Chapter 5: Question of Death

1537 Words
Chapter 5: Question of Death Krystal's POV Ako ang naunang gumising dahil nga dito natulog si Lei, kailangan kong maghanda ng masarap na breakfast para pag gumising sila kakain nalang sila. Syempre mabait kaya ako, pasaway lang pero pag ako kinalaban ,naku! ... Inaalala ko lang ang mga sinabi sa akin ni Lei kahapon ,na pinapasok ako ni Mrs. Lucillia dito para pahirapan. Pero bakit? Anong mali ang nagawa sa buhay niya? Eh hindi ko nga alam kung sino siya, at bakit niya ako kilala. Di kaya, stalker ko siya? Maliban nalang kung may nagawa ang pamilya ko sakanya. Pero imposible. Hayst! Kailangan ko ng kumilos baka di ko mamalayan na papatayin na nila ako habang nakatalikod. "Krystal, ang aga mo naman magising" nagulat ako ng biglang may nagsalita sa likod ko habang nagluluto ako. Si Lei lang pala, pinakaba naman nito ako. Bigla bilang sumusulpot. "JUSMEO MARIMAR!" gulat na sabi ko. At muntik na akong matalsikan ng mantika dahil sa niluluto kong hotdog. "Opps, sorry Krystal kung ginulat kita. Sorry talaga" sabi nito at nag peace sign. Tinawanan ko nalang siya. Umupo siya sa upuan habang umiinom ng tubig. "Okay lang yun. Bakit nga pala ang aga mong nagising Lei?" tanong ko sakanya habang nagluluto parin. "Wala lang, di lang kasi ako sanay pag wala ako sa sarili kong kama. Kaya maaga akong nagising " paliwanag nito. "Ahhh ganun bah. Gusto ko sanang dito ka nalang patirahin or mag stay para naman sa ganun may kaibigan narin kami na makakausap lagi. Tsaka hindi na kami ni Faye laging nabobored or naiilang sa ibang estudyante" sabi ko at pinatay na ang apoy para ihanda na ang niluto. "Nakakahiya naman kung ganun Krystal. Bago niyo lang akong kaibigan dito tapos papatirahin niyo na ako agad" mahinhin na sagot niya sa akin at tinulungan ako sa paghahanda ng pinggan. "Tama ba ang narinig ko? Papatirahin mo na si Lei sa dorm natin?" biglang sulpot ni Faye na bagong gising. "Ahm kasi Fay—" pinutol niya agad ang sinabi ko. "Lei, please pumayag kana!!! Dito ka nalang sa dorm namin tumira para naman may kasama kaming katulong sa paglabas sa school na toh. Diba marami kang nalalaman?? O edi matutulungan mo kami!" gulat na sabi niya. Kala ko di papayag itong bruhang toh. Tumawa nalang ng mahina si Lei "Hahaha sige na nga dito nalang ako titira sa dorm niyo. Wala din naman akong kakilala dito so, kukunin ko yung mga gamit ko mamaya sa dorm ko para ilipat dito. " nginitian nalang namin siya at umupo na kami para kumain at makapasok na sa school. (At the school) "Class, what is hypothesis? I know that all of you is know this. Since grade 7 your teachers already discuss this lesson?" tanong ng teacher namin. Duh?? Ang dali naman niyan. "You" turo sa akin ng teacher kaya tumingin ako sa likod ko dahil baka hindi ako. Pero nakatingin sila sa akin kaya tumayo nalang ako at sumagot. "Hypothesis is a tentative solution in a problem " kinakabahang sagot ko dahil lahat sila nakangisi lang yung para bang mga demonyo na may binabalak. Nakatingin lang sa akin ang teacher at nakangisi lang din. Wala man lang ba siyang balak magsabi ng "very good" ? Wow ha "What is kill?" nagulat ako sa tanong ng teacher sa akin. Kaya tumingin ako kay Lei para itanong gamit ang mata kung bakit ganyan ang tanong niya. Pero biglang nagsalita ulit ang teacher kaya bumalik ang tingin ko sa guro. "WHAT IS KILL?" malakas na tanong niya pero halata parin sa itsura niya ang tuwa. Bakit ba siya natutuwa? "Maam ,excuse me.. But what is the connection of killing to a hypothesis?"hindi nahihiyang tanong ko kahit na nakatitig sa akin ang mga kaklase ko na biglang nagulat. "What the hell? Hindi ba sayo sinabi ni Mrs. Lucillia na kapag tinanong iyon ay kailangan mong sabihin ang DONT KILL ME? " mas lalo akong nagulat dahil bakit ganun ? Anong meron sa tanong at sagot na yun? "None. And what is the point of that question?" "Seriously? She doesnt tell you that?" gulat na sabi niya. "No maam. Please, ano po ang ibigsabihin nun?" "Tsk. Mag ingat ka ngayon" pagbabala niya sa akin. At umupo na ako ng tulala Kinalabit ako ni Faye "Krys. Bakit hindi mo sinabi ang sagot na DONT KILL ME??" mahinang sabi niya sa akin. "What? May sinabi sayo?" "Krystal. Lahat ng estudyante dito ay sinasagot ang word na yan pag bago sila sa school na ito. Para hindi sila patayin ng maaga. Yun ang unang rules nila" singit ni Lei "Huh? Rules ba yun?" "Yes, it is a rule from a high position which is the King. Pero kung hindi ka sinabihan ni Mrs. Lucillia niyan edi isa lang ang ibigsabihin nito" "Ano?" tanong ko "Gusto ka na niyang patayin" nag aalalang sabi niya sa akin. Magulat din si Faye sa sinabi ni Lei. "B-bakit?" tanong ko sa sarili ko. "Dahil nga siguro may kasalanan kang nagawa sa kanya" "Wala promise." naiiyak na sabi ko dahil ayoko pang mamatay. Ano ba kasi ang nagawa ko sa babaeng yun. Hindi ko naman siya kilala simula noon. Pero bakit ganito siya. "Mamaya na natin pag usapan yan" sabi sa akin ni Faye habang hinahaplos ang likod ko. === Faye's POV Pinag recess na kami ng teacher namin kaya pumunta kami ng canteen. Ihing ihi na talaga ako ,ayoko ng pigilan kanina pa kasi toh. "Bess, mag c-cr lang ako ihing ihi na talaga kasi ako eh." sabi ko habang nakahawak sa chuvanes ko. "Huh? Gusto mo samahan ka na namin?" sabi ni Krystal pero nakakahiya naman kung magpapasama pa ako . "Wag na bess kaya ko na toh. Babalik din ako agad, bumili na kayo ng food niyo tapos hahanapin ko nalang yung table niyo" sabi ko "Faye, dito nalang kami mag aantay ha?" tumango nalang ako kay Lei at pumunta na ng cr Pagpasok ko ng CR agad akong pumunta sa bakanteng cr para umihi na. Habang umiihi ako ay may narinig akong dalawang babae na papasok sa CR na nag uusap. Pero patuloy parin akong umiihi. Na interasado ako ng bigla nilang pag usapan ang dalawa daw na babaeng bago sa school na toh "Alam mo ba Shenna yung bagong pasok dito sa school na toh, yung dalawang babae?" tanong ng isa "Oo ,balita ko nga yung isang babae ay hindi sinagot yung tanong na WHAT IS KILL hindi daw siya sinabihan ni Mrs. Lucillia" sabi naman ni Shenna daw. "Hay naku, bakit kaya hindi sinabi ng Admin yung QUESTION OF DEATH sakanya?" tanong nung isa habang naghuhugas ng kamay or kung ano man yun dahil naririnig ko ang tubig. "I dont know, tara na nga" sabi nung isa at tuluyan na silang lumabas at ako din. Bakit kaya hindi niya naalala yung QUESTION OF DEATH na binigay ni Mrs. Lucillia ? Pagkakaalala ko sinabi niya sa amin yun nung binigay niya yung susi sa amin pero bakit hindi niya naalala? Baka naman hinipnotize niya si Krystal na hindi marinig yun at ako lang ang makarinig . Ano kayang kasalanan ni Krystal sa Mrs. Lucillia na yun? Haist . Baka kanina pa nag aantay sila Lei at Krystal sa akin kailangan ko ng puntahan sila. Baka mag alala pa yung mga yun. Tsaka kailangan din niyang malaman ang mga hinala ko baka tama lahat ng yun. Nakita ko sila Lei at Krys na kumakain na kaya tumakbo na ako papalapit sa kanila at halata sa itsura nila ang pagtataka. Umupo na ako at agad na nag ulat sa kanila. "Krystal, nung binigay ni Mrs. Lucillia yung susi sa atin. Sinabi niya ang QUESTION of DEATH satin pero bakit hindi mo naalala?" tanong ko sakanya "Huh? Wala akong narinig na may sinabi siyang ganun ang naalala ko lang nung binigay niya yung susi ay tumingin lang siya sayo tapos ayun na" paliwanag niya sa akin. "Nung tumingin siya sa akin sinabi niya ang QUESTION of DEATH pero nawala nalang sa isip ko na itanong sayo kung bakit may ganung klaseng tanong na itatanong sa atin. Siguro sa akin niya lang sinabi yun gamit yung kapangyarihan niyang maghypnotize para hindi mo malaman ang tungkol dun. Siguro gusto ka na niya talagang patayin" paliwanag ko sakanya kaya napuno ng tanong sa isipan niya dahil sa tingin ko nag aalala na siya sa mga nangyayari. "Faye, tama ka rin naman pero siguro kaya niya ginawa yun is para pahirapan muna siya hindi yung papatayin siya agad. Kasi sa pagkakaalam ko ang taong hindi makasagot sa tanong na yun ay agad papatayin kung nasan ka man" singit ni Lei kaya napaisip ako. Bakit hindi pa siya pinatay agad ? Baka may mga balak pa ang Lucillia na yun. Bwisit siya "Ano kayang kasalanan ko sakanya ? Bakit niya ako kailangang patayin at pahirapan?" tanong ni Krystal na pinipigilan ang pagluha. Siya yung babaeng hindi basta basta umiiyak pero pag dating sa usapan na pagkamatay ay hindi niya talaga mapigilan ang damdamin niya. "Hayaan mo Krystal habang nabubuhay ako poprotektahan kita. Kami ni Lei ,tutulungan ka namin para makaalis sa lugar na toh. Para makaalis na tayo" sabi ko sakanya kaya yumakap nalang siya sa akin. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD