ako dito dahil ramdam ko ang kakaiba niyang pagtitig. Hindi naman ako suplada. Pero hindi rin ako matatawag na friendly lalo na pagdating sa mga lalake. Mahina itong natawa sa pag-irap ko na naglahad ng kamay.
"Don't you know who am I, hmm, sweetheart?" paanas nitong tanong.
Napangiwi ako sa makahulugang tanong nito lalo na sa pagtawag niya sa akin ng sweetheart.
"Bakit? Dapat ba kilala kita?" sarkastikong tanong ko na ikinabungisngis nitong napakamot sa batok.
"Tumabi ka nga," aniko na bahagyang binunggo ito sa balikat pero hinawakan lang ako sa braso na muling pinigilan.
Napalunok ako na napatitig sa kamay nito. Para kasing may lumulukob na kakaibang damdamin sa dibdib ko habang nakahawak ito sa akin! Nag-iinit akong kinakabahan kaya kaagad kong tinanggal ang kamay nitong sinamaan siya ng tingin na nakataas ng kilay at napapangisi sa akin.
"I'm still talking to you, sweetheart." Paanas nito.
"Nagmamadali ako," madiing asik ko na napasulyap sa relo ko.
Mariin akong napapikit na makitang sobrang late ko na sa unang klase ko ngayong araw! Napabuga ako ng hangin na tiningala itong kitang tuwang-tuwa pa sa nakikitang nababanas ako dito!
"Who is your professor?" tanong nito.
Nangunotnoo akong napatingala dito. Nagtatanong ang mga mata na napatitig ditong nangingiting nakatunghay sa akin. Ang tangkad niya kasi kaya kailangan ko pa siyang tingalain.
" Bakit?" casual kong tanong.
"I'll cancel your class, sweetheart."
"Baliw," mahinang ismid ko.
Malutong naman itong napahalakhak na napapailing na bahagyang yumukong napapapisil sa baba ko at iniangat ang mukha ko pasalubong ditong ikinalunok kong napatitig sa kanyang mga mata!
"Do you think I'm kidding, hmm?" paanas nitong tanong.
Pingtitinginan na tuloy kami ng mga nadadaang kapwa namin estudyante. Ang iba ay napapairit at tili pa na kinikindatan at nginingitian nito.
"I'm the owner of this university," buong pagyayabang saad nito.
Namilog ang mga mata kong napasunod ng tingin nang dahan-dahan nitong iniangat ang suot na i.d! Pigil ang hininga kong nabasa ang ang pangalan nito!
"Chloe Montereal," piping usal ko.
Nanghihina ang mga tuhod kong hindi nga ito nagbibiro! Montereal nga siya at ang tinaguriang 'The Hunter Beast' ang kaharap ko ngayon! Kilala siyang playboy at certified womanizer na halos oras-oras ay iba't-ibang babae ang nakaka-fling! Kaya binansagan siyang the hunter beast.
"A-aalis na po ako, Sir."
Pagmamadali kong pamamaalam at halos patakbong naglakad makalayo lang agad dito. Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko sa mga sandaling ito! Nasungitan ko pa tuloy ang lalakeng iyon. Hindi ko naman kasi siya kilala. Pero matunog ang pangalan niya na halos lahat ng estudyante dito ay siya ang bukam-bibig ng mga ito. Wala din naman akong interes dahil naka-focus ako sa pag-aaral ko. Idagdag pang scholar lang ako sa university na 'to dahil hindi naman kakayanin nila mommy at daddy na pag-aralin ako dito na inaabot ng million ang isang semester lang.
Sa mga sumunod na araw ay muling bumalik sa tahimik ang buhay ko. Na ipinagpapasalamat ko dahil hindi ko na muling nakakasalubong si Chloe Montereal. Pero ramdam ko minsan ang tila mga matang magkapares na nakatutok sa akin sa 'di kalayuan. Hindi ko na lamang binibigyan pansin dahil baka guni-guni ko lang 'yon lalo't wala namang nanggugulo sa akin.
Nagbabasa ako ng libro ko habang marahang naglalakad nang maramdaman ang pamilyar niyang prehensya at pabango na ikinabilis ng pagtibok ng puso ko! Kita ko sa gilid ng mga mata ko ang pamilyar niyang bulto na marahan ding naglalakad habang nakatutok ang attention sa kanyang cellphone na ikinahinga ko ng maluwag. Sa dami ng kasabayan naming naglalakad na estudyante dito sa hallway ay impossible namang mapansin niya ako o matandaan. Hindi ko ito pinapansin o kahit nililingon. Sa impit na tilian pa lang ng paligid ay mahihinulaan ko na agad kung sino 'tong kasabayan kong naglalakad. Si Chloe.
Napahinga ako ng malalim na hanggang dito sa labas ng university ay kasabayan ko pa rin siyang maglakad. Itiniklop ko na ang libro ko at ibinaba ang headphone na nakatakip sa tainga ko. Pasimple akong napalinga sa bawat gilid nitong kalsada at lihim na napamurang nagkatinginan tuloy kami! Huling-huli niya ang mga mata kong kaagad napaiwas ng tingin dito. Napangisi pa itong mahinang natawa sa inasta kong ikinagapang ng init sa mukha ko.
"It's you again, sweetheart."
Bulong nitong ikinatayo ng mga balahibo ko sa katawan na sinadya nitong isagi ang labi sa dulo ng tainga ko!
Napasinghap akong napayakap sa libro ko na bahagyang napaatras pero siya namang hakbang nito. Hindi ako makatingin sa mga mata nitong matiim na nakatitig sa aking mga mata. Pinagbubulungan na tuloy kami ng mga kasama naming estudyante dito sa harapan ng university na naghihintay ng masasakyan.
"Are you avoiding me?" bulong pa nito.
Napalunok akong kaagad umiling at hindi masalubong ang mga mata nitong matiim na nakatitig sa akin.
"H-hindi naman po sa ganun, S-sir." Utal kong sagot.
"But why do I felt like that, sweetheart? Don't you like me?" magkasunod nitong tanong.
Napatitig ako dito ng hindi makapaniwala. Nangingisi lang naman ito na nangingislap ang mga matang matiim kung makatitig sa akin. Napailing akong 'di napigilang napaikot ng mga matang ikinahalakhak nito.
"Hindi po kasi lahat ng babae, magkakagusto sa inyo, Sir." Mahina at madiing sagot kong ikinalapat ng labi nito.
Lumilitaw tuloy ang magkabilaan niyang malalim na biloy sa pisngi na lalo niyang ikinagwapo. Pero nakaka-turnoff ang ugaling meron siya. Hindi naman siya arogante o suplado. Malandi oo. Sobrang landi ng lalakeng ito. Na tipong para lang damit ang mga babae sa kanya. Isang laruan na matapos gamitin ay magpapalit na naman. Oras-oras na paiba-iba ang babaeng ka-fling nito.
Hindi ko naman masisisi ang mga babaeng naghahabol dito at kusang iniaalay ang katawan sa kanya. Sino nga naman ang makakatanggi sa isang katulad niya?
Nasa kanya na lahat. Gwapo, makisig, matangkad, sikat, matalino, at higit sa lahat? Anak bilyonaryo. Galing sa kilalang pamilya. Kaya kahit sino ay nagkakandarapang magpapansin sa kanya.
Maliban sa akin na walang interes sa kahit na sinong lalake. Dahil wala pa sa isip ko ang pumasok sa isang relasyon. Lalo na sa isang katulad niyang playboy billionare na laro lang ang tingin sa mga babae. Gagamitin lang pagparausan at basta na lamang iiwan kapag napakinabangan.
"So, are you saying that you're one of those ladies who's not interested in me, hmm?" muling bulong nito.
Napangiwi akong napataas ng kilay ditong napapangisi lang. Napahinga ako ng malalim na pinakatitigan siya sa kanyang mga mata.
Ang ganda ng mga mata niya. Singkit at kulay abo niyang mata na may kakapalan ang malalantik niyang pilikmata. Idagdag pang makapal din ang kilay na itim na itim. Kahit sino ay madadala at malulunod sa mga iyon na mapapasunod na lamang dito.
Kaagad akong nag-iwas ng tingin na hindi makayanang makipagtitigan ng matagal dito. Hindi ko kaya. Para akong malulusaw sa puso sa matiim niyang pagtitig na walang kakurap-kurap! Mahina itong natawa na napailing. Hindi ko na lamang ito pinansin at pinara ang paparating na jeep.
"Hey."
"Sir, please? Bitawan mo ako. Kailangan ko ng umuwi," aniko na binawi ang braso dito.
Napuno tuloy ang jeep na hindi ako nakasakay. Napairap na lamang ako sa hangin na maghihintay na naman ako bago makasakay. Nakakabanas ang Montereal na 'to. Porke't may sariling sasakyan eh!
"I'll drive you home, sweetheart." Alok nito.
Napalunok ako at kaagad umiling dito. Para kasing iba ang dating sa pandinig ko na ihahatid niya ako pauwi. Hindi kami close friend. At alam kong maloko siyang lalake. Ang hirap magtiwala na gagawa ito ng kabutihan sa kapwa lalo na sa tulad kong babae.
"I insist. Ihatid na lang kita sa inyo. Bakit, natatakot ka ba sa akin, wala ka bang tiwala sa akin, hmm?" magkasunod nitong tanong.
"Thanks but no thanks, Sir. Kaya ko po ang sarili ko. Magko-commute na lang ako," sagot ko na ikinanguso nito.
Matiim pa rin itong nakatitig sa akin na tila binabasa ang nasa isipan ko. Panay ang sulyap ko sa wristwatch ko. Hapon na kasi at mapapagalitan na naman ako ni Mommy na late akong nakauwi. Pagbibintangan na naman ako nito na naglalandi dito sa university kaya late na akong nakakauwi. Ang hirap pa naman makasakay sa jeep kapag gantong hapon na.
Tumabi ito na sinasadyang pagsagiin ang likod ng palad naming ikinalulunok ko. Para kasing may kuryenteng nagmumula sa balat nito sa tuwing nagkakaasagian kami. Tuloy maging ang kab0g ng dibdib ko ay hindi ko maawat.
"Mauuna na po ako, Sir." Tarantang pamamaalam ko.
Pilit akong ngumiti na pinara na ang paparating na taxi. Lihim akong napapamura na napa-taxi tuloy ako para lang makaiwas sa pangungulit ng Montereal na 'to. Hindi naman ako ganon katanga para magpadala agad sa mga salita nito. Inosente nga ako pero hindi naman ako ipinanganak kahapon para hindi mabasaan ng ibang tumatakbo sa kanyang isip.
"Hey, wait." Muling pigil nito sa akmang pagsakay ko ng taxi.
"Ano?" mahina at iritadong tanong ko dito.
"You forgot something, sweetheart."
Napakunotnoo akong napatitig dito na nagtatanong ang mga mata.
"Ano?" naguguluhang tanong ko.
Humakbang ito palapit na yumuko.
"This."
Namilog ang mga mata ko sa mabilisang pag-smack-kiss nito sa mga labi kong ikinatili ng mga nakakita!!
Mahina itong natawa sa pagkakatulala ko na inalalayan pa akong makapasok ng taxi at kinausap ang driver na hinabilin akong ihatid ng maayos kundi ay malalagot ito sa kanya.
"Manong, ingatan niyo 'yan, ha? Mamahalin, pakakasalan at aanakan ko pa iyan. Lagot ka sa akin kapag 'di mo naihatid ng maayos 'yan."
Dinig kong habilin pa nito sa driver.
"Opo, Sir. Hwag kayong mag-alala..Iingatan ko si Ma'am," magalang sagot nito na malapad na ikinangiti ni Chloe.
"Hey," untag nito sa aking natutulala.
"Huh? Uhmm--"
Napakapit ako ng mahigpit sa polo nito nang walang pasabing siniil ako nito sa mga labi!
Para akong nalulutang sa alapaap na unti-unting napapikit ng mga mata at ninanamnam ang malambot at mainit niyang mga labi.
Hindi ko alam pero unti-unti kong nagugustuhan ang masuyong halik na ginagawad nitong salitang sinisipsip ang mga labi ko. Napakatamis ng kanyang mga labi at nakakatangay ang uri ng paghalik nitong napakasuyo at lalim!
Pero para akong nabuhusan ng nagyeyelong tubig na maramdaman ang kamay nitong nilalamas na ang kanang dibdib ko habang malalim na nilalakumos ang mga labi ko! Nagising ang diwa ko na namimilog ang mga matang buong lakas itong naitulak sa dibdib!
"Uhm, tama na!" naghahabol hiningang tulak ko dito.
Napangisi naman itong namumula ang pisngi at namumungay ang mga mata.
"Damn, so sweet," ngisi nito na sa mga labi ko nakamata.
"Bwisit ka," asik ko.
Matamis lang naman itong ngumiti na napababa ng tingin sa mga labi ko. Wala sa sariling napakagat ako ng ibabang labi dahil namura ko ito.
Napalunok naman itong mahinang umalpas ang nagrereklamong ungol sa kanyang bibig na nakatutok pa rin ang mga mata sa bibig ko. Dahan-dahan kong nabitawan ang pagkakakagat ko doon na muli nitong ikinalunok.
"A-alis na," pagtataboy ko.
Nag-angat ito ng mga mata sa akin na matamis na ngumiti bago mabilis na humalik sa noo kong ikinanigas ko! s**t! Namumuro na ang Montereal na ito!
"Ingat, sweetheart."
"Bwisit ka!" madiing asik ko na pinaniningkitan ito.
Malutong lang naman itong napahalakhak bago tuluyang isinara ang pinto ng taxi.
Nakatulala akong napahaplos sa ibabang labi ko habang nasa kahabaan ng byahe pauwi. Pakiramdam ko'y nakalapat pa rin ang kanyang labi sa akin! May kung anong kakaibang kiliti at sayang naghahari ngayon sa puso sa dalawang beses na panghahalik nito sa akin. Napapapadyak ako ng mga paa na parang batang nagrereklamo sa naganap sa amin ni Chloe!
Ang first kiss ko. Nakakainis ang Montereal na 'yon. Ang bilis niyang makanakaw ng halik! Mariin akong napapilit na napapadyak ng paa dahil bumabalik sa isipan ko kung paano humagod ang malambot niyang mga labi sa mga labi ko. At ang nakakainis, kahit sinisigaw ng isipan ay pride ko na hindi ko 'yon gusto. . . iba naman ang sinisigaw ng puso at katawan ko. Na nagustuhan ko rin ang halik niya na napakabanayad at lalim!
The way how he suck and lick my lips are damn so good! Napaka-passionate nitong humalik na kahit sinong babae ay bibigay at bibigay dito.
Napalapat ako ng mga labi. Init na init ang mukha ko. Pakiramdam ko'y nakalapat pa rin ang mga labi nito sa labi ko!
"Bwisit ka, Chloe. May araw ka rin sa akin. Babayagan kitang tukmol ka."