Chapter 4- Taranta

2135 Words
"Faster, Akie! You are going to waste my precious time!" Nanggagalaiting sigaw niya sa babae. Kanina pa ito sa loob ng silid nito pero hindi pa rin lumalabas. Naiinis na siya. Ano ba kasi ang ginagawa nito sa loob? Kulang na lang ay tadyakan niya ang pintoan ng silid nito para lang bumukas iyon. "I hate late! f**k it!" inis pa niyang bulong. Hindi nagtagal ay narinig niya ang pag-click ng lock mula sa loob. Aba't naglo-lock pa talaga! Hiyaw ng isipan niya. Pero hinintay niyang bumukas iyon, ngunit lumipas lang ang ilang segundo ay hindi pa rin iyon nagbubukas. Sa inis niya ay muli niyang tinangka na katokin ang pinto, pero muntikan pa siyang mapabuwal sa kinatatayuan ng bumukas iyon at bumungad sa kaniya ang pawis na pawis na dalaga. "Damn it!" hawak ang dibdib na wika niya dahil sa pagkagulat. "Pasensya na, Sir, natagalan. Nagbanyo pa kasi ako!" anang dalaga na pawisan. Napabuga ng hangin si Andrew at mabilis itong tinalikuran. "Let's go!" masungit na turan niya. Naramdaman niyang sumunod naman sa likuran niya si Akie. Nang mapadaan sila sa sala ay nagtataka pa si Elizabeth habang sinasalubong ang nakasimangot na anak. "Saan ba kasi kayo pupunta, anak, at tila nagmamadali ka? Eh, 'di ba sa Martes pa kayo pupuntang Pangasinan? Linggo pa lang ngayon, ah." anang Ginang na inaayos pa ang kuwelyo ng damit ni Andrew. "Grocery, ma." walang gana na tugon ng binata sabay baling sa dalaga. Ang dalaga ay napapailing sa narinig. Iniisip na sa Grocery lang pala sila pupunta pero daig pa ng amo na may digmaan kung umasta. "Grocery? Para saan? Marami tayong stocks rito ah." saad ng Ginang. "Para sa pamilya ni Akie, ma." pahayag niya sabay baling sa dalaga. Nagulat rin ito sa sinabi niya pero kaagad niya itong pinagbantaan na huwag tumutol gamit ang kaniyang mga mata. Napayuko na lang ito. "Oh, okay. Now I know. Akala ko kung saang giyera ka na pupunta e." natatawang sambit ng Ginang. Napasimangot siya. Hinalikan niya ang ina at nagpaalam na aalis na sila ng dalaga. Habang nasa biyahe ay pareho silang tahimik ni Akie. Simula pa kahapon ng mangyari ang insidenteng iyon ay pareho silang nailang sa isa't isa. Alam niyang natakot ang dalaga sa kaniya dahil sa ginawa niya kahapon. Hindi niya naman kasi talaga iyon gustong gawin, nainis lang siya ng sabihin nitong maliit ang alaga niya kaya iyon ang nag-udyok sa kaniya na gawin ang bagay na iyon. Gusto niya lang patunayan sa dalaga na nagkakamali ito sa sinasabi nito sa kaniya. Nakita pa niya kung paano panawan ng kulay ang mukha ng dalaga, well kasalanan nito iyon. Kung hindi sana siya inasar, walang mangyayaring ganoon. Sa susunod na marinig pa niya ulit na sabihan siya ng ganoon ni Akie, ay matitikman nito ang sinasabi nitong maliit! "S-Sir...hindi niyo na po kailangan bumili ng grocery para sa pamilya ko. Kaya ko naman po silang bilhan niyon. May naipon naman po ako." Napabaling siya sa dalaga nang magsalita ito. Tinaasan niya ito ng kilay pagkatapos ay muli siyang bumaling sa daan. "Bakit, akala mo libre ito?" Mula sa gilid ng mga mata niya ay nakita niya kung paano umawang ang bibig ni Akie. Napangisi siya. "Babayaran mo, Akie. Wala ng libre sa mundo ngayon. Don't worry dahil kada sahud mo ay ikakaltas ko para hindi mabigat sayo." aniya na nakataas pa ang sulok ng labi. Gusto niyang matawa sa mga pinagsasabi niya. Wala naman kasi siyang balak na singilin ang dalaga. Gusto niya lang itong asarin. "Sige po, Sir. Kapag nagpadala po ang nobyo ko ay babayaran ko po kaagad ng buo kung magkano man ang magagastos niyo ngayon—ay pisteng yawa!" Napasubsob ang dalaga sa unahan ng bigla siyang mag-preno. Igting ang mga panga at naniningkit ang mga mata na binalingan niya ito. "What did you say? Nobyo? May nobyo ka?" ulit niya. Alam niyang 'di siya bingi. Narinig niya ang sinabi nito pero nais niya lang siguraduhin. Ang dalaga ay napahawak sa noo nito at napapangiwi ito. "T-Teka naman, Sir. Bakit ka ba biglang nagpreno? Nagkabukol tuloy ako," reklamo nito. Kaagad naman niyang nilapitan ang dalaga at sinuri ang noo nito. Napamura pa siya nang makita na namula nga ang noo nito at may maliit na bukol. Hinipan pa niya iyon ng ilang ulit habang ang dalaga ay napaawang ang bibig sa ginagawa niya. "S-Sir, okay na po ako." wika nito sabay tulak sa kaniya. Hinihilot nito ang noo at nagtataka siyang tiningnan. "May nobyo nga po ako, Sir. Wala naman po nakakagulat doon dahil dalaga naman ako—diyos ko!" Muntikan na naman itong mapasubsob, mabuti na lang at nakahawak ito. Mabilis niyang pinahuhurot ang kotse paalis sa lugar dahilan upang mapahawak ng mahigpit si Akie sa safety handle ng kotse. Nobyo pala ah! Hiyaw ng isipan niya. Nanggagalaiti ang kalooban niya sa sinabi ng dalaga. Mukhang ayaw yata tanggapin ng isipan niya ang sinabi nito. Guwapo ba ang nobyo nito? Mayaman ba? Ilan iyon sa mga katanongan ng isipan niya. Hindi siya makakapayag. Hanggang sa makarating sila sa Mall ay hindi maipinta ang mukha niya. Pagkapasok nila sa grocery store ay kaagad siyang kumuha ng push cart at bawat madaanan niya ay kinukuha niya at hinahagis sa loob ng cart. Ang dalaga ay nakasunod lamang sa likuran niya. "Galit ka ba, Sir?" Binalingan niya ito. "Kunin mo na ang lahat ng matipuhan mo." masungit na utos niya sa dalaga imbes na sagutin ang tanong nito. Tumango naman ito. Muli siyang nagpatuloy sa paglilibot. Lahat nang makita niya ay dinadampot niya at pinapasok sa cart. Nagrereklamo ang dalaga sa mga kinukuha niya pero nagbingi-bingihan siya. Ako ang amo kaya ako ang masusunod! Litanya ng isipan niya. "Sir, ang dami na po nito. Diyos ko baka hindi ko na ito mabayaran. Bakit po pati naman ventilator na iyan ay kinuha niyo pa? Wala naman po may hika sa amin," reklamo ng dalaga sa kaniya. "Gamitin mo sa nobyo mo! Baka kapusan siya ng hininga." masungit niyang sagot rito. "Wala siyang hika, Sir. Saka nasa barko po siya ngayon. Seaman po." Naparolyo siya ng mga mata. Aba't proud pa yata ito sa sinasabi nito! Ano naman ngayon kung seaman ang nobyo nito? Baka bilhin pa niya ang barko na sinasakyan nito e! Sa inis ay hindi na niya alam na nagdadabog na pala siya habang patuloy sa pagkuha ng mga bagay na makita niya. "Sir, masama ba loob mo? Sana po hindi na tayo nag-grocery. Masama po yata loob niyo e, kayo naman itong pasak nang pasak ng mga iyan sa cart. Tignan mo 'to," Sabay kuha ng dalaga sa adult diaper, "wala namang gumagamit nito sa amin, Sir. Ano po gagawin namin dito?" saad pa ng dalaga na napapakamot sa ulo nito. Ang daldal! Ang daming sinasabi. "Ipasuot mo sa nobyo mo." malamig ang boses niyang tugon. Naiinis siyang nag-martsa papunta sa cashier upang bayaran ang mga nasa cart na iyon. Habang ang dalaga ay naiwan at napaawang na lang ang bibig nito. Pagkatapos mabayaran ang lahat ay dinala niya iyon sa backseat ng kotse niya. "Let's go," sabay hawak niya sa braso ng dalaga. "Saan tayo pupunta, Sir?" takang-tanong ng dalaga na napapatingin pa sa kamay niyang nakahawak sa braso nito. Hindi niya ito binalingan at sinagot. Patuloy lamang niya itong hinila hanggang makarating sila sa isang sikat na kainan. "Dito." kapagkuwan ay sagot niya rito. Tinawag niya ang waiter at nag-order na ng makakain nila. Hindi na niya binigyan pa ng pagkakataon na alukin ang babae kung ano ba ang gusto nito dahil bad mood siya. Well, kanina pa. Kanina pa nasira ang modo niya nang sabihin nitong may nobyo ito. Oh, tapos? Ano naman ang pinuputok ng butsi mo kung may nobyo siya? Komento ng isipan niya. Inis niyang ipinilig ang ulo. Tiningnan niya si Akie, nakaupo lang ito ng tuwid at paminsan-minsa'y inililibot nito ang paningin sa paligid. Napakagat siya sa pang-ibabang labi nang mapadako sa labi nito ang mga mata niya. May kung anong nag-uudyok sa kaniya na halikan iyon, pero pigil na pigil niya ang sarili na huwag gawin. Ewan ba niya at sa tuwing napapasulyap siya sa dalaga ay kumikibot-kibot ang puso niya. Hindi niya malaman kung normal pa ba na paghanga ang nararamdaman niya rito. Nagsimula lang naman na magkaroon siya ng pagtingin rito simula nang dumating ito sa condo ng kaibigan niyang si Jenny. And since that day ay hindi na ito mawala sa isipan niya. Nang dumating ito sa America ay dise-nuebe lang ito, kaedaran ni Jenny. Mahiyain pa nga ito nang una, pero kalaunan ay naging madaldal. Hindi nga niya maintindihan ang sarili kung bakit nagkaroon siya ng pagtingin sa dalaga. Basta na lamang niya naramdaman iyon nang isang araw ay maiwan siya sa condo ni Jenny kasama si Akie nang umuwi ang kaibigan niya sa Pilipinas. Tapos malalaman niya ngayon na may nobyo na ito? Like what? Paano iyon nangyari? Nanggagalaiti ang kalooban niya. "Heto na po ang mga order niyo, Sir." wika ng isang waiter na nagpabalik sa katinuan niya. Napakurap-kurap siya at binalingan niya rin ang mga pagkain na nakahain na, pagkatapos ay sinulyapan niya rin si Akie. "Let's eat." untag niya sa dalaga. Sumunod naman ang dalaga sa sinabi niya. "Ang dami nito, Sir. Mauubos kaya natin 'to lahat?" komento pa ng dalaga. "Uubusin natin." maikling tugon niya. Napatingin siya sa mga pagkain. Medyo marami nga iyon dahil habang ino-order niya iyon kanina ay wala siya sa sarili. Halos lahat ng iyon ay seafoods dahil isang Seafoods Resto ang pinuntahan nila. Nagsimula silang kumain ng tahimik. Pasulyap-sulyap siya sa dalaga na sarap na sarap sa kinakain nito na sugpo. Para tuloy siyang nabubusog kahit hindi pa nakakalahati ang laman ng plato niya. Napailing siya at pinagpatuloy ang kinakain. Hindi niya kasi iyon matatapos kung patuloy lamang siya sa pagtitig sa dalaga. Narinig pa niya ang biglang pag-ubo ng dalaga kaya kaagad siyang napaangat ng tingin. Ngunit nangunot pa ang noo niya nang makita na pulang-pula ang buong mukha nito, pati na rin ang leeg nito at braso. Nakitaan niya rin ng pantal-pantal ang balat nito. Nabitawan pa niya ang kubyertos nang magsimulang mapahawak si Akie sa dibdib nito at tila hirap na huminga. Natarantang napatayo si Andrew at nilapitan ang dalaga na sumesenyas na lang ngayon sa kaniya. "Akie? f**k! Bakit ka kumain ng mga iyan e allergy ka pala!" taranta niyang sabi. Nais niya rin kastiguhin ang sarili dahil siya ang nag-order ng mga iyon. Wala sa sariling binuhat niya ang dalaga at tumakbo palabas ng Restaurant. Nakakuha rin sila ng atensyon sa mga taong nasa loob rin ng Restaurant. "H-Hindi a-ako m-makahinga–" anang dalaga. Hawak-hawak nito ang dibdib. "s**t!" mura niya. Pagkalapit sa sasakyan ay kaagad niyang pinaupo si Akie at nilagyan ng seatbelt. Umikot siya at sumakay sa driver seat. Akmang isasara niya ang pinto ng kotse nang humarang roon ang waiter kanina sa Restaurant. "Sir, ang bill niyo po!" wika nito. Kaagad nabuhay ang galit ni Andrew. Binalingan niya si Akie, nanlalaki na ang mga mata nito sa paghahabol ng sariling paghinga. Binalingan niya ang waiter at walang anu-ano ay galit itong kinuwelyuhan. "Mamamatay na ang kasama ko uunahin mo pa ang pagsingil sa akin! Eh, kung singilin ko kaya ang buhay mo, ha?!" Ibinalya niya ang waiter na namutla na at malakas na sinara ang pinto ng kotse. Pinahururot niya iyon at dinala sa malapit na Hospital si Akie. Makasingil akala naman ay tatakasan ang kinain nila! Humanda sila dahil babalik siya. At kapag may nangyaring masama sa dalaga ay malilintikan sa kaniya ang may ari ng Restaurant na iyon. Nang madala sa Hospital ang dalaga at mabigyan ng pangunang lunas ay naginhawaan si Andrew. Sinabi ng Doctor na allergy ang dalaga sa seafoods at mabuti na lang ay nadala ito kaagad, dahil kung hindi ay baka binawian na ito ng buhay. Iniwan niya muna sa Hospital si Akie upang balikan ang Restaurant. Kinausap niya ang manager. Humingi ang manager ng pasensya sa nangyari dahil hindi naman alam ng mga ito ang nangyari sa dalaga. Maging si Andrew ay humingi rin ng despensa sa naging aksyon niya. Nadala lamang siya ng pagkataranta kaya nasigawan niya ang waiter. Matapos maareglo ang problema sa Restaurant ay binalikan niya si Akie sa Hospital. Sa wakas ay bumalik na sa dati ang kulay ng balat nito at nawala na rin ang pamamantal. Nang masiguro na maayos na ang lagay ng dalaga ay nagpasya si Andrew na umuwi na sila. "Don't eat seafoods again. It might harm your health at baka ikamatay mo pa. Kawawa naman ang nobyo mo kapag nagkataon." masungit na pahayag niya sa dalaga habang nagmamaneho pauwi. Kanina lang ay alalang-alala siya rito, ngayon naman ay naiinis na naman siya. Hindi niya tuloy maiwasang tanongin ang sarili kung normal pa ba siya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD