KABANATA 1

2248 Words
The Italian Playboy's Ex-bedmate BLU DELACROIX Chapter 1 “ATSAKA cream-o rin ho, Aleng Panching. Dalawa. ‘Yan ho, iyong cookies and cream.” Nginuso ni Redd ang paboritong biscuit ng pitong taong gulang niyang anak na si Tyrian na nasa garapon ng stick-o. Hindi pa siya tapos mamasada dahil alas sais pa lang naman ng hapon. Karaniwan ay alas nuebe o alas dies siya ng gabi gumagarahe kapag siya ay namamasada. Redd Montellano is a lady cab driver ngunit hindi naman talaga ito ang permanent niyang trabaho. Isa lang iyon sa mga sideline job niya. “Alin pa, Redd?” Tanong ni Aleng Panching na may-ari ng sari-sari store na pinakamalapit sa bahay nila. Halos hindi siya tapunan ng tingin ng sinkuwenta y otso años na si Aleng Panching dahil panay ang sulyap at pakikipaglandian nito sa ka-FaceTime nitong foreigner. “Chuckie na lang din ho. Dalawahin n’yo na rin, Aleng Panching.” Aniya bago sinimot ang natitirang laman na soya milk drink sa bote. “Malamig o hindi?” Si Aleng Panching ulit. Hindi na bago kay Redd at sa lahat ng mga kapitbahay nila ang outfit of the day ni Aleng Panching. As usual ay labas na naman ang kaluluwa ng may edad na babae sa suot nito. “Iyong malamig ho.” “Wala nang malamig, Redd.” “Edi iyong hindi na lang ho.” Tinanggal ni Redd ang drinking straw at itinapon sa basurahan bago niya inilagay ang ngayong wala nang laman na bote ng soya milk drink sa kahon ng mga bote sa gilid ng tindahan. “Wala na ring hindi malamig.” Napaismid si Redd at nagsisimula na namang mainis kaya bago pa masayang na naman ang oras niya ay hindi na siya bumili ng kahit anong inumin para sa anak. Ayaw din naman kasi ni Tyrian ng soya milk. Babawi na lang siya bukas sa anak niya at titiyakin na niyang maibibili niya ito ng masarap na miryenda bukas. Biscuits at stick-o lang ang maihahatid niya kay Tyrian ngayon. Ngayon pa lang ay inaasahan na ni Redd ang nakabusangot na mukha ng kanyang anak na sasalubong sa kanya. Ang usapan kasi ay alas kuwatro siya dadaan sa bahay nila para hatiran ng snack si Tyrian pero heto at inabot siya ng takip-silim. Ang ipinangako niyang donuts sa anak ngayong araw ay nauwi na naman sa biscuit at chuckie sa tindahan ni Aleng Panching. Wala nga pa lang chuckie dahil mukhang kulang na sa paninda si Aleng Panching kaya siguro extra time and effort ang iginugugol nito sa ka-video chat na afam para may pangtustos ito sa tindahan nito at sa mahjong. “Magkano ho lahat, Aleng Panching?” “Beinte-sais.” Napangiwi si Redd nang inayos ni Aleng Panching ang malulusog nitong dibdib sa mismong harapan ng cellphone nito. Redd knew what the woman was doing. “Pati ho iyong balanse ng utang namin, isama niyo na.” Araw ng Sabado ngayon, araw ng bayaran at kahit papaano ay may kita na siya sa pamamasada kaya kailangan na niyang bayaran ang utang nila sa tindahan ni Aleng Panching nang sa ganoon ay makaulit sila. Sa estimation ni Redd ay hindi naman lalampas sa limang daan ang utang nila sa tindahan. “Bente-sais na lang, amina. Wala ka nang utang dahil inareglo na ni Sage iyong utang ninyo rito sa tindahan at nagbayad na rin ng advance para sa limang buwang upa ninyo.” Napahinto si Redd sa pagkuha ng barya sa kanyang belt bag nang marinig ang pangalan na binanggit ni Aleng Panching. “Ho? P–pakiulit nga ho?” Sa puntong iyon ay nagawa na ni Aleng Panching na ituon ang tingin kay Redd who clearly looked shock. “Ilang Sage ba ang kilala mo? Siyempre iyong tinutukoy ko ay iyong si Sage Soldivar na anak mayaman at sikat na modelo na minsan mo nang sinagip ang buhay nang makursunadahan ito ng holdup-er. Bumili ang binata sa akin dito kanina ng gin bilog. Inutusan daw ng Tatay mo kaya ayon, nalaman niyang may utang kayo kaya binayaran na rin. Atsaka iyon nga, dinamay pa pati upa ninyo. Galanti masyado iyong si Sage at siguro kung hindi ka lang titibo-tibo manamit ay baka posible kang ligawan no’n.” Tuluyang nagbago ang reaksiyon ni Redd pati na ang t***k ng kanyang dibdib ay lumakas na rin. Narito si Sage! Si Sage Soldivar! Nagpapanic na sinipat ni Redd ang paligid at nang matiyak na walang makakarinig sa kanya ay palihim niyang tinanong si Aleng Panching. “Aleng Panching, may pulbos at lipstick ba kayo riyan?” GUMUHIT ANG malawak na ngiti sa mga labi ni Redd nang makita ang nakaparadang puting Jaguar XF sa tapat ng inuupahan nilang bahay. Nagkakahalaga ng milyones ang sasakyan na iyon at duda naman siyang isa sa mga kapitbahay nila ang may-ari ng magarang kotse. Bilang lang naman sa kamay ni Redd ang mga kapitbahay niyang nagmamay-ari ng magandang sasakyan ngunit hindi kasing-garbo ng Jaguar XF na nasa tapat ng bahay nila. Talagang naroon nga si Sage! Kailangan na niyang maniwala na naroroon ito sa tinitirhan nila. Sinipat ni Redd ang sariling reflection sa rearview mirror ng cab at tiniyak na hindi ganoon kakapal ang lipstick na nailagay niya sa mga labi. Aleng Panching urged her to use the mega mulberry shades of lipstick. Ito pa nga ang nagprisinta na maglagay ng lipstick sa kanya dahil ang bagal niya. Hindi na nga kasi siya sanay sa mga ganoong pampaganda. Isang beses sa loob ng isang linggo lang naman kasi siyang gumagamit niyon sa tuwing nagsisimba. And she only has one piece of lipstick and compact powder pero ang mga iyon ay palaging nasa drawer lamang sa kanyang silid. If Redd would just spend a little time contemplating and comparing herself now and before, she'd figure out how much she had changed. Ang isang Redd Montellano noon ay madalas na nai-elect na muse sa classroom. Madalas ding kuning muse sa university basketball team si Redd at ilang beses na rin siyang nakasali sa beauty pageant sa school. Redd was once belong to a socialite circle of friends. Wala siyang maalala na nagkaroon siya ng kaibigan from middle class. Hindi ipinanganak si Redd na may gintong kutsara sa bibig. Her father isn't that rich. Katunayan ay nagtatrabaho lamang sa isang maliit na beer house noon si Mang Restituto bilang bouncer– ang tunay na ama ni Redd. Sanggol pa lamang si Redd ay napunta na siya sa poder ni Minerva Montellano–isang mayamang biyuda at nagmamay-ari ng isang cosmetic line sa bansa. Walang anak si Minerva Montellano na malayong pinsan ng ama ni Redd kaya nang malaman nitong nilayasan si Restituto ng kinakasama nito noon at naiwan kay Restituto ang sanggol pa noong si Redd ay kaagad na pinuntahan ni Minerva ang lalaki. At hanggang ngayon na nasa beinte siete na siya ay hindi pa rin nasasabi sa kanya ni Mang Restituto kung paano siya nito naipamigay ng ganoon lang. Minerva always provide all her whims and caprices. Her wardrobe was filled with undue number of branded stuffs. From her clothes, underwear, bags, jewelries and down to her footwear. Ngunit ang magara niyang buhay bilang adopted child ni Minerva Montellano ay nagbago nang dumating sa buhay ni Redd ang anak niyang si Tyrian. And looking back at those times ay walang makapang pagsisisi si Redd sa nagawa niyang desisyon noon. She believed that wealth is not unequivocally associated with happiness, her son is. She only made the right decision eight years ago. Nang malapit na si Redd sa pintuan ng inuupahan nilang bahay ay sandali muna siyang tumigil upang ayusin ang sarili. She have to hide her smile and giggle. Nakakahiya naman kay Sage kung mahahalata nitong masyado siyang kinikilig. Akmang papasok na si Redd nang marinig niya ang mababang angil ng aso. “Azul.” Tawag niya sa kanyang alagang aso. Tila ito nagmumukmok sa gilid ng mga paso sa labas ng bahay nila. May sakit ba ang alaga niya? Nang lalapitan na sana ito ni Redd upang hawakan ay saka naman bumukas ang pinto. “Redd, hi.” She suddenly stopped and her eyes immediately focused on Sage’s smiling face. And God! Paulit-ulit niyang sasabihin sa sarili na mas guwapo talaga si Sage Soldivar sa personal kaysa sa mga billboard na nakikita niya sa lansangang-bayan kung saan nakapaskil ang mukha at katawan ni Sage bilang modelo. At bago pa magawang batiin ni Redd pabalik si Sage ay husto nang umalpas mula sa bibig niya ang malakas na tili nang bigla na lamang itong lumapit sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. Aatakihin yata siya sa puso! “You are not talking. Aren't you happy to see me again, my beautiful saviour?” Himig nagbibiro si Sage. Kita mo ‘tong poging ungas na ito, nagawa pa siyang biruin gayong hindi na makalma ang malandi niyang puso. “Pasensiya na po ikaw, Sir Sage kasi ganiyan po talaga si Mama kapag kaharap iyong crush n’ya.” Napakurap si Redd nang sumapaw sa usapan ang anak niya na nakaupo lang sa sahig ng sala. Maliit kasi ang bahay na inuupahan nila at bubungad kaagad ang maliit na sala pagbukas mo pa lang ng pinto. “A crush? Hm, really?” Sage let out a soft chuckle. Ngumisi rin si Redd. “Hindi sinungaling ang anak ko, Sage.” Sage moved a little to give Redd a way. Pumasok si Redd at nilapitan ang anak na naglalaro sa sahig at hinalikan ang ulo nito. “Aangas ng mga toys ko, Mama.” Pagbibida ng pitong taong gulang niyang anak sa mga bago nitong laruan. “Aangas din tiyak ng mga presyo niyan.” Sumimangot ang anak niya pero tuluy-tuloy pa rin ito sa pag-a-assemble ng mga Minecraft toys nito. Ni hindi na nito pinansin ang ibinigay niyang pasalubong na binili niya sa tindahan ni Aleng Panching. “We don't have to talk about it, Redd. How are you?” Sininyasan ni Redd si Sage na bumalik sa upuan atsaka din siya umupo. “Mabuti naman.” Aniya at inalis ang kanyang pulang sombrero at inilagay sa kanyang tuhod. Natakpan niyon ang tastas ng kanyang lumang pantalon. “I can see it and you are prettier with your dark lipstick. Masaya akong makita ka ulit at si Tyrian.” Kakaiba ang titig ngayon ni Sage sa kanya o siguro ay nadadala na naman siya ng kanyang pantasya sa binata. Redd bit back her giggle. Nahihirapan na siya sa pagpipigil ng kilig. Kinakabahan siya na baka maihi na lamang siya bigla sa inuupuan niya. “Nanggaling ako kay Aleng Panching at nasabi niya sa akin na binayaran mo raw iyong utang namin sa tindahan tapos may advance pang upa rito sa bahay.” Nasabi sa kanya ni Aleng Panching na suma total ay nasa twenty-one thousand daw ang ibinigay sa kanyang cash ni Sage. Apat na libo kasi ang upa nila sa bahay na iyon sa isang buwan. “I just want to help in anyway as what I have promised you, Redd. I hope you won't get mad about it.” Iwinasiwas ni Redd ang kamay sa ere. “Naku! Bakit naman ako magagalit e kusa mo naman iyon? Mahirap ding umayaw sa gracia, ‘no? Kaya thank you, ha? Sana hindi magbago ang isip mo.” She smiled. Ngumiti namang muli si Sage. A kind of smile that could brighten her life everyday. Ewan ba ni Redd kung bakit buhat nang makilala niya si Sage Soldivar ay talagang hinangaan na niya ito ng husto. Gusto niya si Sage ngunit kinailangan niyang sikilin ang nararamdaman niya sapagkat may fiancee na ang binata at nakatakda nang ikasal. “Ikaw, kumusta ang buhay-famous? Nakita ka pa lang namin sa balita noong isang araw, no’ng nandoon ka sa Paris tapos ngayon nandito ka na sa bahay? ‘Di ka man lang nagsabi.” “I just arrived this afternoon and I just went here straight from the airport.” Kuwento ni Sage na ngayon ay naglaho na ang ngiti. “Oh, e kung nagsabi ka lang ay sana ako na ang sumundo saiyo sa airport. Namamasada ako ngayong araw, e.” Napatitig si Redd sa mga mata ni Sage. Hindi niya masabi kung pagod ba ang nakikita niya roon o lungkot. Pero bakit naman niya naiisip na malungkot ito? “It’s alright, Redd. I already contacted my chauffeur before my flight yesterday.” “Kumusta naman ang sugat mo?” Naitanong ni Redd. Ang tinutukoy niyang sugat ay ang saksak na natamo nito mula sa holdup-er. Roughly three months ago nang mapadaan si Redd sa isang madilim na bahagi ng kalsada kung saan may nakaparadang taxi. Kahina-hinala ang hindi maayos na pagkakahimpil niyon kaya tinignan ni Redd. Doon ay natagpuan niya ang duguang si Sage na basta na lamang iniwan ng holdup-er na taxi driver matapos tangayin ang mga kagamitan nito. Sage got two stab wounds at mabuti na lamang ay nadala ito kaagad ni Redd sa ospital. “Old wounds are fully healed now ngunit mas malala itong bago.” “Ha? Bagong ano ‘kamo?” She stared at their guest’s handsome face. Nahihimigan talaga niya ang lungkot sa boses nito. “Bagong sugat.” Sage said lowly and smiled humourlessly. “My fiancee and I just broke up, Redd. Our wedding is cancelled.” It was supposedly a bad news but instead of feeling sorry for Sage ay hindi na napigilan ni Redd ang kanyang tili at ngiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD