Chapter 4: New Friend?

2234 Words
Chapter 4: New friend? Faye's POV Magkaiba kami ni Krystal ng subject na papasukan kaya nasa math room ako habang siya naman ay nasa Science Class. Wala parin kaming teacher, bakit kaya laging ganun, laging walang teacher. May number din kayang binibigay sa kanila si Mrs. Lucillia? Napakademonyita talaga niya. "Hey Girl" lumapit sa akin ang QUEEN daw, ay di naman pala siya ang queen dito. Bakit ko siya papansinin? Baka manggulo lang toh. Nagtinginan ang mga classmate namin. Ano bang meron sa babaeng toh! "Why!?" tanong ko sakanya pero di parin ako nakatingin sa itsura nyang andaming makeup. "Anong nagyari sa paghahanap mo ng sekreto?" umikot siya sa upuan ko na parang may binabalak. At naka cross pa ang kamay "What do you mean?" walang ganang tanong ko sakanya "Excuse me. You're not facing at me" napairap nalang ako sa hangin dahil nakakainis sya. Di ko naman siya kinakausap eh. "At bkit naman ako haharap? Eh wala naman akong titignan sayo?" "Wala.kang respeto sa Queen!" sigaw niya at bigla niya akong hinila sa pagkakaupo ko ,kaya medyo nakarinig ako ng punit sa uniform ko ,ang lakas nya. Pero walang hiya siya. "Hindi naman ikaw ang Reyna dito. Kaya wag kang magreyna reyanahan dahil di bagay sa ugali mo!" sigaw ko "Sinusubukan mo ba ang kakayahan ko?" gigil na sabi niya sa akin. At hawak hawak parin ang braso ko na halos mabaon na ang kamay niya sa akin. "Bitawan mo nga ako!! Wala akong oras para makipag away sayo. Hindi ko naman gugustuhing makipag usap sayo!" sigaw ko sakanya at pilit tinatanggal ang pagkakahawak sa braso ko. Nagulat ang mga estudyante sa nangyayare kaya lumabas sila, at nakasilip lang sa bintana para panoorin kami. "So sinusubukan mo nga talaga ako. Lets see who will win" nakangising sambit niya at nilakasan niya ako ng sampal. Kaya napahawak ako sa pisngi ko. Binitawan niya ang braso ko, at sinabunutan ang buhok ko. "Aray!" bulong ko sa sarili ko. Pilit kong inaabot ang buhok niya pero dahil nga hanggang balikat lang niya ang buhok niya. Di ko siya mabawian. Kinagat ko ang kamay niya. Kaya napabitaw siya. "Letche!" sigaw nito, at may kinuha sa bulsa niya, nilabas niya ang isang icepick at tinutok sa akin. Nagulat ako dahil wala akong kalaban laban pag matatalim na ang kaharap ko. Tumingin ako sa pinto pero sinara ito ng mga estudyante, gago talaga sila. Bwisit. Palapit siya ng palapit sa akin, kaya palayo naman ako ng palayo sa kanya at nag iisip ng paraan. Ayoko pang mamatay. "You know what? I love doing this!" nakangiti paring banggit niya habang palapit ng palapit sa akin. At tumatawa siya ng parang demonyo. Tumakbo siya sa akin para saksakin ako pero nakaiwas ako kaya kinuha ko ang upuan at hinagis ito sakany kaya nabitawan niya ang kutsilyo. Tumakbo ako sa pinto para buksan ito pero nakatayo na siya at hinawakan ang buhok ko dahilan ng pagtulo ng luha ko sa sakit. Inuntog niya ang ulo ko sa pader ng ilang beses. Ng makita kong may dugo na ang pader ay agad akong nanghimatay pero bago pa yun, may nakita akong lumapit na lalaki kay Elyza at akmang kinatakot niya ito. Pero nanlabo ang paningin ko kaya tuluyan na akong nanghimatay. === Krystal POV Nakita kong nag uumpukan ang mga estudyante sa isang room. Pero maya maya ay nag sialisan na sila at nagchichismisan "Grabe yung babaeng yun" "Hindi siya natatakot kay Queen" "Buti nga sakanya at naleksyunan siya" "Pero lagot parin siya kay King" Nakakapagtaka ang mga sinasabi nila, base kay Faye wala naman daw Queen sa University na ito . Tsaka sino kaya ang babaeng yun. Nakita kong may isang lalaki ang lumabas sa room na yun at buhat buhat ang isang babae kaya nagsitinginan ang mga estudyante. Yung lalaki is naka black na uniform at bakas sa mga mukha nila ang takot. Ano kayang meron sa lalaking yun? Siya kaya ang King? Teka nga, asan na ba si Faye. "Krystal?" halos mapatalon ako ng may tumawag sa pangalan ko. Isa siyang babae ,pero di ko pa siya nakikilala para siyang nerd, at tsaka ang haba ng bangs siya at ang dami niyang dalang libro. "Bakit mo ako kilala?" tanong ko naman sakanya, ang hirap magtiwala sa mga ganitong panahon. Lalo na at nandito kami sa School na may binabalot na kasamaan. "Can we talk?" mukha namang mabait siya at walang kasamaang nababalot sa katawan niya. Kaya sumang ayon nalang ako. Pumunta kami ng canteen at nag order siya ng Spaghetti at Juice para sa makakain namin habang mag uusap kami. "Bakit mo nga pala ako kakausapin?" tanong ko sakanya. "By the way im Lei Ledesma and your Krystal Alejo" tinanguhan ko nalang siya. "Bakit mo ako kilala?" biglaan kong tanong sakanya, pero uminom muna siya ng juice "I know all about you since nung una mong pasok sa school na toh. Dahil sa pagkakaalam ko ang bagong ini-hypnotize ni Mrs. Lucillia ay isang tao na may kasalanan sa kanya kaya papahirapan niya. Narinig ko yun nung nag uusap siya at ang body guard dito na si Mr. Santos. So,nakita kita na bago lng dito kaya sa tingin ko ikaw ang babaeng yun." nagulat ako sa mga sinabi niya. "Totoo ba yan? Or gawa gawa mo lang?" pagtataka ko, inayos niya ang salamin niya at saka nagsalita. "Hindi ako parehas sa mga tao dito sa loob ng school na toh,na nagbibigay ng impormasyon na hindi naman totoo." napag isip isip ko na baka mali din ang sinabi ng babae kay Faye. "May nakapagsabi kasi sa kaibigan ko na ang number daw na nasa loob ng uniform natin ay ang araw kung kailan tayo papatayin,totoo ba yun?" natawa siya ng mahinhin dahil sa sinabi ko. Iba ang tawa niya kumpara sa mga tao dito. "Ano ka bah Krystal. Hindi totoo ang kasabihan nila na ayun. Sinabi lang niya ata sayo yun para mag udyok sa inyo na magpakamatay nlang para mawala na kayo dito. Please krystal wag kang maniniwala sa kanila" mukhang nagsasabi siya ng totoo dahil mukhang hindi siya gagawa ng kasinungalingan. "So anong gagawin ko, sabi mo diba na ako ang taong gustong pahirapan ni Mrs. Lucillia?" tumango siya at kumain ng spaghetti. Tinignan ko ang spaghetti at mukhang nagutom ako kaya kumain nalang din ako. "Yes, kaya ko nga sinasabi toh sayo para umiwas ka sakanya at hanapin ang pinto papalabas dito. Dahil ang King lang ang nakakaalam at si Mrs. Lucillia" sambit nito. Ibigsabihin iyon ang sekreto nila? "Yun ba ang sekreto nila?" tanong ko sakanya. Umiling siya sa akin. "Hindi iyon. Ang pinakasekreto nila ay wala pang nakakaalam. Bukod kay King, VP Kib, at France" nakakapagtaka bakit hindi alam ni Mrs. Lucillia ang sekreto? "Huh? Di ko maintindihan" huminga siya ng malalim at saka nagpaliwanag "Ganto kasi yan.. Noong nabubuhay pa ang tatay ni King siya ang pinakamasama sa pamilya nila, so dahil nga masama siya napatay niya ang asawa niya. Pero walang kaalam alam ang King ,noon na ang tatay niya ang pumatay sa kanyang Ina. Dahil sa galit niya sa kanyang Tatay naglayas siya at napadpad sa kalye. Nakita siya ni Mrs. Lucillia at pinatira sa bahay nila, di alam ni King na ang tatay niya at si Mrs. Lucillia ay mag kaibigan kaya nagkita ulit sila ng tatay niya. Medyo natanggal na sa puso ni King ang sakit at galit sa Kanyang ama. Napag desisyunan ni Mrs. Lucillia at Mr. Richardson i mean ang tatay ni King na magpatayo ng isang paaralan na walang may nakakaalam at dahil sa kapangyarihan ni Mrs. Lucillia na mang hypnotize ng mga estudyanteng may masasamang ugali ,napadami niya ang mga estudyante dito. Pero namatay ang tatay ni King ng walang nakakaalam kaya Si King na ang namuno dito. Natuto na rin siyang pumatay. Ngayon lang ulit nagkaroon ng freshman sa school na toh at kayo yun ng kaibigan mo. Noon, bukas pa ang pinto ng University na toh pero simula ng pumasok na kayo dito pinasara na nila. Ewan ko nga kung bakit eh, pero sigurado lang ako na may koneksyon ka kay Mrs. Lucillia. Kaya ingatan mo ang sarili mo" mahabang paliwanag nito. "A-ako?!" nauutal na tanong ko ... Kaya tumango siya. "Oo. Maybe you or either its your friend" "Ahmm Lei Ano nga pala ang buong pangalan ng King?" bigla nalang lumabas sa bibig ko ang tanong na yun "Nathan Richardson, pero iniba niya yun simula ng naging pinuno na siya dito. Bilang Reize Richardson" paliwanag nito. "Bakit nya pinalitan?" umiiral nanaman ang kuryosidad ko "Ewan ko." umiling siya. "Lei, bakit parang andami mong alam?" tanong ko sakanya. "Dahil sa kuryosidad ko , andami ko ng nalalaman pero hindi ko pinapahalata dahil pag nalaman nila na may alam ka sa kanila, tiyak na papatayin ka. Ikaw lang ang nakakaalam na alam ko ang mga nangyari dito, kaya please wag mong ipagsabi ayokong mamatay. Sinabi ko to sayo dahil alam kong ikaw ang magliligtas samin para makatakas na sa empyernong ito" pangungumbinsi niya sa akin. Paano niya nasabing ako ang makakatulong sakanila? Eh, hindi ko nga sila kilala eh. Tss, bahala na si batman. Huminga ako ng malalim "Haissss. Oh sige sige hahanap ako ng paraan para makalabas na tayo dito" pag sang ayon ko sakanya at ngumiti naman siya. Hala, asan na nga pala si Faye. "Salamat" bigkas nito "Lei, kailangan ko kasing hanapin ang kaibigan ko si Faye. Baka hinahanap na ako nun" pagpapaalam ko sakanya ,hinawakan naman niya ako sa braso para pigilan "Krys, pwede bang sumama ako? Please gusto ko kasing magkaroon ng kaibigan dito. Please" pagmamakaawa niya sa akin. Mukhang hindi naman siya masama at tsaka ang gaan ng loob ko sakanya. Kaya nginitian ko siya bilang pag sang ayon. Umalis na kami at hinanap si Faye Asan na ba kasi siya? === Faye's POV Nagising ako na puti ang buong paligid ,nasa langit na ba ako?? Bakit ang aga naman lord. Hindi ko na mababantayan ang kaibigan kong si Krystal kahit pasaway yun. Bakit ngayon pa. Lumingon ako sa kanan ko at nagulat ako ngmay nakatingin sa aking lalaki at inaantay akong magising. Pinagmasdan ko ang paligid nasa clinic pala ako , whoo! Kala ko patay na ako. "S-sino ka?" tanong ko sakanya at lumayo. Dahil baka maulit ang nangyare sakin kanina. Kinapa ko ang ulo ko at may band aid ito at masakit. "Calm down" seryosong banggit nito. Kasama niya ang nurse ng school na toh. "Sino ka?" ulit kong tanong. Sinenyasan ako ng babae na tumahimik . Bakit sino ba itong lalaking ito? "Im Reize Richardson" mahinahong sabi nito at tumayo. "Bakit mo ko tinulungan?" lumapit siya sa akin "Di ka ba natatakot na kinakalaban mo ang babaeng mataas sa mga estudyante dito? Hindi ka ba natatakot na mamatay?" malamig na tanong nito at may nakakalokong ngiti. "Wala akong pake kung siya ang mataas sa lahat ng kababaihan dito. Tsaka hindi naman siya karapat dapat tawagin na QUEEN dahil di ganun ang ugali ng isang reyna. At isa pa isang estudyante lang naman din siya ah" pag susungit ko sakanya. Umiling iling nalang siya sa mga sinabi ko. "King, pinapatawag po kayo ni Mrs. Lucillia" nagulat ako ng tinawag siya ng isang estudyante na nakablack . "I-ikaw a-ng k-king?" nanginginig na sabi ko. Nginitian lang niya ako ng masama. At umalis na. Hindi ako makapaniwala na nakausap ko ang King. At sa hindi pa magagandang salita ang nabitawan ko, pano kung ipapatay niya ako ng maaga dahil sa pagpatol ko sa Queen or should i say ELYZAbog . "Bess!" hingal na hingal na tumakbo siya papunta sa akin at niyakap ako at may kasama siyang babae "Bess naman, bakit mo ginawa iyon? Ano ba ang nagtulak sayo para kalabanin mo siya? Muntik ka ng mamatay" galit na sabi ni Krystal.. "Bess, kumalma ka, okay na ako. Hindi naman ako namatay eh tsaka tama lang naman ang ginawa ko eh, kung hindi ko siya nilabanan eh baka nasa langit na ako" pangangatwiran ko. Tinignan lang niya ako ng masama. "Okay fine ! Hindi ko na uulitin" sabi ko. "Miss pwede na po kayong umuwi" singit ng nurse. Langya, nag uusap pa kami eh. Umalis nalang kami kasama parin ang babaeng kasama niya kanina. "Faye si Lei nga pala bago nating kaibigan" sambit ni Krystal, nginitian ko nalang siya. Baliw na ba si Krystal nakikipagkaibigan siya ng hindi niya lubos kilala "May ipapaalam kami sayo pag dating natin sa dorm" excited na sabi ni Krystal. Nakauwi na kami at pinaliwanag lahat ni Lei ang mga nalalaman niya tungkol sa University. Nakakapagtaka lang bakit nalaman niya lahat ng iyon. Kakampi ba talaga namin ito? Pero wala naman akong nakikitang kasamaan sa kanya baka nga talaga mabait siya at mapagkakatiwalaan. "Totoo ba lahat yan?" tanong ko sakanya. At tumango nalang siiya "Oo totoo lahat ng sinasabi ko Faye. Maggagabi na rin pala kaya kailangan ko ng umuwi " tumingin ako sa orasan at 9:00 na pala napahaba ang pag uusap namin. "Wag na Lei. Dito ka nalang maghapunan at matulog. Delikado sa labas" pagpigil ko sakanya. Napag isip isip niya na tama ako kaya sumang ayon nalang siya "Salamat sa inyo ha" pagpapasalamat niya sa amin ni Krystal kaya nginitian namin siya. "Lei, bukas na bukas uumpisahan ko ng kumalap ng paraan para makalabas tayo dito" sabi ni Krystal kaya tumango nalang si Lei. "New friends" banggit ni Lei kaya nagtawanan nalang kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD