"Tagay pa, Mang Isko!"
Kinuha ni Andrew ang isang puting gallon na may laman na lambanog at sinalinan niya ang baso ni Mang Isko at pati na rin ang kaniya. Gusto niya lang sana magpahangin kanina pero nakita niya itong kubo na may karatola na 'Lambanog for sale'. Nang una ay hindi siya pamilyar sa inomin na ito, pero nang maka-usap niya ang may ari at pinatikim sa kaniya ang lasa nito ay kaagad siyang um-order ng dalawang gallon. At heto siya ngayon, nakalahati na niya ang laman ng isang gallon and he wants more of it.
Ang matanda ay naiiling na lang habang nakatitig sa binata. Kung si Mang Isko ay sanay na sa lambanog, pero ang binata ay sa tingin nito ay hindi sanay sa ganoong inomin.
Ayaw niya sana itong pagbigyan kanina dahil ang lambanog na stocks niya ngayon ay medyo may katagalan na at malakas na ang tama niyon kapag iinomin. Hindi katulad ng bagong ani na medyo matamis pa ang lasa at hindi ganoon katapang. Ang lambanog kasi ay habang tumatagal ito ay lalong tumatapang. Para rin kasi itong Gin kung ihahambing mo.
Kaya naman pinayuhan niya ang binata dahil halata na may tama na ito, "Hijo, tama na iyan at baka hindi ka na makatayo mamaya. Aba't ginawa mo nang tubig iyang lambanog,"
Pero si Andrew ay matigas ang ulo, patuloy pa rin siya sa pagtungga ng nakakalasing na inomin.
Sa pamamagitan ng inomin na ito ay baka mapawi ang inis na nararamdaman niya ngayon. Narinig niya kasi ang pag-uusap ng mag-ina kanina. Naipilig niya ang ulo at sabay binalingan ang puting gallon. Inis niya itong hinablot.
"Kasal pala ah," aniya.
Nanlaki naman ang mga mata ni Mang Isko nang mapagtanto ang binabalak ng binata.
"Huwag mong sasabihin na lalaklakin mo iyan?" Napasampal sa noo si Mang Isko nang ginawa nga ng binata ang sinabi niya. "Naloko na!"
Dinala niya ang isang gallon ng lambanog sa bibig at tuloy-tuloy iyong nilagok. Wala siyang naramdaman na pait o kahit ano dahil para sa kaniya ay mas mapait itong nararamdaman niya ngayon.
Nang bitawan niya ito sa wakas ay halos maubos niya ang laman niyon, at kasabay niyon ay umikot na rin ang paligid niya.
"Patay kang bata ka," komento ni Mang Isko na napapakamot sa batok nito.
Halos maduwal naman si Andrew dahil pakiramdam niya ay punong-puno ang kaniyang sikmura. Ang init-init rin ng nararamdaman niya kaya mabilis niyang hinubad ang t-shirt na suot at ginamit iyon pangpahid sa katawan niyang namamawis na. Pagkatapos ay pinaikot-ikot niya pa ang damit sa ere habang hawak niya ito.
"Ang init, Mang Isko. Wala ka bang air-con dito?" gagad niya sabay tingin sa paligid at naghanap ng air-con.
Ang init ng pakiramdam niya at pati yata mukha niya ay nag-aapoy na rin.
Napatanga naman si Mang Isko sa tinuran ng binata. Hanap kasi ito nang hanap ng air-con samantalang nasa kubo silang dalawa ngayon. Hindi rin malaman ng matanda kung matatawa ba ito o maaawa sa binata dahil panay ang pindot nito nang pindot sa kawayan na dingding na tila ba may bagay na pinipindot doon.
Pakiramdam naman ni Andrew ay umiikot ang paligid niya at habang tumatagal ay lalong umiinit ang pakiramdam niya. Namumungay na rin ang mga mata niya at papikit-pikit na siya. Nakakakita rin siya ng air-con ngunit kanina pa niya ito pinipindot ay mainit pa rin ang paligid, full volume na nga iyon. Binalingan niya si Mang Isko at nagreklamo siya rito.
"A-Ano ba i-itong a-a-ir-con m-mo, M-Mang Tomas? Sira y-yata...ahh," reklamo niya sa matanda habang pilit dinidilat ang mga mata.
Maganda naman ang air-con na ito at mukhang bago pa, pero sira yata. Napailing-iling siya at napapahampas pa sa hangin.
Laglag naman ang mga panga ni Mang Isko sa tinuran ng binata.
"Kailan pa naging Mang Tomas ang pangalan ko?" tanong ng matanda sa sarili nito at napasampal pa ito sa noo. "Hijo, kung ano-ano na ang nakikita mo, sa tingin ko ay kailangan na kitang ihatid ngayon," Tumayo si Mang Isko at nilapitan ang binata. Akmang aakayin niya ito patayo nang bigla na lamang nitong haplusin ang ulo niya.
"B-Ba...n-ngayon l-lang ako nakakakita n-ng...b-bulb na gumagalaw!" hinaplos-haplos nito ang ulo niya. "A-Amazing!"
"Por dios—"
"Mang Isko!"
Samantalang nanlaki naman ang mga mata ni Akie nang makita nito ang amo na ginawang holen ang ulo ni Mang Isko. Napakagat-labi si Akie at dahan-dahang nilapitan ang matanda na nanghihingi na ng saklolo sa kaniya.
Nang makalapit ay kaagad niyang tinapik ang palad ng amo na tila tuwang-tuwa pa sa ginagawa nito sa panot ni Mang Isko. Hindi aakalain ni Akie na ang nakakatakot at istrikto niyang amo ay mukhang bata ngayon na naglalaro.
"Sir Andrew, umuwi na po tayo. Lasing na lasing na po kayo," aniya.
Natigilan si Andrew sa ginagawa at binalingan ang nagsalita. Napangiti siya nang makita ang magandang si Akie na napapalibutan ng maraming paru-paro. Wala sa sariling hinawakan niya ang pisngi ng dalaga at gigil iyong pinisil.
"H-Hang g-ganda mo," Akmang ilalapit niya ang mukha sa mukha ng dalaga para sana halikan ito nang bigla nitong hawakan ang magkabilang panga niya at ituon sa dingding ang nguso niya.
"Lasing na po kayo, Sir, kaya uuwi na po na tayo!" Taranta at kinakabahan na wika ni Akie. Muntikan na siyang halikan ng amo niya at kitang-kita iyon ni Mang Isko at ng nanay niya na nasa bukana lang ng kubo.
"Ando, tulong!" tawag niya sa kapatid. Nang makalapit ang kapatid ay inalalayan nilang makatayo si Andrew.
Sa kanan siya at sa kaliwa naman si Ando.
"S-Saan niyo a-ako dadalhin, h-huh?" anang binata sa lasing na pananalita.
"Sa bahay po, Sir. Lasing na po kayo at ang bigat-bigat pa!" saad ni Akie. Nakangiwi siya habang nakasampay ang mabigat na braso ng amo sa balikat niya. Naglalakad na sila ngayon pauwi sa bahay nila. At hirap na hirap sila ni Ando sa pagbubuhat sa amo dahil mabigat talaga ito at malaking tao.
"Ayy!" Napasigaw pa siya dahil lahat yata ng bigat ni Andrew ay napunta sa kaniya dahilan upang madapa siya.
"Ading, mukhang mapipigtas na ang balikat ko kay Sir!" nakangiwing reklamo naman ni Ando.
"Ako nga rin e! Nanginginig na rin ang mga tuhod ko!" sambit naman niya.
Dahil nakasunod sa kanila ang ina at si Mang Isko ay tumulong ang mga ito sa pagbubuhat sa amo niya. At dahil bagsak na talaga ang amo at nawalan na ng ulirat, ang ginawa nilang apat ay dalawa ang nakahawak sa magkabilang braso, at dalawa ang nasa magkabilang binti. Ngayon ay parang nagbubuhat sila ng baboy na k*****y.
Halos magkanda-dapa silang apat sa paglalakad, at halos lumaylay na rin ang mga dila nila sa pagod dahil medyo may kalayuan ang kubo ni Mang Isko sa bahay nila, at ang daan ay pataas pa ng kaonti.
"M-Malapit na lang," hinihingal na sabi ni Mang Isko. Kumikinang na ang pawis sa kalbo nito.
"K-Konti na lang," komento rin ng ina niya na bakas ang pagod sa mukha.
Nang marating nila ang bahay at madala ang binata sa silid ng mga kapatid niya ay pareho silang apat napabuga ng marahas na hangin at napaupo sa sahig.
Hingal na hingal silang napatitig sa walang malay na amo.
"K-Kayo na ang b-bahala riyan. Dito na ako," hinihingal na pahayag ni Mang Isko. Lumabas ito ng bahay at paika-ikang naglakad pabalik sa kubo nito.
Sumunod namang lumabas si Ando.
"Ikaw na ang bahala sa amo mo, anak. Punasan mo siya at palitan ng damit dahil tiyak ko na ang init-init ng pakiramdam niya ngayon. Tingnan mo ang itsura niya, ang pula-pula." bilin naman ng ina niya bago ito lumabas ng silid.
Napabuntonghininga si Akie habang nakatitig sa amo na walang malay. Hindi niya ito puwedeng pabayaan dahil obligasyon niya ito lalo't lasing na lasing ito ngayon. Saglit niya muna itong iniwan sa silid ng kapatid niya upang kumuha ng bimpo at pamalit nito ng damit. Dala niya pabalik sa silid ang maliit na batya na may laman na tubig, bimpo at damit ng amo. Ngunit kamuntikan na niyang mabitawan ang mga iyon nang makita na hubo't hubad na ang amo at nakatihaya pa ito.
Nanlaki ang mga mata niya at napahigpit ang hawak sa batya habang pinapasadahan ng tingin ang hubad na katawan ng binata. Hanggang sa tumigil ang mga mata niya sa gitnang hita nito.
"Nanay ang laki..." naisambit niya. Kinurap-kurap niya rin ang mga mata habang ang dibdib niya ay walang tigil sa pagtambol ng malakas.
"A-Ang init...h-help..." ungol ng binata na panay ang pabaling-baling sa higaan nito.
Noon lamang natauhan si Akie. Nilapitan niya ang amo, lumuhod siya sa tabi nito at pilit iniiwas ang paningin sa sumasaludo nitong p*********i. Kinuha niya ang damit na hinubad nito kanina at ginawa iyong pangtakip sa ari nito. At saka niya ito sinimulang punasan ng maaligamgam na tubig.
"Hmm..." narinig niyang ungol ng binata.
Napa-ismid siya at napabulong, "Kasi naman, Sir, bakit niyo naman kasi ginawang tubig ang lambanog? Hindi niyo ba alam na grabe ang tama niyon?" pagkausap niya sa amo.
Ang buong akala niya ay wala pa rin itong malay, ngunit laking gulat na lamang niya nang hapitin nito ang bewang niya dahilan upang matumba siya sa ibabaw ng dibdib nito. Napasinghap siya. Pumulupot ang braso nito sa bewang niya at nang mag-angat siya ng tingin ay nagsalubong ang kanilang mga mata.
"M-Mas malakas ang tama ko...sayo, Akie–"
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. Akmang itutulak niya ang amo nang mas mabilis ang naging galaw nito. Hinawakan
nito ang likod ng ulo niya at siniil siya ng isang malalim na halik.