“Okay, from here to San Carlos City is an hour drive. Makararating tayo roon ng alas dos ng hapon. Alas sinco pa ang dating ng ferry na sasakyan natin patungong Cebu kaya walang dahilan para magmadali tayo.”
“Gusto kong mag-sight seeing. Since may sapat pa tayong oras, pwede mo bang bagalan ng kaunti ang pagpapatakbo ng sasakyan?”
Sandali lang siyang tinapunan ng tingin ni Cerlance mula sa rearview mirror bago siya nito pinagbigyan. Unti-unti nitong binagalan ang takbo ng kotse.
Nakangiti niyang inisandal ang sarili sa backrest, ini-hililg ang ulo at itinuon ang tingin sa labas.
Ang dinadaanan nila ay malawak na palayan at maisan. Sa magkabilang gilid ng kalsada ay iyon ang nakikita niya. Ang hangin ay kay sariwa at tila nililinis ang baga niya, ang panahon ay kay ganda, ang langit ay kay aliwalas.
It was such a great day.
At busog na busog siya sa mga kinain nila kanina sa seafood restaurant na iyon. Hindi niya alam kung talagang masarap ang timpla ng red sauce na humalo sa mixed seafood kaya naparami siya ng kain o talaga lang na gutom siya? Nonetheless, she enjoyed the meal. To the point na halos ubusin na niya ang tray ay hindi bigyan ng parte nito si Cerlance.
Napasulyap siya sa rearview mirror at tinitigan si Cerlance na ang buong pansin ay nasa daan. Kay seryoso ng anyo nito; tila ba may malalim na iniisip.
Kanina, habang kumakain sila ay pansin niya na panay ang pagsulyap nito sa kaniya. Hindi lang siya kumikibo pero ramdam na ramdamn niya iyon habang sumusubo. Hindi niya alam kung ano ang itinatakbo ng isip nito, lalo at nahuhuli rin niya itong nakatitig sa kaniya nang may pinong ngiti sa mga labi. It freaked her out, that was why she just put all her attention to the food.
Hindi siya sanay na makita itong nakangiti. Why the heck was he smiling anyway? Matapos siya nitong batuhin ng maaanghang na salita kagabi at kaninang umaga ay pakikitaan siya ng kabutihan ngayon?
Oh, wait. Hindi kaya na-guilty ito at sinusubukang makabawi?
Well, that was so unlike him.
Nahinto siya sa pag-iisip nang bigla siyang nakarinig ng ingay mula sa labas kasunod ng biglang pag-preno ni Cerlance at ang muntikan nang paghampas ng kaniyang katawan sa likuran ng driver's seat. Kung hindi niya maagap na initukod ang mga kamay sa likuran niyon ay siguradong tumilapon na siya sa harapan sa biglang pag-hinto ng kotse.
Nanlaki ang kaniyang mga mata--hindi niya alam kung ano ang nangyari. Pero kung hindi siya nagkakamali ay tila may mahinang pagsabog siyang narinig na naging sanhi ng biglaang pagpreno ng kanilang sasakyan.
“Ano’ng nangyari?” tanong niya, sinilip si Cerlance sa kinauupuan nito.
Si Cerlance ay sunod-sunod na nagmura; ini-taas nito ang handbreak at tinanggal ang seatbelt bago binuksan ang pinto sa panig nito at lumabas ng kotse.
Nakasunod lang ang tingin niya rito hanggang sa naglakad si Cerlance patungo sa harapan. Sunod ay nakita niya itong binuksan ang hood ng kotse. Pagkabukas ay sinalubong ito ng usog mula sa loob.
Doon siya napasinghap. Inilusot niya ang ulo sa nakabukas na bintana sa panig niya saka tinawag ito.
“Hey! What’s happening?”
Sumilip ito mula sa nakaangat na hood. “The car broke down."
"What do you mean the car broke down? Hindi mo ba sinisigurong maayos ang kondisyon ng kotse bago tayo umalis?"
She was panicking. Nasa gitna sila ng kalsada!
Wala sa loob na napalingon siya, at mula sa rear window ay tiningnan niya kung may mga kotseng huminto rin sa likuran nila.
Surprisingly, the road was empty. Walang sasakyang nakasunod sa kanila, at ang tanging sasaktang dumadaan ay mula sa opposite direction. Bahagya lang na humihinto ang mga ito upang tingnan ang lagay nila bago magpapatuloy sa pagtakbo. Mga walang konsiderasyon!
Ibinalik niya ang tingin sa harapan, at muling inilusot ang ulo palabas ng bintana. Si Cerlance ay humakbang pabalik.
"I checked the car this morning before we left; alam ko ang obligasyon ko kaya h'wag mo akong sermonan," sabi pa nito bago tuluyang lumampas sa kaniya. Dire-diretso ito patungo sa likuran ng kotse.
Nakasunod lang ang tingin niya rito. "Then what's the problem? Why did the car break down?"
"One of the battery terminals disconnected; I can fix it in five minutes, pero masyadong mainit ang makina ng kotse kaya hindi ko pa siya magalaw sa ngayon. I need to pour water on it first." Nang makarating ito sa likuran ng kotse ay muli itong nagsalita. "Could you please press the button that opens the trunk?"
Ayaw niyang sumunod sa utos nito, pero dahil may please ay tumalima siya.
Nang bumukas ang trunk ay kaagad na hinanap ni Cerlance ang mga tools nito. Ilang sandali pa'y narinig niya ang pagmumura nito.
Muli siyang sumilip sa bintana. "Ano na naman?"
Si Cerlance ay sumilip mula sa nakataas na takip ng trunk. Nasa poging mukha ang iritasyon. "I forgot to refill my fvcking water container."
Umikot paitaas ang mga mata niya. "How unprofessional! Bakit hindi mo sinisigurong may dala kang tubig para sa mga ganitong sitwasyon?”
“May dala akong tubig para sa ganitong sitwasyon.” Cerlance's eyes slanted. “But I used that water to clean off your vomit. Unang araw pa lang ng biyahe ay binaboy mo na ang sasakyan ko, nakalimutan mo na?”
Muling umikot ang mga mata niya sa pamimilosopo nito. “Kasalanan ko bang nakalimutan mong mag-refill?”
“Sino ang makaaalala kung uminit na ang ulo ko at nasira na ang momentum ko?”
“But aren’t you a professional? Nasa industriya ka na mahigit walong taon, 'di ba?” she mocked back.
“I am a professional—but you are a formidable client who ruins not only my plan but also my control over everything!”
Hindi siya kaagad na nakasagot nang pabalyang ini-sara ni Cerlance ang trunk na ikina-pitlag niya. Mula roon ay inilabas nito ang isang puting galon na may lamang tubig. Pero ang tubig na nasa loob niyon ay kakapiranggot lang at wala pa nga yatang isang baso. Binitibit nito iyon nang muling humakbang pabalik sa harapan.
“Lend me a hand, will ya?” Cerlance asked as he passed by her.
“Why would I? The last time I checked, I was the client. You can’t order me around?” After you called me a formidable client, manghihingi ka ng tulong? Ano ka, hilo?
Si Cerlance ay inilapag muna sa gilid ng kalsada ang bitbit ng galon bago humarap sa kaniya at tinapunan siya ng blangkong tingin. Sunod ay tinanggal nito ang butones sa dulo ng sleeve ng suot nitong polo saka ni-rolyo ang manggas hanggang siko.
“Gusto mo bang iyan din ang isagot ko sa tuwing iningungudngod mo ang ulo mo sa toilet bowl at hindi na makakilos dahil sa kalasingan? O kung hindi man ay nawawala na sa sarili at gustong magpakamatay sa pagpapakalunod kung hindi man sa alak ay sa dagat? Do you want me to answer you ‘Why would I? The last time I checked, I was just a driver’. Is that what you want?”
“Well, hindi ba at sinabi mong sisiguraduhin mong hindi na ako makalalapit sa alak? Which means hindi na ako iinom, hindi na ako malalasing, at hindi ko na kakailanganin ang tulong mo," taas-kilay niyang sagot bago ibinaba ang tingin sa mga braso ni Cerlance na nakalitaw matapos nitong itaas hanggang siko ang mga manggas ng suot ng long sleeve.
At doon siya natigilan.
“Fine. Stay inside the car and don't come out until we've reached San Carlos.” Tumalikod ito at tinungo ang hood upang muling silipin ang lagay ng makina.
Nanatili siyang tulala.
May nakita siya sa mga braso nito na sandaling nagpatigil at nagpamangha sa kaniya.
She didn’t expect to see that. Not on him.
He looked too formal… too sharp to have tattoos.
Yes. Tattoos.
Cerlance Zodiac’s arms were filled with tattoos!
And s**t, bakit pakiramdam niya’y sinilaban siya bigla? Para siyang tuyong dahon na binuhusan ng kerosin at sinindihan nang makita ang mga tattoo na iyon.
Dinala niya ang kamay sa handle ng kotse upang sana’y buksan ang pinto sa panig niya nang maalala ang sinabi ni Cerlance. Sinabi nitong h’wag siyang bababa hanggang sa marating nila ang San Carlos City. Gusto niyang panindigan ang hindi niya pagbaba, pero gusto niyang lumapit kay Cerlance at matingnan nang maayos ang mga tattoo nito.
Because… she was fascinated.
Para siyang bata na nakakita ng laruan na nilalako ng mama sa kalye. At wala siyang gustong gawin sa mga sandaling iyon kung hindi sundan at titigan ang laruang iyon.
Alin ang susundin niya?
Ang sinabi ni Cerlance na h’wag siyang lalabas ng kotse o sundan ang laruang nakita niya?
Wait a minute… she thought. I’m not taking orders from him?!
Yeah, bakit niya susundin ang sinabi nito?
Sa naisip ay binuksan niya ang pinto ng kotse at bumaba. Inayos muna niya ang suot na sweatshirt bago humakbang patungo sa harapan ng kotse. Subalit naramdaman yata ni Cerlance ang pagbaba niya dahil bigla itong sumilip sa nakataas na hood na sandaling nagpahinto sa paghakbang niya.
“What the heck are you doing outside?” he asked, annoyed.
Itinaas niya ang mukha, kunwari’y nagtapang-tapangan. “You can’t order me around.”
“Kung gusto mo dito sa labas ay kailangan mong tumulong.”
“Wala akong alam sa pagmemekaniko, ano ang maitutulong ko sa’yo?” Itinuloy niya ang paghakbang palapit—gustong-guston na niyang makita ang mga tattoo sa magkabilang braso nito.
“Magtutulak ka.”
Bigla siyang nagpreno; nahinto sa paghakbang matapos ang huling narinig. “What?”
Si Cerlance ay inisara ang hood at pinunasan ang mga kamay na nadumihan ng grasa. Doon bumaba ang tingin niya, and boy oh boy... she just couldn't believe how his tattoos brought shivers down her spine!
“Hindi sapat ang tubig na mayroon ako para mabuhusan ang makina. I can't touch anything when the machine's burning. I need to refill my jar—”
“Then go ahead and refill it, bakit kailangan ko pang magtulak?” She was talking, but her eyes were laser-focused on his arms. Damn it, para siyang nakatitig sa magandang painting at ayaw nang lubayan ng tingin.
“Nasa gitna tayo ng kalsada, if you didn’t notice. Kailangang itabi ang sasakyan.”
“Eh ‘di… itabi mo.”
“I can’t do it by myself.”
Sandali niyang inalis ang tingin sa mga braso nito nang yumuko ito upang damputin ang water container sa gilid ng daan. Napa-ismid siya kunwari. “Pfft. Mahinang nilalang.”
“Easy for you to say,” sagot nito saka tuwid na tumayo. He gave her a bored look. “As you can see, I’m no superhuman. I can’t push this car by myself. Kaya kakailanganin ko ang tulong mo.”
Hindi siya kaagad na nakasagot nang humakbang ito palapit. Muling bumaba ang tingin niya sa braso nito, at nanatili lang siyang nakasunod ng tingin hanggang sa lampasan siya ni Cerlance. Tinungo nito ang likuran ng kotse saka ipinatong sa ibabaw ng trunk ang water container na dala.
“Sa unahan ay mayroong resort na pwede nating hingan ng tubig. We could also stay there for a while to rest up. Mamayang hapon pa ang biyahe ng ferry patungong Cebu, masyado pang maaga para pumunta sa port.” Yumuko ito at pumuwesto sa likuran ng kotse. Ikiniling nito ang ulo upang senyasan siyang lumapit. “Come here and help me push this monster.”
Gusto niyang magmatigas at sabihin ditong ayaw niyang tumulong, pero naisip niyang kung sabay nilang itutulak ang kotse ay makatatabi siya rito at makikita niya nang malapitan ang mga tattoo nito sa braso.
So, with that in mind, she walked towards him and positioned at the back of the car. Ini-tukod niya ang mga palad sa trunk at inihanda ang sarili sa pagtulak.
“Good girl,” Cerlance said, sneering.
Napakurap siya nang makita ang pag-angat ng sulok ng labi nito sa pagak na ngiti. Hindi niya alam pero may kung anong kiliti siyang naramdaman sa kaibuturan niya habang nakatitig sa mga labi nito sa mga sandaling iyon.
“Now, on the count of three, use all your strength to push the car forward, leading to the right side of the road.”
Nalipat ang tingin niya sa mga braso nitong nakapatong sa ibabaw ng trunk. Lihim siyang nagpakawala ng malalim na paghinga nang matitigan nang husto ang mga tintang naka-imprenta roon.
She realized those tattoos weren’t just anything. They were Polynesian type. Tribal tattoo art which was pretty popular in countries like Hawaii and Samoa.
“Let’s get to it, Shellany.” Puwesto si Cerlance, subalit siya’y nasa mga braso pa rin nito nakatitig. “One…”
Napalunok siya, tumatama ang sikat ng araw sa pinong mga balahibo nito sa braso na tila ng gintong buhok ng mais na nabasa ng ulan buong gabi. They were sparkling like gold under the heat of the sun, and she was mesmerized… again.
“Two…”
Kung tutuusin ay purong itim lang ang tintang nasa balat ni Cerlance, pero tila ba iyon isang magandang obra-maestra sa isang museum na hindi niya malubayan ng tingin. Hindi iyon ang unang beses na nakakita siya ng ganoong uri ng tattoo, pero iyon ang unang pagkakataon na natigalgal siya dahil sa kasama.
“Three. Push!” Kasabay ng pagsabi niyon ni Cerlance ay ang buong pwersa nitong pagtulak sa kotse dahilan upang maglabasan ang mga ugat nito sa braso.
At nang makita niya ang mga ugat na iyon ay malakas siyang napasinghap, kasunod ng panlalaki ng mga mata, at pag-usal niya ng,
“Susmaryosep, nanay ko po! Maugat!"
*
*
*