Chapter 7:My Savior

1380 Words
Chapter 7: My Savior Faye's POV Umuwi na kami nila Lei at Krystal parang lutang si Bess habang nasa bahay kami kanina pa siya parang ang lalim lalim ng iniisip para bang may kung anong bumabagabag sa kanya at parang may tinatago siya. Hindi naman atang masama kung tatanungin ko siya ,pero mamaya nalang kasi nagugutom na ako. Naghanda na ako ng pagkain namin ganun din naman si Lei, habang si Krystal naman ay nakaupo parin at may iniisip. Hindi ko naman siya pwedeng baliwalain dahil baka hindi ko alam na may papatay na pala sakanya or alam na niya kung sino ang papatay sakanya ,well obviously naman na si Mrs. Lucillia yun. "Faye, yung niluluto mo!" bigla akong bumalik sa normal na at di ko namamalayan na nasusunog na ang niluluto ko na sausage. "Ayy !" agad namang hininaan ni Lei ang apoy dahil hindi ako marunong magpatay o magpahina ng apoy. Yun ang pinaka kinatatakutan at kahinaan ng isang katulad ko. Kapag nakakakita ako ng apoy bumabalik ang mga alaala ko noon . Ayoko ng alalahanin pa yun. "Thank you Lei" "No thanks. Sige na ayusin mo na. Yung niluluto mo para makakain na tayo" banggit naman ni Lei parang ang saya saya niya ngayon eh halos magkasama naman kami kanina pero wala namang good news na natanggap siya or. Basta nevermind. Kumain na kami ng tahimik at tanging TV lang ang naririnig . Walang gustong magsalita kaya babasagin ko nalang itong katahimikan na toh. "Krystal anong nangyari sayo buong araw?" tanong ko sakanya kaya napunta ang atensyon niya sa akin. "Ahmm. W-wala. Nag aral lang" nauutal na sabi niya, pero kabisado ko na ang taong toh, kapag nagsasabi siya ng totoo at nagsisinungaling pero sa sitwasyon na ito mukhang nagsisinungaling siya. Iba siyang tao, hindi siya uupo nalang at hahayaan ang sarili na maboring alam ko kung anong posibleng ginawa niya sa araw na toh. "Umayos ka" seryosong sabi ko kaya napairap nalang siya. "Fine. Madaming nangyari sa araw na toh, pero wala namang nangyaring masama sa akin" "Tulad ng?" singgit ni Lei "Nakita ko yung—. Yung King. Oo siya nagkita kami pero wala siyang ginawang masama sakin. Nagkita rin kami ng Vice President ng School . Yun lang" paliwanag niya kaya tinuloy ko na ang pagkain. Nang matapos na kaming kumain. Nagsitulog na kami para sa ganun maaga kaming magising at makahanap ulit ng paraan para makaalis sa lugar na toh. Hihiga na sana ako nang bigla kong nakalimutan yung headseat ko sa gilid ng TV kaya lumabas ako sa kwarto ko para kunin yun. Nang makuha ko na ang Headseat ,nakita ko si Lei na nagbibihis ,first time kong nakitang tinanggal niya ang jacket niya at may tatto siya na isang paru-paro na kulay itim. Napakaganda nito kung pagmasdan pero binaliwala ko nalang iyon at bumalik na sa kwarto para matulog. === Author's POV Umaga na at maagang nagising si Krystal para maghanda na sa plano na gagawin niya. Ano nanaman kayang plano ang gagawin niya at ipapahamak nanaman ba niya ang sarili niya? Naku. Nag unat unat si Krystal at ginawa na ang kanyang morning routine. Ganun din naman ang ginawa nila Lei at Faye. Pumasok na sila sa bawat subject nila pero magkaiba silang tatlo ngmga subject. Si Krystal naman ay nasa Science Room. Pero bago pa siya pumasok ay may nakita siyang nagkukumpulan sa bulletin board kaya naki sali narin siya para tignan iyon. "Hala! Totoo ba ito?" "Magsasali sila ng isang babae sa Hell Gods!" "Tara sali tayo" Narinig ni Krystal ang mga bulungan ng mga estudyante kaya tinignan niya ang papel dito. We are now hiring a strong,respectful and fearless girl for the Hell Gods. The registration is held on Gymnasium . For those who willing to Join. Ready for the Challenges -King Napag isip isip ni Krystal na sumali para sa kanyang plano. Parang sinuswerte ata siya ngayon ah. === Krystal POV We are now hiring a strong,respectful and fearless girl for the Hell Gods. The registration is held on Gymnasium . For those who willing to Join. Ready for the Challenges -King "Ito na ang simula ng plano ko" bulong ko sa sarili ko. Pag sumali ako sa Hell Gods, makakasama ko ang mga magpoprotekta sakin at lalo na ang King. Balita ko kasi pinoprotektahan niya ang lahat ng Hell Gods at wala pa daw namamatay sakanila. How fabulous! "TUMABI NGA KAYO DYAN MGA SALOT!" sigaw ng isang nakakairitang babae kaya nagsilayuan ang mga estudyante sa bulletin board maliban sa akin. Napaka ikli ng skirt ng babae at punong puno ng make up ang mukha niya, kulay red ang buhok nito. Habang binabasa niya ang nakasulat dito ay bigla siyang tumawa. Muntanga. "BWAHAHAHAHA!! SERYOSO BA ANG KING? MAGHAHANAP PA SIYA NG IBANG BABAE FOR HELL GODS? DUHHH! OBVIOUSLY NAMAN AKO NA ANG MANANALO DUN.. DUHHH ! KAYO! KUNG SINO MAN ANG MAY BALAK NA SUMALI SAINYO HMMMM PWES DONT TRY ME KUNG AKO SAINYO WAG NA KAYONG SUMALI. PAG MAY SUMALI ALAM NIYO NA ANG MANGYAYARI SAINYO!" linyahan niya kaya natakot ang mga ibang estudyante pero ako naparolyo nalang ang mata ko sa sinasabi niya. Siya?? Eww "Hey you girl!! Dont scared us! Lahat naman ng mga babae dito gusto ring maging part ng Hell Gods, so you dont have right to against us to register " pag singgit ko sakanya kaya nagulat ang mga estudyante sa sinabi ko. Pero itong babae na toh? Sinamaan lang ako ng tingin "WHO YOU ARE! TO SAY THAT TO ME? YOU DONT KNOW WHO I AM" giit nito "I dont care! If who you are or what you are. I just want to tell you that all of us have opportunity to join in that particular hiring for HELL GODS!" paglaban ko sakanya "OW s**t!FOR YOUR INFORMATION IM LARS CLARA And IM THE SECRETARY OF THE KING. SO YOU MUST RESPECT WHO I AM" "WOW . SHOULD I SURPRISE OR GLORIFY YOU? CAME FROM YOUR MOUTH! THAT YOU ARE THE SECRETARY OF THE KING. SO!! YOU MUST ALSO RESPECT THE DECISIONS OF KING! SHE NEED A STRONG,RESPECTFUL AND FEARLESS GIRL. DO YOU THINK YOU WILL BE ACCEPTED FOR YOUR ATTITUDE? IS THAT A RESPECTFUL ?" galit na bigkas ko sakanya kaya napangiti ang mga estudyante sa mga salitang binitawan ko. Dahil sa tingin nila pinaglalaban ko sila. At ito namang babaeng ito halos sumabog na sa galit. At kakulay na niya ang buhok niya. Bigla niya akong sinampal ng dalawang beses na pagkalakas lakas at nagsilayuan ang mga estudyante. Napatumba ako sa sahig. Pero hinatak parin niya ako, buti nalang at karatista ako. Agad ko siyang sinipa dahilan ng pagbitaw niya sa damit ko at napaupo. Tinamaan ko siya sa tagiliran kaya medyo nasaktan siya, agad naman din akong tumayo at ganun din ang ginawa niya, tumakbo siya sa akin at hinawakan ang kamay ko patalikod at hinawakan din ang ulo ko . Di ako makapumiglas dahil sobrang sakit ng pagkahawak niya sa kamay ko. Pinag uuntog niya ako sa pader kaya naririnig ko ang mga pag untog sa ulo ko at hindi ko maabot ang buhok niya para hilain din. Naramdaman kong bigla nalang niya akong binitawan at inalalayan ako ng isang lalaki na pamilyar ang boses. "WHAT THE HELL ARE YOU DOING LARS!!??!" sigaw nito at naglayuan ang mga estudyante lalo. Halos mahilo ako sa pagkakauntog pero pinupilit ko paring ibuka ang mata ko para makita kung sino yung lalaking umawat samin. Medyo na dilat ko na ang mata ko nakita ko ang mga hell gods at si Kib ,hindi siya ang may hawak sa akin hawak hawak niya si Lars at pinipigalan niya ito. Tinignan ko ang lalaking hawak hawak ako. Hindi ako makapaniwala na ipinaglaban ako ng KING! "LETCHE YANG BABAENG YAN! TINANGKA NIYA AKONG PATAYIN!" "STOP IT LARS!!!!! IM WATCHING THE TWO OF YOU AND YOU ARE THE ONE WHO STARTED!" sigaw ng King na pagkalakas lakas. Kaya yumuko si Lars. Dahil napahiya siya sa madaming tao. "DALHIN NIYO ANG ISA NA TOH SA CLINIC AT PAGKATAPOS DALHIN NIYO SIYA SA OFFICE KO" pag uutos ng King at binuhat na ako ni Kib. "Salamat" sabi ko sakanya at yun na ang huling sinabi ko dahil hinimatay na ako sa nakita kong dugo sa ulo ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD