The Italian Playboy's Ex-bedmate
Blu Delacroix
Chapter 5
“ARE YOU FOR REAL, DELACROIX? Parang isang babae lang ay na-ospital ka na? I can't believe it!” Randall Lappiere kept talking even though his mouth was busy chewing peeled fruits or even the unpeeled ones. Na kung ano lang ang maabot nito mula sa fruit basket na dala rin nila para sana kay Blu.
Humalili si Randall sa hospital bed na para sana kay Blu na siyang pasiyente. Sa gilid nito ay isang bedside table kung saan nakapatong ang isang basket ng samu’t saring prutas na madali nitong naaabot.
Ten minutes ago when Randall, Al Cris and Zurick came to the hospital to check Blu. Napasugod ang mga ito nang ipaalam ni Blu na nasa ospital na siya nang siya ay magising sa araw na iyon.
“She is not an ordinary woman for crying out loud, dudes! She's... she's a f*****g monster! Al Cris, that woman is a monster. You couldn't imagine how swift and severe her blows were. She almost killed me. Damn it!”
“Panis pala ang angas mo sa babaeng iyon, a.”
“Fûck off! If it was you, I am sure you're already in your death bed today.” Blu scolded his irritating friend.
Habang inilalabas ni Blu ang matinding hinaing nito ay panay lamang ang ngisi ni Randall Lappiere.
Muscle contusion and swelling ay ilan lang sa tinamo ni Blu mula sa babaeng iyon kagabi. He was still lucky that that despicable woman didn't throw a punch straight to his head or else hindi sa ospital siya naisugod kundi ay baka dumerecho na siya sa morgue.
“I should blame you for not giving me a warning of the danger that woman possessed.” Blu sternly said straight to Al Cris who was just silent since they came inside his hospital room.
“Malay ko bang halimaw pala sumapak ang babaeng iyon. All I know about her is just her being the most annoying spy. ‘Yon lang.” Katwiran ni Al Cris Gauthier.
“Bwisit.” Blu harshly muttered. Hirap pa rin siyang igalaw ang katawan dahil sa bugbog kahit na tinurukan na siya ng pain reliever.
That beautiful woman is indeed a walking danger. A disaster in flesh! Akala ni Blu na napakagat na niya sa kanyang charm and seduction ang babaeng iyon na pinagkasunduan nilang alisin sa landas ni Al Cris. Ang hindi alam ni Blu ay hindi pala basta-bastang babae iyong spy na sumusunod sa kaibigan niyang si Al Cris. After beating him hard last night, the woman just dumped him in a flank of a dark road.
“Anyway, do you remember now the face of the woman who saved your ass last night, Delacroix?” Zurick de Souza asked casually.
Iyon ang dahilan kung bakit bumangon si Blu mula sa hospital bed dahil hindi siya komportable roon. He tucked himself comfortably on the visitor’s couch upang kalkalin sa isip niya ang mukha nang babaeng sumaklolo sa kanya kagabi.
Ibig niya itong alalahanin. Utang niya sa babaeng iyon ang buhay niya. It sounded exaggerating but he couldn't imagine his situation if he got stuck in a worse and unwholesome situation last night kung masama at mapanamantalang tao ang nakakita sa kanya. Baka natuluyan siya o ano pa man.
But the woman's face couldn't appear clearly inside his head sapagkat masama na ang lagay niya nang lapitan siya ng babae.
“Do you?” Muling tanong sa kanya ni Zurick nang nanatiling walang kibo si Blu.
Blu frustratingly shook his head. “I don't.”
“Sabi ng nurse sa emergency room ay nawala raw bigla ang babaeng nagdala saiyo kagabi rito. I wonder why she just left hastily.” Zurick stared at Blu.
“Baka hinipuan mo rin kaya tinakbuhan ka.” Seryosong komento ni Randall.
“Damn you!” Asik ni Blu rito.
“How can you be so sure that the woman who brought you here and the woman who beaten you up were different person? Baka naman iyong spy din na iyon ang nagdala saiyo rito, p’re.” It was Randall.
“Can’t be the same person. I remembered her voice. The voice of the woman who saved me. She's...” He paused and poked his inner lips with his tongue. Naipilig ni Blu ang ulo nang bahagya.
The woman's voice... it sounded familiar to him. Ngayon iniisip ni Blu na baka isa sa mga naging kalandian niya ang babaeng sumaklolo sa kanya kagabi. He let out a sigh. His sigh was trouble.
“And I lost my damn wallet.” Inis niyang anas.
“Pabayaan mo na ‘yon. Mahirap ka naman at barya lang iyong nandoon sa pitaka mo.”
“You motherfucker! ‘Ando’n ang golden condom!”
“WHAT?!” All his friends shrieked in unison.
Blu doesn't care about his cards and whatever he has in his lost wallet. Ang golden condom na iyon ang mas inaalala niya.
Even though their rock band SoulDragon was already disbanded years ago ay marami pa rin silang tagahanga saan mang parte ng mundo and people would still recognize that certain thing which signified their group before. Or even until now. Patunay doon ang maraming babae na pumupunta sa bar niya who presented fake golden sachets to claim a night with him. To have him. Ngunit ni isa ay wala siyang pinaniniwalaan.
Golden condoms were the signature of their group. Si Zurick Rhames de Souza ang pasimuno nito noon na kinabaliwan ng mga tagahanga nila. Bawat miyembro ng banda nila ay mayroong isang Golden condom na itatapon nila sa madla bago nila tutugtugin ang huling awit sa mga concert nila.
And whoever caught that Golden condom pack, which usually a lady ay magkakaroon ito ng pribilehiyo na maka-date ang miyembro ng SoulDragon. That privilege would always ended up with one-night-stand.
And their female fans are still crazy about them. Kahit hanggang ngayon seemed like nothing has changed of how desperate women could get just to be with them. Pagmumulan ng gulo ang bagay na iyon. Minsan nang may na-rambolan na mga fans makahawak lang ng gintong pakete na iyon at ayaw na nilang maulit iyon.
“You f*****g have that thing still?” Si Zurick na tila hindi makapaniwala.
“I still have them.” Pag-amin ni Blu. “I always took it back from anyone who caught it from our concerts. I sure paid them a generous amount just for them to give it back to me and shut their mouths. I never used it with other women before.”
Si Randall ay tuluyan nang tinantanan ang mga prutas at napabangon mula sa hospital bed. All of them were eyeing Blu intently and disbelievingly.
“Are you even serious?” Naniningkit ang mga matang anas ni Al Cris.
“We have had, if I'm not mistaken, sixteen major concerts before we got disbanded, Delacroix! Sa labing-anim na international concert na iyon ay nagtatapon ka ng gintong ‘tanginang pakete na iyan, ni isa ay wala kang pinatulan?”
Umismid si Blu.
“Walanghiyang títí iyan, ang behave naman! Matiisin.”
“Fûck you!” Singhal ni Blu kay Randall.
“Was it because of that certain lady who's the reason why you kept coming back to Manila secretly before, Delacroix?” Zurick asked plainly yet his eyes were gleaming like as if he knew something that the rest of their group don't.
“Lady?”
“We didn't know you were actually coming here before, Delacroix noong panahon ng SoulDragon.”
Umayos si Al Cris ng pagkakaupo at tinitigan nang maigi si Blu. Ganoon din si Randall who seemed to appear misled.
“I was...” Matalim na tingin ang ipinukol ni Blu kay Zurick. “I’d say it, alright. I was into a certain young girl before. I met her in a not-so-appealing moment nine years ago because she was Nigel's neighbor. She was a young, innocent yet stubborn girl. She instantly got me.” Blu took a deep breath. Hindi niya malaman kung kailangan ba talaga niyang ikuwento sa mga kaibigan niya ang tungkol sa kabanatang iyon ng buhay niya.
“Sounds bad.” Palihim na komento ni Zurick.
He then decided to unchained everything he was keeping all for himself for almost a decade now.
Buo na ng mga panahon na iyon ang kanilang grupong SoulDragon sa Canada. One Christmas holiday was approaching and his friends got a good plan on how to spend the holidays. Samantalang siya ay wala. He missed his home back in Italy ngunit kung uuwi siya ay tiyak na galit at sermon ng kanyang ama lamang ang mapapala niya.
Three nights before Christmas, Nigel— their band’s vocalist— told him that he was going to the Philippines. To his family. Sumama si Blu kay Nigel sa Pilipinas at naging mainit ang pagtanggap sa kanya ng pamilya ni Nigel.
Habang abala ang pamilya Lasorda sa paghahanda ng mga pagkain para sa noche buena ay nasa lawn naman si Blu kasama si Nigel. May hawak na gitara si Blu samantalang si Nigel ay halos hindi niya makausap dahil madalas itong babad sa cellular phone nito at kausap ang noo’y long time girlfriend nitong si Reverie de Gracia.
Hindi lang maamin ni Blu na medyo nababagot din siya hanggang kinagabihan ay nadatnan niya ang tatlong binatilyong mga pinsan ni Nigel na may pinag-aagawang bagay— a woman's laced underwear na asul ang kulay.
Sinita ang mga ito ni Blu and the young boys handed him the underwear. Inamin ng mga ito na ninakaw nila ang underwear mula sa kapitbahay nilang pinangalanan ng mga itong Rebecca. Nang ituro ng mga binatilyo ang tapat na bahay kung saan nakatira ang may-ari ng lace underwear na iyon ay hindi malaman ni Blu kung bakit naisipan niyang puntahan ang bahay ng Rebecca na iyon.
“She slapped me. Hard. She was accusing me that I was the one who stole her panty. She was yelling at me, cursing me but I was too stunned by her beauty. By her voice.” Patuloy na kuwento ni Blu.
“She’s really beautiful that I couldn't get mad at her even though she almost beaten me up. Sobrang ganda, e. Ang sarap halikan, kainin, nguyain. She was a hot virgin, ganoon din ako—”
“Asshóle!” Maagap na kontra ni Al Cris.
“Langya! You are telling us that you were in love before?” Randall asked. “No. We won't believe you.”
“Noon iyon. I was seeing her within a year whenever I got a chance to escape from our engagements. I can't be with other girls before because my dîck was loyal to her. I am addicted to her. Then shít happened and I wasn't able to see her anymore.”
“That’s not bad at all. Malas naman ng babaeng iyon kung nakatuluyan mo. Baka hindi ka pa sinasagot ay may isang dosena ka nang reserba.”
“Hayop ka!”
Sa araw din na iyon ay pinakiusapan ni Blu ang mga kaibigan niya na humingi ng CCTV footage ng hospital. Malakas ang paniniwala niya na kahit papaano ay na-record ng CCTV ang pagsugod sa kanya kagabi ng babaeng lumigtas sa kanya. He owed her his gratitude. At gusto niyang malaman kung nakuha ba nito ang wallet niya.
HINDI NA MATANDAAN ni Redd kung ilang minuto na siyang nakatayo sa labas ng bagong biling condominium unit ni Sage Soldivar. Alam niya ang address niyon at kabilang ang pangalan niya sa listahan ng pinahintulutan ni Sage na makabisita sa pad nito.
Ang baon niyang determinasyon at kapal ng mukha ay tila nalulusaw habang nakatitig siya sa pintuan ng unit ni Sage. Her heart felt heavy na para bang may nakadagan doon. Naiiyak siya habang parang tangang nakatayo roon.
Kung may mahihingan lang talaga siya ng tulong maliban kay Sage ay hindi niya susubuking lapitan ito lalo pa’t may kinalaman sa pera ang pabor na ilalapit niya. Baka isipin na talaga ni Sage na mukhang-pera siya.
Pero kung sasabihin niya kay Sage ang sitwasyon nila ay umaasa si Redd na maintindihan siya nito.
She was ready to push the door bell to make her presence known from the inside when someone spoke.
“Who are you?”
Napatda si Redd nang malingunan ang isang eleganteng babae. The middle aged woman stopped a good one meter from her. She's dressed expensively. Nangatog ang mga tuhod ni Redd nang hagurin siya ng nanghuhusgang tingin ng babae.
“I am asking you, so you should better answer me, lady. Who are you and why are standing here outside my son's flat?”
Nanlaki ang mga mata ni Redd. Ang babaeng nasa harapan niya ay walang iba kundi ang ina ni Sage Soldivar. No wonder why Sage looked so handsome and extravagant dahil mukhang namana nito ang pagiging exceptional sa ina nito.
“A–ako po si Redd, ma'am. Kaibigan po ako ni Sage.”
“No!” Pasinghal na wika ng ina ni Sage na nagpaatras kay Redd. The woman's eyes were sending her fire. “You can't be my son's friend. Ilang beses ka nang nababanggit ng anak ko and although I didn't meet you yet, I already feel disgusted with the likes of you! Isang disgrasyada, isang kahig isang tuka at walang class!”
Napaayos ng gulugod si Redd. “Sobra naman kayong mangutya, Mrs. Soldivar.”
“Don’t you dare answer me back with your stupid lines! Oh please.” May pandidiring anas nito. “Ano pa bang kailangan mo sa anak ko? I already told Sage to give you a good amount of money para makabayad sa ginawa mong pagtulong sa kanya. Isn't it enough? Why do you still have to come here and see my son? Ano pa bang kailangan mo?”
“Tatlong milyon!” Walang gatol na sagot ni Redd na nagpalaki sa mga mata ni Mrs. Soldivar. Redd lifted her chin up and challengingly stared at Sage’s mother.
“Tatlong milyon ang kailangan ko. Ngayong nalaman n’yo na ho ang kailangan ko, matanong ko ho kayo kung kaya n’yo bang ibigay iyon. Tutal mukha hong mapilit kayo.”
“Y–you’re... You're despicable!” Nanggagalaiting bulyaw nito. “Umalis ka rito, ipokrita kang mukhang-pera! Stay away from my son you... you opportunistic b*tch!” Mrs. Soldivar’s face reddened with fury and disgust.
Opportunistic bîtch...
Nag-e-echo pa rin sa isip ni Redd ang hindi kalunuk-lunok na mga salitang isinumbat sa kanya ng ina ni Sage kahit nakalayo na siya mula sa building kung nasaan ang unit ng binata.
Iyon na nga yata ang kalalabasan niya kung hindi dumating ang ina ni Sage at itinaboy siya. Patutunayan lang niya na tama ang panghuhusga sa kanya ng ginang.
Ang kaisa-isang solusyon na naisip ni Redd para tugunan ang napakalaki nilang problema ay tuluyan nang nabura. Hindi siya maaaring lumapit kay Sage. Ano ang mukhang ihaharap niya sa pamilya nito kung malalaman ng mga ito na hihiram siya ng ganoong kalaking pera mula kay Sage? Tiyak walang maniniwala sa kanya na tunay ang pagtingin na mayroon siya sa binata.
Nahusgahan na nga siya kahit wala pa siyang ginagawa, paano pa kaya kung natuloy ang pakay niya kay Sage.
Ang sakit pa ng dibdib niya. Nanghihina na rin ang katawan niya. Mula pa kagabi nang nanggaling sa kanila ang grupong iyon ng dating boss ng Papa niya ay hindi pa nakakakuha ng maayos na pahinga si Redd. Ni wala pa siyang matinong kain hanggang sa mga oras na iyon.
“Psst...”
Nakailang sitsit na kay Redd ang sakay ng taxi na nakasunod sa kanya ngunit hindi niya iyon napapansin dahil sa sobrang lalim ng iniisip niya. Tila wala na siya sa sarili habang naglalakad sa daan. Gagabihin na siya ngunit nangako si Redd na hindi siya uuwi sa bahay nila hangga’t hindi siya nakakaisip ng panibagong solusyon.
“Redd, hoy!” Nang lumakas ang tawag ng babae mula sa umaandar na taxi ay doon na napahinto si Redd.
“O, Lilac?”
Pinahinto ni Lilac ang taxi. Si Lilac ang kapitbahay ni Redd na sa pagkakaalam niya ay isang stripper. Estudiyante ito at pormal kung kumilos. Si Redd lang yata ang may alam na ganoon ang trabaho ni Lilac at walang alam doon ang mga kapitbahay nila.
“Tulala ka. Tara, sumama ka sa akin.” Aya sa kanya nito.
Hindi naman nagdalawang-isip si Redd na sumama rito. Hindi niya matalik na kaibigan si Lilac pero puwede na rin itong hingahan ng kanyang problema.
“Dalhin mo ako sa bar. Gusto kong mag-inom. Pero bago iyon, pakainin mo muna ako. Ayaw kong mamatay sa gutom.”
“As I expected. Pinuntahan kita kanina sa bahay ninyo dahil may pakay ako saiyo. Ngunit sadyang madaldal ang anak mo kaya nasabi niya sa akin ang tungkol sa tatlong milyon.” Ngumisi lang si Lilac at pinausad na ang taxi. “Sa Blue Avenue tayo, Manong pero daan muna tayo sa madadaanan nating drive thru.”