Chapter 3- Scared of him

2345 Words
Hindi na mabilang ni Akie kung ilang beses na siyang pinatawag ng amo sa silid nito. May uutusan siyang ipagtimpla ito ng kape, may ipapalinis ito na kung ano at pati ang pagtutupi ng brief nito ay pinapagawa pa sa kaniya. Wala naman siyang karapatan na magreklamo dahil unang-una sa lahat ay kailangan niya ang trabahong ito, kaya heto siya at tahimik na lang na sinusunod ang inuutos ng amo. "Are you done, Akie?" tanong ng amo niya. Nakaupo ito sa isang couch habang nakatingin sa ginagawa niyang pagtutupi sa mga briefs nito. Nakaupo siya sa kama nito at doon tinutupi ang mga bagay na iyon. "Yes po Sir." sambit niya. Hindi siya makatingin sa amo dahil namumula ang pisngi niya. Ikaw ba naman kasi ang pagtupiin ng maraming briefs na ito at ang lalaki pa! Natatawa na nga lang siya sa isipan. "Okay good. Pagkatapos mo riyan ay masahihin mo ang balikat ko. Medyo masakit kasi." Sa sinabi ng amo ay napaangat ng tingin si Akie. Nagsalubong ang mga mata nila ng amo, napangiwi siya na wala sa loob, bagay na ikinakunot naman ng noo ng lalaki. "What? Bakit ganiyan ang reaksyon mo?" masungit na untag nito sa kaniya. Napakamot siya sa ulo niya at mapaklang natawa. "Sir, bakit po hindi na lang po kayo magpamasahe sa experto? Magbayad nalang po kayo kaysa naman ako pa ang gagawa niyon." diretsang tanong niya sa amo na may halong pagrereklamo. Sa sinabi niya ay dumilim ang mukha nito. Nakagat niya ang pang-ibabang labi ng mapagtanto ang sinabi niya. Patay na! "Inuutusan mo ba ako? Gusto mo bang tanggalin kita sa trabaho? Bakit ba mas marunong ka pa sa akin e ikaw ang gusto kong magmasahe sa akin?" masungit at tila galit na wika ng amo niya. Napahigpit ang hawak ni Akie sa isang brief. Wala sa loob na ininat-inat pa niya iyon. Samantalang napatingin naman si Andrew sa ginagawa niya. "Don't do that! Para mo na ring pinipiga ang p*********i ko!" anito sabay turo sa kamay niyang nakapiga sa brief. Pinamulahan ng mukha si Akie at malakas na natawa sa sinabi nito. "Bakit po, Sir? Wala naman po ang oten niyo rito ah! Hahaha!" sabay bilad niya sa brief sa harapan ng amo na umaksyon pa na hinahanap ang oten nito roon. "Siguro po maliit kaya hindi ko makita rito!" "Akie!" galit na sigaw ni Andrew. Napatigil si Akie sa pagtatawa at tila nawala ang pamumula ng mukha dahil napalitan iyon ng pagkaputla dahil sa galit na boses ng amo. Ngayon niya lang narinig na sinigawan siya nito. Kinabahan siya at hindi niya mapigilang kagatin ang pang-ibabang labi. "S-Sorry po-" aniya. Padabog na tumayo ang lalaki at lumabas sa silid nito. Samantalang naiwan naman siyang nakaupo sa kama. "Eh, gaga ka naman kasi! Ang bunganga mo talaga Akie!" pagalit na wika niya sa sarili. Mabilis niyang tinapos ang ginagawa para makalabas na siya kaagad ng silid ng amo. Pagkatapos mailagay ang mga tinupi sa lagayan nito ay nilisan niya ang silid ni Andrew. "Nakakatakot siya. Para bang bipolar. Paiba-iba ang mood. Minsan nakakatakot tumitig parang kakainin ako ng buhay. Minsan naman bigla nalang magagalit. Malala yata anger issues niya." pagkausap niya sa sarili habang pababa ng hagdan. "Oh, hija. Halika at tulungan mo akong magluto." salubong sa kaniya ng ina ni Andrew. Si Elizabeth. Mabait ito at parang hindi marunong magalit. Hinawakan nito ang braso niya upang igiya siya papasok sa kitchen. "Ano po ang lulutuin natin, Ma'am?" magalang niyang tanong sa ginang. "Adobo. Paborito kasi iyon ni Andrew. Saka mainit ang ulo niya ngayon kaya need niyang kumain ng adobo." pahayag ng ginang na tatawa-tawa pa. Ano naman ang connect ng adobo sa mainit na ulo ni Sir? Bulong niya sa isipan. Ah, siguro mainit ang ulo niya sa sinabi ko? Hindi kaya maliit talaga ang ano niya? Pilya niyang tanong sa isipan. "Okay po, Ma'am." Ngumiti ang ginang sa kaniya. Siya na ang pinahiwa nito ng mga rekado at manok. At ang ginang na ang nagluto ng adobo. "Ilang taon ka na, Hija?" Napabaling si Akie sa ginang. "Bente singko po." aniya. Tumango-tango ang ginang. "Wala ka na bang balak na mag-aral ulit?" tanong nito ulit. Napabuntonghininga si Akie. Gusto naman sana niyang makapag-aral ng kolehiyo, pero mas nanaig sa kaniya ang kagustuhan na unahin muna ang mga kapatid niya. Naaawa na kasi siya sa Nanay Fatima niya dahil hirap na ito sa paglalabada para lang may makain sila. Nahiya naman siya sa Tiyang Melba niya kung doon nalang sila aasa palagi. Kapatid ng Nanay niya si Melba at ito na rin ang nagbibigay ng mga pangangailangan nila dahil wala naman itong pamilya. Pero nahihiya na siya sa Tiyang niya kaya nakiusap siya rito noon na ihanap siya ng mapapasukan na trabaho, kahit pangangatulong pa iyan ay ayos na sa kaniya. Ang mahalaga ay makatulong siya sa Ina. "Wala na po, Ma'am. Ang mga kapatid ko po muna ang uunahin kong paaralin. Tama na po muna sa akin na may konting laman ang utak ko at hindi ako basta-basta malalamangan ng kapwa ko." nakangiti niyang sabi. Pero sa kaloob-looban niya ay gustong-gusto niya talagang mag-aral. Pero hindi muna sa ngayon. Nakitaan niya ng paghanga ang Ginang. Tila natuwa ito sa naging pahayag niya. "Ang bait mo namang Ate. Uunahin muna ang mga kapatid bago ang sarili, aw..." Tila hinaplos ang puso ng Ginang. "Hija, kung gusto mo na mag-aral sabihin mo lang ha dahil tutulungan kita." suhestiyon pa nito na ikinangiti niya. "Salamat po, Ma'am." senserong sabi niya. Nginitian siya ng Ginang. Muli itong bumalik sa ginagawa habang siya ay nakaupo lang sa silya at pinagmamasdan ito. Natutuwa siya sa Ginang dahil likas na mabuti ang puso nito. Halimbawa nalang si Andrew. Hindi man nito tunay na anak ang binata ay itinuring pa rin nito na tila tunay na anak si Andrew. Sa tuwing may media na lumalapit sa pamilyang Greyson upang humingi ng statement sa mga ito ay palaging sinasabi ng Ginang na walang magbabago sa pagtingin nito sa binata kahit pa na wala siyang dugo na nanalaytay sa mga ugat nito. Napapanood niya iyon sa balita. Kaya hangang-hanga siya sa Ginang. Sana lahat ng tao ay may ganoong kaisipan. Hindi bitter sa buhay. "What are you cooking, Ma?" Napatingin pa si Akie sa amo na bigla na lamang sumulpot sa likuran niya. Nasagi pa ng braso nito ang likod niya at hindi niya alam kung sinadya ba iyon ng binata o aksidente lang ang pagkasagi nito. Pero bakit naman kasi dikit na dikit siya sa akin samantalang malapad naman ang daan? Tanong niya sa isipan. Lumapit ito sa Ginang at hinalikan ang Ginang sa noo. Ang sweet naman! Komento niya sa isipan. "Oh, anak, ikaw pala. Nagluto ako ng paborito mong adobo! Hindi na naman kasi maipinta iyang mukha mo kaya alam kong ito ang magpapabalik ng ngiti mo!" anang Ginang na halata ang tuwa sa mga mata. "Thanks, Ma. I really appreciate it." seryusong saad ng binata. "Don't mention it! Sige maupo ka muna riyan. Malapit na ito maluto. Kakain tayong tatlo ni Akie," masayang sabi pa ng Ginang. "Okay, Ma." Nasundan na lang ng tingin ni Akie ang amo. Naupo ito sa isang silya katabi niya. Muli pa siyang napakislot nang masagi ng binti nito ang binti niya. Nang balingan niya ito ay sakto naman na nakatingin ito sa kaniya kaya mabilis niyang binawi ang tingin sa amo. Ewan ba ni Akie, pero sa tuwing makikita niyang nakatitig sa kaniya ang amo ay kinikilabutan siya. May kakaiba kasi sa mga titig nito at hindi naman siya manhid para hindi iyon maramdaman. Katulad nalang ngayon, gumalaw ang palad nito at nanlaki pa ang mga mata niya nang bumaba iyon. At unti-unti niyang naramdaman ang palad nito sa hita niya. Namawis si Akie at tila gustong maiyak. Nang tingnan niya ang binata ay nakatingin ito sa kaniya at nakangisi. Lalo pa siyang kinilabutan. Manyak! Sigaw niya sa isipan. Pero ang hindi niya maintindihan ay kung bakit hindi niya inalis ang palad ng amo na nakapatong sa hita niya. Inalis lang nito ang palad nang umupo na rin ang Ginang sa silya at pinaghain silang dalawa ng amo. "Kain na tayo!" untag sa kanila ni Elizabeth. Hindi maiwasan ni Akie na mailang lalo't katabi niya si Andrew. Ang binti nito na nasa ilalim ng lamesa ay sumasagi-sagi sa binti niya. At hindi na talaga niya nagugustuhan ang ginagawa nito. Pero hindi rin naman niya magawang isumbong ang binata kay Elizabeth. Siguro napansin ng Ginang ang pananahimik niya kaya't sinita siya nito. "Hija, are okay? Hindi mo ba nagustuhan ang luto ko?" tila may halong pananamlay sa boses na iyon ng Ginang. Mabilis namang umiling si Akie. Masarap ang luto ng Ginang, nagugustuhan niya ito. Ang hindi niya nagugustuhan ay ang binti ng anak nito na walang tigil sa pagsagi sa binti niya! Tila ba inaasar siya nito. "N-Nagustuhan po, Ma'am. M-Masarap nga po e." utal niyang tugon na pilit pang ngumiti. "Talaga? Masarap?" sabat naman ng binata sa tabi niya. Para bang may ibang ibig sabihin ito sa sinabi nito. Kagat ang labi na binalingan niya ito. Nakita niyang may ngiti itong sinusupil sa labi. Naaasar siya sa klase ng ngiting iyon. Pasakan ko kaya ng adobo nguso nito? Aniya sa isipan. "Opo, masarap, Sir." kaswal na tugon niya sa lalaki at iniwas ang tingin rito. Naku kung hindi lamang niya amo ang lalaking ito at kung hindi lamang niya kailangan ng trabaho ay nasuntok na niya ito! "Thanks, Hija. Eat well." wika naman ng Ginang. Tumango si Akie at ngumiti sa Ginang. Nang matapos silang kumain ay naunang lumabas ng dining si Elizabeth dahil tumatawag raw ang asawa nitong si Daniel sa telepono. Nasa Mall kasi ang lalaki at may binibiling gamit. Naiwan siya sa dining kasama ang amo. Nagliligpit siya ng pinagkainan nila habang si Andrew ay nakaupo at nakamasid sa kaniya. Naiilang siya sa paninitig nito pero nilakasan lamang niya ang loob. Matapang niyang binalingan ang lalaki. "Bakit mo po iyon ginawa?" magalang ngunit may halong inis na tanong niya sa lalaki. Ngumisi ito at tila nasisiyahan pa sa sinabi niya. "Ang alin?" Pagmamaang-maangan pa nito. Lalong nainis si Akie pero mas pinili pa rin niyang maging kalmado. Alalahanin mo kailangan mo ng trabahong ito, Akie! Aniya sa isipan. "I-Iyong pagpatong mo ng kamay mo sa hita ko, at ang pagbangga mo ng paa mo sa paa ko, Sir." saad niya. Nakipaglabanan siya ng titigan sa lalaki. Nawala ang ngisi nito sa labi at naging seryuso ang mukha. Muling nabuhay ang takot niya para sa amo. Tumayo ito mula sa kinauupuan kaya napakislot siya. Naglakad ito at lumapit sa kaniya. Ngayon ay nasa harapan na niya ito, at nakapamulsa. "Gagawin ko ang gusto ko at wala kang magagawa." anito na seryusong-seryuso. "Isusumbong ko po kayo kay Ma'am kapag inulit niyo pa iyon. Hindi po maganda para sa akin ang ginagawa niyo Sir. Hindi po porket kailangan ko ng trabaho ay gaganituhin niyo ako." seryuso rin niyang pahayag sa lalaki. "Isumbong mo ako kung gusto mo, Akie. Sana naisip mo rin ang ginawa mo kanina. Kung bakit mo iyon sinabi sa akin. That's the reason why I did that to you. Nang dahil sayo, nanakit ang puson ko. Kasalanan mo iyon." Napatanga siya sa sinabi ng amo. Wala naman siyang ginawa rito maliban sa nangyari kanina sa silid nito. Sa sinabi niya. Bakit ito magagalit kung hindi naman totoo ang sinasabi niya? Minsan kasi talaga ay matabil ang dila niya, bigla nalang may lumalabas na salita na hindi naman niya gustong sabihin. Napabuntonghininga si Akie. "Pasensya na po sa nasabi ko Sir. Huwag po kayong magalit lalo na kung hindi naman po totoo iyon." wika pa niya. Pero umigting lang ang mga panga ng lalaki sa sinabi niya. Akmang magsasalita pa sana siya pero tumalikod na ang binata. Lumabas ito ng dining. Muli niyang binalikan ang naudlot na gawin. Habang naghuhugas siya ng pinggan ay napapaisip siya. Napapailing rin siya. "Parang iyon lang gaganti talaga. Tse! Kung hindi lang kita amo Sir Andrew, baka tiniris ko na iyang maliit mong oten!" "What did you say?" Napalundag pa si Akie nang marinig ang boses ni Andrew. Nabitawan niya ang pinggan at napaharap sa pinanggalingan ng boses na iyon. "S-Sir-" napalunok siya ng sunod-sunod nang makitang dumilim ang anyo ng lalaki. "Hinahamon mo ba ako babae?" Nanlaki pa ang mga mata ni Akie nang bigla nitong ibaba ang pantalon na suot. Napatingin siya sa hita nito. At tumambad sa paningin niya ang malaki, maugat at galit na galit nitong kargada. "Ngayon mo sabihin na maliit, Akie!" Wala sa sarili na napa-sign of the cross si Akie. At mabilis na tumakbo palabas ng dining. Nilagpasan niya si Andrew na nakapamewang. "Come back here!" tawag nito sa kaniya. Ang lalaki ay hindi kaagad makatakbo dahil nakababa ang pantalon nito. Kinailangan pa nitong itaas muli ang pantalon at galit siyang hinabol. Pero mabilis siya. Nakarating siya sa sala, at nang makita niya si Elizabeth na nakaupo sa sala at nanonood ng tv ay mabilis siyang lumapit dito at naupo sa tabi nito. "Oh, Hija, bakit hingal na hingal ka?" aniya ng Ginang. Pinahid pa nito ang namuong pawis sa noo niya. "A-Ah..wala po, Ma'am. Nag-jogging po kasi ako." palusot niya rito. Bigla naman dumating si Andrew. Ang lalaki ay pormal na naglalakad at nakatingin ito sa kaniya. Umiwas siya ng tingin. Nanood siya ng palabas sa tv at nagpanggap na hindi ito nakikita. Hindi maalis-alis sa isipan niya ang nakita niya kanina. Para tuloy siyang kakapusan ng hininga. Hindi naman kasi niya intensyon na magsabi ng ganoong salita. Jusko Akie! Nakakita ka ng malaking sawa na sa tanang buhay mo ay ngayon mo lang nakita! Sigaw ng isipan niya. Lalo tuloy siyang natatakot sa amo. Paano nalang kung bumalik na sila sa America? Baka ano ang gawin nito sa kaniya. Pero naisip niyang hindi naman siguro gagawa ng ikakasira ng pangalan nito ang binata. At isa pa, mahal nito ang Tiyang Melba niya kaya naniniwala siya na hindi nito magagawa sa kaniya ang iniisip niya ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD