Habang nasa biyahe pabalik ng Manila ay walang imikan sina Andrew at Akie. May pagkakataon na hinuhuli ni Andrew ang mga mata ng dalaga sa pamamagitan ng kaniyang mga titig ngunit masyado itong naging mailap. Napabuntonghininga siya ng malalim. Alam niya kung bakit naging mailap si Akie sa kaniya, iyon ay dahil sa nangyari nakaraang araw.
"Galit ka ba?" tanong niya sa dalaga na hindi ito binalingan. Sa kalsada kasi ang atensyon niya habang ito naman ay nakatingin sa labas ng bintana, nakatulala. Magmula nang umusad ang sasakyan ay wala na itong imik hindi katulad ng magpaalam ito sa ina at mga kapatid na todo ito sa pag-ngiti at pagsasalita bagay na siyang ikinaiinis niya. Kung umakto kasi ito ay parang hindi siya nakikita.
Muli siyang napabuga ng hangin nang hindi man lang ito nagsalita. Nagsimula na siyang mairita.
"Will you please talk to me, Akie?" mariin at may pagbabanta niyang untag dito.
Subalit katulad kanina ay wala siyang natanggap na sagot.
"f**k!" Galit niyang hinampas ang manibela na siyang ikinakislot naman ng dalaga sa kinauupuan nito. Hindi pa siya nakontento, sunod-sunod niya pa iyong sinundan.
Matapos mamanhid ang palad ay nagpatuloy nalang siya sa pagmaneho habang hindi naman maipinta ang kaniyang mukha. Nakasimangot siya sa mahabang biyahe, hanggang sa makabalik sila ng Manila at makauwi ng mansion ng Greyson.
"Oh, anak, nakauwi na kayo sa wakas! How's the vacation?" salubong kaagad ni Elizabeth sa anak. Ngunit niyakap lamang siya ng binata at hinalikan sa pisngi na hindi tumutugon sa naging tanong niya rito.
Pagkatapos ay tila wala sa sarili na naglakad ito paakyat ng pangalawang palapag ng bahay. Napaawang ang bibig ni Elizabeth habang sinusundan ng tingin ang binata. Madilim ang anyo nito at tila pasan na naman ang buong daigdig. Ganitong-ganito kasi ang itsura ng binata ng una niya itong makilala at maka-usap noon.
Nang may pumasok sa entrada ng mansion ay naagaw niyon ang atensyon niya. Bumaling siya rito.
"Akie, how's the vacation? May nangyari ba? Bakit parang galit ang sir mo?" tanong nito sa dalaga. Nangunot ang noo ni Elizabeth ng maging ang dalaga ay tila wala rin sa sarili nito. Hindi na siya nakatiis at nilapitan ito.
Pinigilan niya ang dalaga sa akmang paglakad at hinawakan sa magkabilang balikat.
"What happens, Akie? Something's wrong with you two, I can feel it. Bakit galit si Andrew? Ngayon lang siya ulit naging ganiyan at iyon ang ikinababahala ko. Ang bumalik na naman siya sa dati. Kaya puwede ba sabihin mo sa akin kung ano ang nangyari sa bakasyon niyo nang sa ganoon ay may alam ako?" malumanay ang boses na paki-usap niya sa dalaga. But Elizabeth surprisingly left her mouth open when Akie cried.
"M-Ma'am..." Humagulhol na ang dalaga kaya lalong nataranta si Elizabeth. Hinawakan niya ang palad ng dalaga at pinisil ito. Ramdam niya ang panginginig ng katawan nito tanda na may hindi magandang nangyari.
"Say it, Akie. Anong nangyari? May ginawa ba ang anak ko sayo?" Halos matutop pa niya ang bibig dahil sa salitang lumabas mula roon.
Napahikbi ang dalaga at nanginginig ang bibig na nagsalita, "S-Si Sir po..." Halos hindi nito matapos-tapos ang sasabihin dahil sunod-sunod na tumulo ang mga luha nito. "Hinalikan niya ako a-at..."
Gulat ang naging reaksyon niya nang sa isang iglap ay nakaubabaw na sa kaniya ang amo. Ang mga mapupungay nitong mga mata ay nakatitig sa mga mata niya. Pawisan ito at amoy na amoy niya ang alak na sumusungaw sa katawan nito.
"B-Bitawan m-mo ako—" Ngunit nalulon niya ang dila nang marahas siyang halikan nito. At sumunod na nangyari ay siyang ikinanginig ng buong katawan niya. Unti-unting gumalaw ang palad nito at sinapo ang maseselang bahagi ng katawan niya. Mula sa magkabilang dibdib, minasahe iyon, hanggang sa makarating sa p********e niya.
Inang! Sigaw ng piping isipan niya.
Gustuhin man lumaban ngunit kulang ang lakas sapagkat masyadong mabigat at malakas ang lalaki. Pinagkasya na lamang niya ang sarili sa pag-iyak at pagtawag sa pangalan ng ina sa isipan hanggang sa tumigil ang lalaki at pagmasdan siya.
May kung anong demonyo ang humiwalay sa katawan nito at basta na lamang itong natarantang umalis mula sa pagkadagan sa kaniya, at iniwan siya sa silid na iyon.
"W-What?" nanlaki ang mga mata ni Elizabeth at nanginig ang bibig sa sinabi ng dalaga.
Wala sa sarili na niyakap niya ang dalaga ng mahigpit. Iyon lang ang alam niyang gawin sa mga sandaling iyon. "Akie...oh god..." sambit niya habang hinahaplos ang likuran ng dalaga. "Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko o sasabihin ko but one thing I'm sure of, hindi ka sasama sa kaniya pabalik ng America—"
"Sasama po ako, Ma'am. Kailangan ko po magtrabaho—"
"I can give you that! Dito sa akin, dito ka magtatrabaho—"
"No, mom. Sa akin lang siya."
Napabaling silang sabay nang marinig ang nagsalita. It was Andrew, standing a few inches away from them.
Deadly serious and the jaws were grinning.
"Anak...what have you done?" Kaagad na nasambit ni Elizabeth. Ngunit nang maisip ang sinabi ay nakagat ang pang-ibabang labi. Binalingan muna si Akie bago muling hinarap ang binata. "Can we talk about it?" Elizabeth asked nicely.
"We are already talking, mom."
"In private? Just the two of us." Pagtatama pa ni Elizabeth.
Binalingan ng binata ang dalaga. Si Akie ay napaatras at napatago sa likuran ni Elizabeth. Bumuntonghininga ang binata bago hinarap muli ang ginang.
"Sure. In dad's Library." Nauna na itong tumalikod at naglakad paalis.
Binalingan ni Elizabeth si Akie at pinahid ang mga luha nito sa pisngi. "Hintayin mo ako sa room mo, hija." bilin niya sa dalaga bago umalis at sundan ang binata sa Library.
...
Kaharap na ni Andrew ang ina. Nakaupo siya sa upuan ng ama at ito naman ay nakaupo sa silya na nakaharap sa lamesa. Hawak niya ang isang baso na may alak na laman. Hindi pa man naaalis ang hangover niya magmula sa ininom na lambanog na isinusumpa niya sa buong buhay na hindi na ulit titikman, ay heto na naman siya ngayon. Isang expensive na inumin ang hawak na pagmamay-ari ng ama.
"Anak." Napatingin siya sa ginang. Ang maganda at maamo nitong mukha ay nakatingin sa kaniya. It's very simple yet breathtakingly beautiful like a goddess. Kahit na siguro galit na ito ay hindi pa rin mahahalata.
"Don't worry mom. I can manage what happens to Pangasinan. Papakasalan ko si Akie kung iyan ang nararapat." Alam niyang inamin ng dalaga sa ginang ang kagaguhang ginawa niya rito. Narinig niya iyon lahat kanina. Pati ang balak ng ina na pigilan ang dalaga sa pagsama nito pabalik ng America.
"Ang pagpapakasal ay hindi kanin na isusubo at kung mapapaso ay iluluwa, anak. It's about two people who love each other. It's about love and honor to love each other until the end of their lives. At kung papakasalan mo lang si Akie dahil sa nangyari sa inyo, para masabi na pananagutan mo ang ginawa sa kaniya, I suggested you don't do it. As you can see, she has a dream for her family, anak—"
"At sisirain ko lang iyon, ganoon ba?" Andrew abruptly stopped Elizabeth. He then drank the liquor from the glass.
"No. That's not what I mean, anak. Ang ibig kong sabihin ay hindi mo puwedeng pakasalan ang isang tao kung pareho niyong hindi mahal ang isa't isa. Sa tingin mo ba papayag si Akie sa gusto mong mangyari?"
Mapait siyang napangiti.
"Then papayagin ko siya." saad ng binata. Napailing si Elizabeth sa naging tugon nito.
"Mahal mo ba siya? Kung hindi, then leave her here. Ako na ang bahala sa kaniya."
Hindi siya nakasagot sa unang tanong ng ina. Mahal? Hindi pa niya alam ang tungkol doon, pero gusto niya ang dalaga at pakiramdam niya ay binabaliw siya nito.
At sigurado na siya sa gustong mangyari. Magpapakasal sila ng dalaga sa ayaw at sa gusto nito. At sa pangalawang sinabi nito ay hindi siya sang-ayon. Isasama niya ito pabalik ng America kahit na anong mangyari.
"She's mine, mom. At wala nang magpapabago pa niyon. We are getting married sa ayaw at gusto niyo. Ako ang masusunod. This is my life, my rules, and my decision. At wala kayong karapatan na pigilan ako sa gusto kong mangyari." pinal na sagot niya sa ina.
Hindi kaagad nakasagot si Elizabeth. May konting kurot sa puso niya dahil sa mga salitang binitawan ng binata. Pero pinili niyang ngumiti rito at maging pormal.
"So you don't love her instead you want her to be yours, is that it?" Hindi siya sumagot, imbes na sumagot ay sinalinan niya ng alak ang baso.
Bumuntonghininga ang ginang.
"Hindi mo pa rin ba kami tinatanggap bilang pamilya mo? O, ako lang bilang ina mo?" malumanay ang boses na sabi pa nito.
Natigilan si Andrew sa akmang pag-inom sa basong hawak. Binalingan niya ang ginang. Nakangiti ito pero alam niyang nasaktan ito sa sinabi niya. Nakaramdam siya ng konsensya pero hindi siya nagsisisi sa mga sinabi niya. Nasabi na iyon at hindi na mababawi pa.
"I'm sorry, mom. It's not about that... Nasanay lang ako na ako lang ang di-desisyon para sa sarili ko. And about sa pagtanggap ko sa inyo bilang family ko, matagal ko na kayong tinanggap. I'm happy that you came into my life as my second mother kahit na bastardo ako ng asawa mo. I appreciate all the things you've done for me, sa pagtanggap mo sa akin. Pero hindi po ako pumapayag na may nangunguna sa mga desisyon ko, ganito na po ako bago pa kayo dumating. I hope you understand mom." mahabang litanya niya sa ginang, hindi inaalis ang titig sa mga mata nito.
Elizabeth smiled and nodded as well, at muling nagsalita in a very nice way.
"Pero magalit ka na kung magalit ka sa akin, anak. But I won't tolerate your bad doings." Tumayo si Elizabeth mula sa kinauupuan nito.
Samantalang napatango-tango naman si Andrew sa sinabi ng ginang. Kung ganoon ang gustong mangyari ng ginang ay mas lalong hindi rin siya makakapayag.
"Then I'm sorry mom, but I won't tolerate yours, too."