The Italian Playboy's Ex-bedmate
Blu Delacroix
Chapter 4
IT TOOK thirty minutes to bring the man in the hospital. Hindi mapakali si Redd sa buong biyahe kanina na kasama nila ang lalaki sa kotse. At katabi pa nito ang anak niya!
Tila napaparalisado ang sistema ni Redd habang hinahatid-tanaw ang lalaking ipinapasok sa emergency room. Fear seemed to rise inside her. Sakay na ito ng stretcher at wala nang malay. Dalawang nurse ang umaasikaso rito. Malala yata ang sinapit nito sa kamay ng sino mang nagtangka sa buhay nito. Kung ang babaeng sakay ng motorbike kanina ang may gawa niyon sa lalaki ay hindi matiyak ni Redd.
Wala na sa kanyang plano ang samahan sa loob ang lalaki. Natataranta siya sa mga pangyayari at mabuti na lamang ay nagagawa pa niyang hindi ipahalata sa anak niya ang totoong nararamdaman.
She went back inside the car and hit back the road going to Beth's house. Kanina pa dapat niya naihatid ang kotse na iyon. Baka mag-alala si Beth o baka naisipan na nitong na-carnap na ang sasakyan nito.
They arrived at their destination safe and sound.
Busy sa pagzu-zumba si Beth nang madatnan nilang mag-ina sa lawn ng bahay nito. Inimbitahan sila ni Beth na roon na maghapunan ngunit tumanggi si Redd. Kapuna-puna ang pagmamadali kaya hindi na nagpumilit si Beth. Ni hindi na hinintay ni Redd ang iaabot na pera ni Beth para sa paghahatid nila ng sasakyan nito at basta na lamang tumawag ng taxi na masasakyan nilang mag-ina pauwi.
Redd remained silent inside the cab with her confused child beside her. She could still feel the churning of her stomach and the wild beating of her heart against her ribcage. Hindi niya magawang pakalmahin ang sarili.
It was so hard to do so when she just saw the man who she almost believed she wouldn't able to see again. That unconscious man she took to the hospital was her ex-bedmate. Iyon lang naman ang ama ng kanyang anak!
At hindi siya maaaring magkamali. It is him— the Italian jerk who just disappeared and left her without even bothering to say goodbye nor utter a single word.
Hinapit ni Redd papunta sa kanya ang anak bago niya mariing ipinikit ang mga mata atsaka isinandal ang ulo sa headrest ng backseat. She was starting to feel a serious headache.
Babalikan na sana ni Redd ang tagpo kanina sa loob ng kanyang isip nang masilayan niyang muli ang mukha ng lalaking sinaklolohan nilang mag-ina ngunit naudlot ang paglalim ng pag-iisip niya nang marinig niya si Tyrian na tila may binabasa.
“Blu... Blu Nazaire Delacroix...”
“Ty?”
She looked down at her son and her eyes grew saucer-wide when she saw what was her son's holding.
“‘N–nak, paano mo... Paano napunta saiyo ang mga ito?” Bulalas ni Redd. She felt a knot in her guts while glaring those cards in her son's hands. Maging ang cab driver ay bahagya ring nagulat sa pagbulalas niya.
Nagkibit lamang ng balikat ang pitong taong gulang niyang anak. “Nahulog kasi ng mamá kanina noong hinatid mo siya sa hospital, Mama. Ibabalik ko sana pero sabi n’yo kasi kanina na huwag akong bababa ng kotse.” Tyrian explained nonchalantly.
Nanginginig ang kamay na kinuha ni Redd ang dalawang identification card mula sa kamay ng anak. She wasn't even aware that she was still shaking.
“Blu Nazaire Delacroix,” she mumbled the name written on the card at hindi niya mabilang kung ilang beses niya iyong mahinang sinambit.
Then she focused her eyes on the identification picture. And now, she couldn't blink her eyes. Titig na titig siya sa identification image ng may-ari ng cards na iyon.
His honey brown eyes were intense, penetrating rather and his lips were unsmiling but she could tell that maybe he was just stifling his mischievous smirk while capturing this image. His hair was cut in a modern slicked style. It was the same hairstyle of him that she could still remember.
He aged but he aged finely, hotly, sexily katulad ng alak na kapag mas matagal na nakatinggal ay mas lalong malinamnam.
He's really back! He's here!
But why do his cards tell another name? Or is it his real name, isn't?
Blu Nazaire Delacroix.
Naging mariin ang pagkakahawak ni Redd sa mga card. Gusto niyang mapamura ngunit hindi niya mapalaya ang masasamang salita mula sa kanyang bibig dahil naroroon sa tabi niya ang anak niya.
So, it only means that this man lied to her before? He lied to her! He fooled her when he introduced himself as Azure Strazza.
That sonofabítch! Kaya pala ang hirap hanapin kasi iba ang pakilala nito sa kanya noon.
“Ma, kendi ba ‘to?”
Napabaling si Redd sa anak. May kinuha na naman ito mula sa loob ng wallet. Pinakealaman na talaga ng anak niya ang wallet ni Blu Delacroix.
“Huh? Tingin.” Sinuri ni Redd ang pakete na kulay ginto. Kung hindi sa malapitan ay mapagkakamalan talagang totoong paketeng ginto iyon. But it was a foil. Nang tingnan ni Redd sa kabila ay may nakasulat doon na letrang S at D which are written in a good thick font.
She had no idea what it is.
Nang matanaw ni Redd na malapit na sila sa bahay nila ay kinuha niya mula sa anak ang wallet at ibinalik doon ang kulay gintong pakete at ang mga identification card. “Itatago ko na muna ‘to, ‘nak dahil kailangan natin itong ibalik do’n sa may-ari.”
Atsaka maayos na pinagsabihan ni Redd ang anak na huwag makikialam sa gamit ng ibang tao.
Bumaba na silang mag-ina sa taxi matapos magbayad ng pamasahe. She took her son's hand nang mapahinto si Redd nang makita ang isang pamilyar na van sa harapan ng bahay nila. Kinutuban siya ng masama sa sobrang tahimik ng bahay nila at patay ang ilaw sa buong bahay.
“Nasa sabungan po yata ang Lolo Resti, Mama.” Narinig ni Redd na sabi ng kanyang anak. Humikab ito senyales na inaantok na. Alas nuwebe pasado na rin kasi at naalala niyang hindi pa nga sila naghahapunan.
“Wala ng sabungan sa ganitong oras.” She whispered to herself.
Nasaan ang tatay niya? Imposible namang wala pa ito sa bahay nila ng ganitong oras.
Hindi binibitawan ni Redd ang kamay ng anak nang pumasok sila sa maliit na gate. Karaniwan ay tumatahol na ang alaga nilang aso na si Azul kahit nga nasa labas pa sila ng gate. Pero maging ang aso ay tila tahimik. At wala ito sa puwesto nito.
Lumaki ang kabang nararamdaman ni Redd nang tuluyan niyang binuksan ang pinto ng bahay nila. Kinapa niya ang switch ng ilaw at ganoon na lamang ang pagmulagat ni Redd nang matagpuan ang nasa lima kataong lalaki sa loob ng kanilang bahay. Tila kanina pa siya hinihintay ng mga ito.
Tigagal si Redd sa nadatnan. Yinakap niya ng mahigpit ang anak na katulad niya ay gulantang din. Natatakot.
“Sino kayo? Ano ang pakay n’yo rito?” She roamed her eyes around their house. Wala namang nagulo o nasira sa mga gamit nila ngunit hindi matawaran ang nerbiyos na nararamdaman ni Redd.
“Nasaan ang Papa ko? Ano’ng kailangan ninyo rito?”
“Naniningil kami, hija.” Ang lalaking prenteng nakaupo sa kanilang sofa ang sumagot. Pormal ang suot nito at nakakasilaw ang makakapal na mga alahas na suot nito. Lahat ng daliri nito ay may nakasuot na gintong singsing na malalaki. Redd knew that those men are all armed and dangerous.
“Singil? Para saan? Hindi ko kayo kilala—”
“Ako ang dating Boss ng tatay mo. Dati ko siyang bouncer sa club na pagmamay-ari ko. Naging mabait naman akong amo sa hijodepúta mong ama kaya hindi ko malaman kung bakit nagawa niya akong traydurin!”
Redd could feel her body started shaking. Pinilit niyang yapusin ang kanyang anak para hindi nito makita ang mga taong nasa loob ng bahay nila.
“Tatlong milyon! Iyon ang halaga na sinisingil ko. Iyon ang halagang ninakaw ng ama mo. Ang halaga ng epektos na ipinuslit ni Resti mula sa akin.” Nag-aalab sa peligro ang mga mata ng lalaki.
Mahinang napapailing si Redd. Kinikilabutan siya sa halagang binanggit ng lalaki. “Hindi iyan totoo!”
Lumiit ang mga mata ng lalaking may katandaan na. “Hindi ako magsasayang ng oras at lakas sa paghahanap sa ama mo kung nagsisinungaling ako. Kailangan kong mabawi ang perang tinangay ng ama mo noon sa lalong madaling panahon.”
“Nasaan ang Papa ko? Ano ang ginawa ninyo sa kanya?” Her voice trembled.
Napatingin si Redd sa lalaking nasa unang baitang ng makipot nilang hagdan. Mapanganib itong nakangisi habang humihithit mula sa electronic cigarette nito. “Pinatulog ko lang saglit ang ama mo sa itaas. Humihinga pa naman ngunit hindi ko lang maipapangako na ganoon din ang letseng aso n’yo.”
Napakurap si Redd. “A–anong...”
“Babalik kami sa susunod na Linggo, araw ng Martes sa ganito ring oras.” Tumayo ang lalaking nagpakilalang Boss ng grupo at mabigat na tinitigan si Redd. “Ihanda mo ang tatlong milyon, hija...” He paused and looked down to her son. “Kapag hindi ko makuha ng buo ang halagang sinabi ko saiyo ay umasa kang iisa lamang sa nakatira sa bahay na ito ang malilibre ng buhay.”
KINAUMAGAHAN na nang magising si Mang Restituto. May pinsala ito sa katawan gawa ng mga taong naroroon sa bahay nila kagabi.
Sa sofa na nakatulog kagabi si Tyrian. Nakaunan sa mga hita ni Redd samantalang si Redd ay magdamag na gising ang diwa.
“Anak, pasensiya ka na sa gulong idinulot ko sa inyong mag-ina. Hindi ko akalain na madadamay kayo. Kung may matatakbuhan lamang sana akong iba, sana’y hindi na ako nagpakilala sa inyo ni Tyrian. Sana lumayo na lamang ako—”
“Tay, ano ba? Sa tingin n’yo ba ay makakatulong sa sitwasyon natin ang pag-iisip ninyo ng negatibo?” Nasa likod-bahay si Redd at ang kanyang ama. May maliit na bakanteng lupa roon kung saan sila naghuhukay ng paglilibingan nila kay Azul.
They didn't find any wound or blood from their dog ngunit hindi na ito humihinga kagabi nang madatnan nila ito sa kanilang kusina.
“Redd, patawarin mo ako, anak. Patawarin mo ako. Hindi lang ako naging iresponsableng ama saiyo, ngayon ay ipinahamak ko pa kayo ng apo ko. Hindi ko alam ang gagawin ko kung paano ko maibabalik ang perang iyon. Hindi ko alam kung paano ko kayo mapoprotektahan. Patawarin mo ako, anak ko.” Humagulhol si Mang Restituto at napaluhod sa tabi ng binubungkal nitong lupa.
Pinalis kaagad ni Redd ang luhang lumandas sa kanyang pisngi. Redd asked her father to tell her everything. Kung bakit ito nagkautang ng tatlong milyon sa taong nagpunta sa bahay nila kagabi.
“Maniwala ka, Redd. Hindi ako nagtutulak ng druga noon ngunit nahulog ang loob ko sa isang singer sa club na pinagtatrabahuan ko noon. Akala ko’y tapat si Mylene nang sinabi niyang mahal niya ako at magsasama kami. Tinulak niya ako na tanggapin ang sideline na maghatid ng druga kahit isang beses lang ayon sa kanya at ang kikitain ko mula roon ay sapat na upang umalis kami sa club na iyon at tumira sa ibang lugar. Tumanggap ako ng utos mula sa Boss ko. Pinadala niya ako sa isang malaking negosasyon. Ang hindi ko inaasahan ay nakaabang na ang grupo ni Mylene sa lugar na tutunguhan ko. Kinuha ni Mylene ang epektos...”
Hirap si Mang Restituto na balikan ang pangyayari noon.
“Bantayan ninyong mabuti si Tyrian. Aalis ako. Hindi mareresolba ang problema na ito kung walang ni isa sa atin ang hahanap ng solusyon.” Determinadong wika ni Redd.
“T–tatlong milyon iyon. Anak, paano?”
“Si Sage. Susubukan kong lumapit sa kanya, ‘Tay.”