Chapter 6: Face it

2506 Words
Chapter 6: Face it Krystal's POV Sa sobrang dami na ng mga tanong sa isipan ko hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin at unang asikasuhin. Kung yung pag aaral ko ba? Or yung pag iwas ko sa kamatayan? Well obviously naman na kailangan kong unahin yung paglayo sa kamatayan ,sino ba namang tangang tao ang babaliwalain nalang ang buhay kahit alam mo na na palapit sa iyo si kamatayan. Hindi ko alam kung ano ang dapat kung unahin or dapat kung unang step na gagawin para makaiwas sa mga iyon. Tama ba lahat ng mga impormasyon na narinig ng mga tenga ko? Or may ibang impormasyon na hindi naman talaga totoo? Hindi dapat ako umupo lang dito sa upuan na toh at hintayin na lang ang pagdating ng kamatayan ko. Kailangan ko ng kumilos, pero saan ? Nilibot ko ang paningin ko at natanaw ko ang lalaking naka itim na uniform at nakatayo sa pinto ng classroom namin. Para bang may hinihintay siya at nakatingin siya sa akin bakas sa mukha nya ang pagngiti. Bigla akong natakot dahil baka kung ano ang balak na gawin niya sa akin bago lumabas. Wala pa naman si Lei at Faye nasa ibang subject sila. Walaakong kakilala dito para humingi ng proteksyon sa lalaking nakatingin sa akin at pinagmamasdan bawat galaw ako. Pumapatak na sa noo ko ang mga pawis dahil sa kaba. Agad kong kinuha ang ballpen sa bag ko at nagpaalam sa teacher na mag ccr ako. Pero ang totoo pupunta ako sa room ni Faye na nasa kabilang room lang. Dinaanan ko lang siya at bigla itong nagsalita bago ako umapak papalabas. "How is your day ? Beautiful girl?" malamig na tanong nito sa akin dahilan ng paghinto ko at halos sumabog na yung dibdib ko sa kaba. Kung sakaling sasaktan ako nito wala akong kalaban laban dahil sobrang laki. Laki ng katawan niya at nakakatakot ang emosyon ng mukha niya. Hindi ko nalang pinansin ang tanong niya at saka lumayo pero bigla ulit siyang nagsalita kaya humigpit ang paghawak ko sa ballpen. "Dont you know that, when you do not answer a question of a one DEVIL GOD you can receive a punishment. Oh well a BIG PUNISHMENT" natakot ako sa mga sinabi niya kaya nilingon ko siya na nangangatog ang mga tuhod. Nasa labas kami ng classroom kaya tinitignan kami ng mga ibang estudyante, mga chismosa.at tinignan ko ng maigi ang mukha niya. Wait! Teka Siya! Siya yung lalaking humalik sa akin sa library! Bakit kaya ako sinusundan ng manyak na toh! "IKAW? IKAW YUNG HUMALIK SA AKIN DIBA?!" pag iba ng emosyon ko na mula sa takot papuntang galit. "Ow! You remember me!" nakangiting saad nito pero tinaasan ko lang siya ng kilay. "How dare you to stole a kiss from me!" sabi ko sakanya at naglakad lang ito ng mabagal papunta sa akin habang nasa bulsa ang dalawang kamay. "Im here to apologize about what happen last day." seryosong saad nito. Tumingin ako sa mga estudyante at parang gulat na gulat sila. Ngayon lang ba sila nakakita ng taong humihingi ng pasensiya? Duhhhh "So what you want me to do?" pagtaas ng kilay ko sakanya. Kanina pa nakataas ang kilay ko kung natatanong niyo kung hindi ba ako napapagod. Well hindi ka naman talaga mapapagod lalo na kung may ginawang hindi maganda ang kaharap mo ngayon sayo. Hinila niya ako sa kamay at pumunta kami sa isang bahagi ng school na unti lang ang mga estudyante. "Anong ginagawa natin dito?" tanong ko sakanya. "You said, that what I want you to do, LET ME BE YOUR ARMOR" saad nito. Pero halata sa itsura niya ang pagkaseryoso, pero nakakapagtaka bakit nalaman niya na mapapahamak ako or sa isang iglap kang ay mamatay na ako. Sino ang nagsabi sakanya at ano ang nagtulak sa kanya para maging Guardian ko. "W-what!? H-hindi ko kailangan ng magbabantay sakin. I have my friends. And first of all I do not even known you a lot." saad ko at napakamot nalang siya sa ulo. "You do not understand. Im telling you, your life is now on danger they are now preparing for your coming death. You suppose to leave this University now. And YOU NEED ME, kung natatanong mo kung bakit alam ko. Isa ako sa 5 Devil Gods sa University na toh. At alam ko ang bawat kilos ng mga kapwa ko Devil Gods lalo na si Mrs. Lucillia, pero ang King hindi alam kung ano ang binabalak nila. Nung nalaman ko na ikaw ang papatayin nila bigla kitang hinanap para malayo ka sakanila, dahil may karapatan akong magprotekta ng estudyante, I want to save you among them. So please let me be" pakiusap nito sa akin kaya napilitan nalang akong tumango. "But, ano ang nagtulak sayo para tulungan ako?" tanong ko sakanya kaya huminga ito ng malalim at muling nagsalita. "Ewan ko, pero nung nakita kita sa library gumaan yung loob ko sayo. Inosente ka sa mga nangyayari at mangyayari pa. Hindi mo alam ang dahilan kung bakit ikaw pa ang kailangang patayin at hindi nalang ang iba na mas makasalanan pa sayo. Krystal, ginagawa ko ito dahil parang may naaalala ako sayo. Hindi ko alam kung sino pero iba ang nararamdaman ko pag nakikita kita. So, naisipan kong tulungan ka sa bawat galaw mo." bigkas nito kaya napaiyak nalang ako. Tama siya wala akong kaalam alam sa mga bawat nangyayari. Hindi ko din alam kung bakit nila ako gustong patayin. "Bakit ba kasi ang malas malas ko???" humahagulhol na sabi ko. Kaya niyakap niya ako para patahanin. "Shhh, wag ka ng umiyak . Im here to protect you for those people who want to kill you." saad nito kaya paunti unti akong tumigil sa pag iyak. Nang may narinig kaming sumigaw sa bandang likuran namin na babae. Paglingon namin ay may saksak siya sa likod kaya napatakip ako sa bibig ko dahil sa takot at bigla. Nagulat din si Kib sa nangyari. May pinindot siya na parang remote at biglang nagsidatingan ang mga nakablack na Uniform na mga lalaki at kinuha ang babaeng may saksak. Bago pa nila kunin ang babae ay may tinanggal sa likod na papel si Kib kasama ito ng kutsilyo na nakasaksak sa babae. "Ano po yan VP ?" tanong ng isang Hell God na kasama sa mga dumating "Im watching you" Anong ibigsabihin nun? Natulala ang lahat. Pati ako, baka ako yung sinasabihan ng sulat na yun. Kulay red yung papel na may itim na butterfly. Ano ang ibigsabihin nito?? "Dalhin niyo na itong bangkay" pag uutos ni Kib sakanila at agad naman na silang kumilos. "Umuwi ka na" utos niya sa akin pero umiling ako dahil tanga ba siya? Papauwiin na niya ako pero alam naman niyang may taong nagmamasid sakin at baka pagbalik ko sa bahay ay patayin na niya ako "AYOKO" napasabunot nalang siya saulo niya sa pagkairita "Kung ayaw mo,sumama ka sakin buong araw!" saad nito at hinawakan ako sa kamay at umalis na sa lugar na yun. Bakit ba ako sumasama sa lalaking ito, baka isa rin siya sa mga taong gustong patayin ako pero bini-brainwash lang ako. Hmmp! "Saan ba kasi tayo pupunta?!" pagbasag ko sa katahimikan habang naglalakad kami. "Pupunta tayo sa kaibigan ko alam kong matutulungan niya ako na mapalabas ka sa lugar na ito." sagot niya . Tinanggal ko yung kamay ko sa pagkakahawak niya. "Hays!" bigkas niya. Asan na ba kasi kami kanina pa kami naglalakad dito sa hallway ng senior high school building na halos walang katapusan. Eh, may elevator naman ayaw niyang gamitin namin. "Andito na tayo!" pumasok kami sa loob ng isang kwarto na walang katao tao pero sobrang tago nito .pero nung binuksan na niya ang ilaw ay may nakita akong matandang natutulog at nagising ito. Sinara ni Kib ang pinto at kinandado ito para walang makakita samin. "Magandang tanghali Apo" pagbati niya sa kasama ko. "Magandang tanghali din po lo" sabi ni Kib sakanya, at winave ko ang kamay ko para makipag HI. At nginitian lang niya ako. Umupo kami sa isang upuan na medyo luma na. "Apo, anong nagtulak sayo para pumunta dito" nakangiting sabi ng matanda. "Lo, kailangan po namin kayo ng kaibigan ko para makalabas na siya dito, delikado po ang kanyang sitwasyon ngayon." sabi ni Kib. Nagtataka parin ako dahil isa siya sa mga may mataas na posisyon sa paaralang ito pero hindi siya pwedeng lumabas? "Apo naman, baka mapahamak ka nanaman sa gagawin mo na yan. Alam mong madali lang ang makalabas dito sa pamamagitan ko, pero mas natatakot ako na baka malaman ni Mrs. Lucillia na buhay pa ako at malaman niyang may kapangyarihan na may nagpapalabas ng estudyante sa paaralan na ito. Ayoko pang mahuli niya ako" linyahan nito. "Ahmm, makikisali lang po. Pero may kapangyarihan po kayo? Ano pong klaseng kapangyarihan?" singit ko sa usapan nila. "Iha, mapagkakatiwalaan ba kita sa aking mga sekreto?" tanong niya sa akin "Oo naman ho" pagtango ko sakanya "Iha, ako ay ang Tatay ni King. Sa pagkakaalam ng lahat ay patay na ako, pero hindi yun natuloy, imbes na magpakita ako sakanila nanatili nalang akong magtago dahil natatakot ako kay Lucillia na baka patayin niya ulit ako. Oo, siya ang may balak na patayin ako pero hindi siya nagtagumpay, hindi niya alam na buhay parin ang pinatay niya at dahil yun sa kapangyarihan na pinaubaya niya sa akin noon at kahit kailan ay hindi na niya matatanggal sa akin. Ako lang ,si Lucillia at ang Anak ko lang ang nakakaalam ng totoong pinto palabas dito. Alam din ng mga ibang Hell God ang pinto palabas pero pinapayagan lang sila pag inutos ito ng isa sa amin. "mahabang linyahan nito. Nagulat ako sa sinabi niya, siya ang tatay ng King ibigsabihin masama siya at baka patayin na niya ako. "Wag mong isipin na papatayin kita, nagbago na ako at hindi na ako kailanman papatay ng taong walang kamalay malay" bigkas nito. "Nakakabasa po kayo ng isip?" tanong ko "Hindi. Halata kasi sa mukha mo ang takot" natatawang sabi ni Kib. Tinarayan ko nalang siya. "Iha, gusto mo na ba talagang umalis na sa lugar na toh? " "Pero ang mga kaibigan ko po" "Iha, isa lang ang taong napapalabas ko sa loob ng 3 buwan" Nalungkot ako sa sinabi niya. "Hindi po ako lalabas sa lugar na toh hanggang hindi ko kasama ang mga kaibigan ko. Nandito po sila para sa akin at para protektahan ako pero aalis ako ng hindi sila isasama? Hindi po ako papayag. Kahit na dito na kami mamatay hinding hindi ko sila iiwan" "Pero—" pinutol ko ang sinabi ni Kib "Kung dito talaga ako nakatadhanang mamatay dito talaga. Pero kung hindi? Mas maganda. Uubusin ko ang oras ko para harapin ang mga taong gustong pumatay sa akin ng hindi ko alam ang dahilan. Haharapin ko ang Lucillia na yun! Kahit magkamatayan kami gagawa at gagawa ako ng paraan para sabihin niya ang dahilan. At gagawa ako ng paraan para makuha ang gusto ko at magiging tadhana ko!" matapang na sabi ko. At umalis na sa lugar na yun. Hinding hindi ko hahayaang iwan ang mga kaibigan ko na totoo sa akin. Papunta na ako ng High School building nang biglang may humatak sa akin sa at sobrang lakas niya kaya hindi ko magawanag kumawala . Nanginginig ang tuhod ko at hindi ko magawang tignan ang itsura niya dahil nakatalikod ako sa mukha niya ang amoy niya ay sobrang bango. "Sino ka!??" sigaw ko "Anong ginagawa mo sa mga oras na ito diba may klase ka?"bawat bigkas niya ng mga salita ay parang hinihigop niya ang lakas ko. "S-sino k-ba" nanginginig na sabi ko. Binitawan na niya ako at napaupo ako sa sahig dahil sa hina, kakapumiglas ko. Nakita ko ang mukha niya natakot ako dahil baka siya ang King. Ang suot niya ay pula na may logo sa gilid ng uniform niya ang letrang K. Na inukit sa ginto. Malaki ang katawan niya at sobrang puti hindi mo rin maipagkakailang gwapo siya pero may kasamaang nakabalot sa buong pagkatao niya. Siya nga ang KING. At nakita narin kita "PATAWAD" sabi ko at pilit na tumayo pero hinatak niya ako ng pagkalakas kaya napatayo ako . Tutulungan na nga ako, sobra naman halos magkalasag lasag ang buto ko sa paghatak niya. "Sa susunod na makikita kita, na hindi pumapasok sa klase ay magsisisi ka na" pag ngiti niya na may halong panlilisig ng mata. At umalis na siya, di ko namalayan na may mga nanonood pala sa mga kanya kanyang room at nakasilip lang sila sa bintana. Pero nung tinignan ko sila agad na silang nagsibalik sa mga klase nila. Anong problema ng mga yun?! Binalak ko ng puntahan ang mga kaibigan ko dahil hapon narin naman. Di ko na sinunod yung sinabi ng King na pumasok na ako sa klase ko. Hapon na rin kaya malapit na ang uwian nag antay ako sa labas ng room nila Faye at may 10 minutes pa para lumabas sila. Sumandal ako sa pader at nag isip isip. Masyadong maraming nangyari sa araw na toh, humingi ng tawad sa akin ang Vice President ng school na toh,at nakakita ako ng patay na babae na may sulat sa likod na para sa akin at nakita ko ang tatay ng King. Na halos lahat ng estudyante dito ay ang pagkakaalam ay patay na siya. Pati narin si Mrs. Lucillia kala niya ay patay na ang taong pinatay niya pero di siya nagwagi. Tapos na meet ko pa ang King masyadong masakit na ang ulo ko sa mga nangyari ngayon. Pano pa kaya sa mga oras na kikilos na sila para patayin na ako. Haist! Iisa lang ang naiisip kong paraan para humaba pa ang buhay ko, at mapigilan ang mga taong papatay sa akin. Yun lang ay ang pagsanib ko sa Hell Gods. Diba, parang sira ulo naman ako? Na sasali ako sa grupo ng mga lalaking namumuno at nagbabantay sa mga estudyante . Pero kinakatakutan sila lalo na ang King, kaya dapat mas mapalapit ako sakanya para mas maprotektahan niya ako sa taong pumatay sa tatay niya. "Napakaimposible ng iniisip mo Krystal" sabi ko sa sarili ko. Pero malay ko naman na mangyari lahat ng binabalak ko. Kakampi ko si Kib kaya matutulungan niya ako na mapalapit kay King. Nagsilabasan na ang mga estudyante. Sobrang gulo nila kung lumabas parang may sunog sa room nila. Sobrang lalakas ng mga boses may mga nagmumurahan pa at nagsusuntukan. May mga babae namang tili ng tili hay naku. Nakita ko sila Faye at Lei na papalabas na rin. Kaya sinalubong ko nalang sila. "Hello bess" bati sa akin ni Faye at ganun din naman si Lei, nginitian ko nalang sila pero deep inside ang hirap ngumiti sobrang hirap. Umuwi na kami sa apartment para magpahinga narin. Sobrang dami pa ng mga araw na makakameet ako ng mga taong di ko alam na may binabalak na pala sa aking masama. Sobrang hirap! Sana hindi nalang ako lumayo sa inyo Mom and Dad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD