Bolinao falls,
Nakasuot ng trunk shorts na kulay blue si Andrew at walang pang-itaas na damit habang palangoy-langoy sa malamig na tubig na nanggagaling sa falls. Ang lamig ng tubig at ang linaw niyon kaya naman maraming turista ang pumapasyal sa lugar. May mga naliligo rin gaya niya, may iba na abala naman sa pagkuha ng mga litrato sa paligid. Mahilig siya sa dagat, mahilig lumangoy. Sa katunayan nga ay pabalik-balik siya sa Palawan noon dahil iyon talaga ang paborito niyang lugar sa Pilipinas. Mayroon siyang rest house doon na pinamana sa kaniya ng amang si Romano, doon rin siya nagpapalamig ng ulo kapag medyo stressed siya sa trabaho.
Pero ngayon, mukhang magiging paborito na rin niyang lugar ang Bolinao. Marami kasing magagandang tourist spot sa lugar, marami kang mapapasyalan.
"Kuya Andrew!" napabaling siya sa batang lalaki. Kapatid ito ni Akie. Nasa gilid ito ng pampang at naglalaro ng mga bato.
"Hey," nakangiti niyang tugon sa batang si Alexis. Ito iyong bunso sa lahat na magkakapatid. "Nasaan ang ate mo?" tanong pa niya sa bata nang hindi niya makita si Akie sa paligid.
Nang dumating kasi sila dito ay alas otso pa ng umaga.
At simula ng lumangoy siya ay hindi na niya nakita ang dalaga. Hindi naman siguro iyon umuwi? Alangan namang iwanan siya nito sa lugar.
Subukan niya lang na iwan ako rito... Aniya sa isipan.
"Ewan ko po, Kuya. Baka naglibot lang po," sagot ni Alexis na ikinabalik niya sa sarili.
"Ganoon ba?" Inilibot pa niya ang paningin sa paligid. Ngunit hindi niya talaga makita ang dalaga, ang mga kapatid lang nito ang naroon at naglalangoy. Tatlo sa mga kapatid ni Akie ang sumama sa kanila sa pamamasyal. Ang nanay naman ng dalaga ay nagpaiwan dahil may tindahan itong binabantayan. Pinatayuan kasi ito ng dalaga ng maliit na tindahan.
"Nasaan kaya siya," sambit niya sabay ahon sa tubig. Naglakad siya sa gilid pampang at nagpalinga-linga sa paligid. Hinahanap ng mga mata niya si Akie.
"Ang hot naman niya!"
"Those abs! Yummy!"
"Oh my god...he's so hot!"
Narinig niyang bulongan ng tatlong babae na sa tingin niya ay taga roon sa lugar. Naliligo rin ang mga ito sa falls.
"Damn that big and long eggplant! Ang laki! Bakat na bakat!" komento pa ng isa.
Napabuga siya ng marahas na hangin at napailing. Binalingan niya rin ang p*********i niya. Well, bakat nga iyon sa trunk shorts niyang suot. Kung bakit naman kasi malaki iyon, tuloy hulmang-hulma ang ulo. Napanguso pa siya.
"Huwag kasing sumaludo kung hindi ka naman inuutusan," pagkausap niya sa p*********i.
Hindi niya pinansin ang mga babaeng tumitili at sinisipolan siya. Naglakad siya paalis sa falls upang hanapin si Akie. Hanggang sa makita niya ito sa ilalim ng isang malaking puno. Nakaupo ito at tumatawa na mag-isa.
"What the hell?" ani niya. Akala niya ay nababaliw na ang dalaga, pero hindi pala nang makita niyang may hawak itong cellphone at may kinausap ito roon.
Nandilim ang anyo niya habang nakatingin rito. Ni hindi man lang nito napansin na nakatayo na siya sa likuran nito. Para itong bulate na kinikilig sa kausap nito. Napahalukipkip siya at nakinig pa sa usapan ng mga ito.
"Inararo taka, Eliseo!" nakangiting sambit nito.
Nangunot ang kaniyang noo at nagsalubong ang mga kilay.
Anong inararo taka? Tanong niya sa isipan.
Simula ng dumating siya sa lugar ay never pa siyang kinausap ni Akie ng salita nito sa Pangasinan, pati na rin ang pamilya nito. Tagalog ang ginagamit ng mga itong lengguahe, para siguro maintindihan niya.
Nanggitngit na naman ang kalooban niya lalo't binanggit ng dalaga ang pangalan ng nobyo nito, ibig sabihin lang ay ito ang kausap nito ngayon. Patuloy sa pag-uusap ang dalaga sa cellphone nito at hindi man lang naramdaman ang presensya niya. Paulit-ulit niya rin naririnig ang salitang binanggit nito kanina. Dahil na curious siya sa kung ano ang ibig sabihin niyon ay walang anu-ano na hinablot niya ang cellphone na hawak ng dalaga dahilan upang magulat ito at mapabaling sa likuran.
"Punyet—Sir?" gulat na bulalas nito.
Inismiran niya ito. Inilapit niya rin ang cellphone sa tenga at narinig niyang nagsasalita pa ang nobyo nito.
"Break na kayo." walang gana niyang sabi sa lalaki at kaagad iyon pinatayan ng linya.
Kapagkuwan ay naglakad siya dala ang cellphone ni Akie. Ang dalaga ay napanganga sa inakto niya at sa sinabi niya sa nobyo nito. Pero wala siyang pakialam.
"Sir! Akin na iyan, Sir!" sigaw nito mula sa likuran niya. Hinabol siya nito, tumigil naman siya sa paglakad sabay baling rito. Sinenyasan niya ito na huwag lumapit sa kaniya.
"Diyan ka lang," maawtoridad niyang utos sa dalaga. Natigilan ito sa kinatatayuan at napatitig lang sa kaniya. Napatakip pa ito sa bibig. Inirapan niya ito.
Hinanap niya ang google sa cellphone ng dalaga, kapagkuwan ay nilagay roon ang salitang kanina pa umiikot-ikot sa utak niya upang malaman ang kahulugan niyon.
Inararo taka.
I love you very much.
Halos manlaki ang mga mata niya sa nabasa. Pakiramdam niya rin ay nanlaki ang butas ng mga ilong niya. Humigpit ang hawak niya sa cellphone ni Akie. Hanggang sa hindi niya napigil ang sarili at inihagis niya iyon. Tumama ito sa puno at nabasag.
"Cellphone ko!" halos maiyak na sigaw ng dalaga. Pinulot nito ang wasak-wasak na cellphone.
"Bibili tayo ng bago. Let's go home. Babalik tayo ng Manila ngayon din." masungit na turan niya sa dalaga.
Nakita niyang nagulat ito sa sinabi niya. Tila hindi ito sang-ayon. Alam niyang miss nito ang nanay at mga kapatid, pero wala itong magagawa sa gusto niya. Eh, naiinis siya e! Bahala ito!
"S-Sir? Sa susunod na araw na lang po," tutol na pahayag nito. Nakikiusap ang mga titig nito sa kaniya.
Napabuntonghininga siya.
"Let's go." tipid niyang tugon.
Tinalikuran niya ito. Nauna siyang naglakad pabalik sa falls upang tawagin ang mga kapatid nito.
...
"Oh, anak, bakit ang aga naman ng uwi niyo? Akala ko ba maghapon kayo sa pamamasyal?" salubong ni Analou kay Akie. Papasok silang dalawa sa maliit na kusina. Kakauwi lang ni Analou galing ng tindahan nito.
Hindi maipinta ang mukha ni Akie, nakabusangot siya at salubong ang mga kilay.
Padabog siyang naupo sa isang silya. Inis na inis siya sa amo dahil sa pag-iiba ng ugali nito. Parang sinaniban na naman ng masamang ispiritu. Ang sama ng ugali! Buwesit!
"Eh, si Sir e...sabi niya babalik na daw kami ng Manila ngayon," inis niyang sagot sa ina.
"Ano? Akala ko ba sa susunod na araw pa kayo luluwas, anak?" gulat na komento ni Analou.
Lalo lamang nalukot ang pagmumukha ni Akie. Nais niyang magdabog sa sobrang inis. Kung hindi lamang niya amo si Andrew, malamang kanina pa niya ito nabatukan! Agawin ba naman ang cellphone niya at ihagis!
Siraulo!
At anong karapatan nito na sabihan ang boyfriend niya na break na sila?
"Urghhh!" gigil niyang sabi.
Napatingin sa kaniya ang ina.
"Gigil ka na sa lagay na iyan, anak?" komento ng ina niya.
"Hayaan niyo po siyang manggigil sa akin," mabilis siyang napalingon sa nagsalita. Mabilis rin nagbago ang reaksyon ng mukha niya. Galit into...mabait?
"Huwag kang mag-alala, papalitan ko ang cellphone mo sa pagbalik natin sa Manila." seryuso ang boses na saad nito sa kaniya. Nakatayo pala ito sa bukana ng pinto sa kusina.
Natahimik siya sa sinabi ng amo, at napatango na lang. Nasundan na lamang niya ng tingin ang amo ng tumalikod na ito.
Mabuti na lang at nakabihis na siya! Bulong ng isipan niya.
Hindi pa niya nakakalimutan ang malaking bagay na nakabakat sa shorts nitong suot kanina. Napangiwi siya ng wala sa oras.
"Oh, anak, okay ka lang? Sa tingin ko naman ay binibiro ka lang ni Sir na babalik na kayo ng Manila ngayon. Wala nga siyang sinabi sa akin e." anang ina niya.
Napabuga siya ng hangin.
Siraulo talaga ang lalaking iyon. Paiba-iba ng modo. Masyadong pakilamero rin!
"Ewan ko doon, Inang. Minsan po nakakabuwesit na ang pag-uugali niya, pero wala akong choice kundi ang intindihin na lang siya. Amo ko siya e, saka mahal ko ang trabaho ko," pahayag niya sa ina.
Narinig niya ang pagbuntonghininga ng ina.
"Kaya ka ba nagtitiis, anak, dahil sa amin ng mga kapatid mo?" malungkot nitong tanong.
Binalingan niya ang ina. Malungkot itong nakatingin sa kaniya. Umalis siya sa kinauupuan at nilapitan ito, saka niyakap.
"Nagtitiis ako dahil gusto ko po, Inang. Masaya po ako sa trabaho ko kahit na masungit ang amo ko. Kahit naman ganiyan siya e, may kabutihan naman ang puso niya. Don't worry po, kapag bumaba na ng barko si Eliseo magpapakasal na po kami, at hindi na po ako magtatrabaho kay Sir. Sapat na rin naman siguro ang ipon ko para patuloy na masuportahan ang mga kapatid ko sa pag-aaral nila." nakangiti niyang wika sa ina.
Totoo iyon. Dahil nag-usap sila ni Eliseo na magpapakasal na sila sa pagbaba nito sa barko sa susunod na taon. Tamang-tama lang dahil makakapag-ipon pa siya. Maganda na sana ang usapan nila ng nobyo niya kung hindi lang inagaw ng amo niyang baliw ang cellphone niya kanina.
"Talaga, anak? Naku, mabuti naman at may plano na kayo. Akala ko talaga hanggang mag-nobyo lang kayo e," komento naman ng ina niya.
"Akala mo lang po iyon," natatawa niyang saad.
Ngunit sabay pa silang napahiwalay ng ina nang humahangos na pumasok sa bahay ang kapatid niyang si Akiel.
"Ading, Inang!" hinihingal nitong wika.
Sabay silang napatayo ng ina.
"Oh, bakit?" saad niya.
"Si Kuya Andrew po! Nandoon kina Mang Isko at nanghahamon ng inuman at lambanog pa!"
"Ano?!" sabay nilang bulalas ng ina.
Si Mang Isko ay gumagawa at nagtitinda ng lambanog. Paano naman napunta ang baliw niyang amo roon? At talagang si Mang Isko pa ang hinamon nito? Eh, sagana na yata ang katawan niyon sa lambanog!
Napakamot na lang ng ulo si Akie. Kung siya lang ay hahayaan niya ang amo niya, pero hindi puwede dahil malilintikan siya sa Pamilyang Greyson. Kaya kailangan niyang sunduin si Andrew bago pa ito magtawag ng iba't ibang santo!