KABANATA 2

2380 Words
The Italian Playboy's Ex-bedmate BLU DELACROIX Kabanata 2 “DALAWANG BUWAN na lang ay makakatay ka na, Teodora. Magpataba ka pa riyan sa loob, okay?” Kausap ni Redd sa alkansiya niyang yari sa kawayan at hinimas-himas pa ito. Hinulugan niya ng tatlong one hundred peso bill ang alkansiya. Iyon ang naitabi niya sa pamamasada sa araw na iyon. Teodora ang ipinangalan niya sa alkansiya na iyon na isinunod ni Redd sa pangalan ng asawa ni ‘Tay Gastonio– ang matandang pinagbilhan niya ng alkansiya pitong buwan na ang nakakaraan. Nakalaan ang ipon niya para sa eight birthday ng anak niyang si Tyrian. Hindi siya maghahanda ng salu-salo kung ‘di ay tutuparin niya ang noon pang hinihiling ni Tyrian na mag-Baguio sila. Pangarap kasi ng anak niya na mamitas ng strawberry. Kaya kapag day-off ni Redd sa regular niyang trabaho bilang tindera ng isang spare parts shop ay namamasada siya bilang Grab cab driver. Minsan naman kapag may mga kapitbahay o may kakilala siyang naghahanap ng magmamaneho patungong out of town na nalakad ay sinusunggaban niya. Kayod-kalabaw na nga si Redd dahil siya lang ang naghahanap-buhay para sa anak niya at sa ama niyang si Mang Restituto. Hindi siya namimili ng trabaho basta ba’t marangal ito. Kailangan niyang mag-ipon ng mag-ipon para sa future ni Tyrian at pangarap din ni Redd na makabili ng sariling bahay at lupa. Balak niya ay sa probinsya kung saan lumaki ang Tatay Restituto niya ngunit sa ngayon ay hindi pa niya nasasabi ang plano niya sa kanyang ama. Itinago na ni Redd ang alkansiya sa itaas ng lumang aparador na nagsisilbing lalagyan nila ng mga babasaging kagamitan sa kusina. Narinig niya kasi na pababa ang Tatay niya at nag-aalis pa ng bara sa lalamunan. Alas onse na at kakauwi pa lamang niya galing Laguna. Doon niya kasi inihatid ang kapitbahay niyang si Lilac dahil may raket ito roon. Bukas pa siya babayaran ng babae kapag natanggap na nito ang talent fee nito. Ganoon madalas ang agreement nila ni Lilac at wala siyang maalala na minsan na nitong sinira ang usapan nila. Pagkauwi ay dumerecho na lamang si Redd sa kusina para maghapunan. Nagsandok siya ng pagkain pagkatapos ay bumalik siya sa sala. Nasorpresa siya nang makita niyang nakaupo sa makipot na hagdanan ang kanyang ama. Malalim ang iniisip nito na tila may bumabagabag dito. Katunayan niyan ay hindi nga siya nito napansin na naroon na siya. “Alas onse na. Ba’t gising pa kayo, ‘Tay?” Noon lang siya napansin ng matanda. Bumaba na ito. Mahina ang kilos. Inaantok na yata. “‘Wag n’yong sabihin na naghahanap na naman ng gin ang lalamunan n’yo dahil tulog na si Aleng Panching.” Binuksan ni Redd ang old model nilang telebisyon at hininaan ang volume bago inilipat ang channel sa Sports. “‘Di na. P’wede ko namang ipagpabukas ‘yon siyempre. Hindi pa naman kasi ako inaantok kaya bumaba muna ako.” Napaubo ito kaya nilingon ito ni Redd. She noticed a ghost distress in her father's eyes. Sa ilang segundong nakatingin siya sa ama ay parang nawalan na ng gana si Redd na kumain. “Matulog na ho kayo. Bukas ay hapon na ako papasok sa shop. Gumising kayo ng maaga bukas at pupunta tayo ng clinic pagkatapos kong ihatid sa school si Tyrian.” Ibinalik niya ang tingin sa telebisyon. Mainam na lamang at kaunti lang ang sinandok niyang kanin kaya mauubos niya iyon kahit hindi na siya makaramdam ng gutom. “Ano’ng gagawin natin sa clinic? Magpapacheck-up ka? Buntis ka?” Muntik nang mapaubo si Redd. Parang nanayo ang balahibo niya sa naisip na tanong ng ama. Nginuya niya muna ang pagkain sa loob ng kanyang bibig bago muling nagsalita. “Kinikilabutan ako sa tanong mo, ‘Tay. Ano ka ba naman?” “O, ba’t ganiyan ang reaksiyon mo? Posible naman iyon dahil napapadalaw naman dito si Sage. Dalawang beses pa kada linggo.” Parang bumalik yata ang gana niya sa pagkain dahil nabanggit sa usapan si Sage. Huwag na lang talagang mabanggit ulit ang salitang buntis. Bringing up that word will only uplift those memories she left all behind. Masyado nang madrama ang buhay niya kaya hangga’t maaari ay ayaw na niyang baunin ang nakaraan sa kasalukuyan at lalo na sa hinaharap. “Para namang ginagapang ko si Sage kapag naririto ‘yon.” May panghihinayang niyang sambit. Totoong dalawang beses kung dumalaw sa bahay nila si Sage mula nang bumalik ito galing France dalawang linggo na ang nakalilipas. Sa mga araw na hindi naman ito nakakapasyal sa bahay nila ay tumatawag naman ito para mangamusta at magkuwento kung nasaan ito at kung ano ang ginagawa nito. Sage would always update her. Pinapaasa nito ang malandi niyang puso. “Tipo mo e ‘di gapangin mo nga. Kapag magkamaling tumakbo, akong bahala ro’n. Sanay ako sa santong paspasan noon. Aba’y doon ako nabuhay ng ilang dekada.” Inabot ni Mang Restituto ang remote ng telebisyon para ilipat ang channel patungong sabong na mga replay lang. Sumubo ulit ng pagkain si Redd. “Parang may gusto rin naman saiyo iyong binatang iyon kaya huwag mo nang pakawalan. Tutal hiwalay naman daw iyon sa nobya niya. Ikaw na ang gumawa ng hakbang para magkaroon na ng ama at mga kapatid ang apo ko.” “Oo ba pero ‘saka na nga natin pag-usapan iyan, ‘Tay. Basta bukas dadalhin kita sa clinic. Napapansin kong kakaiba na iyang ubo mo. ‘Di na ‘yan nakikinig kay Mang Remedios at Robitussin.” “Magsasayang lang ng pera, e.” Ibinalik ni Mang Restituto ang channel sa Sports atsaka tumayo na. “Siyempre naman, ‘Tay baka kung ano na iyan, mahirap na. Kailangan mo pang mabuhay ng medyo matagal dahil tutulungan mo pa akong pikutin si Sage, ‘di ba?” “Hayst. Makatulog na nga.” “‘Yan. Good boy ka riyan, ‘Tay. Good night saiyo and you may have the sweetest dream in your life. Sleep well para bukas ay masuot mo na iyong bagong sapatos na binili ko saiyo.” “Kain kang mabuti riyan atsaka tigilan mo nga ‘ko sa clinic-clinic na iyan, Rebecca Edencia! Malusog ako.” Nakangiti man ay gumuhit pa rin ang pag-aalala sa mga mata ni Redd habang hinahatid-tanaw niya ang sesenta y dos años na si Mang Restituto paakyat ng makipot na hagdan. May sinasariling problema ang Tatay niya, ramdam iyon ni Redd nitong mga nakaraang araw. Bagama’t lumaki si Redd na hindi nakilala ang mga magulang ay hindi naman siya nahirapang tanggapin at kupkupin si Mang Restituto isang araw na bigla na lamang itong dumating sa shop na pinagtatrabahuan niya. Wala pang dalawang taong gulang noon ang anak niyang si Tyrian nang magpakilala sa kanya si Mang Restituto na ito ang tunay niyang ama. Hindi malaman ni Redd kung lukso ng dugo o pagkahabag ang naramdaman niya noon sa may edad na lalaki dahil payat na payat noon si Mang Restituto, sunog ang balat at mahaba ang buhok at ubanin na. Bagaman at ganoon ang hitsura ni Mang Restituto noong una silang nagkatagpo ni Redd ay hindi pinagdudahan ni Redd na ito nga ang biological father niya. Minerva Montellano —her adopted mother once shown her a picture of her real father kaya alam niya ang hitsura at pangalan ng kanyang tunay na ama. Gumaan ang buhay nilang mag-ina nang dumating si Mang Restituto. Nagkaroon ng maraming oras si Redd para kumayod dahil may napagkatiwalaan na siyang mag-aalaga sa anak niya. And Mang Restituto never failed to be a good grandfather to her son. Kahit na minsan siya nitong tinalikuran ay nakikita ni Redd kung paano ito bumawi sa kanya at sa anak niya. Karamihan sa mga gawaing bahay ay ito ang gumagawa. Mang Restituto is overprotective to her and to her son. Katunayan niyan kaya walang nagkakamaling manligaw kay Redd dahil takot kay Mang Restituto. Si Sage Soldivar lang talaga ang kauna-unahang lalaki na tinggap ni Mang Restituto sa bahay nila ngunit bilang kaibigan lang at hindi manliligaw. Kung kailan sila darating sa ligawan portion ni Sage ay iyon ang tutuklasin niya. “A STAG PARTY? You can't be serious, Blu!” Matalim na tingin ang ipinukol ni Randall Lappiere sa kaibigang si Blu Delacroix. Blu just invited his best friends Randall Lappiere and Al Cris Gauthier to have a drink with him in Blue Avenue— a wild bar which he solely established in the Metro. Blue Avenue is the first property that Blu Delacroix owned in Philippines since he decided to migrate in the country from Canada. Ang gusaling iyon na rin ang nagsisilbing tirahan ni Blu. Randall, Al Cris and him are all Canadian citizens although Blu Delacroix is a full Italian by blood. Blu’s parents are both from Italy. He belonged to a wealthy and prominent clan in Italy but Blu Delacroix was born to break rules and family dramas. He was barely eighteen years old when he left his home and found a new life in Ontario. Blu was naturally risk-taker and adventurous kaya hindi siya gaanong nahirapan na mag-adapt sa bagong bansa. Blu enrolled himself in a music class then at doon na nga niya nakilala si Al Cris Gauthier at Randall Lappiere. Music was the best thing that binded them together that also lead them to a strong friendship and years later ay nabuo ang bandang SoulDragon. SoulDragon is composed of five members, Zurick Rhames de Souza— his childhood friend who is a half-Italian and half-Filipino, Nigel Lasorda—a Filipino musician and their music instructor back then, Randall Lappiere, Al Cris Gauthier and him. “What’s wrong with that? Stag party is awesome and it would be mind-blowing and insane because I will be the one to organize it for Rhames.” A beautiful, hot woman walked passed their VIP table and Blu’s eyes automatically landed on the woman's butt. Naipilig ni Blu ang ulo at pilyong napangisi habang sinusundan ng tingin ang babae. What a hot babe he got here! “Forget that plan, Delacroix. Magsasayang ka lang ng lakas at oras. Rhames won't appreciate it.” Randall said as if he was so sure about it. “Why not?” Labag man sa loob ni Blu na tantanan ng tingin ang magandang babae ay napilitan siyang ibalik ang atensiyon sa mga kaibigan. “Look, Rhames will be the first to tie a knot among us. I mean, Nigel already got married but we all know it wasn't that... well, Nigel’s wedding was too private, you know.” Nahuli ni Blu ang paniningkit ng mga mata ng tahimik na si Al Cris. “So now, I'm just insisting that we should make Rhame’s last days of being a bachelor to be a memorable one.” Blu sounded so persistent about his plan of throwing a stag party for their friend, Zurick. “Bakit ba mapilit ka riyan sa stag party na iyan, Delacroix? Bakit hindi na lang ikaw ang mag-stag party para sa sarili mo?” Randall mockingly suggested. “Not a smart idea, asshole!” Pasinghal na wika ni Blu. “I am not the one who's getting married here.” “Exactly! So, you don't have to bother yourself.” Bagot na sabi ni Al Cris Gauthier na tila interesado pang tumulala kaysa makinig kay Blu. “Why isn't it appealing to you, guys? Believe me, it would be so fun if you just support and help me with this.” Pang-eengganyo pa ni Blu sa mga kaibigan. One of their friend and former bandmate– Zurick de Souza is getting married and Blu thought it would make them all loosen up if they'll throw a bachelor party for Zurick. Hindi lang din para kay Zurick ang pinaplano niyang stag party dahil para na rin iyon kay Randall at Al Cris. For all of them. Ano bang hindi maganda sa pagkakaroon ng isang wild party gayong isa na naman nilang kaibigan ang matatali na naman? Parang isang beses lang naman iyon. Hindi maintindihan ni Blu kung bakit ang ki-killjoy ng mga kaibigan niya. “Alright. I'm in.” Kapwa sila natigilan ni Randall nang magsalita si Al Cris. He looked, as usual, dead serious. “Perfecto, amico! Then stag party it is. Yoohoo.” Nagdidiwang na sambit ni Blu atsaka tinungga ang whiskey sa shot glass nito. Samantalang si Randall ay matagal na napatitig kay Al Cris. Hindi makapaniwala na ang pinaka-cranky nilang kaibigan at walang interes sa mga babae at party na si Al Cris Gauthier ay sasang-ayon sa plano ni Blu ng ganoon-ganoon na lang. “This motherfucker is just bluffing.” Randall smirked. “Seryoso. And I'll spend time to help you to organize the party...” “Oh, my friend—” “But in one condition, Delacroix.” Blu’s grin suddenly vanished and he stared hard at Al Cris. May kondisyon pa ang siraulo gayong mag-i-enjoy din naman ‘to sa party. Parang tanga lang! “Fire! In what condition is that?” “I am sure that irritating woman caught your attention awhile ago.” Al Cris started and shifted in his seat a little. He looked irritated. “Woman?” Lumingap si Blu sa paligid at natuldukan ang confusion nang makuha kung sino ang tinutukoy ni Al Cris. “Oh!” “That woman is stressing me out for few days now and I want you to help me to get rid of her and take her out of my way. At kapag matulungan mo ako ay ako na ang bahala kay Rhames.” “Teka. Sino ba iyan, Al?” Nagtatakang tanong ni Randall na natunton na rin ng mga mata nito ang pinag-uusapan nilang babae. The woman that Al Cris was referring to is undeniably gorgeous. “Don’t get deceive by that woman's look. Disguise lang niya ‘yan. She is actually a spy and my unwanted fiancee hired that woman para bantayan ang lahat ng ginagawa ko and it pisses me off as you see. Gusto kong maalis iyan sa landas ko. Nakakasakal.” “Piece of cake, man. I'll handle that hot babe.” In a smug tone, Blu swore not knowing that there will be a disaster waiting for him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD