Alas nueve ng umaga nang makasampa ang kotse ni Cerlance sa Iloilo to Bacolod RORO ship. Isang oras ang biyahe ayon sa crew ng barko, at habang nasa barko ay lumabas muna ang dalawa upang doon magpalipas ng oras sa deck.
Simula nang umalis sila sa Guimaras ay hindi na muling nag-usap ang dalawa. Si Shellany ay hindi pa rin makausad sa mga sinabi ni Cerlance nang umagang iyon, habang ang binata naman ay kinakain na naman ng inis kaya minabuting manahimik na lang at sundin ang schedule. Lihim itong nagpasalamat at hindi na muling sumama ang pakiramdam ni Shellany. Inakala nitong maaantala ang biyahe nila dahil baka magsuka na naman nang magsuka ang dalaga sa daan.
Pagdating nila sa hotel galing ng Guimaras ay naligo si Shellany at naghanda. They checked out at 7am and drove to the RORO terminal right away.
Kailangan nilang bumiyahe patungong Bacolod. Pagdating doon ay bibiyahe pa sila ng ilang oras hanggang sa marating ang ferry terminal sa San Carlos City na magdadala sa kanila patungong Cebu. Mula Cebu ay muli silang bibiyahe hanggang sa marating ang Tacloban. It was another 12 hour trip going to Tacloban, at gabi na bago sila makarating doon.
“Here.”
Mula sa pagtanaw sa malawak na karagatan ay nilingon ni Shellany si Cerlance. Pagharap ng dalaga ay kaagad na bumaba ang tingin nito sa ini-abot ni Cerlance; kape na nakasilid sa styro cup. Tahimik na kinuha iyon ni Shellany saka ibinalik ang tingin sa dagat. Naroon sila sa deck sa mga sandaling iyon kasama ang ilan pang mga pasahero.
“Aren’t you seasick?” tanong ni Cerlance na tumabi sa dalaga. Ang mga braso’y ipinatong nito sa barandilya saka tinanaw ang malawak na karagatan. Kay ganda ng araw na iyon, malakas ang hangin at maaliwalas ang langit. Ang tubig ay asul na asul at ang hangin ay sariwa.
“Hindi naman,” sagot ni Shellany bago dinala sa bibig ang cup. Humigop ito, at nang maramdaman ang pagguhit ng init sa sikmura ay napapikit.
“Nasanay na ba ang katawan mo sa pagpapakalasing sa nakalipas na mga araw kaya hindi ka na nasusuka ngayon?” Nasa tinig ni Cerlance ang pang-uuyam at nahimigan iyon ni Shellany subalit pinili ng dalaga na hindi ito patulan.
“Depende sa iniinom ko. Kung beer lang ay hindi ako nasusuka. Kung redwine naman at whiskey ay babaliktad talaga ng sikmura ko.”
“Hmm. Thanks for the info, but I don’t need it anymore. Sa susunod na mga araw ay bawal ka nang lumapit sa alak.”
Umikot paitaas ang mga mata ni Shellany. Muli ay hindi na sumagot pa. Dinala na lang nitong muli ang cup sa bibig, muling humigop.
Muling naghari ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Si Cerlance ay tahimik na tinanaw ang alon habang si Shellany naman ay unti-unting inuubos ang laman ng cup. Ang mga pasaherong nakaupo sa mga bakal na upuan sa gitna ng deck ay maingay na nag-uusap, ang iba’y nagagawa pang umidlip, ang iba naman ay nagtatawanan. Tulad ng sinakyan nilang ferry patungong Iloilo ay may airconditioned room din sa lower deck na maaaring pagpahingahan ng mga pasahero; doon ay may television sa mga nais manood ng pelikula.
“Naaalala mo pa ba kung ano ang mga sinabi mo sa akin kahapon?”
Nahinto ang muling pagdadala ni Shellany ng cup sa bibig nang marinig ang tanong ng binata. Dahan-dahan nitong ibinaba ang hawak saka pinagsalikop sa mga palad. Ang tingin nito’y naging mailap.
“You remember, of course.” Muling niyuko ni Cerlance ang katabi. “Hindi ka pa lasing noong sinabi mo ‘yon.”
“Bakit kailangan pa nating pag-usapan iyon—”
“Don’t disrespect yourself by doing that again, Shellany.”
Napaangat ang tingin ng dalaga at nakipagtitigan kay Cerlance.
“Never beg a man to sleep with you— never beg for affection, never beg for s*x. You were vulnerable last night and you weren’t thinking straight. At least ay inamin mo ‘yon sa akin kanina. H’wag kang gagawa ng isang bagay na pagsisisihan mo sa bandang huli.”
“Can we not speak about that anymore?”
“Don’t worry, this will be the last time we’re going to speak about this.” Muling ibinalik ni Cerlance ang tingin sa dagat. “Look. I am not sorry about all the things I said to you last night and this morning. Kailangan mong marinig ang mga salitang iyon para matauhan ka."
"Well, geez. Thanks," tuya ni Shellany. "Ang mga salitang lumabas sa bibig mo'y parang mga batong bumagsak mula sa langit at tumama sa akin."
Hindi pinansin ni Cerlance ang sinabi ng kasama. Ang tingin ay nanatiling nasa malayo nang muli itong nagsalita. "Hey, listen. Kung ang resulta ng biyaheng ito ay hindi naaayon sa gusto mong mangyari, hiling ko ay maging maayos ang buhay sa'yo at mag-umpisa kang ayusin ang sarili mo. And I wanted to give you an advice; you can take it, or leave it.”
Hindi napigilan ni Shellany na mapa-ismid. “Advise? From you? And here I thought you suck at giving advises?”
“Yeah, I know. But I just thought you needed to hear this.”
“Shoot it.” Tuluyang hinarap ni Shellany si Cerlance. Ang isang braso nitong siyang may hawak sa cup ay ipinatong nito sa barandilya, habang ang isa naman ay ipinatong nito sa bewang. “Anong payo ang maibibigay sa akin ng perpektong tulad mo, aber? Let’s hear it.”
Humarap din dito si Cerlance, ang anyo ay seryoso. “Don’t chase after someone who didn’t want to be with you. Respect and value yourself. Because no one would ever kung makikita nilang ikaw mismo ay hindi nire-respeto at binibigyan ng kahalagahan ang sarili mo."
Shellany opened her mouth to say something but closed it again when no words came out. Umiwas ito ng tingin at ibinaling ang pansin sa dagat.
Si Cerlance ay muling ibinalik ang pansin sa dagat. Ilang sandali pa'y nagpakawala ito ng malalim na paghinga saka muling hinarap si Shellany na nanatiling tahimik. Dinala nito ang isang kamay sa balikat ng dalaga at banayad itong tinapik. “I’m going back to the car.”
Iyon lang at tumalikod na ito at iniwan si Shellany na nakasunod lang ang tingin.
*
*
*
Alas dies pasado nang dumaong ang ferry sa Bacolod. Alas once nakababa ang sasakyan ni Cerlance at mula roon ay binaybay nila ang highway patungo sa San Carlos City kung saan naroon ang kasunod na ferry na sasakyan nila patungong Cebu.
Simula nang bumalik sila sa kotse ay hindi na muling nagsalita si Shellany. Si Cerlance naman ay manaka-nakang susulyapan ang pasaherong nasa likuran at ang buong pansin ay nasa labas lang ng bintana. Naroong tatanungin nito ang dalaga kung nagugutom na sa tuwing may madadaanang restaurant o fast food, o kung nais nitong magpahinga.
But Shellany would just shrug her shoulders and say nothing.
“I’m hungry. Are you?” muling tanong ni Cerlance nang may madaanan silang barbecue house makalipas ang mahigit isang oras na biyahe mula sa Bacolod Port. Nakatingin ito sa rearview mirror upang sulyapan si Shellany na nakangalumbaba habang nakatanaw sa labas ng nakabukas na bintana.
“Wala akong gana…” balewalang sagot ni Shellany.
“I know a seafood restaurant nearby. If you don’t want to come with me for lunch, suit yourself. You can stay here in the car while I’m gone.” Ibinalik nito ang tingin sa daan, ang kotse ay bahagyang binagalan.
Si Shellany ay patagilid na sinulyapan si Cerlance. “Sasama ako kung ililibre mo ako.”
Nagkibit-balikat ang binata. “Sure. But you have to pay for the dinner.”
“Paano kung hindi ako kakain ng dinner?”
“Icha-charge ko pa rin sa’yo ang dinner ko.”
“Ang buraot mo.” Naka-ismid na ibinalik ni Shellany ang tingin sa labas, habang si Cerlance naman ay lihim na napangiti.
Nang matanaw ng binata ang service road na papasok sa malaking seafood restaurant at binagalan pa nito ang pagpapatakbo ng kotse hanggang sa tuluyan nito iyong iniliko roon. Ilang sandali pa ay narating nila ang dalawang palapag na seafood resto; gawa sa kawayan ang istruktura, ang bubong ay nipa, at ang mga bintana ay gawa sa salamin. Sa harapan ay ang parking lot at sa likuran ay kagubatan.
Matapos makahanap ng mapagparadahan si Cerlance ay sinenyasan na nito si Shellany na bumaba. Nauna itong naglakad papasok sa resto, habang si Shellany naman ay iniikot ang tingin sa paligid habang nakasunod.
Sa second floor sila dinala ng waiter na sumalubong sa ibaba. Doon sa second floor ay wala pang gaanong tao, at doon sila pumwesto malapit sa bintana kung saan nakatanaw sa likurang bahagi ng resto. Mula sa kinaroroonan nila’y natatanaw nila ang ilog na nasa likuran ng nagtatayugang mga punong kahoy at mayabong na talahiban.
Matapos sabihin ni Cerlance ang order sa waiter na umasiste sa kanila ay hinarap nito ang kasama na ang tingin ay nasa labas ng bintana.
“Hindi ako sanay sa pananahimik mo,” puna nito habang inilalabas ang cellphone sa likurang bulsa ng suot na pants.
Nangalumbaba si Shellany saka nakangusong nagsalita. “Akala ko pa naman ay pabor ka sa pananahimik ko. Hindi ba at sabi mo noong nakaraan, hindi ka nakikipag-usap sa mga kliyente?”
“Well, in your case, hindi ako sanay. Lagi kang may sinasabi kahit ayaw kong makinig. Lagi kang may kwento, may tanong. You are not this quiet, and it bothers me.”
“So ngayon, gusto mong mag-ingay ako. Ang gulo mo rin, eh.”
Nagkibit-balikat si Cerlance saka niyuko ang cellphone. May nakita itong mensahe mula sa ina kaya binuksan muna nito iyon at binasa bago muling nagsalita. “So, bakit ka tahimik?”
Muling nanulis ang nguso ni Shellany; hindi alam kung magsasabi ng totoo kay Cerlance o patuloy na mananahimik. Nang walang sagot na nakuha ay umangat ang tingin ni Cerlance at nakita ang pamumula ng magkabilang pisngi ni Shellany. Kinunutan ng noo ang binata, ibinaba ang cellphone sa mesa at pinakatitigan ang kaharap.
“Why are your cheeks as red as a tomato now?”
Hindi kumibo si Shellany, pero ang magkabilang pisngi ay lalong namula.
Si Cerlance, nang makita ang pamumula ni Shellany ay napa-ngisi.
“Ahh. I know. Kaya ka ba tahimik dahil bumalik sa isip mo ang mga sinabi mo sa akin kahapon? You thought you went over the top, huh? You couldn’t have a straight face anymore. Well, don’t worry. Sanay akong nakaririnig ng ganoong mga salita mula sa ibang mga babae. Ang kaibahan nga lang ay kliyente kita.”
“At pinatulan mo ba ang ibang mga babaeng iyon dahil hindi sila kliyente?”
“Yes. Well… some of them.”
“Some of them?”
“Some of them are not my type.”
Doon muling pinamulahan ng mukha si Shellany. Umiwas ng tingin.
At muling napangisi si Cerlance nang makita iyon.
“Are you ashamed because you remember that you’re one of them?”
“O-One of whom?”
“Those that are not my type.”
Pinanlakihan ito ng mga mata at muling humarap. “Sa tingin mo ba talaga'y anak ka ng Diyos na siyang pinagpala? Kung makapagsalita ka sa akin nang ganoon ay akala mo napaka-perpekto mo, ah? Ang sabi mo'y hindi ako sexy. Okay nang sabihin mo na hindi mo ako type, pero bakit kailangan mo pang idugtong iyon? Ano ‘yon, overkill?”
Cerlance grinned all the more—at nang makita ni Shellany ang pag-ngisi nito’y natigilan ang dalaga. Napamaang—napatitig lang sa kaharap.
“Sinabi ko iyon para matauhan ka.”
Shellany swallowed and looked away. “W-Well, it served its purpose, didn’t it?”
Hindi na nagawa pang sumagot ni Cerlance nang makita ang paglapit ng waiter dala-dala ang isang malaking tray na puno ng mixed seafood. Nakabalot ang mga iyon sa isang malaking transparent plastic bag, at sa loob ay naroon ang King crab na naka-sliced na, ilang naglalakihang mga sugpo, sari-saring seashells, at pusit. Nakahalo ang mga iyon sa pula at mamantikang sauce, at may kasama pang ilang hiwa ng yellow corn.
Shellany’s eyes grew big—iyon ang unang pagkakataon na nakakita ito ng malaking seafood platter.
“You would surely love the food—this is the only place I know that serves fresh and delicious spicy seafood platter.”
Hindi na narinig pa ni Shellany ang mga sinabi ni Cerlance nang buksan ng waiter ang plastic. Bumungad sa kanila ang mabangong aroma ng mixed seafood.
“Diyos mahabagin!” bulalas ni Shellany nang ibuhos ng waiter ang laman ng plastic sa tray. Halos mapuno iyon at umapaw sa panggilalas ng dalaga. Napa-dukwang pa ito sa mesa at sa nagniningning na mga mata’y sinuri ng tingin ang pagkaing nasa harapan.
Nagpasalamat si Cerlance sa waiter matapos iabot ng huli ang dalawang itim na rubber gloves na kailangan nilang isuot kung nais nilang kumain ng naka-kamay. Mayroon din namang dalawang stainless cup sa mesa kung saan nakasilid ang mga kobyertos at chopsticks sakaling nais nilang gumamit ng mga iyon.
Inabot ng binata ang isang pares ng gloves kay Shellany na hindi na maalis-alis ang tingin sa tray. Inisuot iyon ng dalaga at mabilis na nilantakan ang malaki at mahabang galamay ng King crab.
Hindi napigilan ni Cerlance na mapangiti nang makita ang ginawa ng kaharap. Hindi iyon ang unang pagkakataong nakita nito si Shellany na umakto nang ganoon sa harap ng pagkain—the first time was yesterday at the buffet restaurant.
“If you want to eat rice, we could order," suhestiyon ni Cerlance nang umpisahan na ni Shellany na buksan ang matigas na shell ng leg ng King crab kahit na may gunting naman sa mesa.
Umiling si Shellany; ang tingin ay hindi humihiwalay sa tray. “I don’t need rice. Mabigat sa tiyan.” Doon nito napansin ang gunting at iyon ang kinuha upang buksan ang makapal na shell.
“Akala ko ba ay dinadamihan mo ang kain mo para magkalaman-laman ka? Most especially sa parteng…” He trailed off, trying to hold his grin.
Sandaling tinapunan ng masamang tingin ni Shellany si Cerlance nang rumehistro sa isip ang ibig sabihin ng binata.
“Can we not speak about my butt?”
“I didn’t say anything, did I?”
“Iyon na rin ang ipinupunto mo.” Umirap si Shellany at inis na kinain ang laman ng crab leg. At dahil mahaba iyon ay lumaylay ang kabilang dulo na pilit nitong hinabol. Napayuko ito, ang buhok ay muntik nang sumawsaw sa red sauce ng platter.
“Geez, tie up your hair,” Cerlance said, cringing.
“I can’t,” sagot ni Shellany, ang bibig ay puno ng laman. Itinaas nito ang mga kamay na nakasuot ng gloves at puno ng sauce. She grinned as she chewed her food with gusto. The happiness radiated on her face.
Napailing si Cerlance, ibinaba ang pares ng gloves na hawak saka tumayo.
Nakasunod lang ang tingin ni Shellany hanggang sa matigilan nang umikot si Cerlance sa likuran nito. Sa pagkagulat pa ng dalaga ay naramdaman nito ang mga kamay ni Cerlance na humakot sa kulot nitong buhok, kasunod ng pagdampi ng daliri nito sa kaniyang batok.
Shellany froze—and she didn’t know why.
The touch of his skin on hers stunned her. And it was... electrifying.
“You know, my brother Phillian owns a number of fishing boats," ani Cerlance habang patuloy sa pag-aayos sa buhok ng tulalang si Shellany. "Ang mga produktong nakukuha nila sa dagat ay ibinebenta niya sa mga karatigbayan at sa mga malalaking restaurants tulad nito sa bayan nila. His business is doing great, and he has many of these seafood in his freezer. Had I known you like seafood, we could have requested for Nelly to cook for us. Pero hindi ko alam kung marunong siyang magluto ng seafood na ganito ka-sarap.”
Walang kibo si Shellany; hindi makagalaw. Pinakikiramdam nito ang bawat pagdantay ng kamay ng binata sa buhok, ang bawat paghagod, ang paghila.
At habang nangyayari iyon ay iba ang pumapasok sa isip ng dalaga.
Iba.
Like... carnal thoughts.
Lalo na kapag banayad na hinihila ni Cerlance ang buhok nito para ipitin nang maayos. At habang iyon ang laman ng isip ng dalaga ay nararamdaman din nito ang unti-unting pagbangon ng init sa magkabilang pisngi.
And no, that wasn’t because of embarrassment.
It was because she started to feel the burn inside of her. Again.
At nang dumukwang si Cerlance upang abutin ang stainless na basong may lamang mga disposable chopsticks ay banayad na napasinghap si Shellany. Iyon ay dahil naramdaman nito ang pagdikit ng matigas na katawan ni Cerlance sa likuran nito. Ang panlalaking perfume ng binata'y umasulto rin sa ilong ng dalaga, dahilan kaya lalong nataranta ang sistema nito.
Hindi na nagawang gumalaw ni Shellany sa loob ng ilang sandali. Hindi na rin nito namalayang nai-bun na ni Cerlance ang buhok nito gamit ang disposable wooden chopticks na hindi na nito kinuha pa mula sa plastic. Natauhan na lang ang dalaga nang makitang nakabalik na sa kinauupuan ang binata at inumpisahang isuot ang rubber gloves.
Napakurap si Shellany. Pilit na ibinabalik ang sariling katinuan.
“Hmm…” Cerlance uttered, staring at Shellany's flushed face. “Mukha ka rin palang dalaga kapag nakatali ang buhok. You should keep that look— always tie your curly hair because it brightens your face.”
Biglang napasinok si Shellany.
At kasabay ng pagsinok na iyon ay ang malakas na pag-t***k ng pusong salawahan.
*
*
*