THE ITALIAN PLAYBOY'S EX-BEDMATE
Blu Delacroix
Chapter 3
"UBUSIN MO 'YONG baon mo, ha? Sobra 'yang inilagay ko sa bag mo kaya i-share mo kay Echo." Bilin ni Redd sa anak. Si Echo ay kaklase ni Tyrian na madalas nitong maikuwento.
Hanggang labas ng classroom niya hinatid si Tyrian dahil umuulan sa araw na iyon.
Kasama rin nila si Mang Restituto na nagpaiwan na lamang sa labas ng gate ng public school. Dederecho sila ngayon ni Mang Restituto sa clinic para maipasuri niya ang Tatay niya.
Humigit kumulang isang oras ding nagmatigas si Mang Restituto dahil ayaw talaga nitong magpacheck-up pero sa huli ay nagpahinuhod din ito nang si Tyrian na ang nagsabing magpatingin na ito sa doktor. Ang apo lang pala ang magpapalambot sa matigas ang ulong Lolo nito.
"Sinabi ko po 'di ba na huwag n'yo na akong ibili ng baon, Mama kasi sigurado naman akong pupunta ngayon dito si Sir Sage, hahatiran ako ng pangmayaman na baon. Promise niya 'yon, e." Seryosong sabi sa kanya ng anak. The boy's eyes were eyeing her with naive rebelliousness.
Siyempre, saan pa ba magmamana ng katigasan ng ulo ang anak niya kundi sa kanya rin naman at sa Lolo nito. Nasa dugo talaga yata nila ang pagiging suwail.
Tinulungan ni Redd ang anak na hubarin ang raincoat nito. "Naninigurado lang si Mama, 'nak. Alam mo naman na umuulan baka mahirapang bumyahe si Sage, 'di ba? Ayaw ko lang na magutom ka."
"Alam ko darating talaga si Sir Sage. Usapang lalaki kaya 'yon kaya kailangan na tuparin n'ya. Sumbong ko s'ya kay Lolo Resti kapag pinaasa n'ya ako. Lagot 'yon."
Madalas talaga ay lumalabas ang pagiging domineering ng anak niya- isa sa mga ugali ng kanyang anak na hindi siya natutuwa. 'Di naman siya ganoon noon at lalo naman ngayon. Napapaisip din naman si Redd kung saan nito nakuha ang ugali nito. Parang hindi rin naman ganoon si...
Halos mabilaukan si Redd sa sarili niyang laway dahil kung saan-saan na naman naglalakbay ang isip niya. Masyado namang naglulumikot ang utak n'ya.
"Shh. 'Wag naman kayong ganiyan kay Sage, 'nak. Baka ma-pressure 'yon masyado at mabulag. 'Di na no'n makikita ang ganda ni Mama. Ikaw din."
Isinabit ni Redd ang raincoat ni Tyrian sa mababang pader sa gilid ng hallway. Nakigaya na rin siya dahil doon lang din naman sinampay ng ibang estudiyante ang raincoat ng mga ito.
"Kailan po pala ang kasal ninyo ni Sir Sage, Mama? Para masabihan ko po si Teacher ko kasi noon pa iyon panay tanong tungkol sa asawa n'yo. Ako rin ang namomroblema dahil wala na akong maikuwento kay Teacher maliban sa panonood namin ng sabong ni Lolo."
Yumuko ng bahagya si Redd upang ipantay ang mukha niya sa anak. Hindi rin naman siya gaanong na-bend dahil likas na mas matangkad si Tyrian kaysa sa mga kaklase nito na mga kaedaran din nito.
Bukod doon kaya hindi sila makatakas sa pang-uusisa ng mga nagiging guro ni Tyrian tungkol sa ama nito ay dahil malinaw sa facial feature ng bata na hindi ito purong Pilipino. Her son's roccon-like eyes are in shades of intense blue-gray. Ang buhok naman nito ay natural na light brown at crinkly and Tyrian also had a fair skin. Fair skin din naman siya kaya siguro sa kanya iyon namana ng anak niya.
Pero hindi niya maintindihan kung bakit naging blue-gray ang kulay ng mga mata ni Tyrian gayong hindi naman ganoon ang kulay ng mga mata ng lalaking 'yon!
"'Nak, makinig ka ha? Huwag kang masyadong pala-kuwento rito sa school mo, okay? Huwag mong masyadong ipagkalat ang drama ng pamilya natin dahil wala namang best in Marites na award sa school. Mag-focus ka na lang sa recess, mas matutuwa pa 'ko."
Nagpaalam na si Redd sa anak atsaka niya binalikan sa labas ng gate si Mang Restituto.
Mukhang wala nga yatang plano ang kalangitan na tumigil sa pag-ulan. Nag-aalala tuloy siya kay Mang Restituto dahil hindi niya ito nabaunan ng jacket. Hindi naman kasi siya na-inform na uulan pala. Hindi kasi siya nag-aabala na sumilip sa weather forecast sa android phone niya. Mabuti na lang talaga at hindi nawawala ang raincoat sa bag ni Tyrian.
Lumingap sa paligid si Redd at napakunot ang noo nang hindi niya makita si Mang Restituto. Una niyang naisip ay baka umuwi ito at umatras na sa pagpapacheck-up.
Naku naman! Mararanasan talaga nito ang isang malupitang sermon ng isang anak.
Naghanap-hanap pa sa paligid si Redd. Baka naroon lang naman ang Tatay niya o baka lumipat ng masisilungan. Naisipan ni Redd na kailangan niyang tumawid patungo sa mga nakahilerang tricycle sa hindi kalayuan. Baka naroon lang si Mang Restituto.
Dyahe naman at tiyak na mababasa siya ng ulan at ang sapatos n'ya.
Ngunit bago pa man naihanda ni Redd ang sarili sa pagtawid ay napatigil na lamang siya nang may namataan siyang itim na van sa hindi kalayuan. Laking pagtataka ni Redd nang makitang bumaba roon si Mang Restituto.
Bakit galing doon ang Tatay niya? Sino ang kumausap dito? Parang wala sa sarili ang kanyang ama mula nang bumaba ito sa itim na sasakyan na iyon. Pati ang malakas na ulan ay hindi nito alintana.
Nanikip ang dibdib ni Redd. Umusad ang itim na sasakyan na binabaan ni Mang Restituto at tila sinadya ng driver niyon na bagalan ang takbo nang tumapat iyon sa sinisilungan niya. Walang plate number ang sasakyan kaya naman ay hindi naging maganda ang kutob niya.
Natapos na lamang ang check-up ni Mang Restituto ay tikom pa rin ang bibig nito sa kung sino ang kinausap nito sa itim na van.
"WAX, HALF-DAY ulit ako bukas, ha? Pasensiya na. Kailangan ko kasing ibalik si Tatay sa doktor para sa mga laboratory test n'ya." Pagbibigay abiso ni Redd kay Wacky-ang may-ari ng shop kung saan siya nagtatrabaho.
Walking distance lang ang shop na iyon sa paaralan ng anak niya. Pabor na pabor kay Redd sapagkat palagi niyang nakakasabay ang anak niya. Alas sais ng hapon nagsasara ang shop at bago mag-alas sinko ay pumupuslit si Redd para sunduin sa school si Tyrian atsaka sila sabay na uuwi ng pasado alas sais.
"Walang kaso, Redd. Wala namang pasok bukas ang bayaw ko kaya siya muna sa kaha sa umaga. Ano raw ba ang findings ng doktor sa Tatay mo?"
"Sintomas daw ng pulmonya iyong kay Tatay kaya kailangan ng lab test baka kung ano na. 'Di na rin ako mapakali. Masyado naman kasing sinasarili ni Tatay iyong sakit niya. Naiinis ako."
Kinse minutos na lamang ay magsasara na sila ng shop at nag-uumpisa na ring maglinis si Redd at ang dalawa pa niyang kasamahan.
"Higpitan mo na si Mang Restituto at turuan mong masanay na hindi kapiling si gin."
"Naman! Paluluhurin ko na 'yon sa monggo kapag nakita ko pang uminom. Naku! Hindi hamak na mas mahirap palang pangaralan ang matanda kaysa bata."
Natawa si Wacky.
"Siya nga pala, Redd. Pasuyo na lang ako nitong Sedan ni Tita Beth. Gagamitin niya raw bukas kaya kailangan na maihatid. Nasabihan ko na siya na ikaw ang maghahatid kaya siya na raw ang bahala sa pamasahe mo pauwi."
Bukod sa pagbebenta ng mga car and motorbike spare parts ay may talyer ding pinapatakbo ang amo ni Redd. Magtatatlong taon nang empleyado sa shop si Redd. Doon siya nahilig sa mga sasakyan na dati naman ay wala siyang interes. Doon na rin siya natutong magmaneho dahil hindi naman niya kailangan na matuto noon dahil may sarili siyang chauffeur.
Marami ring bentaha para kay Redd ang pagkawala niya sa poder ni Minerva Montellano dahil namulat siya sa totoong mundo. Natuto siyang tumayo sa sarili niyang mga paa. Natuto siyang maging matapang na harapin ang hamon ng buhay.
Lalo na nang dumating sa buhay niya si Tyrian at parang mas dinagdagan ng Diyos ang hamon sa kanya. Isang taong mahigit din siyang nakitira sa dating kasambahay nila pero umalis din si Redd dahil hindi pa ganoon kakapal ang mukha niya noon. Mahiyain pa siya. Pumasok na rin siyang katulong pero parati siyang nasisisante dahil ano ba namang alam niya sa mga gawaing-bahay gayong pinalaki siyang prinsesa ni Minerva Montellano. Masaklap ang inabot niyang bully sa kanya ng mundo pero ni minsan ay wala sa option ni Redd ang sumuko. Wala iyong puwang sa kanya kahit na lalampa-lampa siya noong una at ganda lang ang ambag niya sa mundo dahil may Tyrian siyang kailangang buhayin.
Malayo na nga ang buhay niya ngayon hindi tulad noon na tila nagsisilbing panalag ang pera at impluwensiya ni Minerva para hindi siya masagi ng totoong mukha ng mundo. Kahit hindi siya mag-aral ng maigi ay walang problema dahil nga may pera at may koneksiyon si Minerva Montellano. She was protecting Redd in a way that it was too good to be true.
"No problem, Wax."
"I AM SURE YOU won't resist me, darling. You're so damn beautiful. I wish I could be your slave tonight." Hinapit kaagad ni Blu sa bewang ang babaeng pakay nang hindi ito umalma nang ma-corner niya rin ito.
Blu left Randall and Al Cris in the VIP table because he immediately proceeded to fulfill his part in their silly deal. He was that competitive and painstakingly game anytime and any-fcking-where. His current life is too boring kaya kung ano mang challenges ang dumaan sa kanya ay nasasabik siyang sakyan and make every second worthwhile.
Just like this gorgeous woman in his arm. He was wondering how loud this woman will be if he is already riding and bumping above or behind her. He can't wait to figure that out.
The woman just looked back at him, appearing powerful and unaffected by how close their bodies are. Kung ibang babae lang ito ay baka kanina pa nito dinikdik ang dibdib kay Blu.
"What kind of game is this, Mr. Delacroix?" The woman asked, failed to sound flirty because her voice turned out icy and all-knowing.
"Game?" Mas nilandian pa ni Blu ang tinig. He enticingly dropped his eyes to the woman's lips before he lifted it back to her eyes. "Invite me to your place, darling and I will show you every sensuous game I've mustered that I want to play with you."
The woman's eyes smiled unknowingly like there was a ghost danger hiding behind it.
In all honesty, Blu doesn't have any concrete plans on how to get this woman away from Al Cris' way. Ang iniisip lang niya ngayon ay ang masolo ang babae at kausapin ito ng sarilinan. If he had to pull out a prize from his own pocket just to convince this woman to stop spying and pissing his friend off, he would.
Ngunit mas titingkad ang gabi niya kung papatulan ng babae ang pinupulso ng p*********i niya.
The woman was too attractive. Blu was actually doubting if the woman is really a spy. Wala sa mukha nito ang ganoong trabaho.
His eyes followed how the woman took a soundless sip from her margarita. Pagkatapos ay may sumilay na namang ngiti sa mga labi nito. The woman lifted her hand which holding the glass and poked out her index finger before she drew lines against Blu's prominent jawline with her long nails.
"P'wede pero sa isang kondisyon."
Husto nang umikot ang mga mata ni Blu sa pangungusap na iyon. Mukhang may pagkakatulad ang babaeng ito at si Al Cris. Palaging may kondisyon na para bang sa iisang tadyang lang hinugot ang dalawa.
"Say it."
"Follow me in my car and let's do tackle our private talk in there." Inilapag ng babae ang baso nito sa tray na dala ng napadaang waiter bago hinila palabas ng Blue Avenue si Blu habang hawak-hawak ang kanyang kuwelyo.
"MAMA, KAILAN MO PALA ako tuturuan magdrive ng kotse?"
Redd's fingers automatically stopped from tapping against the steering wheel when her son asked her from the backseat. Umaakto rin itong nagmamaneho sa ligod at tila may hinahawakan na imaginary steering wheel. Seryoso ito at maangas ang mga mata.
Her lips curved into a smile.
Kasalukuyang binabaybay nilang mag-ina ang daan patungo sa bahay ng tiyahin ni Wacky kung saan niya ihahatid ang Sedan.
"Anak, bakit hindi mo unahin na itanong sa akin kung kailan ikaw magpapatuli?" Tanong pabalik ni Redd sa anak na kagyat ang pagsasalpukan ng mga kilay dahil sa kanyang tanong.
Panaka-nakang sinusulyapan ni Redd ang anak mula sa rearview mirror. Tantiya ni Redd ay kalahating oras pa ang itatagal nila sa kalsada dahil sa trapiko bago nila marating ang bahay ng may-ari ng sasakyan na kanyang minamaneho.
Ngunit wala siyang reklamo roon dahil nga'y makikita na naman nila si Beth- ang tiyahin ng amo niya.
Beth is a childless woman. Mayamang Español ang napangasawa nito at mula nang makilala silang mag-ina ni Beth ay madaling napalapit ang loob nito sa kanila at ganoon din silang mag-ina rito. Beth is a very nice and generous woman. Magiliw ito kay Tyrian na kahit ano lang ang ibinibigay nito sa bata sa tuwing nakikita nito si Tyrian at maging sa kanya rin.
"Mama, kasi! Noon 'di ba 'sabi ko sa'yo na kailangan ikasal muna kayo, Mama para may Papa na akong sasama sa akin magpatuli."
Para namang kay dali lang na gawin iyon. Ito talagang anak n'ya, parang ipinaglihi sa WARRIOR. Ayaw ng madaling buhay. Palaging gusto ng challenges at enkombensensiya.
"Paano pala kung hindi na ako makapag-asawa, 'nak? E 'di, supot ka na lang habambuhay, ganoon?"
Mahinang napailing si Redd. Sana naman ay hindi magaya ang anak niya sa lalaking nakabuntis sa kanya. Na na-circumcised lang noon matapos nang unang gabing pagniniig nila because she encouraged him to get circumcision that was why he did it and her by his side. Imagine how awkward the session was and it was still vivid in Redd's memory up until now.
Redd took a glance at her child through the rearview mirror once again. Parang hindi nagustuhan ng anak niya ang sinabi niyang iyon dahil lalo lamang itong napasimangot.
"Bakit naman po, Mama? Ayaw ba saiyo ni Sir Sage?"
"Baka hindi. P'wede rin namang oo." Redd nonabrasively shrugged, uncertainty snapped through her brain.
"Kung ayaw niya saiyo, 'di hanapin nalang natin ang totoong Papa ko."
Muntik nang maubo si Redd sa ideyang iyon. Well, it wasn't a pretty idea and it wasn't a good idea to talk about Tyrian's father either.
Ilang sandali siyang nawala sa focus at mabuti na lamang ay umalis na sila sa trapiko. They were already a couple of kilometers away from the village where Beth's home is.
Kapag nababanggit ni Tyrian ang ama nito-na bibihira lang naman nitong banggitin- ay awtomatikong nawawala sa kontrol si Redd.
"Kailan ba natin hahanapin ang totoong Papa ko, Mama? Bad po ba siya kaya ayaw ninyo siyang hanapin?"
It is a very rare case that her son would ask her a serious question, especially about his father. Katulad na lamang ng naisip nitong topic nila ngayon. Hindi malaman ni Redd kung anong nakain ng anak niya at bakit panay ang tukoy nito sa ama ngayon.
"H-huh? Bad? Uhm, hindi naman bad ang Papa mo, 'nak." Ubod lang ng landi, dugtong ni Redd sa kanyang isip at napalunok.
It's been so long since that man left her pero wala yatang dumaan na araw na hindi sumasagi sa isip niya ang lalaking iyon. Paano ba naman kasi niya mabubura nang tuluyan sa kanyang alaala ang lalaking nakabuntis sa kanya gayong lahat yata ng parte ng katawan niya ay selyado nito noon. Pati yata apdo niya ay natatakan pa ng dulo ng p*********i nito dahil kung makabulusok ito noon sa loob niya ay talagang sagad.
Higit sa lahat ay nag-iwan pa ito ng bagama't masungit ay napakaguwapo namang souvenir- si Tyrian.
"Parang gusto ko nang hanapin natin iyong Papa ko, Mama. Kasi 'di ba kapag may shoes na 'di kasya saiyo, 'di natin dapat pilitin na isuot iyon. Dapat humanap tayo ng shoes na iyong kakasya sa atin. Parang ganito, Mama. Kung ayaw saiyo ni Sir Sage kasi 'di ikaw ang para sa kanya ay baka para ka talaga sa Papa ko."
Tuluyan nang gumaralgal ang isip ni Redd. She took a deep breath before she opened her mouth to speak. She had to tell her son that it's close to impossible that they would meet her son's father. She couldn't lie to her son about it. Kahit siya ay matagal na ring nawalan ng pag-asa na makikita niyang muli ang lalaking nakabuntis sa kanya.
"'Nak, makinig ka kay mama, okay? Kahit naman hindi na 'ko makapag-asawa, pangako ko naman saiyo na hinding-hindi kita papabayaan. Kayo ng Lolo Resti mo. Masaya naman tayong tatlo-"
"Mama!" Marahas na nahigit ni Redd ang hininga sa biglang pagtili ng anak.
"Shīt!" Parang puputok ang dibdib ni Redd sa sobrang kaba nang dagli niyang apakan ang brake.
Muntik na silang makabangga!
"Ayos ka lang diyan, Ty?" Labis ang pag-aalala sa tinig ni Redd nang lingunin niya ang anak.
Tumango ang bata. "Mama, nabangga po ba natin iyong lalaki?"
Hindi! Natitiyak ni Redd na hindi nila nasalpok ang lalaking hindi niya alam kung saan nanggaling at paanong basta na lamang sumulpot kalahating metro lang yata mula sa kanila. Nang tumingin siya sa abante ay hindi na niya makita ang lalaki. Lalo siyang binundol ng kaba.
"Bababa ako. Diyan ka lang." Aniya sa anak atsaka alistong bumaba mula sa driver seat.
Napamura sa ilalim ng kanyang mabigat na hininga si Redd nang matagpuang nakadapa sa mismong harapan ng Sedan ang isang lalaki.
Naroon ang takot sa kanyang mga mata nang igala niya ang paningin sa paligid. May iilang sasakyan na dumaraan doon ngunit tila wala ni isa ang may balak na huminto. O marahil ay hindi napapansin ng mga ito ang lalaking nakahandusay sa kalsada dahil nasa medyo gilid sila ng daan.
God knows she didn't hit this man! She swore to all Saints she knew that she didn't.
Sandali munang natuod si Redd sa kanyang kinatatayuan. Dumaan sa isip niya na baka isa lamang itong panggagantso ngunit nang dumaing ang lalaki ay napakurap si Redd.
He's alive! Oh God!
Akma na sanang dadaluhan ni Redd ang lalaki nang may isang motorbike ang huminto sa mismong tapat ng Sedan na ihahatid pa niya kay Beth.
Ang angas ng motorsiklo, tangina! Iyon kaagad ang naisip ni Redd.
"That motherfucker isn't dead yet."
Napaangat ang kilay ni Redd nang matantong babae ang nagmamaneho ng motorbike.
A Ducati Desmosedici motorbike that is made of carbon fiber everywhere! A motorbike that costs an arm and a leg. Kung nandito lamang si Wacky ay tiyak na nagningning na ang mga mata niyon sa mangha at inggit.
"Mabuti naman kung ganoon at baka madawit pa ako riyan." Redd almost rolled her eyes.
"Take him to the nearest hospital. I'm certain that he broke some bones."
Tumalim ang tingin ni Redd sa babaeng hindi nag-abalang bumaba sa motorbike nito. Mata lang nito ang nakikita niya dahil nakasuot ito ng sombrero at mask. Sino ito sa akala nito para utusan siya?
"Take him? Bakit ko naman gagawin iyon-"
"It's all yours and do as I say."
Humarurot na paalis ang motorsiklo samantalang si Redd ay naiwang nanlalaki ang mga mata nang makita ang laman ng sobre na iniabot sa kanya ng babae.
Pera! Makapal na salapi.
"Mama..."
Dali-daling isinuksok ni Redd ang sobre sa kanyang belt bag nang bumaba si Tyrian sa kotse.
"'Nak, dadalhin natin sa ospital itong mamá."
"Nasaksak din po ba siya katulad noon kay Sir Sage nang iligtas mo?"
"Medyo ganoon na nga, 'nak. Bato na lang yata ang kulang at si Darna na ako." Ipinanganak ba siyang tagapagligtas? Pangalawang beses na ito at puro lalaki pa.
Maingat na pinatihaya ni Redd ang lalaki na dumadaing pa rin sa sakit ngunit ganoon na lamang ang paghinto ng pintig ng puso niya nang matamaan ng headlight ng Sedan ang mukha ng lalaki. Nanlalamig siya na napabitiw dito at napaupo sa kalsada, ang mga mata'y dilat na dilat na nakatitig sa mukha na iyon.