Chapter 10- Determinado sa desisyon

1397 Words
Pumunta si Andrew sa bahay ng kapatid na si Damien upang magpaalam na bukas na ng umaga ang alis nila pabalik ng America. Wala nang nagawa ang ina niya o maging ang ama dahil sa pinal niyang desisyon. Hindi siya pumayag sa paki-usap ng ina na iwan si Akie sa mansion ng Greyson, at ang dalaga rin ay hindi pumayag sa nais ng ginang bagay na pinasasalamat niya. Pero ang hindi alam ng dalaga ay ang binabalak niyang mangyari. Pinapasok siya ng guard sa gate nang makilala siya nito. Kumatok siya sa pinto ng bahay ng kapatid, katabi lang ng bahay ng kapatid ang bahay ng ina. Ilang dipa lamang ang layo niyon sa isa't isa. Nang lumabas kanina ng library ang ina ay kaagad rin siyang sumunod rito. Nakita niya pa ito na papasok sa silid ni Akie. Naalala niya ang dalaga ngunit naagaw ang atensyon niya nang bumukas ang pinto at sumungaw si Trina. Ang dati at peke niyang asawa. "Hi!" bati niya rito. Bumakas ang pagkailang sa itsura nito, ngunit nginitian pa rin siya. "K-Kuya." utal nitong sabi. Napabuntonghininga siya. Hanggang ngayon pa rin kasi ay naiilang pa rin ito sa kaniya samantalang siya ay hindi na. "You don't need to stammer, Trina. We're already okay, right?" ani niya rito. Napakamot naman ito sa ulo at natawa. "Of course, kuya. Pasensya na talaga. Minsan kasi talaga ay hindi ko lang maiwasang mailang sayo. Asawa kita dati, tapos ngayon ay kuya na kaya karapatan kong mailang!" natatawa nitong pahayag. Natawa na rin siya sa diretsahan nitong sinabi. He admires her for being honest. Minsan kasi ay direct to the point ito kung magsalita. Binalingan niya rin ang may kaumbukan nitong tiyan. "Hmm, malaki na ah. Nariyan ba ang may salarin niyan?" tanong niya rito na ang tinutukoy ay ang nakababatang kapatid. "Nasa pool siya kuya. Kasama ang panganay namin." nakangiting tugon ni Trina. Pinagbuksan siya ng pinto at pinapasok sa loob ng mansion. "At panganay ko rin. Ako yata ang unang naging tatay ni Dero." dagdag niyang sinabi. "Oo na po kuya!" aniya ng dalaga sabay tawa nito. Dinala siya nito sa likurang bahagi ng bahay. Sa pool area, at doon ay naabutan niya ang mag-ama na masayang naliligo. Kasalukuyang tinuturan ni Damien lumangoy ang anak, at nang makita siya nito ay kaagad lumiwanag ang guwapo nitong mukha. "Kuya!" bulalas nito. Inahon nito ang anak mula sa tubig at kaagad siyang nilapitan upang yakapin. Napangiwi siya dahil ang basa nitong katawan ay lumipat sa kaniya. "Kumusta kuya? Kumusta ang bakasyon natin?" tanong nito. Nang makita ang pag-ngiwi niya dahil nabasa ang kasuotan niya ay natawa ito at tinapik-tapik pa ang damit niya na tila ba sa pamamagitan niyon ay maaalis nito ang basa. Tinampal niya ang kamay ng kapatid, "Stop it. Basa na ako at hindi iyan maaalis ng patapik-tapik mo." utos niya. Ngumisi lamang ang kapatid niya. Inakbayan siya nito at iginiya sa isang upuan. Maya-maya pa ay dumating si Trina at may bitbit na pitcher na may laman na orange juice. Samantalang ang anak na si Dero ay naupo sa kandungan niya, kayo lalo tuloy siyang nabasa. "Here, inom ka muna kuya." aniya ng dalaga matapos siyang ipagsalin ng inomin sa isang baso. "Ako rin sweetheart, please." malambing na utos ng kapatid niya sa asawa nito. Ngunit natawa pa siya ng irapan ito ng dalaga. "Magsalin ka ng iyo!" masungit na tugon nito sa lalaki na siyang ikinasimangot naman ng mukha ng huli. Napailing na lamang siya habang may ngiting sinusupil sa labi. Akmang aalis na si Trina nang tawagin niya ito. "Ah, puwede bang can beer nalang ang ibigay mo sa amin?" suhestiyon niya. Walang pag-alinlangang tumango ito at inaya na rin ang anak na magbanlaw at magpalit ng damit. Nang makaalis ang mga ito ay hinarap niya ang kapatid. Ngunit napangiwi pa siya nang hindi maipinta ang mukha nitong nakatitig sa kaniya. "Bakit?" untag niya rito. Umasim pa lalo ang itsura nito. "Bakit pinapansin ka niya kuya, samantalang ako kagabi pa niya hindi pinapansin!" reklamo nito. "Aba'y ewan ko. Basta ako pumunta lang dito para ipaalam sayo na bukas na ang alis namin. Saka gusto ko lang ipaalam sayo na...ikakasal na ako." Nanlaki ang mga mata ng kaharap niya. "What the...ikakasal? Kanino? Saan?" sunod-sunod nitong tanong. Hindi na siya nagpaliguy-ligoy pa at kaagad sinagot ang tanong ng kapatid. "Kay Akie." Literal na lumaglag ang panga ng kapatid sa sinabi niya. Hindi ito makapaniwala sa narinig. "Siya iyong kasambahay mo, right, kuya?" tanong nito. Tumango siya. "Paano nangyari na ikakasal kayo? I mean is...naging kayo ba kuya?" kunot ang noo na gagad nito. Akmang magsasalita siya nang dumating naman si Trina bitbit ang hinihingi niya kaya hindi niya itinuloy ang sasabihin. Napangiwi siya nang makita ang dala nito. Literal na isang beer lang kasi ang dala nito at sa tingin niya ay para lang iyon sa kaniya. Inilapag nito iyon sa lamesa at kaagad rin umalis. Hindi na nagreklamo pa ang kapatid niya nang makita na isang beer lang ang dinala ng asawa nito, naging abala na ito sa paghihintay ng isasagot niya. Binuksan niya muna ang can beer at ininom iyon bago hinarap ang kapatid. "Hindi naging kami, bro. At mas lalong walang kami. She have a boyfriend." Bakas sa mukha ng kapatid ang pagkalito sa naging pahayag niya. "Ano? Eh, paano kayo ikakasal kung wala naman palang kayo at may boyfriend pala siya? Nasisira na ba utak mo, kuya?" napalakas ng kaonti ang pagkasabi nito kaya mabilis niyang tinakpan gamit ng can beer ang bibig ng kapatid. "Hinay-hinay lang. Ikaw palang at mga magulang natin ang sinabihan ko nito—" "Sira na nga yata ulo mo, kuya!" bulalas pa ni Damien. Inis niya itong binatukan. "Makinig ka muna kasi." Napabuntonghininga siya at napatingin sa tubig-pool. "Ikakasal kami dahil iyon ang gusto ko kahit ayaw pa niya. I like her, bro. At mababaliw yata ako kapag sa iba siya ikakasal at hindi sa akin." Napatayo si Damien at nagpalakad-lakad sa iisang direksyon. "Pero mali iyon, kuya. You're dragging her into something she doesn't like. Para na ring nangyari ulit ang nangyari dati kapag ginawa mo iyon. May masasaktan, her boyfriend. Katulad nang ikasal kayo ni Trina. Nasaktan siya dahil hindi niya iyon ginusto, at of course nasaktan rin ako nang malaman na ikinasal na siya kahit pa na peke lang pala iyon. See? Parang walang nagbago kuya, ang pinagkaiba lang ay gusto mo siya at siya? Malamang hindi." Muntikan pa siyang mabilaukan sa iniinom na beer dahil sa sinabi nito. Masama niyang tiningnan ang kapatid. "Seriously? Sasabihin mo talaga iyan sa akin ng harapan?" "Alangan namang sabihin ko sayo na nakatalikod ka kuya," Muli ay inis niyang binatukan ang kapatid. Ngunit nang maisip ang sinabi nito ay sumeryuso siya. Muli siyang napatingin sa tubig-pool. "I like her, at gusto ko akin lang siya. Gusto ko siyang pakasalan kahit na lumabag man ang buong mundo sa akin. Wala akong pakialam sa nobyo niya, tiyak ko rin naman na hindi siya loyal kay Akie." makahulugang bigkas niya sa huling salitang sinabi. "Paano mo nasabi kuya?" tanong pa ni Damien na nagtataka. Nagkibit-balikat siya at napangisi. "Of course, I am your brother. Basta magtiwala ka lang sa akin, dahil alam ko ang ginagawa ko." he added. Napaupo muli si Damien sa silya, looking at him, unbelievable. "Hindi ako makapaniwala na naisip mo iyang gawin, kuya. Seryuso ka talaga?" He nodded, "Yes. At kailan pa ako hindi nagseryuso sa bagay na gusto kong gawin?" Napailing-iling na lamang si Damien sa sinabi niya. "Ewan ko sayo, kuya. Alam mo kapag nalaman ito ni Trina tiyak ko na babatukan ka niyon. Para mo na ring inuulit ang katulad ng dati eh. Maawa ka naman doon sa tao kuya. Mukhang ayaw talaga no'n magpakasal sayo. Pero teka nga, alam ba niya ang balak mo?" "Hindi." tipid niyang tugon. Napasampal sa noo si Damien. "What the f**k, kuya?" "Kailangan ko siyang panagutan dahil sa nagawa ko sa kaniya, bro. Kaya papakasalan ko siya kahit tumutol man ang sampung demonyo." Nang mapagtanto ng kapatid ang sinabi niya ay napatakip ito sa bibig and mouthed the words. "Sira na nga ulo mo, kuya!" Well, siguro nga nasisira na ang ulo niya. Marahil ay dahil iyon sa lambanog na nainom niya. Kung hindi dahil sa lintik na lambanog na iyon ay hindi sana mangyayari na kamuntikan na niyang maangkin ang dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD