Chapter 1- Result

1188 Words
Palakad-lakad si Andrew at hindi malaman kung uupo pa ba o mananatili na lang sa ganoong gawain. Hindi siya mapakali habang hinihintay ang resulta ng DNA test na isinagawa ng doctor nang nakaraang buwan pa. Hindi lang nila naalala ang tungkol roon dahil naging abala sila sa sunod-sunod na okasyon na naganap. Una, ang kasal ng kapatid niya, at sumunod naman ay kasal ng kaibigan at pinsan niya. Kung hindi pa siya nangalkal ng email ay hindi pa niya mababasa ang email na pinadala ni Doctor Romulo. Ang doctor na nagsagawa ng DNA sample nilang mag-ama. Pinapasabi ng doctor na kailangan nilang mag-ama na pumunta sa opisina nito. Hindi naman sa pinagdududahan siya ni Daniel na anak siya talaga nito, pero dahil siya talaga ang may gusto niyon. Gusto niyang magpa-test ng sa gano'n ay hindi na niya pagdudahan pa ang sarili. Wala naman kasi talagang nakakaalam nang nangyari ng gabing makilala ng nanay niya si Daniel. Hindi niya rin alam kung nagsasabi ba talaga ito ng totoo, kaya para matapos na ang mga katanongan niya sa sarili ay hinikayat niya ang ama na magpa-test. At heto siya ngayon, kanina pa hindi mapakali sa kinatatayuan sa loob ng opisina ng doctor. Hinihintay na dumating ito. Palakad-lakad siya habang ang ama niyang si Daniel ay napapahawak sa noo nito habang nakatingin sa kaniya. Pakiramdam tuloy ng matanda ay nahihilo na ito sa paroon at parito niya. Nang hindi ito makapigil at makatiis ay tumayo ito at hinawakan ang braso niya upang patigilin siya sa pagmamartsa na parang sundalo. "Tigil! Diyos kong bata ka mahilo-hilo na ako sa ginagawa mo! Will you please sit down? Alam mo kung nagsasalita lang ang mga sapatos mo malamang kanina pa iyan nagreklamo!" anang matanda sa kaniya. Napangiwi siya at napaupo sa tabi nito. "I-I just felt n-nervous, dad." "Nerbyus? Bakit naman?" kunot ang noo na saad ng ama niya. Napabuntonghininga si Andrew at napayuko. "Sa result. P-Paano kung...nagsisinungaling lang si Nanay? Paano kung h-hindi mo talaga ako...anak?" Parang may dumagan na mabigat na bagay sa dibdib ni Andrew matapos niyang sabihin iyon. Pero tinapik-tapik ng matanda ang balikat niya dahilan para mapaangat siya ng tingin rito. "Ano ba ang nararamdaman mo anak? Ano ba sa palagay mo ang sinasabi ng puso mo?" malumanay ang boses na tanong ng ama niya sa kaniya. Natahimik siya. Pinakiramdaman ang sarili, lalo na ang puso niya. "Na...anak mo ako." sambit niya na nakatingin sa mga mata ng ama. Napangiti ang ama at ginulo-gulo ang buhok niya. "Iyon naman pala e. Kaya huwag ka ng mag-isip ng kung ano pa diyan." anito. "How about you, dad? Ano ang nararamdaman mo?" balik-tanong niya sa ama. Nagkibit-balikat ito at matiim siyang tiningnan. "Anak kita. Iyan ang nararamdaman ko. Hindi puwedeng magkamali ang lukso ng dugo, Andrew." kampante nitong saad at muling tinapik-tapik ang balikat niya. "Pero paano kung hindi totoo?" giit pa ni Andrew. "Walang magbabago sa pakitungo ko sayo, Andrew kahit ano pa man ang resultang lalabas." seryusong sagot ni Daniel. Pero talagang hindi siya mapakali hangga't hindi lumalabas ang resulta. Hindi pa rin maalis-alis sa isipan niya ang maraming tanong. "Pero paano nga kung hindi mo ako anak?" nakanguso niyang giit sa ama. Napakamot sa batok ang matanda at tila nagsisimula nang makulitan sa kaniya. "Walang magbabago. Anak pa rin kita—" "Eh, kung hindi mo nga ako anak?" ungot pa niya. Napahilamos sa mukha ang matanda. Niluwagan rin nito ang necktie, at sunod-sunod na bumuga ng hangin. "Ang kulit mo naman na bata ka. Sabi nang wala ngang magbabago!" may himig inis na sa tono ng matanda. Pero talagang makulit ang dila niya at hindi niya malaman kung bakit patuloy pa rin siya sa pagtatanong. "Kung hindi mo nga ako anak, ano ang gagawin mo?" "Diyos kong bata ka naman, Andrew oh! Alangan naman itapon kita? Malamang anak pa rin kita kahit anong resulta pa ang lumabas! Wala nang magbabago pa roon dahil pamilya mo na kami!" anang matanda na tila nahapo pa matapos sa mahabang pahayag na iyon. Napatayo si Andrew at napakamot sa ulo nito. Nakanguso ang bibig at nakasimangot ang mukha. Binalingan niya ang ama at hinawakan pa ito sa magkabilang balikat at mata sa mata na tinanong. "Hindi mo naiintindihan, dad, eh. Paano nga kung—" Bumukas ang pinto at pumasok si Doctor Romulo. Nang makita niya ito ay mabilis siyang napaupo sa silya na parang estudyante na naabutan ng guro na nakikipagdaldalan sa loob ng klase. "Oh, guys, sorry I'm late. Ang traffic grabe. By the way, salamat at dumating kayong dalawa." nakangiting pahayag ni Doctor Romulo. Ang ama niya ang nagsalita dahil bigla siyang hindi makapagsalita. Umurong yata ang dila niya. "Okay lang, Doc. So can you please read the result already? Hindi na kasi mapakali itong kasama ko," ani ng ama niya sabay baling sa kaniya. Napatikhim naman siya at napakislot pa sa kinauupuan. Lalo rin siyang kinabahan habang tinitingnan ang envelope na ipinatong ni Doc Romulo sa lamesa. "Sure. Hindi ko na rin ito patatagalin pa dahil may lakad pa ako e. Well," Kinuha ni Doc Romulo ang envelope at binuksan. Inilabas nito ang puting papel at hinarap silang mag-ama. Napalunok si Andrew. Sa tensyon na nararamdaman niya ay wala sa loob na napa-akbay siya sa ama ng mahigpit. Siniko naman siya ng ama at binulongan. "Para kang nadudumi. Tumigil ka na, nakakahiya." mahinang bulong ng ama niya. Napangiwi siya at nakagat ang pang-ibabang labi. "Shut up, dad..." aniya. "Okay. Listen. I will announce the result," "Go ahead." sabat niya. Napatango-tango si Doc Romulo habang binabasa ang resulta. Kapagkuwan ay tiningnan sila isa-isa at bumuntonghininga ito. Lalo naman bumigat ang dibdib ni Andrew. Napayuko siya at hinintay na lang ang sasabihin ng doctor. Napapikit rin siya ng mga mata habang naka-akbay pa rin ng mahigpit sa ama. "The result is...ninety-nine point ninety-nine percent! Congratulations! Positive! Mag-ama kayo at saka kitang-kita naman iyon sa mukha niyong dalawa!" masayang komento ni Doc Romulo. Samantalang napatayo naman si Daniel at napapalakpak sa tuwa. Binalingan nito ang anak na natutulala at kaagad na niyakap. "I told you hindi nagsisinungaling ang lukso ng dugo!" anito sa anak. Napakurap-kurap naman si Andrew na napapatingin sa ama niyang masayang-masaya ngayon. Parang may kung anong tinik na nabunot sa dibdib niya at gumaan iyon. Sa isang iglap ay nawala ng parang bula ang mga katanongan sa isipan niya. Ni hindi na nga niya maalala kung ano ang mga iyon. Upang masiguro pa na totoo ang sinabi ng Doctor ay inagaw niya rito ang hawak na papel at siya mismo ang bumasa niyon. "P-Positive." He said while shuttering. He then look at the man standing beside him. Napangiti siya sa ama at inabot ang palad dito upang makipagkamay. "It's nice to meet you dad." madamdamin na wika niya habang inaabot ang palad sa ama. Wala namang kagatol-gatol na tinanggap nito ang pakikipagkamay niya. Mahigpit nito iyong hinawakan, lalaki sa lalaki. "Nice to meet you too, my son." anito. Malapad siyang napangiti at kaagad na niyakap ang ama. Sa wakas ay nasagot na rin ang mga katanongan niya at hindi na rin siya magdududa pa sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD