KABANATA 18 - Out Of Control

2639 Words
      “Tapos, alam mo ba? Si Ivan... si Ivan pa ang gumawa ng paraan para magkakilala kami ni Knight.” Shellany paused for a while just to giggle. “Ang vhaklang ‘yon, kay bilis makakuha ng lalaki!”       Nanatiling tahimik si Cerlance at hinayaan itong magdaldal. Wala siyang pakealama sa ikinukwento ng kaniyang kliyente. Shellany was already drunk and her steps were swaying so he had to hold and support her. Hawak-hawak niya ito sa magkabilang mga braso upang alalayan ito sa paglalakad patungo sa cottage na ni-book niya sa gabing iyon.       Kumain naman ito kahit papaano, at tulad ng sinabi niya’y pinagbigyan niya itong uminom ng beer. She had five bottles of flavored beer, at tinungga iyon ng dalaga na tila ba tubig lang sa tumbler. She was unstoppable, at kahit na pigilan niya ito’y nakalulusot pa rin. Sa tuwing aalis siya sa mesa upang magtungo sa banyo ay panakaw itong umu-order ng k******e shots; inuming may mataas na porsyento ng alak kompara sa iba. Ayon sa bill na binayaran niya ay nasa apat na shots ang patagong kinuha ni Shellany sa dalawang beses na umalis siya sa mesa nila.        Magaling nitong naitago ang kalasingan sa kaniya. Bagaman nakikita na niya sa anyo nito at nahihimigan sa tinig ang tama ng espirito ng alak ay pilit nitong inayos ang sarili sa pag-asang hindi niya mapansin at upang hindi niya pigilan na ituloy ang pag-inom. Noong nag-bill out na siya’y ayaw pa sana nitong umalis, pero lumalalim na ang gabi at maaga pa silang aalis kaya hinila niya ito patayo, at doon na ito bumuway.        At habang naglalakad sila palabas ng maliit na restaurant ng resort at binaybay ang footwalk patungo sa mga nakahilerang cottages sa beachfront ay panay na ang kwento nito tungkol sa kung ano-anong karanasan kasama ang mga kaibigan at tungkol sa dating nobyo.       “Akala ko pa nga noon, si Ivan ang gusto ni Knight. Aba’y kapag nakita mong nag-ahit 'yong baklitang iyon, baka mapuwing ka. That guy is more beautiful than I!” Shellany chuckled and hiccuped.       “Watch your steps,” paalala niya rito kahit alam niyang imposible siya nitong marinig. Shellany was not listening to anything he said. Kahit alinman sa mga sinabi niya magmula nang lumabas sila sa restaurant ay wala itong sinagot. Tila ba wala itong pakialam sa paligid, tila ba sarili lang nito ang nais pakinggan. Kung maaari nga lang na buhatin na niya ito upang mapabilis ang pagdating nila sa cottage ay ginawa na niya. Ang kaso ay ayaw niyang masanay ito.        Damn this woman—sisingilin talaga niya ito ng mahal sa babysitting service na ginagawa niya para rito!       And damn him, as well, for letting her drink some beer! Alam na niyang sa ganito hahantong ang kliyente niya’y pinagbigyan pa niya.       Ano, papayagan mo ba akong uminom o hahalikan mo na lang ako?       Paulit-ulit sa isip niya ang mga sinabing iyon ni Shellany kanina matapos ang indecent proposal na ibinigay nito sa kaniya. He couldn’t move on from that.        Bakit niya hinayaang paglaruan siya nito sa mga palad nito? Ano ba ang magagawa ni Shellany kapag umayaw siya sa dalawang pagpipilian at kaladkarin ito pabalik ng cottage saka hayaang makatulog sa gutom hanggang sa mahimasmasan? He could have just done that, pero iba ang ginawa niya.        Pinagbigyan niya itong uminom ng alak because obviously, he didn't want to do the other option. Pero kung tutuusin ay maaari namang wala siyang piliin alinman sa dalawa.        Damn him for taking the bait.        Kaya magtiis siya ngayon.       Ilang sandali pa'y natanaw na niya ang cottage 12 na in-okupa niya para sa gabing iyon. Pagdating sa harap ng pinto at sandali niyang binitiwan ang isang braso ni Shellany upang dukutin sa bulsa ng suot na pants ang susi. At kahit na kay higpit ng hawak niya sa isa pang braso nito'y bumuway pa rin si Shellany ay napaupo sa concrete flower bed na nasa gilid ng pinto. Para itong lantang gulay na napayupyop doon.     "Geez... I miss my friends..." usal nito, panay ang sinok. "If Ivan and Dabby were here, it would have been more fun. Hindi mo kailangang i-babysit ako dahil naroon silang dalawa."     "Well, they're not here so you have to help yourself and not just rely on my aide." Nang mabuksan niya ang pinto ay yumuko siya upang hawakan ito sa magkabilang mga braso, subalit si Shellany ay itinaas ang dalawang kamay ay ipinulupot sa leeg niya bago tumayo.       Shellany giggled and laid her head against his chest. "Ang bango mo naman..."       Napabuntonghininga siya at sinubukang ilayo subalit humigpit lang lalo ang pagkakahapit nito sa kaniya. Wala na siyang nagawa kung hindi ituloy ang pagpasok habang yakap-yakap siya nito.         Dumiretso sila sa banyo. Kahit papaano ay may kalakihan iyon at may shower pa. Iginiya niya si Shellany sa ilalim ng shower saka muling hinawakan sa magkabilang mga braso upang ilayo.       “You have to wash up—”       “Wala akong lakas para hugasan ang katawan ko,” anito saka kumunyapit pa nang husto sa leeg niya.        Napayuko siya rito nang umangat ang tingin nito sa kaniya. His eyes met hers—ang mga mata nito'y pupungay-pungay dahil sa kalasingan.         “Would you be so kind to wash me, Cerlance?”       “No," matigas niyang sagot. What’s with this woman?        “May iba ka pa bang alam na sagot maliban sa ‘no’? Puro ka no nang no—hindi ka ba mahal ng mga magulang mo?”              "Ano'ng kinalaman ng mga magulang ko sa pag-tanggi kong hugasan ka? Washing you up is not my responsibility!" Huminga siya nang malalim. Kailangan niyang huminahon; lasing ito at hindi alam ang mga ginagawa.       "Sungit naman nito..." usal pa ni Shellany, ang mga nguso'y nanulis.        “Just do what I say, okay? Pumailalim ka sa shower at hayaan mong palamigin ng tubig ang nag-iinit mong katawan—”       “How did you know that my body's burning?” Ngumisi ito; ang pagkakahapit sa leeg niya’y lalo pang humigpit. Ang mga mata’y lalong naging mapungay. “Tama ka, Cerlance. Nag-iinit ako ngayon... And I wonder why?" Shellany deliberately pressed her small body against his.         Doon siya nairita.       “You're burning because you’re fvcking drunk.” Napipikong inalis niya ang mga kamay nitong kumukunyapit sa kaniyang leeg saka mabilis itong tinalikuran. Tuluy-tuloy siya palabas ng pinto ng banyo. “Mahihimasmasan ka mamaya pagkatapos mong mag-hugas.”       “Oh, come on!” Mabilis itong sumunod at hinuli ang braso niya.        Huminto siya at hinarap ito upang pagsabihan na umayos kung ayaw nitong mabuhusan muli ng isang baldeng tubig, subalit bago pa siya makapagsalita ay maagap nang ini-dantay ni Shellany ang mga kamay sa kaniyang dibdib saka muli siyang tiningala.       “Hindi ba ako maganda sa paningin mo? I may not be as pretty as your brother’s fiancee, but I know I'm pretty nonetheless.”       Hinawakan niya ito sa magkabilang braso, doon banda sa palapulsuhan, upang alisin ang mga kamay nitong dumapo sa kaniyang dibdib. “Pinayagan kitang uminom kanina sa kondisyong titigilan mo na ang panunukso mo, She—”       “Just for tonight…” she said, cutting him off. “Please…”        Hindi niya alam kung tuluyan na siyang mabu-bwisit o maaawa rito. Shellany Marco was the most desperate, s*x-deprived woman he had ever met his entire life. Ano ba ang problema nito?       “It’s probably the pills… Or maybe the heartbreak. Or my hormones. Maybe it’s the vulnerability that I feel inside…” Napakagat-labi ito. Nasa mga mata ang pagsusumamo. “I don’t know which of them is making me act this way, but I need to be touched. I need to be loved tonight...”       “I don’t fvck my clients,” mariin niyang tugon. Kahit anong gawin nito’y hindi siya matutukso rito. Dahil mas nangingibabaw ang inis at awa sa kaniyang dibdib kaysa pagnanasa. “Plus, you are not my type and I don’t find you sexy.”        There. Sana ay tantananan na siya nito.       Si Shellany, nang marinig ang mga huling salitang lumabas sa kaniyang bibig ay natigilan. Matagal itong napatitig lang sa kaniya; walang maisagot. At sa loob ng mahabang sandali ay hindi ito nagsalita, hindi rin kumilos. Ang mga kamay nito'y hawak-hawak pa rin niya, ang kanilang mga mata'y magkarugtong pa rin, parehong naghihintay kung sino ang unang babawi ng tingin.         Hanggang sa... napakurap si Shellany.        Sunod ay ang pag-bawi nito ng mga kamay mula sa pagkakahawak niya.               At umatras.        Saka napanguso.        “So, hindi totoo ang sinasabi ng iba na ang mga lalaki ay mabilis matukso?”        “Not in my case, no.”        Lalong nanulis ang nguso nito. “Bugger.”         Then, Shellany walked passed him and went out of the shower. Siya naman ang sumunod, at nakita itong ibinagsak ang sarili sa isang kama. Padapa itong humiga roon saka inibaon ang ulo sa unan.        “Gusto ko nang matulog. And please don’t force me to wash up because I'm starting to not feel well. Kung pipilitin mo akong tumayo ay baka masuka pa ako.”        Muli'y nagpakawala siya ng malalim na paghinga.        Fine. Pagbibigyan niya ito. Kung iyon ang paraan para tigilan nito ang ginagawa sa kaniya’y hahayaan niya itong matulog. He just hoped she’d fall asleep right away.       Pagod at antok na rin siya; gusto na rin niyang magpahinga. Kailangan niya iyon para sa biyahe bukas.        Isa pang sulyap ang iniwan niya kay Shellany bago siya humakbang patungo sa banyo. Kung ayaw nitong maghugas ay siya ang maliligo. Gusto niyang palamigin ang ulong unti-unting uminit dahil sa pinaggagagawa nito't pinagsasasabi sa kaniya. * * *       May ingay na nagpagising kay Cerlance nang umagang iyon. Ingay na kay pamilyar na sa kaniya.       Nagmulat siya ng mga mata, at ang unang sumalubong sa kaniya ay ang madilim na silid. Kahit na makapal ang mga kurtinang nakatabing sa mga bintana ay siguradong may liwanag nang lulusot mula roon kung umaga na.        Pero hindi pa umaga. At hindi pa nag-a-alarm ang cellphone niya.        He set the alarm at 4am. That's the perfect time for them to get ready and check out. Alas sinco ang alis ng unang trip patungong mainland at kailangan nila iyong abutan.        Pero ano na nga ulit ang ingay na nagpagising sa kaniya?       Sa pagmulat niya’y bigla ring nahinto ang ingay na iyon.        Nilingon niya ang katabing kama at nakitang bakante iyon.       Doon tuluyang nagising ang diwa niya. Pabalikwas siyang bumangon at sa malalaking mga hakbang ay tinungo ang banyo. Papalapit pa lang siya ay nakita na niyang nakabukas ang ilaw sa loob mula sa siwang ng pinto, at nang makalapit ay maingat niya iyong ini-tulak pabukas.         Sa loob ay naroon si Shellany, lupaypay na nakaupo sa tiled floor at nakayuko sa toilet bowl. Habul-habol nito ang paghinga na tila kagagaling lang sa mahabang pagtakbo.         Napailing siya sa nakikita. Mukhang alam na niya kung ano ang ingay na nagpagising sa kaniya.                Nilakihan niya ang bukas ng pinto, sumandal sa hamba niyon saka humalukipkip.       “I should compliment you for not throwing up on the bed.”       Si Shellany na bahagyang nagulat nang marinig ang tinig niya ay napalingon. Lalo siyang napa-iling nang makita ang itsura nito. Ang eye makeup nito’y nagkalat sa paligid ng mga mata, ang mga labi’y putlang-putla, ang kulot na buhok ay lalong nag-riot.        This woman, tsk.        Kailan ba niya makikitang maayos ang itsura nito?        Oh, he did. Yesterday. Noong nag-aayos ito. Pero kahit na malinis ang mukha nito kahapon ay naroon pa rin ang pangingitim ng ilalim ng mga mata nito, ang tuyong mga labi, ang maputlang pisngi. Her vulnerability was eating her very soul.       Would he ever see the happier side of her?       Wait…        Why do I need to see the happier side of her?        It’s not like we’re going to see each other again after this trip?        It’s not like I care about her?       Ipinilig niya ang ulo sa itinatakbo ng isip at ibinalik ang pansin sa dalagang nakatitig din nang diretso sa kaniya.        At this very moment, Shellany looked like a child in the middle of the rain. Helpless.        “How are you feeling?” He thought he’d ask.       Gamit ang braso’y pinahiran ni Shellany ang bibig na hindi niya alam kung basa ng tubig o suka.        “This is your fault. Bakit mo ba ako hinayaang uminom kahapon?”        His lips dropped in disbelief. The nerve of this woman?       “You were desperate—”       “I was not in my sane mind!”       “Oh, buti alam mo!” s**t. Bakit ba siya nakikipagsigawan sa babaeng ito?       “Look,” ani Shellany bago nagpakawala ng malalim na paghinga. “I know I acted crazy yesterday, pero ganoon talaga ako simula nang mangyari ang nangyari sa araw ng kasal namin ni Knight. Nawawala ako sa katinuan, nawawalan ako ng kontrol. I know I said things that I wasn’t suppose to say, and I made wrong choices... Pero kung hindi mo ako hinayaang lumaklak ay—”       “So kasalanan kong tumungga ka ng limang bote ng beer at apat na shots ng nakalalasing na alak? I'd guess na kung beer lang ang ni-inom mo'y hindi ka malalasing nang ganito, but you ordered four shots of k******e behind my back—at iyon ang naging dahilan kaya ka nakayakap sa toilet bowl ngayon!"        s**t, why was he shouting?        "I can't believe na sa akin mo inisisisi ang nangyayari sa'yo ngayon.” He scoffed as he shook his head in disbelief. “I am standing here in front of you because you booked my service to transport you to your desired destinations, Miss Shellany Marco. Sa loob ng tatlong araw na magkasama tayo sa biyaheng ito ay wala akong ginawa kung hindi alagaan ang lasing mong diwa. Sa tingin mo ba ang nag-e-enjoy akong pagsilbihan ka?”         s**t. He didn’t want to be rude this early. Pero ang babaeng ito ay laging sinisira ang kontrol niya.         “Yesterday, you were out of control. You even asked me to fvck you. Pasalamat ka at hindi ako ganoong lalaki. Dahil kung pinatulan ko ang kalokohan mo, baka hindi lang iyang pagsusuka mo ang isisisi mo sa akin. Because if I were the man you thought I was, you probably won’t be able to stand now.”               Natigilan ito sa huling sinabi niya. Nagulat.        “Now, kung ayaw mong laging gumising sa umaga na ganiyan, pull yourself together and stop drinking! Pinagbigyan lang kita kagabi dahil sa mga kalokohang lumalabas d'yan sa bunganga mo. You wouldn’t stop flirting unless I allowed you to drink. And I wanted you to stop flirting because it creeps me out! But put this on your mind, Shellany. Sa susunod na malasing ka, I swear to God I’m gonna leave your a.ss behind. Babalik ako sa Maynila at tatawagan ko ang kaibigan mong si Ivan para sunduin ka— at wala akong pakealam kung saan man siyang lupalop ng mundo ngayon. Maghintay kang dumating siya sa pinag-iwanan ko sa'yo. And don’t even think that I was just bluffing because I wasn't, Miss Shellany Marco. I'm dead serious now.”        Lalo itong walang nasabi. Tulala lang itong napatitig sa kaniya.        Sunud-sunod siyang humugot ng malalim na paghinga. Ni-kalma muna niya ang sarili bago muling nagsalita. “Go wash yourself and freshen up— aalis tayo nang maaga.”       Iyon lang at tinalikuran na niya ito. Bumalik siya sa kama niya at hinablot ang cellphone na nakapatong sa side table.        It was already three forty in the morning. Hindi na siya matutulog pa.        Bitbit ang cellphone at ang car key ay humakbang siya patungo sa pinto ng cottage. Hindi na niya muling tinapunan ng tingin si Shellany na hindi pa rin nakakilos sa kinaroroonan. Tuluy-tuloy siya patungo sa pinto, binuksan iyon, saka lumabas.       This booking was the worst of them all. Gusto na niyang hilahin ang mga araw para matapos na ito.  * * *
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD