Chapter 2

2004 Words
CHLOE: NAGKAKATUWAAN kaming magkakaibigan nila Daven at Delta nang mapadaan si Ms masungit sa harapan naming ikinatigil ko. Napalunok akong napatitig ditong nagbabasa ng kanyang libro habang dahan-dahang naglalakad. Kahit napakasimple niya at walang kolorete sa mukha ay hindi maipagkakaila ang angkin niyang kagandahan. Kakaiba siyang babae. Natatangi siya sa lahat. Na tipong walang pakialam kahit ako na mismo ang lumalapit sa kanya. Kung ibang babae lang 'yon ay hindi ko na kailangang magpa-cute pa dito. Pero si ang babaeng ito? Fvck! Obvious namang nagpapapansin ako sa kanya pero. . . wala manlang itong pakialam. Ni hindi nito magawang suklian ang matamis kong ngiti sa tuwing nagkikita kami na sinasadya kong salubungin o sabayan ito. Kusa itong umiiwas kapag nasa paligid na ako. "Hey, dude. Are you still with us?" Natatawang tudyo ni Daven sabay bunggo sa balikat ko ng balikat nitong ikinagising ko sa pagkakatulala kay ms masungit. "Yeah, may naiisip lang," alibi kong ikinatango ng mga ito na muling nagkwentuhan. Napasunod ako ng tingin kay Ms masungit na pumasok ng library, tsk. Ang boring naman ng life routine niya. Wala ba siyang mga kaibigan? Pansin ko kasing lagi na lang itong sa libro niya nakatuon ang pansin. Ni wala pa akong nakikitang kausap nito na kalapit niya. Napapangisi ako sa isip-isip ko habang nakasunod ng tingin kay Mis masungit na nagbabasa ng libro sa loob ng library. Ni wala siyang kaibigan na kakwentuhan at mas gustong mapag-isa. Lalo tuloy akong nacha-challenge makuha ito. "Magiging akin ka rin. Not now. . . but soon," piping usal ko na may ngisi sa mga labi. MATAPOS ang subject namin sa panghuling klase ay magkakasabay na kaming lumabas ng classroom nila Daven at Delta. Pasimple kong binagalang maglakad nang makita ko si Ms masungit na palabas na rin ng classroom nila na sinabayan ko dahil, as usual? Nagbabasa na naman ito ng libro niya habang dahan-dahang naglalakad. "Hey, Chloe!?" Napaangat ako ng mukha sa pagtawag ni Delta sa aking malayo-layo na pala sila. "What?" pabulong kong sagot na nakuha nito. "Faster, will you!?" dugtong nitong sigaw. Napaingos akong pasimpleng sinulyapan ang babaeng sinasabayan ko ang marahang paglakad at lihim na napangiti. Ni hindi manlang sumulyap, tsk. Napahabol ako sa mga kaibigan kong tumuloy ng parking lot. Napahalukipkip pa ang mga itong nakasandal sa harapan ng sportscar nilang hinihintay ako na salubong ang kilay. "What took you so long, dude?" ani Delta na nang-uusisa ang tono. Napataas kilay ako sa mga itong painosenteng napakibit-balikat. Kilala ko ang mga ito. Magaling silang makaamoy. Dahil iisa lang naman. . . ang likaw ng bituka naming tatlo. Pare-pareho kasi kaming maloko pagdating sa babae lalo na't kami ang hinahabol at sinasamba. Sino ba naman kami para tumanggi sa grasya? Babae na ang nagkukusang maglaglag ng salawal sa amin. Ultimo umulos ay sila na ang gumagawa para sa amin. Wala kaming ibang ginagawa kundi ang mapaungol lang sa kung gaano sila kagaling na paligayahin at sambahin kami ng buong-buo. "Mom texted me, I've just read her message and reply to her. Why?" alibi kong ikinatango ng mga itong lihim kong ikinangisi. Alam kasi nilang under ako kay Mommy Rain. Hindi katulad ni Daddy na lubos-lubos pa ang ibibigay sa hihingin ko sa kanya. Kaya naman sa kanya ako lagi nagsasabi ng mga gusto ko para tiyak akong ibibigay nito hindi katulad ni Mommy na may mga kondisyon pa talaga bago ibigay ang kailangan ko tsk. Napapamura na lamang ako sa isip-isip na nawala na si Ms masungit sa paningin ko. Ilang beses ko na siyang tinangkang sundan kung saan umuuwi pero laging purnada dahil sa dalawang asungot ng buhay ko na nakasubaybay na lang lagi sa bawat kilos ko. Hindi tuloy ako makaporma dito. Mukhang sariwa pa naman siya at wala pang karanasang babae. Kaya lalo akong nasasabik matikman ito. Napaingos akong pabalang sumakay ng kotse ko na hindi ko na nga mahagip ng paningin si sungit. Ni hindi ko alam ang pangalan niya dahil ayaw namang magpakilala sa akin. Mas lalo pa tuloy siyang naging mailap sa pagnanakaw ko ng halik dito noong nakaraan. Pansin ko kasing sa tuwing napapansin niyang nasa paligid lang ako malapit dito ay nagbabago ang kilos nitong nagmamadali na lang lagi. Halatang umiiwas sa akin, tsk. "What's the matter with you, Kuya?" Napalingon ako sa nakababatang kapatid kong si Roxanne na nagkakandahaba ang ngusong nakatitig sa aking nanonood ng football game dito sa theater room ng mansion. "Why?" painosenteng tanong ko. Napailing itong dinampot ang remote na inilipat sa kdrama ang palabas. Napairap ako ditong napahagikhik lang na niyakap ang remote. "Nothing, it just that. . . ." Pambibitin nito. Napatitig itong nanunuri ang tinging ginagawad sa aking ikinataas ng kilay ko dito. "It looks like there's something different in you this past few days, Kuya." Saad nito na napahinga ng malalim. "Tsk. Mind your own business, young lady," ismid ko dito. Kung patalinuhan lang kasi ang pag-uusapan ay mapapantayan ako ng kapatid ko sa talino. Kaya naman ang hirap din maglihim dito dahil wala kang maitatago sa talino niyang bata. "Tsk. Falling in love makes you weak as a man, Kuya. Keep that on your mind," ismid din nito na humalukipkip na at nag-focus sa pinapanood. "Tsk. That won't happen, Roxie. Walang babaeng makakapag paibig sa akin." Saad kong ikinanguso nito na tumango-tango.. "Let's see, Kuya." Tila panghahamon pa nito na napailing at ngisi sa akin. Napairap ako ditong dinampot ang snack kong pizza na nakinood na lamang dito. Wala din naman akong magagawa dahil hawak niya ang remote control. KINABUKASAN ay inagahan kong muling pumasok para maabangan ang pagdating ni Ms masungit. Hindi ko rin maintindihan ang sarili kung bakit ko ito ginagawa. Na para ko na siyang ini-stalked at masubaybayan ang mga ginagawa niya. Mas lalo kasi siyang naging mailap sa akin noong ninakawan ko siya ng halik sa kanyang mga labi. Damn! Ang tamis ng mga labi nito kahit hindi siya marunong tumugon. Hindi na nga ako magtataka na ako ang first kiss nito. Pero sadyang suplada ito na hindi makuha-kuha ng charm ko kahit nagpapa-cute na ako dito. Siya pa lang ang babaeng nakakagawa no'n sa akin. Ang tanggihan at snob-in ako. Fvck! Napaayos ako ng upo na makita itong parating. Pasimple akong napahawi sa buhok kong maayos naman ang pagkaka-wax. Maging ang kwelyo ng polo ko ay inayos ko na muna habang nakamata dito. Nangingiti akong nakatitig sa kanya habang nakatungo itong nagbabasa ng kanyang libro. Ang ganda niya talaga. Puro. Walang halong kaartehan ang kilos at postura niya. Sa paningin ng iba ay napaka-simple niyang dalaga. Pero para sa akin? Siya na ang pinakamagandang babaeng nakilala ko sa lahat. "What's up, Chloe? Mukhang may bagong biktima ka?" nangingising tudyo ni Delta Madrigal na bestfriend ko mula pagkabata. "Woah! So si simple girl pala ang nakakuha ng hotspot ng linggo?" ani Daven Smith na umakbay sa aking nakamasid din sa babaeng tinititigan ko. "Ahem!" Napahalakhak pa ang mga itong nasamid akong napatikhim. "Mahihirapan ka dyan, Chloe. Paniguradong hindi ka niya. . . papansinin," pang-aasar ni Delta na ikinangisi at taas ng kilay ko ditong nangingisi rin sa akin. "Wanna bet?" panghahamon kong ikinahalakhak ng mga itong nagka-apir-an ni Daven. "Sure! Anong ipupusta mo?" palabang hamon ni Delta na nakangisi sa akin. "My Mclaren." Nakangising saad ko. Namilog ang mata ng mga itong ang ipupusta ko lang naman ay ang favorite sportscar ko. "Game!" masiglang saad ni Daven. Akala yata nila ay hindi ko makukuha si Ms masungit sa pustahan naming tatlo. Napalingon ako dito na malapit na sa gawi namin. Napangiti akong sinalubong itong natigilan dahil humarang lang naman ako sa daraanan nito. "Hi." Malambing bati kong ikinaangat ng mukha nitong napatitig sa akin. "Roselle," piping basa ko sa I'D name nito. Lalo akong napangiti na mabasa ang first name nito sa kanyang suot na I'D. Ngunit kaagad ding napalis ang matamis kong ngiti nang magsalubong ang mga kilay nitong wala manlang kangiti-ngiti sa kanyang mga labing may kanipisan at natural na mapula. Fvck! Ngayon pa lang ay natatakam na akong laplapin ang mga 'yon! "May kailangan ka?" mahina pero mataray nitong tanong. Napakamot ako sa batok. Para namang nalunok ko ang dila ko at hindi makaapuhap ng isasagot dito. Napakataray naman kasi ng itsura nito. Walang kangiti-ngiti sa akin na nakataas ang isang kilay. Napakasungit ng mga mata nitong walang emosyong nakatitig sa akin. Napakamot ako sa batok na napatikhim. Hindi ko naman kasi ugaling magpapansin sa mga babae dahil sila ang lumalapit sa akin. "Tsk. Tumabi ka nga," asik nito sa pagkakatulala ko at bahagyang binunggo ako sa balikat. Napakuyom ako ng kamaong napasunod ng tingin sa pigura nitong paliit nang paliit sa paningin ko. Unang beses na napahiya ako at hindi ko yata matanggap na may babaeng. . . tatanggihan ako! "Mark my words, Roselle. One of this days, luluhod ka at magmamakaawa sa akin," piping usal kong nakamata ditong palayo. Naiiling akong bumalik sa pwesto ng dalawang kaibigan kong ngingisi-ngisi na napapailing sa akin sabay himas ng baba. Sa uri ng tingin nila ay kinakantyawan na nila akong. . . may tumanggi at nagsungit na babae sa akin. Sa unang pagkakataon, fvck! "See? I told you so, dude. Hindi mo 'yon mauuto," pang-aasar lalo ni Delta. Umasim ang mukha ko na ikinabungisngis pa ng mga itong nag-apiran sa isa't-isa. "Fvck off! Walang makakahindi sa akin, dude. Give me one week. Sinasabi ko sa inyo, hahabulin niya ako," buong kumpyansang saad ko. Nagka-apir-an kaming nangingisi sa isa't-isa na napapailing na lamang. SA mga sumunod na araw ay mas lalo siyang naging mailap na halatang umiiwas sa akin. Napangisi ako nang masundan ko siyang nag-aabang ng masasakyan na lumayo pa talaga sa tapat ng university. Pasipol-sipol ako na pasimpleng sinusundan ang sinakyan nitong jeep. Masyado kasing magaling umiwas ang isang ito. Na tila nararamdaman kaagad niya ako kapag nasa paligid ako na nakabuntot sa kanya. Kaya naman mas naging mailap pa ito sa akin. "Gotcha, sweetheart." Anas kong napapahimas ng baba habang nagmamanehong sinusundan ang jeep na sinakyan nito pauwi. Isang araw na lang ang palugid ko at matatapos na ang pustahan namin nila Daven at Delta. Hindi ako makakapayag na hindi makuha si Roselle. Mawawala ko ang sportcar na paborito ko sa lahat ng car collection kong pinabili ko pa kay Daddy abroad. At hindi rin biro ang presyo non kahit hindi ko naman pinaghirapan ay pinapahalagaan ko pa rin dahil galing sa paghihirap ni Daddy. Napahinto ako sa 'di kalayuan ng huminto ang sinakyan nitong jeep at bumaba na ito. Napanguso akong nakamasid lang dito. Hindi na kasi matao dito at wala ding kabahayan. Palinga-linga pa ito sa paligid na yakap ang bag. Maging ang jeep ay hindi pa umaalis na ikinabundol ng kakaibang kaba sa dibdib ko. Napapanguso ako na matamang pinapanood ang mga nasa harapan ko. "Fvck!" Malutong akong napamura na kaagad napababa ng kotse makitang bumaba na ang driver at sapilitang hinihila si Roselle sa gilid ng kalsada kung saan nagtataasan ang mga talahib! "Tulong! Tulungan niyo ako! Tulungan niyo po ako!" pagtitili ni Roselle na pilit binabawi ang braso sa Mamang driver. "Bitawan mo ako! Tulong! Tulong!" pagsisigaw pa nito na pilit binabawi ang braso nitong hawak ng driver. Nataranta ako dahil malakas ang lalake na tila wala sa sarili at pursigidong magahasa si Roselle sa talahiban! Nahihila na niya ito kahit nagpupumiglas at nanlalaban si Roselle dito. "Damn, what is he doing!? This is not part of our deal!" bulalas kong malalaki ang hakbang na lumapit sa mga ito. Bumilis ang t***k ng puso ko at nakadama din ng takot na mapahamak ito dahil sa akin! s**t! Hindi naman ito ang inaasahan ko eh. Bahala na! Mabilis akong bumaba ng kotse ko na tinakbo ang kinaroroonan ng mga ito. Panay pa rin ang pagtitili ni Roselle na nagpapasaklolo at nagpupumiglas. Naghari ang galit sa puso ko na parang mabangis na leon na lumapit sa mga ito. Damn! This is not my plan pero. . . bahala na. Hindi ako makakapayag na may ibang lalake ang makauna sa akin kay Roselle!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD