“RJ is not cheating on you if that’s what you’re thinking.” Hindi umimik si Amarah at tahimik lamang na sinuot ang seatbelt niya. Umayos siya ng upo at nilagay sa kandungan ang handbag saka tumingin sa labas ng bintana. Kasalukuyan na silang nakasakay sa SUV ni Rafael, sa shotgun seat siya naupo dahil wala silang kasama na driver. She’s thinking na daanan ang kapatid para may support siya ngunit nagdadalawang-isip siya dahil si Rafael ang kasama. “There’s also a reason why he didn’t contact you for the whole week,” dinig niya na wika pa nito. Hindi pinansin ni Amarah ang sinabi nito at nanatili lamang na nakatingin sa labas ng bintana habang nag-iisip ng kung ano ang dapat na gawin. Huminga ng malalim si Amarah at kinuha ang cellphone mula sa handbag niya. Nag-scroll siya
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books