Chapter 2- His maid

1365 Words
Nakatingin si Andrew sa katulong niyang si Akie Lyn Pangilinan na abala sa pagtipa sa keyboard ng cellphone nito na kanina pa tunog nang tunog. Bente singko anyos ito, pamangkin ng mayordoma niyang si Melba. Taga Pangasinan ito, graduate ng highschool. Hindi na nakapag-aral pa ng kolehiyo dahil hindi kayang tustusan ng ina nito ang pagpapaaral sa dalaga. Limang magkakapatid sina Akie, ito ang panganay sa magkakapatid at nag-iisang babae ito. Dahil hindi ito kayang pagpaaralin ng nanay nila ay naki-usap ito sa tiyahin na si Melba na hanapan ito ng trabaho, kahit katulong lang dahil gusto nitong tulungan ang ina sa pagpapaaral sa mga kapatid nito. Wala ng ama si Akie, matagal nang namatay kaya ang ina na lang nito ang naghahanap-buhay. Kaya tamang-tama dahil ng mga panahon na naki-usap ito kay Melba ay sakto namang pabalik sila ni Jenny sa America, kaya sinabi niya kay Melba na si Akie nalang ang kunin na makakasama ni Jenny sa condo nito. Kinuha ni Andrew ang kape niyang umuusok pa na pinatong ng dalaga kanina sa ibabaw ng lamesa niya, dinala niya iyon sa bibig upang higopin. Napapikit siya ng mga mata nang matikman ito sapagkat tamang-tama ang lasa ng kape na tinimpla nito. Nang magmulat ay muli niyang binalingan si Akie. Nakaupo ito sa isang sofa at nakatutok ang cellphone sa mukha nito. Pareho lang silang nasa sala. Dahil hindi pa tapos ang bakasyon niya sa Pilipinas at sa mga susunod na araw pa siya babalik ng America ay naki-usap ang Daddy niya na dito na muna sila mag-i-stay sa mansion ng Greyson. Dahil may sarili ng bahay si Damien sa tabi nitong mansion ay dalawang matanda lang at mga katulong ang narito sa mansiyon. Napa-ismid si Andrew sabay lapag ng kape sa lamesa. Sino kaya ang ka-text niya? Tanong niya sa sarili. Tumikhim siya para kunin ang atensyon ni Akie. Pero ang babae ay mukhang may sariling mundo, parang walang naririnig. Kaya sa inis ay malakas siyang umubo kahit na hindi naman siya inuubo. Napabaling naman sa kaniya ang dalaga. Tumayo pa nga ito. Gotcha! "Okay ka lang po, Sir?" tanong nito sa kaniya. "I'm fine." tipid niyang tugon. Sa isip-isip ay tuwang-tuwa siya dahil pinansin siya nito. Simula ng makilala niya si Akie ay hindi na niya magawang tumingin sa ibang babae. Iyon bang kapag tumitingin siya sa iba ay si Akie ang nakikita niya. Ang dalaga ay napakasimple, at iyon talaga ang tipo niya sa isang babae. Simple manamit, hindi naglalagay ng kolorete sa mukha, o kahit pampakulay sa labi dahil likas na mamula-mula na talaga ang labi nito. Matangkad rin ito, balingkinitan ang katawan at maliit ang bewang. Chinita rin ito. Mga bagay na ikinahanga niya sa dalaga. Sa katunayan ay crush na niya ito. Sa tuwing nakikita niya si Akie ay parang may tumutusok-tusok sa tagiliran niya dahilan para makiliti siya. Sa tanang buhay niya ay ngayon lang siya nagkaroon ng pagkahumaling sa dalaga at kay Akie iyon. Naalala ni Andrew si Trina, ang asawa ng kapatid niyang si Damien. Kahit ilang taon silang nagsama ng dalaga ay wala siyang naramdaman rito, para bang kapatid niya lang ito kung ituring. Ang mga nagawa niya sa dalaga noon ay dala lamang ng galit niya sa mga taong inakala niyang tinalikuran siya. Pero talagang dugong Greyson siya dahil konting haplos lang ng mga salita na galing sa mga magulang niya ay natatanggal ang kung ano mang bara sa dibdib niya. Iyon ang dugong Greyson, hindi bitter, malawak ang pangunawa at nagpapasalamat siya dahil may dugong Greyson na nananalaytay sa ugat niya. Kung may isa ring babae na nagpatibok ng puso niya ay si Jenny iyon. Ang totoo niyan ay unang kita niya palang kay Jenny noon ay nagkagusto na siya sa dalaga, kahit pa buntis iyon ng mga panahon na iyon ay wala siyang pakialam dahil tumibok talaga ang puso niya kay Jenny. Si Jenny ang tipo ng babae na gustong-gusto niya. Morena, singkit ang mga mata, matangkad, maganda. At higit sa lahat sexy at mabait. Pero nang malaman niyang ang pinsan niya palang baliw ang mahal nito ay dumistansya na siya. Akala niya ay wala ng katulad ni Jenny, pero dumating si Akie. Ang nararamdaman niya kay Jenny ay nagmistulang naglaho dahil muling tumibok ang puso niya kay Akie, at malala pa iyon sa nararamdaman niya kay Jenny. "Kala ko po nabulunan na kayo ng kape e," komento ng dalaga na ikinabalik ni Andrew sa kasalukuyan. Tumikhim siya at nagkibit ng balikat. "Ano ngayon ang plano mo, Akie? Ngayong may sarili ng pamilya si Jenny at dito na siya maninirahan sa Pilipinas ay tapos na ang trabaho mo sa kaniya. Ano na ang balak mo?" aniya. Kaya lang niya ito pinapasok sa trabaho noon dahil kailangan niya ng makakasama ni Jenny, pero dahil hindi na babalik si Jenny sa America ay tapos na rin ang trabaho ni Akie. Nakita niya ang paglungkot ng awra ng dalaga sa itinanong niya. Alam niyang kailangan nito ng trabaho para sa pamilya nito sa Pangasinan. "I-Iyon na nga po, Sir. G-Gusto ko nga sanang sabihin sa inyo na...kung puwede po ay huwag niyo akong tanggalin sa trabaho? Kailangan ko po talaga ng trabaho sa ngayon dahil magha-highschool na po ang dalawa kong kapatid." pahayag ng dalaga sa malungkot na tinig. Tumango-tango si Andrew. Muli niyang kinuha ang kape at hinigop. Napatingin pa siya sa cellphone ng dalaga ng sunod-sunod iyon na tumunog. "Sino ang ka-chat mo diyan?" aniya sabay nguso ng bibig sa cellphone na hawak ni Akie. Imbes na sagutin niya ang pahayag nito ay iba ang sinabi niya. Napakamot sa ulo ang dalaga at tiningnan nito ang cellphone na panay ang pagtunog ng ringtone. "Si nanay po, Sir. Gusto niya po kasi na umuwi muna ako sa Pangasinan dahil miss na daw nila ako," saad ng dalaga. "Bakit hindi ka umuwi?" wika niya. "B-Baka po kasi..hindi niyo na ako pabalikin sa trabaho?" Mahinang natawa si Andrew sa sinabi ng dalaga. Hindi naman niya ito tatanggalin sa trabaho dahil kailangan nito iyon para sa pamilya nito. Naisip niyang mas makakasama niya si Akie kung sa bahay na niya ito magtatrabaho kasama ng Nanay Melba niya. "Puwede ka namang umuwi kung gusto mo." aniya. "Hindi niyo po ba ako tatanggalin sa trabaho, Sir?" naninigurong saad nito. "Bakit, gusto mo?" "Naku hindi Sir!" mabilis na tugon ng dalaga sa malakas na tono. "Kailangan ko po ng trabaho Sir!" "Okay. So, sasama ka sa akin sa pagbalik sa America?" paniniguro niya. "Opo Sir!" "Good. Sasamahan kita sa pag-uwi sa Pangasinan kung kailan mo gusto." walang paliguy-ligoy niyang sabi. Nanlaki ang mga mata ng dalaga sa sinabi niya. "Po? Bakit po? Puwede naman po na ako nalang ang uuwi. Maiistorbo pa po kayo, Sir." may himig taranta na komento ng dalaga. Napasimangot si Andrew sa tinuran ng dalaga. Ayaw niya akong isama? Inis na tanong niya sa sarili. "Kung hindi mo ako isasama, hindi rin kita isasama pabalik ng America." masungit na wika niya sabay tayo at tumalikod upang maglakad. "Sir! Sandali Sir!" Hinabol siya ng dalaga at napangiti naman siya. "Sige po Sir! Sama ka po para makilala mo rin po ang pamilya ko at makita mo rin po ang sira-sira naming bahay!" Lalong napangisi si Andrew. Binalingan niya si Akie. Namulsa siya at pinagkatitigan ng mabuti ang itsura ng dalaga, partikyular sa mga labi nito. Tila gusto niyang sunggaban ng halik ang mga labi nito pero pinigil niya ang sarili at baka matakot ito sa kaniya. "Good. Get ready dahil aalis tayo ng maaga sa Martes." Siya nalang ang nagbigay ng schedule dahil ilang araw nalang ang natitira niyang bakasyon dito sa bansa. Marami kasing trabaho na naghihintay sa kaniya sa kompanya niya sa America. Tumango ang dalaga. "Opo, Sir. Salamat po." Tinanguan niya rin ito at muli na siyang tumalikod na nakangiti. Gusto niyang sumama dahil nais niyang makilala ang pamilya nito, at kung ano man ang sitwasyon ng buhay nito sa Pangasinan. At higit sa lahat, gusto niyang sumama para malaman niya kung may lalaki bang umaaligid sa dalaga sa lugar na nilisan nito. At kung mayroon man. Dumistansya na siya ng maaga pa bago ko mabasag ang pagmumukha niya. Bulong niya sa isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD