KABANATA 6

2681 Words
The Italian Playboy's Ex-bedmate Blu Delacroix Chapter 6 NAKAIPIT SA KILIKILI ni Redd ang brown paper bag na may lamang dalawang aloha burger. Samantalang ang kanang kamay niya ay may hawak na large french fries at ang isang kamay ay ginagamit niyang pangsubo ng fries sa sarili. Good for two persons ang in-order nila sa drive thru ng isang fast food restaurant pero kanya lahat iyon dahil hindi naman gustong kumain ni Lilac. Ang dalawang order ng palabok with one piece chicken ay nilantakan na ni Redd sa loob ng taxi at saktong nasimot niya bago pa sila makarating sa Blue Avenue. Dahil sa dala-dalang suliranin ay hindi masabi ni Redd kung nabusog ba siya. Parang nanlalamya pa rin kasi ang katawan niya. “Pang-mayaman ‘tong club a.” Komento ni Redd nang igala niya ang tingin sa establishment na iyon ng naturang club. She was just stating the obvious. Blue Avenue is a high-end nightclub indeed. Hindi naman dinudumog ng tao ang club sa gabing iyon dahil siguro ay Huwebes pa lang. Malamang ay araw ng Biyernes at Sabado ang drop night ng club. May iilan na dumadating at lahat nang nakikitang pumapasok ni Redd sa Blue Avenue lalo na ang mga babae ay mistulang mga fashionable socialite na sasabak sa catwalk. “It is.” Sabi ni Lilac na may ngisi sa labi. “Hulaan mo kung magkano ang entrance.” Patungo na sila sa entrada ng club. Si Redd ay nahuhuli ng lakad at kahit naglulumikot ang mga mata ni Redd sa kakasunod sa mga customer din ng club ay panay pa rin ang subo nito ng fries. “Wampipti.” Balewalang hula niya sa tanong ni Lilac. “One-fifty? Ano ‘to, kabaret sa tabi-tabi? Sobra ka.” “May pahula-hula ka pa kasi. ‘Di mo na lang bayaran, iistorbohin mo pa utak ko. Para namang bibigyan mo ako ng cash prize kapag tama ang hula ko.” Natawa si Lilac sa kanya. “Tama lang talaga na naisipan kong hanapin ka para yayain mag-inom. Won't have a dull moment with you.” Sa tagal nilang magkapitbahay at ilang beses na pagiging service driver ni Redd para kay Lilac ay mukhang nasanay na ito sa paiba-ibang ugali ni Redd na minsan ay mapagbiro at madalas ay suplada. Bihira ring lumabas ang pagiging mandurugas ni Redd kapag gipit siya sa pera. “Mismo! Kaya kailangan ay malasing mo ako ngayong gabi.” Seryoso niyang saad ngunit wala naman talaga siyang balak na maglasing. Ang balak lang niya ay ang hindi umuwi habang hindi pa siya nakakakita ng pag-asa kung paano reresolbahin ang tatlong milyong piso na problema nila. Ekis na si Sage dahil baka mas lumaki pa lalo ang suliranin niya oras na rito magmula ang perang kinakailangan niya. Nasa tatlong libo ang entrance ng club. May kasama na iyong tatlong drinks at access sa rooftop pool. Siniko ni Redd si Lilac hustong malampasan nila ang station kung saan nagbabayad ng entrance. “Gagó! Anim na libo kaagad, pagpasok pa lang. Mamumulubi tayo rito— este ikaw lang pala kasi wala akong iaambag saiyo. Pero Díos ko ka, Lilac. Galit ka ba sa pera?” Tonong nanenermon si Redd. “Huwag ka na ngang magreklamo. Sagot ko naman ang lahat dahil gusto ko talagang mag-unwind tonight.” They took an ordinary table near the VIP lounges. “Unwind lang pala ang hanap mo, abaniko lang naman ang katapat no’n. Ang sosyal mo! Nakakapag-unwind nga ako sa bahay. Manonood ng cocomelon sa cellphone nang hating-gabi tapos wala akong suot na panty.” “Ang gagó.” Tumawa nang malakas si Lilac at pinagtinginan sila ng isang grupo na malapit sa table nila. Hindi in sa luxurious nightclub na iyon ang sweatshirt, ripped jeans at tsinelas ni Redd kaya hindi maiiwasang may mapapalingon sa gawi niya subalit hindi tiyak kung dahil iyon sa namamangha sila kay Redd o namimintas. Magkaharap na umupo si Redd at Lilac. “So, ano nang plano mo sa problema n’yo nina Mang Resti?” “Tatlong milyon nga bago ang araw ng Martes.” Redd took out the burgers from the paper bag. Wala siyang pakialam sa kanyang paligid. “Order kang masarap na pulutan ha?” Aniya kay Lilac nang makitang paparating na ang waiter na kukuha ng kanilang order. Even the club’s waiter looked dashing, tall and macho. Papasa nang tall, dark and handsome. Mukhang kaya nitong makipagsabayan kay Sage Soldivar sa pagmomodelo. The waiter greeted them politely the moment he approached their table. A warm smile across his lips. “Hi, ladies. I’m Adolf, I'll be your service for tonight. Can I take your order, ladies?” Kumislot ang gilid ng labi ni Lilac dahil sa Italian accent ng waiter. Napatitig ito sa mukha ng waiter nang ilang segundo. Parang wala itong narinig. Dahil mukhang malabong makapagsalita sa mga sandaling iyon si Lilac dahil halatang nabighani ito sa kaguwapunan ng waiter kaya si Redd na ang nagdesisyon sa o-order-in nila. “Uhm, we're having a negroni for our free drinks and then, we'll order liquid cocaine but we like it to be a full drink rather than a shot. Give us also nachos with avocado dip. Just a single order. We'd love to try also your presa and collar please.” Redd cited her orders smoothly without even looking at the club's menu. May ngiting tumango ang waiter at nagpaalam para ihanda ang kanilang orders. Kumagat sa burger si Redd nang marahan siyang tapikin ni Lilac na nag-abala pang abutin siya. Sumama ang tingin niya rito. “Fúck, Redd! May ka-sosyalan ka pa lang tinatago sa katawan?” Hindi makapaniwalang wika ni Lilac. “We’re having a negroni...” Panggagaya ni Lilac but she failed to mimic how Redd fluently voiced out their orders just awhile ago. “Parang nag-ibang tao ka!” “Ikaw, masyado kang pakialamera sa trip ko.” Pagtataray ni Redd. “Huwag ka nga r’yan. Nakakamangha kasi iyon, ‘no! Never pa kasi kitang narinig na mag-ingles tapos ang bongga pa ng pagkakasalita mo.” Redd munched on her burger. “Samahan mo ako maghanap ng tatlong milyon nang sa gano’n ay mas matuwa pa ako saiyo.” Walang-hiya-hiyang sabi ni Redd kay Lilac. Inismiran ni Redd ang hawak niyang burger at walang ganang inilapag iyon sa lamesa, ipinatong sa brown paper bag na supot niyon kanina. “Iyon nga, may maipapahiram ako saiyo pero nasa kalahating milyon lang ang kaya ko, Redd mula sa savings ko.” Nanlaki ang mga mata ni Redd, hindi lubos makapaniwala na hindi nagdalawang-isip si Lilac na pahiramin siya ng ganoong kalaking pera. “Ang laki no’n. Púnyeta, Lilac! Naiiyak ako pero tinatamad akong mag-emote.” She pouted. “May ipon din ako, Li pero nasa otsenta mil pa lang. Iyong pambili ko sana iyon ng maliit na lote sa probinsya pero gagalawin ko na. Hindi ako manghihinayang na ilabas ang lahat ng perang mayroon ako dahil may banta sa buhay naming tatlo. Natatakot ako para kay Tyrian at Papa.” Malaking tao iyong dating Boss ng Papa niya. Miyembro ng sindikato kaya wala sa mga pagpipilian ni Redd ang tumakas silang tatlo at magtago dahil tiyak na mahahanap at mahahanap sila ng taong iyon dahil sa saklaw na lawak ng koneksiyon nito. “Hindi n’yo ba p’wedeng pakiusapan iyong naniningil sa Papa mo na gawin mong installment iyong tatlong milyon? Hindi ba niya nakita iyong buhay natin doon sa lugar natin na hindi naman tayo mayayaman?” Bagsak ang balikat na bumuntong-hininga si Redd. Natatakot siyang isipin ang mga paparating na unos sa buhay nila. Ngayon pa lamang ay nadudurog na siya dahil malabong makalikom siya ng tatlong milyon hanggang sa araw ng Martes na siyang ibinigay na talaan ng taong iyon! Apat na araw na lamang ang mayroon siya. Bukas ay papasok siya sa shop na kanyang pinagtatrabahuan at ilalapit niya kay Wacky ang problema niya. Lalapit din siya kay Beth. Lahat ng tao na maaari niyang takbuhan ay pupuntahan niya. Hindi bale nang masugatan ang dignidad niya dahil sa kahihiyan huwag lamang malagay sa alanganin ang buhay ng kanyang anak at ng Papa Restituto niya. “Ayaw kong mawalan ng pag-asa pero, Li...” She paused and a tear escaped from her eyes. “Pero nakakatakot ang sitwasyon namin, Lilac.” Ginagap ni Lilac ang kamay ni Redd. “Handa kitang tulungan, Redd.” Napatitig si Redd sa mukha ni Lilac. Nakuha niya kaagad ang nais sabihin nito but she chose not to speak. Titig na titig lang siya kay Lilac. “Kung wala ka sa gipit na sitwasyon na ito, Redd ay alam mong imposible kong isu-suhestiyon ang natatanging paraan na alam ko pero, Redd. Matutulungan ka ni Rish. Maniwala ka.” Rish is Lilac’s lady boss. Ito ang humahawak sa mga stripper at marami itong kilalang mayayamang personalidad na nangangailangan ng entertainment. Hindi lang matiyak ni Redd kung may-involve nang pagbebenta ng katawan sa linya ng hanapbuhay ng mga ito. Ayaw niya ring itanong ng direkta iyon kay Lilac dahil baka ma-offend ito dahil masyado nang pribado ang impormasyon na iyon. Mapait na ngumiti si Redd. “Kahit na gawin ko iyong trabahong iyon, Lilac imposible nang kumita ako ng malaki. Nakikita mo ba ang ayos ko, matagal na akong nawalan ng oras sa pag-aayos. Ano’ng ipupuhunan ko roon? Kahit na ibaba ko pa sa impyerno ang dignidad ko at ibenta ang katawan ko ay hindi na ako kikita ng malaki dahil nalabasan na ng bata iyong pékpek ko!” Frustrated na litanya ni Redd. Nang-uunawang tumango si Lilac. Dumating ang kanilang order at naging magana si Redd sa pakikipagbangayan sa alak. Hindi na muling binuksan ni Lilac ang tungkol kay Rish at sa trabahong isinuhestiyon nito. Sandaling nagpaalam si Lilac upang magbanyo. Sampung minuto pa lamang na nawawala si Lilac nang napatigil si Redd sa pag-simot ng alak sa baso niya dahil may kaguluhang sumambulat sa gawi kung nasaan ang banyo. Tumingala si Redd at nakita na pati ang ilang customer na naroon sa mezzanine ng club ay napatingin sa ibaba kung saan may nagaganap ng commotion. Pababayaan na sana iyon ni Redd nang may tumakbong waiter sa kaniya. “Ma’am, your friend is attacked by someone in the comfort room.” “Ano?!” Bulalas ni Redd at dahil nakainom na siya ay biglang umikot ang kanyang paligid nang marahas siyang napatayo. Sinikap ni Redd na mapuntahan si Lilac. Mayroon nang mga empleyado ng nightclub ang sinusubukang pakalmahin ang gulo. “Li... Díos ko!” Gulat na gulat si Redd sa ayos ni Lilac. Nabugbog ito at masama ang kalagayan. May umaasikaso ritong babaeng waiter. “I am gonna kill that stupid whóre! I'm going to fúcking kill you! Asawa ko pa talaga ang lalandiin mo, walanghiya ka!” Napatitig ng mariin si Redd sa babaeng nagsusumigaw sa galit. At kung hindi pa sa lalaking pumipigil dito ay baka na-atake na naman nito si Lilac. “Ano?! Ikaw? Kasama ka ba ng haliparot na babaeng iyan na muntik nang madala ng asawa ko? Kasama ka ba?” Sinigawan din si Redd ng babae. “Oo, kaibigan ko ‘to. Ano ang problema mo?” Tumuwid ang gulugod ni Redd. “Redd, don't.” Mababang pigil sa kanya ni Lilac. Nagtagis ang bagang ni Redd nang makitang may pulang likido nang sumisilip mula sa mga kalmot sa mukha at braso ni Lilac. Hindi nakinig si Redd kay Lilac. “I didn't expect that this club would let some cheap and stupid whóres like you two inside here. Nagkakalat kayo ng dumi ninyo rito, mga hampaslupa! Your presences are stinking at nakakasuka!” “Ang ingay mo!” Matalim na saad ni Redd atsaka dinalawang hakbang lang ang nanggagalaiting babae at sinampal ito ng ubod ng lakas. Dahil sa sampal niya ay muntik na itong matumba kung hindi lang ito nasalo ng asawa nito. The club bouncers kicked her and Lilac from the club. Wala siyang pakialam kung ma-ban sila roon kasi nunkang babalik pa siya sa lugar na iyon sa sobrang mamahal ng mga inumin doon. Puwede naman siyang tumungga ng gin at utangin kay Aleng Panching kung gugustuhin niyang maglasing. “Sino ba iyong pangit na iyon at iniskandalo ka?” Iritableng usisa ni Redd kay Lilac nang nasa taxi na sila. “Si Sir del Rosario iyon. Professor ko at anak ng founder ng college na pinapasukan ko. Matagal na akong ino-offer-an no’n ng malaking pera para sa isang gabi. ‘Di ko naman inaasahan na may asawa na pala iyon at kasama pa niya sa club.” Walang-lakas na paliwanag ni Lilac na malamyang nakasandal ang ulo sa bintana ng taxi sa gilid nito. “Lintik na iyan. Bakit mo pinatulan?” Dinadaan ni Redd sa pagtataray ang pagkahabag sa sinapit ni Lilac. Kung puwede lang siyang bumalik sa Blue Avenue ay babalik pa siya at bubugbugin niya ang letseng asawa ng del Rosario na iyon. Titiyakin niyang makakalbo ito! “Kung iniisip mo na nagbebenta ako ng katawan ay nagkakamali ka, Redd.” Nagbaba ng tingin si Lilac at nagpakawala ng hangin sa bibig. “Gusto ko lang na mas makatulong pa sa inyo kaya naisip ko na tanggapin ang alok ni Sir del Rosario.” “Púnyeta ka naman, Lilac! Bakit ba ang bait-bait mo, letse ka?!” Naiiyak na singhal ni Redd at tinawanan naman siya ni Lilac. “Wala lang. Matagal naman na tayong magkapitbahay at ikaw lang iyong nag-iisang kaibigan ko sa lugar natin. At akala mo ba ay hindi ko alam na sa tuwing hinahatid mo ako sa mga customer ko ay alam kong binabantayan mo ako. Isama pang parang pamangkin na rin ang turing ko kay Tyrian kaya hindi ko maaatim na manahimik lang gayong hindi biro ang sitwasyon ninyo.” Nag-iwas ng tingin si Redd at pinahid ang luha. “Ang drama mo! Nawawala tuloy iyong kalasingan ko. Shít ka!” Lilac sweetly smiled. Dumerecho sila sa apartment na tinitirahan ni Lilac. Malinis ang apartment nito ngunit walang gaanong kagamitan at kasangkapan maliban sa sofa bed, aircon at coffee table kung saan may nakapatong na laptop. Inasikaso ni Redd si Lilac at nilapatan ng pangunang lunas ang mga sugat nito. “Sasabihin mo ba sa pamilya mo itong nangyari saiyo? Baka mag-alala ang mga iyon.” “I don't have a family, Redd. Oo, may ina ako but I... I left her.” Mababa ang boses na pag-amin ni Lilac. May bumalatay na galit sa tinig nito nang mabanggit nito ang ina. “Iyon lang ang sinasabi ko sa mga tagarito sa tuwing may nagtatanong sa akin para hindi sila maghinala kung saan ko nakukuha ang pera ko na kinikita ko sa pag-i-strip show.” “Ang sama pala. Mabuti pa ako may Papa Resti pa ako at siyempre may ubod ng pogi akong anak.” Ngumiti si Lilac. “Tutal nandito na rin lang ako ay uuwi na muna ako sa amin at sisilipin ang dalawa. Mag-iisip na rin kung kanino pa ba ako lalapit.” Paalam ni Redd nang matiyak na maayos na ang lagay doon sa apartment ni Lilac. Hindi pa siya nakakahakbang nang may tumawag kay Lilac. “Sunday? P—pero, Rish kasi ano. Hindi ako pupuwede kasi masama ang lagay ko. Masama ang hitsura ko.” Pinakikinggan ni Redd si Lilac habang sinasalaysay ni Lilac sa kausap na boss nito ang kabuuran ng nangyari sa Blue Avenue. “I don't think I can... What? Oh, my God! Totoo bang sila, Rish? Half a million for just two hours show in a stag party? Damn! Damn! Damn!” Natapos ang tawag at nagmukhang problematic ang hitsura ni Lilac. “Hoy, napaano ka?” Untag ni Redd na malapit na sa pinto ng apartment ni Lilac. “Booking, Redd. Kalahating milyon ang bigayan but as you can see, masyadong napag-initan ang mukha ko kaya baka isuka ako ng customer.” Tumambol ang dibdib ni Redd nang nagtitigan sila sa mata ni Lilac at sandali pa’y tila nagmamakaawa ang mga mata nitong tumango sa kanya na tila siya’y hinihikayat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD